kalandian sa internet

Standard

Pag may pagkakataon akong buksan ang blog na to, nagugulat ako minsan sa mga pagbabago ng wordpress, ang hindi lang talaga matinag-tinag ay ang posisyon ng isa kung post dati ang “wanted boyfriend” hindi sya nawawala sa most read post ko pero ang laman nun ay walang koneksyon sa title  hehehe! . Nagpapahalata talaga na ang mga taong active sa cyberworld ay mga walang lovelife. Hoy! sasabihin ko sayo, walang mangyayari kung dito ka maghahanap ng kalandian. Hahaha! dahil hanggang kalandian lang talaga yan. Sigoro ang ilan naging tulay ang kwadradong mundo pero mostly naging successful dahil pinili nilang mabuhay sa totoong mundo.

Naisip ko lang, bakit pag lalaki ang gagawa ng love letter o love poems ay sweet? tapos pag babae wala lang, unfair ano? kapag babae ang aamin possible na sabihan syang malandi, pwede bang nagtanggal lang ng plastik sa katawan, nagpakatotoo lang. Ayawan na sa tupperware. Basta! yon na yon!

Tumitipa na naman ako na parang wala sa sarili, ewan ko ilang beses ko nang sinabing ayaw ko na dito pero ito o, bumabalik hindi na nga lang tulad ng dati pero makwento pa rin. Para kung binuksan ang pinakatagong layer ng pagkatao, pinapasilip ang ibang parte  sa mga totoong estranghero, nagpapakatotoo sa mga hindi kakilala at piniling ilihim ang ilan sa mga sinasabi dito sa totoong buhay. Ganun naman sigoro talaga, mas madaling magsalita sa hindi kakilala.

Ilan sa atin dito ang mas piniling magtago sa mga pangalang gawa-gawa lang, walang mukha at piniling ilan lang ang naging personal na kaibigan, wala kaseng kasigorohan, may basta-basta na lang mawawala, may mga parang kabute at meron namang piniling magpahinga . Pero may ilan na nananatili, may magbabasa man o wala, pag tumatagal kase dito mas gugustuhin mo na lang tumipa hindi para may mabasa ang mga nakilala kundi ginagawa mo to sa sarili mo para lumaya.

Kung dati, importante ang maraming comments, ang mga magiging bagong mambabasa, ngayon hindi na. Tumitipa ka na lang para sa sarili mo. Babalik at babalik tayo dito, magiging paulit-ulit man ang ititipa. Makikipaglandian sa mga salita.

 

Advertisements

7 responses »

  1. “Hoy! sasabihin ko sayo, walang mangyayari kung dito ka maghahanap ng kalandian.” – 😉 “Nagpapahalata talaga na ang mga taong active sa cyberworld ay mga walang lovelife.” 🙂 🙂

    hwag gano’n, kapatid… hwag ibisto. iyan ang isa sa obvious truths na di na dapat ipino-point out pa, hihihi. it’s up for the readers to find that out, naman… hamo, dadalangan ko ang posting para magmukhang may mga kaganapan na sa lablayp ko, whehehe. does that sound wise, huh? ^^

    Maligayang Pasko sa iyo, Ani… Sana ay magaan at maraming kasiyahan banda ryan ngayong kapaskuhan. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s