Monthly Archives: August 2012

kwentong sangkap ay pagmamahal na malaya

Standard

Wag mong pansinin ang title, minsan kung anu-ano lang yang mga pumapasok sa ulo ko.

Ang kwento ko talaga ay tungkol sa kung paano magmahal, magmahal ng alagang ibon ang mga kapatid ko, isama na lang natin ang buong pamilya. hehe!

Marami kaming alaga o naging alaga sa bahay. Aso, pusa, rabbit, manok, baboy, ibon, butiki at bubuwit. hahaha!

pero ang kwento ay tungkol lahat sa mga alagang ibon, saka na yong iba.

Si tatay ang mahilig sa hayop pero ang dahilan bakit kami maraming alagang ibon ay dahil kay bunso.

Nagugulat na lang kami isang araw na may dala-dala na syang sugatang ibon, minsan kakapanganak pa lang…hmmm! nanganganak ba ang ibon? basta yong bagong hatched. hehe! o kaya ibong hiningi nya sa kung sino-sino.

Medyo marami-marami na din ang mga dumaan sa pag-aalaga ng pamilya, enumerate ko na lang yong mga natatandaan ko pa.

1. Maya – madalas kaming magka-alaga nito mula sa mga nahuli sa palayan at hinihingi ni bunso pero maiksi lifespan nila na kapiling kami maximum of 3 months.

2. Goryon – ito yong mga maliliit na ibon na madalas nagliliparan sa loob ng simbahan. Once may ni-rescue si bunso mula sa mga batang naninirador sa loob ng simbahan, sugatan sa may pakpak, pinagtyagaan naming gamutin, gumaling naman pero after a month na magaling na sya nakita na lang naming nilalanggam na sya sa kulungan nya. Namatay sigoro sa lungkot ano?

3. Alimukon – local name yan, di ko alam anong tawag sa inyo pero ang kulay grayish na may halong blue at yellow. Si tatay naman ang nagrescue nito, tinirador din ng mga bata pero hindi yata nila mahanap saan nahulog kaya si tatay ang nakakita. Inilagaan ulit namin, may ready kaming bird cage dati kase rescuer nga yata ng mga ibon ang gagampanang role ni bunso. Pero nung time na hindi na kumain ang ibon, Nagpumilit si nanay na pakawalan yon, Ayon! kahit sad kami, tinalian namin ng pulang ribbon yong right leg saka pinalipad.

Start nun, ayaw na ni nanay na mag-alaga kami ng ibon. Sabi nya ayaw daw nya ng ibong nakakulong. kaya ‘di na kami nag-alaga, ‘di na kami nag-alaga ng ibong ikukulong. haha!

Nag-alaga ulit kami ng alimukon, mula ulit sa pagrescue ni bunso. Sya daw ang amo pero ang nagpapakain hanggang matuto itong lumipad ay yong pang-apat kung kapatid. Ito yong alaga namin na lahat kami tuwang-tuwa, malaya sya pero umuuwi tuwing alas-nueve, alas dose, alas-tres, at dapit-hapon. Papasok sa bahay namin at dadapo sa balikat o bisig nang kung sino ang nasa sala namin, nangungulit para pakainin. Sa gabi naman, natutulog din sya sa loob ng bahay, may para syang kulungan para hindi sya pagtripan ng mga alaga naming pusa.

ang bahay namin naging tambayan ng mga kapitbahay na bata. Hindi kase takot sa tao, nagpapahawak kahit kanino basta nasa loob ng bahay, pero pag nasa labas sya, dadapo lang yon if tatawagin ng isa sa mga kapatid ko, may specific whistle na pantawag sa kanya at hindi ako marunong. Hehe!

Pero dumating yong time na hindi na sya umuwi, sabi ko baka nakahanap na nang love of her life, wag naman sana syang nalitson ng ibang tao.

4. Tamse – maliit rin na ibon, ito yong gumawa ng pugad sa gilid ng bahay namin. Tuwing nangingitlog, binabantayan namin ang progress hanggang sa paglipad nung mga sisiw.

5. Kalapati – ito ang latest naming alaga, nagstart lang sa isa at dinagdagan namin ng dalawa at ngayon umabot na sila tatlumpo’t apat. Hindi kasama dyan yong mga itlog ngayon ha.

Natutuwa kami sa kanila kahit pa nagiging dahilan sila ng identity crisis ng ilan naming Basilan chicken. Hehe!

Noong una kase, dahil sabi ni tatay na nalulungkot ang batang kalapati, inihalo namin sya sa mga sisiw ng manok, kaso ang kulit ni kalapati, nung matuto na syang lumipad, aba’y parang tinuturuan din nya yatang lumipad ang mga feeling kapatid nyang manok. Dahil nga malulusog talaga ang basilan chicken, tuwing mag aattempt silang lumipad diretso silang bagsak. Buti nga walang napilayan dun. Hahaha!

May isa pa kaming adik din na kalapati, nag asta syang running coach sa isang dosenang Basilan Chicken. Dahil pasaway din minsan itong si tatay, may isa na naman syang hinalo na bagong kalapati sa mga bagong sisiw din na manok. Dahil nga sa umaga, after kumain, pinapakawalan namin sila sa bakuran, Yong kalapati ang unang-unang lalabas tapos pupwesto sa sanga ng Cacao, hihintayin ang lahat na makalabas tapos pag lipad nya, ‘yong isang dosenang manok maghahabulan na parang meron silang marathon, paikot sa bahay namin, kumpol talaga silang tumakbo (i-imagine mo yong mga manok na itsurang dressed chicken, yong may balahibo ng kunti pero mga dalawang kilo bawat isa). Tapos ang finish line.sa may saging na malapit lang din sa kulungan nila at kumakain sila nang saging na di nabuo mula sa natirang puso nang saging. Weird! pero ganun sila. At sya nga pala, si kalapati, hinihintay nya na dumating lahat ng manok mula sa karera bago sya lumipad at gumala. Hahaha!

Sana pala puro kwento nang kalapati sinulat ko, ang dami pa nilang kawirduhan pero dahil mahaba na, tama na to. hehehe!

Next namin yong mga naging aso namin. Lukring din mga yon tulad ng mga amo. Hahaha!

Advertisements

Tanong?

Standard

Noong akala mo na pinagtaksilan ka nang tadhana.
Sa panahong pasan mo ang mundo,
Sa pag-ibig na walang katugon,
Sa ‘di mahagilap na mga kaibigan
At sa katahimikan ng dasal mo.

Hinanap mo ang liwanag, kunting ilaw para gumalaw.

Noong inakala mong wala kang kakampi,
Sa kawalan ng pader na masasandalan,
Sa bisig na hindi makapitan,
Sa pusong hindi matahimik,
Sa mga naanod na pangarap
At sa boses na ‘di marinig.

Hinagilap mo ang katahimikan, kinapa ang kapayapaan.

Pero paano kung ang luhang iniiwasan ang tanging daan sa paghilom?
Na ang pagsalo sa patak ng ulan ang pangontra sa lamig.
Na ang sakit pala ang dahilan bakit ka nagmamahal.
Na ang hakbang sa kasiyahan ay ang paghintay sa tamang panahon,
Na ang sagot pala sa kahungkagan ay pagbibigay ng walang kapalit
At ang pagdurusa ay isang paalala upang tayo ay maging masaya.

Ngayon, nasaan ka na?

################################################

Wag mong isipin na malungkot ako kaya ume-emo na naman post ko. Hahaha! Ganito lang sigoro ako pag tumitipa. Kanya-kanya naman tayo ng trip. Isang parte ko sigoro talaga ang magpakatalinghaga kahit ‘di sinasadya.

Marka

Standard

I always had this fascination on tattoo. Kaso nga lang mas malakas pa rin ang hatak ng paniniwala ko na someday pwede akong mag donate ng dugo sa kapamilya man o kahit sinong nangangailangan. Sa ngayon kase hindi pwede ang weight ko. Hehe! Maliit ako, hindi ako umabot ng 95 lbs.

Bukod sa rason sa taas, ayoko ring may permanenteng figure na nakadrowing sa balat ko, markahan mo na lang puso ko, wag lang ibang parte ng katawan ko. Bwahaha! Abot tenga ngisi ko sa sinabi ko.

Balik sa tattoo, dahil ayaw ko nga ng permanente, para masatisfy ako, henna tattoo!

Maarte ako, dahil ayaw ko na iba ang naglalagay, tuwing may time lang kuya ko at syempre pa if nagkataong magkikita kami. Saka walang bayad. Hehehe! Sya kase ang totoong artist sa pamilya, ako naman felingera lang, malakas lang loob ko at umaapaw ang guts kaya nakakapagpinta. Lol!

Kaya ito na, my henna tattoo:

image

Ganito talaga ang buhay, malabo!

Standard

Hindi maipagkakamaling napaka-kumplikado ng mundo. Na may mga bagay na malinaw na pero hinahanapan pa rin ng paliwanag at may malabong hinahayaang maging kumplikado, walang sagot dahil ayaw magtanong.

Minsan para lang tayong sponge, ina-absorb lahat ng likidong bumubuhos, hindi ini-inda ang bigat, sige lang ng sige, tango kahit malabo, madalas sasabihin saka na pag kaya ko nang ibalanse ang lahat, saka na pag napiga ko na ang bigat.

Pinaniwala mo ang sarili na ikaw lang ang may alam, na ikaw lang ang higit na nakaka-alam at mas kilala mo ang sarili. Marahil malinaw sa iba, kabaliktaran naman ang nasa loob.

Malabo kase bumibitaw ka kahit wala namang pisi, naikulong ka pero wala namang rehas. Nagtatago ka pero wala namang naghahanap. Ikinulong na naman ang mundo sa gitna ng ilusyon at imahinasyon.

Nag-aabang ng sagot pero wala namang tanong. Pilit maintindihan ang mga pangyayari na hindi naman ginusto. Sino ba ang aako ng sakit sa normal na pulso?

Syempre adik lang at may saltik ang mag-iisip ng ganito. Pero alam ko na alam mo at masyado ka lang mabait para supalpalin ako. Kaya go na ako para magtago. Hayaan na, hindi naman ako naninira ng buhay, pinalaya ko lang sarili ko at mabait din daw ako sabi ng nanay ko kaya isipin mo lahat ng gusto mong isipin eskapo na ako. Bahala ka na sa buhay mo. Hahaha!

Ganito lang talaga ang buhay malabo, kasing labo ng isip ko.