Kilala kita

Standard

Last night, first time kong ma-meet in person ang boyfriend nang kaibigan ko. Ang weird lang bago ko pa sya nakita tinanong na birthday ko, akala ko ikukumpara nya edad ko sa gf nya pero hindi sabi nya lang weird daw ako at complicated pero explained nya daw when we meet . So nung magkita na sabi nya  “you have a very powerful energy inside you, your personality is so strong”. Ang sabi ko, akala ko ba weird at complicated ako? Sabi nya, complicated because your energy tend to be scattered if you were confused. Your weakness is the doubt when in fact you know that you can do it. You are an artist by nature and have a gifted hand.

Napatango naman daw ako kase yong sinasabi nya ay ako nga. Napatawa nga lang ako nung sinabi nyang gifted daw kamay ko, syempre sabi ko, nagpipinta ako pero sabi nya hindi daw, magaling daw akong magmasahe. Hahaha! Sa liit ng kamay ko hindi ko maimagine ‘yon. Sabi pa, hindi ko pa lang daw sigoro nadiscover, masubokan nga baka masahista pala ang career ko. Hahaha!

Ang totoo, hindi ko masyadong sineseryoso mga hula pero infairness napaisip nya ako, marami pa kase syang sinabi na kahit pinakamalapit kong kakilala hindi nila alam.

Totoo, na mahirap akong kontrolin gaya ng sinabi nya, pag nagdecide ako na may pupuntahan, gagawin ko. Nakikinig ako sa mga sinasabi ng iba para timbangin ang desisyon na gagawin pero at the end puso ko ang nagdedecide.

Hindi ko rin pinagsisihan mga ginagawa ko, umiiyak pag nabibigo, pag pumapalpak, pero bumabalik ulit para magfocus sa gustong gawin.

Hindi daw ako pwedeng talian kase lumilipad ako sa kung saan ko man gusto. Haha! Totoo, sa nangyayare sakin ngayon hindi ko na alam kung saan ko kinuha ang guts para magstart ulit sa ibang place. Pero ginawa ko. Sigoro fate ko ang bumiyahe at ikotin ang pilipinas. Tapos na ang mindanao, visayas naman ngayon hopefully luzon at southeast asia sa susunod. Hehe! Sama ka sa pagiging gala ko?

Pero sabihin man nila na kayang-kaya kong tumayo mag-isa, andito sa loob yong longing na someday makikilala ko rin ang taong pwede kong sandalan at pwede akong maging vulnerable at weak pero iingatang hindi ako masasaktan. Ni-lolook forward ko yon, promise!

Advertisements

3 responses »

  1. hmm… manghuhula pala ang bf ng friend mo. sa susunod na magmeet kayo, batukan mo siya. tapos saka mo sabihin, bakit hindi mo nahulaan na mababatukan ka ngayon? 😀

  2. Nakaka-excite naman makasalamuha ng ganyan. Yun bang parang may mga kaibigang hindi nakikita at ibinahagi sa kanya ang kakayahang makapagbasa ng mga bagay-bagay na hindi nakalimbag sa letra.

    Happy morning!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s