Tanong?

Standard

Noong akala mo na pinagtaksilan ka nang tadhana.
Sa panahong pasan mo ang mundo,
Sa pag-ibig na walang katugon,
Sa ‘di mahagilap na mga kaibigan
At sa katahimikan ng dasal mo.

Hinanap mo ang liwanag, kunting ilaw para gumalaw.

Noong inakala mong wala kang kakampi,
Sa kawalan ng pader na masasandalan,
Sa bisig na hindi makapitan,
Sa pusong hindi matahimik,
Sa mga naanod na pangarap
At sa boses na ‘di marinig.

Hinagilap mo ang katahimikan, kinapa ang kapayapaan.

Pero paano kung ang luhang iniiwasan ang tanging daan sa paghilom?
Na ang pagsalo sa patak ng ulan ang pangontra sa lamig.
Na ang sakit pala ang dahilan bakit ka nagmamahal.
Na ang hakbang sa kasiyahan ay ang paghintay sa tamang panahon,
Na ang sagot pala sa kahungkagan ay pagbibigay ng walang kapalit
At ang pagdurusa ay isang paalala upang tayo ay maging masaya.

Ngayon, nasaan ka na?

################################################

Wag mong isipin na malungkot ako kaya ume-emo na naman post ko. Hahaha! Ganito lang sigoro ako pag tumitipa. Kanya-kanya naman tayo ng trip. Isang parte ko sigoro talaga ang magpakatalinghaga kahit ‘di sinasadya.

Advertisements

2 responses »

  1. ang ganda naman nito… 🙂 ayon nga, may mga sakit at pait na kailangan yatang maranasan para makaigkas at makalayo sa tanikala ng mga kasalukuyang sitwasyon – may mga pag-ibig na tumatalikod, may mga kailangang iwanan at may mga pagkakaibigang naiwawaglit o pinipiling isantabi, kung minsan… kung napakarami ng pagsubok ay nakakapanlumo pero kung iigib ng lakas at tapang sa sariling minsan ay waring nasaid na, naandoon ang susi sa paglaya, paglayo at pagbabagong-anyo. bagong ngiti, bagong pag-asam… wala pa ring katiyakan, maliban sa resolusyong sana’y maiwasan at mabawasan ang sakit at makapag-pundar ng bago. makagulong pa rin, makagaod… hello, ani 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s