Tres

Standard

Tatlong taon.

Tatlong taon na akong tumitipa sa pahinang ito, sinusubukan ko ngang balikan ang reason nung naisip kong mag-blog. Malayo, malayong-malayo sa dahilan bakit gumugulong pa rin at nag i-exist ito. Kasama sigoro ang pagkamulat sa totoong kulay ng virtual world kaya nagbabago din ang pananaw.

kung babalikan, ibang-iba ang anini noon sa anini ngayon. Makapag-share lang dati masaya na, mailabas lang ang kakulitan ok na. Hindi ilang beses na binalak kong i-delete ang blog na to pero mas matimbang ang panghihinayang sa mga naipong naitipa. Pag binalikan kase, napapailing at napapatawa na lang ako sa mga binabasura ko dito.

Ang daming nakilala, ang daming Β mga di inaasahan, mga hindi ginusto pero ayaw kong pagsisihan. During those times, naging masaya din naman ako. Ayoko lang dumating ang panahon Β na ka-bitteran ang mababasa dito o kaya malulungkot.

Lahat na yata ng klase nang emosyon naging tono na nang mga tinipa ko. Dito ko na-aappreciate ang kalayaan nang pagsabi ng totoong nararamdaman, at hopefully malungkot at masaya man, palipasin nyo na lang. Anuman kase ang gawin natin, darating talaga ang pagbabago at hindi hihinto ang mundo para dito.

October 7. Pangatlong taon ko dito. Maraming Salamat sa mga nakilala, naging personal na kaibigan at sa mga taong nagturo ng leksyon para tumayo at humakbang ulit. Alam nyo na sino kayo. Salamat! Masaya ako na nakilala ko kayo. πŸ™‚

Advertisements

8 responses »

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s