Ganito talaga ang buhay, malabo!

Standard

Hindi maipagkakamaling napaka-kumplikado ng mundo. Na may mga bagay na malinaw na pero hinahanapan pa rin ng paliwanag at may malabong hinahayaang maging kumplikado, walang sagot dahil ayaw magtanong.

Minsan para lang tayong sponge, ina-absorb lahat ng likidong bumubuhos, hindi ini-inda ang bigat, sige lang ng sige, tango kahit malabo, madalas sasabihin saka na pag kaya ko nang ibalanse ang lahat, saka na pag napiga ko na ang bigat.

Pinaniwala mo ang sarili na ikaw lang ang may alam, na ikaw lang ang higit na nakaka-alam at mas kilala mo ang sarili. Marahil malinaw sa iba, kabaliktaran naman ang nasa loob.

Malabo kase bumibitaw ka kahit wala namang pisi, naikulong ka pero wala namang rehas. Nagtatago ka pero wala namang naghahanap. Ikinulong na naman ang mundo sa gitna ng ilusyon at imahinasyon.

Nag-aabang ng sagot pero wala namang tanong. Pilit maintindihan ang mga pangyayari na hindi naman ginusto. Sino ba ang aako ng sakit sa normal na pulso?

Syempre adik lang at may saltik ang mag-iisip ng ganito. Pero alam ko na alam mo at masyado ka lang mabait para supalpalin ako. Kaya go na ako para magtago. Hayaan na, hindi naman ako naninira ng buhay, pinalaya ko lang sarili ko at mabait din daw ako sabi ng nanay ko kaya isipin mo lahat ng gusto mong isipin eskapo na ako. Bahala ka na sa buhay mo. Hahaha!

Ganito lang talaga ang buhay malabo, kasing labo ng isip ko.

Advertisements

19 responses »

  1. “Malabo kase bumibitaw ka kahit wala namang pisi, naikulong ka pero wala namang rehas. Nagtatago ka pero wala namang naghahanap. Ikinulong na naman ang mundo sa gitna ng ilusyon at imahinasyon.”

    – Asan ang adik? ayun! hintuturo nakaturo sa iba pero ang middle finger, ring finger at ang pinky ay nakaturo pabalik, pambihira…

    Hi Ani… hugggssss

  2. gusto ko yung pagkakasulat, yung contrast, mapapaisip ka nga… ayoko na kalkalin kung ano yung pinaghuhugutan, text mo na lang pag gusto mo na i-share ๐Ÿ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s