Monthly Archives: September 2012

pag-ibig na wagas, napilitang lumagas (a one sided story)

Standard

PAUNAWA: KUNG AYAW MO NANG KA-EMOHAN PLEASE LANG ‘WAG MO NANG BASAHIN.

ANG NILALAMAN AY NANGANGAILANGAN NANG PATNUBAY SA SARILI PARA ‘WAG SABUNUTAN ANG NAGSULAT.

Ito ay kwento tungkol sa isang one-sided na pag-ibig at pakikipagsapalaran na abutin ang impossibe. Syempre title pa lang alam nyo na ang ending. Hindi happily ever after ang drama kundi luhaan at nag-iisa.

Ang totoo, hindi talaga to kwento isa lang itong paghimay sa sitwasyon ng one sided love na sa una inakala mong maging isang wagas na pag-ibig tapos dahan-dahan lilinaw na wala palang aasahan pero sumige parin, naniniwala pa kase sa kasabihan na ‘If you give love, give it wholeheartedly” walang hinihinging kapalit, magmahal ka lang masaya na. Martir to the max at kunti na lang pwede nang ipabaril sa luneta.

IDEALISTIC dahil naniniwala pa sa fairytale, Sinong aayaw sa prinsipe? Sinong aayaw managinip ng gising na someday makikilala mo ang one true love. Malay mo ba naman na marami palang fake na dadaan at paano mo naman kaya malalaman kung sya na ba? INSTINCT? naku! minsan palpak din yan. Hahanap ka nang prinsipe pero hindi ka naman prinsesa, wala! kahit si cinderella may dugong bughaw, tayong mga pula at ordinaryo ang dugo, waley! Ang bitter lang nito ano?

Ang mga taong nakaranas nito, ni sa panaginip hindi nila pinangarap. Walang gustong umasa at masaktan sa huli. Walang may gusto na pagkatapos mahulog ang loob mo, pagkatapos mabigyan nang bagong kulay ang ‘yong mundo saka mo lang malalaman na wala lang pala yon sa kanya. Na naging parte ka lang nang paglalakbay nya. Masakit yon diba? mahirap tanggapin at mas lalong mahirap harapin ang sarili sa salamin.

Ang sarap manisi, bakit pa kase sya nakilala, bakit pa sya mabait. Aba! malay din nya. Hindi kaya assuming lang tayo, yong mga gestures na ordinaryo sa kanya binibigyan ng malisya. D’yan nagkakaproblema. Paano pala kung talagang malambing lang sya, at yong mga ginagawa nya sayo ay kapareho lang din ng treatment nya sa iba. Ayon! Ang sakit sa bangs, kasama na pride at laman ng bituka mo. Hindi pala kayo pareho ng signal na nasagap. Ang kanya smart at ikaw globe, mahal tuloy ang text, i mean mahal ang naging kapalit. Nawasak ang tiwala mo sa sarili.

Minsan darating sa puntong haharap sa salamin, iisahin-isahin anong meron at wala ka, minsan mag seself-pity, ano ba kase ang gusto nya na wala sayo? Ang daming tanong, minsan naghahalo na at mahihilo ka na lang.

Mahirap talaga, sabihin mang ayaw mong mag assume, ayaw mong umasa pero kaipokritahan na hindi mo maramdaman na gusto mo rin na maging kayo. Kaso hanggang friend ka lang. Sabi nga ni Ramon Bautista, na-“friendzone ka!” If gustong maging abangers, abang at your own risk.

Minsan kinukumbinsi mo na rin sarili mo na simpleng paghanga lang yon. Magkaibigan kayo, yon ang claim mo sa lahat, totoo naman kase talaga na yon ang status nyo. ‘Yon nga lang mapilit pa rin talaga ang damdamin mo. Parang tubig na naghahanap ng butas para dumaloy. Wala naman kase talaga tayong magawa pag puso na ang nakaramdam. Ayon! Nahulog, nadapa at nasugatan nang hindi man lang nya alam. Kawawang nilalang.

Kung darating na ang point na alam na nya, at dahan-dahan nyang pinaparamdam ang paglayo, dumistansya na. Hayaan na sya. Wala kang choice, hindi pwedeng ipilit ang hindi. Hindi pamamalimos ang pag-ibig. Masakit man, remember pain is temporary. Mawawala din yan, maglalaho na parang bula hindi nga lang alam kung kelan maghihilom ang sugatan mong puso.

Mapaglaro minsan ang tadhana kung kelan hindi mo inaasahan saka naman guguluhin ang mundo mo, kung kelan unguarded ka saka aatake, mas malalim nga naman ang baon, at sigoradong may souvenir na pilat. Walang may gusto na umiyak, walang gustong umamin ng kahinaan, walang gusto na matalo pero ayaw man natin kasama to sa pagdadaanan para gumulong ang buhay na meron tayo.

Buo

Standard

Re-post lang po: Naisulat ito 2 years ago at natuwa lang akong -share ulit. 🙂

Siamea

Kung may ibabahagi tayong parte sa ibang tao, di nating pwedeng ibigay ang bagay kung saan meron tayong kakulangan, kadalasan yon lang ding bagay na meron ka, di natin kayang ibigay ang natitirang parte na kinulang kasi paano ka pa?..pero may mga pagkakataong sabihin mang wala kang maibigay pero meron pa pala, akala mo said na ngunit may isang patak pang natira.

Minsan akala natin di tayo marunong magparaya, di natin pwedeng bitiwan ang isang bagay kasi ikakamatay mo, mawawalan ng kulay ang mundo, mawawala ang kunting liwanag na nagpapagalaw sayo.

Akala ko ganun, akala ko walang maganda sa dilim, may mga bagay na di kelangan ng mata, di kelangan ng liwanag para makita… kusang bubuo yon sa pagkatao mo, sasanib sa kaluluwang akala mo wala ng silbi. Sa dilim ang pag-iisa ay nakakatakot, nakakapangilabot kung iisipin, pero parte ng buhay na kelangang dumaan sa kadiliman, parte nito ang pag-iisa…

View original post 92 more words

Museo at Pader

Standard

I am Forester by profession, sa tagalog isang manggugubat. Dati pa nakukwento ko na ang interes namin sa mga puno ay madalas naging dahilan ng mga wirdong tingin ng ibang tao. Hehe! Mangugubat nga kase kaya interesadong sa amoy at minsan sa lasa ng dahon. Pero ngayon hindi ko inakalang ilong ko na dudugo dahil sa mga Scientific names at procedures sa pagkilala ng mga species. Ang haba ng intro ko, ang kwento lang naman ay pumunta ako ng National Museum bow!

May kaibigan kase akong Taxonomist at sya ang aking tour guide pero dahil magkaibigan nga kami kung saan-saan ako dinadala at kung anu-ano ang pinapakita tungkol sa work nya at in-fairness may nadiscover syang new fern species. Pero dahil nahiya naman ako dahil inasikaso nga ako, pinipilit ko na lang intindihin at i-absorb yong mga sinasabi nya pero diyos ko, hilong-hilo ako pagkatapos. Ahaha! Hindi ako nagrereklamo ha, nagsasabi lang ako ng totoo. Pero maganda pala ang National Museum, nag exceed sa expectation ko ang nakita at natutunan ko.

Syempre kelangang sulitin ang time, Intramuros naman.

Mahabang lakaran sa wall at maulan pa. Haha! Buti na lang may payong na dala si Tour guide, magkaiba ang tour guide ko sa National Museum at Intramuros, buti hindi ako siningil. Bwahaha!

Si Tour guide no. 2, ilang beses ko na ring nakasama sa pamamasyal at dahil kuta nya to, Wala syang choice kundi samahan ako. Masarap palang tumambay sa walls,  lugar para mag-isip wag lang pag maulan. Nalublob shoes ko sa tubigan kaya instant nagka-tsinelas ako. Haha! Kung alam ko lang na ganun ang panahon nag rubber shoes ako.

Nakapasok din ng St. Augustine Church ang hindi ko lang ma-gets ay yong mga DOM na nakalagay sa floor, yong mga lapida. Sigoro Latin yong ng RIP no?

Tuwing first time akong pumapasok sa isang Church, ina-allow ko self ko na humiling. Ewan! Pero ganun ako, madalas iniisip ko na matutupad yong wish ko pag ginawa ko yon sa simbahan. Hindi ko sinabi sa kasama ko na ang dahilan bakit gusto kong pumasok sa church ay para mag wish, baka batukan kase ako, dinaldal ko lang kase sya ng sobra. Hahaha!

May isa pa kaming nakasama sa dinner, thank you sa time.

Natapos naman ang araw ko na masaya at pagod, naranasan ko na  traffic ng manila at alas onse na nakauwi. Haha!

Sa mga nakasama nung araw na yon maraming salamat sa effort at pasensya sa kakulitan, kadaldalan at kaguluhan ng utak ko. Haha! Thank you talaga.

Anong plano mo?

Standard

Anong plano mo ngayon?

Sigoradong sagot ko, ewan at ‘di ko pa alam. Matagal ko nang itinigil na pag planuhan ang bawat galaw ko at pangarapin na matupad ang mga to.

Hindi sa nawawalan na ko ng pag-asa, natutunan ko lang na sapat na sakin na maaninag ang hinahakbangan ko at i-enjoy ang nilalakaran ko. Ang tiwalang meron ako ay yong tiwala na saan man ako makarating may rason bakit doon dinala ang mga paa ko.

Pag pumalpak e di tanggapin, pag nabigo pwedeng umiyak basta ang alam ko pagkatapos ng luha may darating na solusyon.

Itinigil ko na magplano dahil naranasan ko na ang mga plano ay di natutupad ayon sa gusto. Maraming pagbabago at maraming pwedeng magbago, sa sarili mo at sa ibang tao.

Sa ngayon, wala talaga akong plano pero hindi ibig sabihin nun na titigil ako, hahakbang at hahakbang ako hindi lang para sa iba kundi mismong para sa sarili ko.

Gusto ko lang mag thank you sa mga nakasama ko last week, alam nyo na sino kayo, maraming salamat sa oras at pakikipag-usap. Sa uulitin sana andito pa ako. 🙂