Monthly Archives: November 2012

kalandian sa internet

Standard

Pag may pagkakataon akong buksan ang blog na to, nagugulat ako minsan sa mga pagbabago ng wordpress, ang hindi lang talaga matinag-tinag ay ang posisyon ng isa kung post dati ang “wanted boyfriend” hindi sya nawawala sa most read post ko pero ang laman nun ay walang koneksyon sa title  hehehe! . Nagpapahalata talaga na ang mga taong active sa cyberworld ay mga walang lovelife. Hoy! sasabihin ko sayo, walang mangyayari kung dito ka maghahanap ng kalandian. Hahaha! dahil hanggang kalandian lang talaga yan. Sigoro ang ilan naging tulay ang kwadradong mundo pero mostly naging successful dahil pinili nilang mabuhay sa totoong mundo.

Naisip ko lang, bakit pag lalaki ang gagawa ng love letter o love poems ay sweet? tapos pag babae wala lang, unfair ano? kapag babae ang aamin possible na sabihan syang malandi, pwede bang nagtanggal lang ng plastik sa katawan, nagpakatotoo lang. Ayawan na sa tupperware. Basta! yon na yon!

Tumitipa na naman ako na parang wala sa sarili, ewan ko ilang beses ko nang sinabing ayaw ko na dito pero ito o, bumabalik hindi na nga lang tulad ng dati pero makwento pa rin. Para kung binuksan ang pinakatagong layer ng pagkatao, pinapasilip ang ibang parte  sa mga totoong estranghero, nagpapakatotoo sa mga hindi kakilala at piniling ilihim ang ilan sa mga sinasabi dito sa totoong buhay. Ganun naman sigoro talaga, mas madaling magsalita sa hindi kakilala.

Ilan sa atin dito ang mas piniling magtago sa mga pangalang gawa-gawa lang, walang mukha at piniling ilan lang ang naging personal na kaibigan, wala kaseng kasigorohan, may basta-basta na lang mawawala, may mga parang kabute at meron namang piniling magpahinga . Pero may ilan na nananatili, may magbabasa man o wala, pag tumatagal kase dito mas gugustuhin mo na lang tumipa hindi para may mabasa ang mga nakilala kundi ginagawa mo to sa sarili mo para lumaya.

Kung dati, importante ang maraming comments, ang mga magiging bagong mambabasa, ngayon hindi na. Tumitipa ka na lang para sa sarili mo. Babalik at babalik tayo dito, magiging paulit-ulit man ang ititipa. Makikipaglandian sa mga salita.

 

lipat-bahay

Standard

madalian ang pagtipa ko dahil sa opisina ako nagba-blog. After 3 weeks tumutubo na ang kapasawayan ko. hehe! Thank you sa isang kaibigan nakahanap ako nang matinong proxy kaya ngayon panakaw to. hahaha!  Bale maganda din workstation ko, nasa pinakamalayo at pinakatagong lugar kaya makikita ko muna lahat ng lalapit bago nila makita ano ang ginagawa ko.

anyway highway, nagpapalipas lang naman ako ng oras, ayaw ko nang magtrabaho dahil eksaktong 5:30 lipad na ko dahil lipat-bahay ako ngayon. Pangatlong bahay mula ng dumating ako dito ang hopefully ito muna ang tirahan ko hanggang andito ako. Hmmm, maximum of two years lang ang binigay kong time na mag stay, sigoro naman malilibot ko na ang visayas by that time. Pagkatapos hindi ko pa alam saan pupunta.

ang maganda sa lilipatan ko, may area kung saan pwede akong  magpinta at medyo malapit sa opisina kahit alas-syete na magising hindi ako late  ‘yon nga lang mamimiss ko ang mga kaibigang umampon sakin habang naghahanap ako ng malilipatan.

Sila ay mga college friends ko, dorm mates dati, friends through the years sila hindi halos mapaghiwalay, ako naman nagpagala-gala muna then nang lumipat diretso ulit sa kanila. Nakakamiss ang late night talks, wala sa planong inuman at videoke, the foodtrips, tambay sa rooftop habang sabay magwi-wish pag may falling star kahit alam naman naming meteors lang yon o kaya moving satellite. Ang walang katapusang asaran, mga kapalpakan sa buhay napinagtatawanan. Ang totoo wala yatang pinagbago except sa mga responsibilidad namin ngayon, at responsibilidad pa na inako lang kaya ito pare-pareho kaming mga pulubi. hahaha!

Sa paglipat ko, balik ang dating routine, magpipinta sa weekend, start ulit mangolekta ng libro at mananahi pa pala ako ng bagong pillows sa sala set na kamay lang ang gamit. hehe!

Hopefully pansamantalang ma-settle ako dito habang nag-iisip ano talaga ang plano at gusto ko sa buhay.

Sari-saring kwento

Standard

Ako ay totoong madaldal pero sa dami ng dapat na i-kwento tinatamad na ako kaya pagtiyagaan nyo na lang tong pinagdugtong-dugtong kong kwento mula sa mga larawan.

image

Anong significance ng ilaw na yan? Ang totoo, wala. Trip ko lang kunan sa isang hotel na pinag-stayhan ko, kung saan di ko maalala kong sa davao, dipolog or valencia. Paalala yan na madalas wala akong magawa pag nakauwi na ko ng hotel mula sa trabaho.

image

Volcano na hugis salakot. Along Maramag, Bukidnon. Madalas ko itong madaanan pero di ko napasok ang botanical garden/natural park na nasa paanan nito.

image

Ito ang itsura ng trycycle sa Pagadian City. Bawat places na napupuntahan ko iba-iba ang itsura ng trycycle.

image

Sunrise sa lugar namin. Kinunan ko isang araw nung sinamahan ko si nanay maglakad-lakad, morning exercise.

image

Sa amin ulit. Hehe!

image

Sa isang hotel ulit na pinag-stayhan ko. Ang gala ko ba? Haha!

image

Sunset sa amin din. Puro na lang lugar namin. Pagpasensyahan nyo na trip ko. Random ang pagpili ko ng picture.

image

Lobster na maliliit. Hahaha!

image

Sa loob ng Cathedral sa Iligan City.

image

Tsaran! Thank you ninong sa bag. Hahaha! Sa Apo view to.

image

25th birthday cake ko sponsored by may housemate.

image

Part to nang national museum. Iniisip ko pa kung saang area to.

image

Altar ng Santo Niño Church ng Cebu.

image

Outside Santo Niño Church.

image

Magellan’s Cross.

image

Along Pari-an. Hindi ko alam ano tawag dito.

Hindi ko alam paano tatapusin kaya hanggang dito na lang.

Fin.