kwentong sangkap ay pagmamahal na malaya

Standard

Wag mong pansinin ang title, minsan kung anu-ano lang yang mga pumapasok sa ulo ko.

Ang kwento ko talaga ay tungkol sa kung paano magmahal, magmahal ng alagang ibon ang mga kapatid ko, isama na lang natin ang buong pamilya. hehe!

Marami kaming alaga o naging alaga sa bahay. Aso, pusa, rabbit, manok, baboy, ibon, butiki at bubuwit. hahaha!

pero ang kwento ay tungkol lahat sa mga alagang ibon, saka na yong iba.

Si tatay ang mahilig sa hayop pero ang dahilan bakit kami maraming alagang ibon ay dahil kay bunso.

Nagugulat na lang kami isang araw na may dala-dala na syang sugatang ibon, minsan kakapanganak pa lang…hmmm! nanganganak ba ang ibon? basta yong bagong hatched. hehe! o kaya ibong hiningi nya sa kung sino-sino.

Medyo marami-marami na din ang mga dumaan sa pag-aalaga ng pamilya, enumerate ko na lang yong mga natatandaan ko pa.

1. Maya – madalas kaming magka-alaga nito mula sa mga nahuli sa palayan at hinihingi ni bunso pero maiksi lifespan nila na kapiling kami maximum of 3 months.

2. Goryon – ito yong mga maliliit na ibon na madalas nagliliparan sa loob ng simbahan. Once may ni-rescue si bunso mula sa mga batang naninirador sa loob ng simbahan, sugatan sa may pakpak, pinagtyagaan naming gamutin, gumaling naman pero after a month na magaling na sya nakita na lang naming nilalanggam na sya sa kulungan nya. Namatay sigoro sa lungkot ano?

3. Alimukon – local name yan, di ko alam anong tawag sa inyo pero ang kulay grayish na may halong blue at yellow. Si tatay naman ang nagrescue nito, tinirador din ng mga bata pero hindi yata nila mahanap saan nahulog kaya si tatay ang nakakita. Inilagaan ulit namin, may ready kaming bird cage dati kase rescuer nga yata ng mga ibon ang gagampanang role ni bunso. Pero nung time na hindi na kumain ang ibon, Nagpumilit si nanay na pakawalan yon, Ayon! kahit sad kami, tinalian namin ng pulang ribbon yong right leg saka pinalipad.

Start nun, ayaw na ni nanay na mag-alaga kami ng ibon. Sabi nya ayaw daw nya ng ibong nakakulong. kaya ‘di na kami nag-alaga, ‘di na kami nag-alaga ng ibong ikukulong. haha!

Nag-alaga ulit kami ng alimukon, mula ulit sa pagrescue ni bunso. Sya daw ang amo pero ang nagpapakain hanggang matuto itong lumipad ay yong pang-apat kung kapatid. Ito yong alaga namin na lahat kami tuwang-tuwa, malaya sya pero umuuwi tuwing alas-nueve, alas dose, alas-tres, at dapit-hapon. Papasok sa bahay namin at dadapo sa balikat o bisig nang kung sino ang nasa sala namin, nangungulit para pakainin. Sa gabi naman, natutulog din sya sa loob ng bahay, may para syang kulungan para hindi sya pagtripan ng mga alaga naming pusa.

ang bahay namin naging tambayan ng mga kapitbahay na bata. Hindi kase takot sa tao, nagpapahawak kahit kanino basta nasa loob ng bahay, pero pag nasa labas sya, dadapo lang yon if tatawagin ng isa sa mga kapatid ko, may specific whistle na pantawag sa kanya at hindi ako marunong. Hehe!

Pero dumating yong time na hindi na sya umuwi, sabi ko baka nakahanap na nang love of her life, wag naman sana syang nalitson ng ibang tao.

4. Tamse – maliit rin na ibon, ito yong gumawa ng pugad sa gilid ng bahay namin. Tuwing nangingitlog, binabantayan namin ang progress hanggang sa paglipad nung mga sisiw.

5. Kalapati – ito ang latest naming alaga, nagstart lang sa isa at dinagdagan namin ng dalawa at ngayon umabot na sila tatlumpo’t apat. Hindi kasama dyan yong mga itlog ngayon ha.

Natutuwa kami sa kanila kahit pa nagiging dahilan sila ng identity crisis ng ilan naming Basilan chicken. Hehe!

Noong una kase, dahil sabi ni tatay na nalulungkot ang batang kalapati, inihalo namin sya sa mga sisiw ng manok, kaso ang kulit ni kalapati, nung matuto na syang lumipad, aba’y parang tinuturuan din nya yatang lumipad ang mga feeling kapatid nyang manok. Dahil nga malulusog talaga ang basilan chicken, tuwing mag aattempt silang lumipad diretso silang bagsak. Buti nga walang napilayan dun. Hahaha!

May isa pa kaming adik din na kalapati, nag asta syang running coach sa isang dosenang Basilan Chicken. Dahil pasaway din minsan itong si tatay, may isa na naman syang hinalo na bagong kalapati sa mga bagong sisiw din na manok. Dahil nga sa umaga, after kumain, pinapakawalan namin sila sa bakuran, Yong kalapati ang unang-unang lalabas tapos pupwesto sa sanga ng Cacao, hihintayin ang lahat na makalabas tapos pag lipad nya, ‘yong isang dosenang manok maghahabulan na parang meron silang marathon, paikot sa bahay namin, kumpol talaga silang tumakbo (i-imagine mo yong mga manok na itsurang dressed chicken, yong may balahibo ng kunti pero mga dalawang kilo bawat isa). Tapos ang finish line.sa may saging na malapit lang din sa kulungan nila at kumakain sila nang saging na di nabuo mula sa natirang puso nang saging. Weird! pero ganun sila. At sya nga pala, si kalapati, hinihintay nya na dumating lahat ng manok mula sa karera bago sya lumipad at gumala. Hahaha!

Sana pala puro kwento nang kalapati sinulat ko, ang dami pa nilang kawirduhan pero dahil mahaba na, tama na to. hehehe!

Next namin yong mga naging aso namin. Lukring din mga yon tulad ng mga amo. Hahaha!

Advertisements

6 responses »

  1. nakakatuwa yung alimukon nyo. haha! wala kang picture nun?

    dati nag-alaga din ako ng mga love birds. napadami din namin pero kailangan ng ihinto kasi walang mag-aasikaso.

    naalala ko, may napulot ding batang maya sa likod ng bahay namin sa probinsiya tapos binigay sa bumisitang pinsan from canada. aba! siya ang nagpaamo sa ibon. akala ng ibon, siya ang nanay. kagaya din ng alimukon niyo. nakakalipad din pero dumadapo pa rin sa “mama” niya. nakakatuwa.

  2. Hindi ko naranasang mag-alaga ng ibon.. Hamster oo, alaga ng pinsan at bro ko. Kaya lang ayaw sa daga ni madir kaya pinamigay…
    Abangan ko kwento ng aso nyo… ^_^
    (naalala ko ang alaga nming aso.. Maarte… Hihi
    Pero marunong magbukas ng pinto ng bahay at gate. At magaling magHIGH jump ๐Ÿ˜‰ tumatalon sa bakod para tumakas)

  3. ikaw na ang bird whisperer.. ehehehehehe.. nakapag alaga lang ako dati yung mga napapanalunan sa pabunot.. yung kinukulayang sisiw… hindi rin kasi mahilig sa hayop ang mga magulang ko kaya bibihira kaming magkahayop.. ahh nag-alaga pala kami ng aso dati… tapos nung tumanda na yung mga magulang ko, nagpapakain sila ng mga stray cats.. eh marami palang tropa yun, kaya nagtatawag pa ng iba.. wala akong nakitang daga nung mga panahon na may pusa sa amin dati…

  4. Kakaaliw hihihi! Hay… sana makapag-alaga din ng mga ibon ๐Ÿ™‚ Gusto ko Adarna… ๐Ÿ™‚

    Maarteng aso lang kasi ang alaga namin ngayon… Hmp! Maarte as in, pag mali ang pakain, problema na… Minsan, nabigyan ng gatas (naaliw kasi ang batang nakikipaglaro, ayun ginawang beybi, pinainom ng gatas)… Pambihira! Nagpururot! Takbo kami sa vet kasi nanghina na, kawawa, grabe… Ganun pala yun, di ko matingnan habang nilalagyan ng swero… at ang masakit pa… 2500 a day ang confinement ni aw aw (kasama ang gamot)! Kalokah!

    Pero napakalambing naman in fairness… Sabi ko nga, kung may isang nilalang na nasasabik na makita kami sa aming pag-uwi araw-araw… si Doggie iyon!

    ay mali ata comment ko? Dapat pala antayin ko yung post sa Doggy hihihi…. sorry mabilis ako mag press ng “post comment” ๐Ÿ™‚

  5. natutuwa ako sa kwentong ibon mo…. sayang walang kasaling eagle ๐Ÿ˜ฆ

    naalala ko ang ang uncle ko nuon… trabaho nya kasi mag benta ng mga eagle at lawin sa manila na binibili nila sa mga nanghuhuli sa mga gubat ng quezon at mindoro.

    illegal syempre.. madalas sya nahuhuli at kumpiskado mga big birds. pasaway sya eh pero malaki na sya alam na nya ginagawa nya hehehe.

    pag napupunta sya sa amin kami inuutusan magpakain ng isda. minsan muntik ng daliri mo matuka. sa laki ng tuka nila sigurado putol daliri.

    minsan naman sa mga pyestahan nagbebenta naman sya ng mga ibong maya yun malilit na klase at binubuhusan ng food color para mag ibang kulay yun mga ibon.

    meron din yung kulay black na natuturuan magsalita… ibong martines tawag namin.

    at marami pang klase ng ibon na kanyang binibili at binebenta kung saan saan.

    matagal na namayapa si uncle… isinama ng ng mga free flying bird spirits.

    hayyyy.. kwentong ibon nga naman ๐Ÿ™‚

    • Hala! Kung nakilala ko uncle mo, isusuplong ko din sya. Haha!

      Promoter ako ng RA 9147 (wildlife conservation and protection act).

      ang dami nyo po palang kilalang ibon. Haha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s