Monthly Archives: October 2012

Huling Hiling

Standard

“akin na mga kamay mo” sabi ko.

“Bakit?” tanong nya na abot hanggang mata ang question mark.

Sabi ko lng ulit “akin na, pwede kang mag wish” sabay ngiti.

Tapos nagdemonstrate  ako sa dapat na posisyon ng kamay nya. Nakadaop ito na parang magdadasal pero pahiga ang posisyon.

Sinunod naman nya, ikinulong ko ito sa mga palad ko saka sinabing  “pikit ka and make a wish, tatlo”.

That was three years ago. Hindi ko na inulit na magpawish ulit mula nun.

Natupad kaya mga hiling nya?

Advertisements

Kilala kita

Standard

Last night, first time kong ma-meet in person ang boyfriend nang kaibigan ko. Ang weird lang bago ko pa sya nakita tinanong na birthday ko, akala ko ikukumpara nya edad ko sa gf nya pero hindi sabi nya lang weird daw ako at complicated pero explained nya daw when we meet . So nung magkita na sabi nya  “you have a very powerful energy inside you, your personality is so strong”. Ang sabi ko, akala ko ba weird at complicated ako? Sabi nya, complicated because your energy tend to be scattered if you were confused. Your weakness is the doubt when in fact you know that you can do it. You are an artist by nature and have a gifted hand.

Napatango naman daw ako kase yong sinasabi nya ay ako nga. Napatawa nga lang ako nung sinabi nyang gifted daw kamay ko, syempre sabi ko, nagpipinta ako pero sabi nya hindi daw, magaling daw akong magmasahe. Hahaha! Sa liit ng kamay ko hindi ko maimagine ‘yon. Sabi pa, hindi ko pa lang daw sigoro nadiscover, masubokan nga baka masahista pala ang career ko. Hahaha!

Ang totoo, hindi ko masyadong sineseryoso mga hula pero infairness napaisip nya ako, marami pa kase syang sinabi na kahit pinakamalapit kong kakilala hindi nila alam.

Totoo, na mahirap akong kontrolin gaya ng sinabi nya, pag nagdecide ako na may pupuntahan, gagawin ko. Nakikinig ako sa mga sinasabi ng iba para timbangin ang desisyon na gagawin pero at the end puso ko ang nagdedecide.

Hindi ko rin pinagsisihan mga ginagawa ko, umiiyak pag nabibigo, pag pumapalpak, pero bumabalik ulit para magfocus sa gustong gawin.

Hindi daw ako pwedeng talian kase lumilipad ako sa kung saan ko man gusto. Haha! Totoo, sa nangyayare sakin ngayon hindi ko na alam kung saan ko kinuha ang guts para magstart ulit sa ibang place. Pero ginawa ko. Sigoro fate ko ang bumiyahe at ikotin ang pilipinas. Tapos na ang mindanao, visayas naman ngayon hopefully luzon at southeast asia sa susunod. Hehe! Sama ka sa pagiging gala ko?

Pero sabihin man nila na kayang-kaya kong tumayo mag-isa, andito sa loob yong longing na someday makikilala ko rin ang taong pwede kong sandalan at pwede akong maging vulnerable at weak pero iingatang hindi ako masasaktan. Ni-lolook forward ko yon, promise!

Tres

Standard

Tatlong taon.

Tatlong taon na akong tumitipa sa pahinang ito, sinusubukan ko ngang balikan ang reason nung naisip kong mag-blog. Malayo, malayong-malayo sa dahilan bakit gumugulong pa rin at nag i-exist ito. Kasama sigoro ang pagkamulat sa totoong kulay ng virtual world kaya nagbabago din ang pananaw.

kung babalikan, ibang-iba ang anini noon sa anini ngayon. Makapag-share lang dati masaya na, mailabas lang ang kakulitan ok na. Hindi ilang beses na binalak kong i-delete ang blog na to pero mas matimbang ang panghihinayang sa mga naipong naitipa. Pag binalikan kase, napapailing at napapatawa na lang ako sa mga binabasura ko dito.

Ang daming nakilala, ang daming  mga di inaasahan, mga hindi ginusto pero ayaw kong pagsisihan. During those times, naging masaya din naman ako. Ayoko lang dumating ang panahon  na ka-bitteran ang mababasa dito o kaya malulungkot.

Lahat na yata ng klase nang emosyon naging tono na nang mga tinipa ko. Dito ko na-aappreciate ang kalayaan nang pagsabi ng totoong nararamdaman, at hopefully malungkot at masaya man, palipasin nyo na lang. Anuman kase ang gawin natin, darating talaga ang pagbabago at hindi hihinto ang mundo para dito.

October 7. Pangatlong taon ko dito. Maraming Salamat sa mga nakilala, naging personal na kaibigan at sa mga taong nagturo ng leksyon para tumayo at humakbang ulit. Alam nyo na sino kayo. Salamat! Masaya ako na nakilala ko kayo. 🙂