lipat-bahay

Standard

madalian ang pagtipa ko dahil sa opisina ako nagba-blog. After 3 weeks tumutubo na ang kapasawayan ko. hehe! Thank you sa isang kaibigan nakahanap ako nang matinong proxy kaya ngayon panakaw to. hahaha!  Bale maganda din workstation ko, nasa pinakamalayo at pinakatagong lugar kaya makikita ko muna lahat ng lalapit bago nila makita ano ang ginagawa ko.

anyway highway, nagpapalipas lang naman ako ng oras, ayaw ko nang magtrabaho dahil eksaktong 5:30 lipad na ko dahil lipat-bahay ako ngayon. Pangatlong bahay mula ng dumating ako dito ang hopefully ito muna ang tirahan ko hanggang andito ako. Hmmm, maximum of two years lang ang binigay kong time na mag stay, sigoro naman malilibot ko na ang visayas by that time. Pagkatapos hindi ko pa alam saan pupunta.

ang maganda sa lilipatan ko, may area kung saan pwede akong  magpinta at medyo malapit sa opisina kahit alas-syete na magising hindi ako late  ‘yon nga lang mamimiss ko ang mga kaibigang umampon sakin habang naghahanap ako ng malilipatan.

Sila ay mga college friends ko, dorm mates dati, friends through the years sila hindi halos mapaghiwalay, ako naman nagpagala-gala muna then nang lumipat diretso ulit sa kanila. Nakakamiss ang late night talks, wala sa planong inuman at videoke, the foodtrips, tambay sa rooftop habang sabay magwi-wish pag may falling star kahit alam naman naming meteors lang yon o kaya moving satellite. Ang walang katapusang asaran, mga kapalpakan sa buhay napinagtatawanan. Ang totoo wala yatang pinagbago except sa mga responsibilidad namin ngayon, at responsibilidad pa na inako lang kaya ito pare-pareho kaming mga pulubi. hahaha!

Sa paglipat ko, balik ang dating routine, magpipinta sa weekend, start ulit mangolekta ng libro at mananahi pa pala ako ng bagong pillows sa sala set na kamay lang ang gamit. hehe!

Hopefully pansamantalang ma-settle ako dito habang nag-iisip ano talaga ang plano at gusto ko sa buhay.

Advertisements

5 responses »

  1. proxy lang din gamit ko kapag nag ba-blog hop 🙂
    high five!
    ang cute ng hobby mo ah! gusto ko ring mag paint kc parang ang astig kaya lang, pangit lahat ng mga nagawa ko…hihi….
    nakaka amaze talaga yung magagandang paintings :))
    hello sa’yo ^_^

  2. Hurray sa mga pasaway na bloggers na talagang nakakahanap ng paraan para maka pag blog kahit sa office.. 😀 medyo matalino ang ibang mga CT sa office na t trace nila yung ibang mga personal websites..

    medyo nami miss ko na rin ang pagb blog… simula nung lumipat ako sa bahay ko sa pasig.. hindi na ako gaanung nakakapag blog at bloghopping… 😀 musta na siamea?….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s