Museo at Pader

Standard

I am Forester by profession, sa tagalog isang manggugubat. Dati pa nakukwento ko na ang interes namin sa mga puno ay madalas naging dahilan ng mga wirdong tingin ng ibang tao. Hehe! Mangugubat nga kase kaya interesadong sa amoy at minsan sa lasa ng dahon. Pero ngayon hindi ko inakalang ilong ko na dudugo dahil sa mga Scientific names at procedures sa pagkilala ng mga species. Ang haba ng intro ko, ang kwento lang naman ay pumunta ako ng National Museum bow!

May kaibigan kase akong Taxonomist at sya ang aking tour guide pero dahil magkaibigan nga kami kung saan-saan ako dinadala at kung anu-ano ang pinapakita tungkol sa work nya at in-fairness may nadiscover syang new fern species. Pero dahil nahiya naman ako dahil inasikaso nga ako, pinipilit ko na lang intindihin at i-absorb yong mga sinasabi nya pero diyos ko, hilong-hilo ako pagkatapos. Ahaha! Hindi ako nagrereklamo ha, nagsasabi lang ako ng totoo. Pero maganda pala ang National Museum, nag exceed sa expectation ko ang nakita at natutunan ko.

Syempre kelangang sulitin ang time, Intramuros naman.

Mahabang lakaran sa wall at maulan pa. Haha! Buti na lang may payong na dala si Tour guide, magkaiba ang tour guide ko sa National Museum at Intramuros, buti hindi ako siningil. Bwahaha!

Si Tour guide no. 2, ilang beses ko na ring nakasama sa pamamasyal at dahil kuta nya to, Wala syang choice kundi samahan ako. Masarap palang tumambay sa walls,Β  lugar para mag-isip wag lang pag maulan. Nalublob shoes ko sa tubigan kaya instant nagka-tsinelas ako. Haha! Kung alam ko lang na ganun ang panahon nag rubber shoes ako.

Nakapasok din ng St. Augustine Church ang hindi ko lang ma-gets ay yong mga DOM na nakalagay sa floor, yong mga lapida. Sigoro Latin yong ng RIP no?

Tuwing first time akong pumapasok sa isang Church, ina-allow ko self ko na humiling. Ewan! Pero ganun ako, madalas iniisip ko na matutupad yong wish ko pag ginawa ko yon sa simbahan. Hindi ko sinabi sa kasama ko na ang dahilan bakit gusto kong pumasok sa church ay para mag wish, baka batukan kase ako, dinaldal ko lang kase sya ng sobra. Hahaha!

May isa pa kaming nakasama sa dinner, thank you sa time.

Natapos naman ang araw ko na masaya at pagod, naranasan ko naΒ  traffic ng manila at alas onse na nakauwi. Haha!

Sa mga nakasama nung araw na yon maraming salamat sa effort at pasensya sa kakulitan, kadaldalan at kaguluhan ng utak ko. Haha! Thank you talaga.

Advertisements

13 responses »

    • Oo maganda sya, dinudugo nga lang ilong ko sa kasama ko. tinitest nya kase ako pag nasa natural science section na. Ako naman dahil nakakahiya na sinamahan ako, napilitang i-remember mga napag-aralan. haha

      Masarap tumambay sa wall, muni-muni at isip-isip.

      πŸ™‚

    • Haha! para nga akong napagalitan na bata nung sinabi mong hindi pa ako nagdasal. haha!

      may iba-ibang way naman kase ang tao paano tayo makipag-usap sa kanya diba? nasabi ko rin yata na natupad yong isa kong prayer/wish. Salamat ulit sa pagsama.

      πŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s