Monthly Archives: January 2013

Sunburn

Standard

Madalas, napapasama ako sa mga biglaang lakad. Tulad ng bigla nyo na lang naisip na pupunta ng beach. Mas enjoy ang madaliang plano, spontaneous man pero at least walang expectation. Last saturday bigla na lang nagyaya ang housemate ko na maligo ng dagat, may maganda daw na resort along southern part of cebu. It was in Dalaguete. Biglaan lahat, tumawag ang housemate ko sa mga friends nya at seven kaming lahat ang nagconfirm, kitakits by afternoon para magsimba for the first novena mass of santo niƱo then namili ng dadalhin for the next day. Wala din kaming matinong tulog dahil nagmarinate ng lulutoin at gumawa ng fruit salad, frozen ang fruit salad na dala namin para i-travel man, malamig pa rin. 3 hours lang yata ang tulog ko then gising ulit para mgluto ng chicken pandan. Actually hindi ako ang nagluto, sinamahan ko lang housemate ko habang nagluluto sya. Hahaha!

By 5am all set, diretso na bus terminal. Poorita kami kaya commute. Around one and half hour ang travel at 100 pesos na pamasahe for aircon bus. Along the highway lang daw ang resort kaya sinabi lang namin kay manong conductor na ibaba kami sa Dakong Bato in Dalaguete. Pagkasakay ng bus, contest na kami sa pagtulog. Hehe!

Ito ang nadatnan namin:

image

natuwa ako sa floating bench na yan. Ang romantic ng dating pag naisip mong may magda-date dyan at sunset ang background. Oo na, ako na ang hopeless romantic.

image

image

Ang linaw ng dagat. Sobrang sarap magtampisaw dyan.

image

image

Bale, dalawa ang pool nila, pili ka lang, Pero kami salitan sa pool at dagat naligo. Parang mga bata lang, at parang hindi ako lumaki sa dagat kung maexcite sa pagligo.

At ang result nang outing,SUNBURN, ang hapdi tsong! Magbabad ba naman sa dagat at pool mula 10 am to 3 pm. Sinong ‘di magkakasunburn nyan? Pero worth it naman. Masaya kase walang arte ang mga kasama ko, walang takot masunog, walang nagtatago kay mr. sun. Gora! ang mga lola. May free spelunking din sila. Though walang unusual sa cave pero dahil curious at free naman pinatos na rin namin. Haha!

Maganda ang place talaga at affordable lang. Entrance fee is 100 pesos per person then the cottages price range from 300 to 500. Ok na yon lalo na if barkada kasama. kung Wala lng work by monday baka nag-overnight kami. 4k lng kase ang barkada room nila good for eight person. Sulit.

Nagpromote pa ako no? walang bayad to. Haha! All in all ang gastos lang talaga namin per person ay nasa 500 plus. Pork Barbeque, Inihaw na bangus, Chicken pandan, fruit salad, chichirya at soft drinks ang nabili ng tig 250 na contribution for food.

Bagong taon, bagong gising

Standard

Bagong taon pero wala akong new year’s resolution. Hindi ako naniniwala dun,ayokong mag promise tapos hindi ko naman magawa. Ayokong lukohin ang sarili ko.

Last year, the frequently asked question ng mga kaibigan at bagong kakilala. “May bf ka? Asan bf mo?” Gustong umikot ng mga mata ko pag naririnig ko yan. Ayokong sumagot kase maraming “bakit” na kasunod. Pero maiiwasan ba yan? Hindi. Madalas kung pwedeng idaan sa ngiti, ginagawa ko. Sila na ang bahalang mag-isip what’s behind my smile pero pag mga kaibigan na nagtatanong, lagot na.

Minsan tinatanong ko, anong meron sa lovelife at bakit yon agad-agad ang natatanong, hindi ba pwedeng kumusta pamilya ko at ang trabaho. Yan! Kayang-kaya kong sagutin. Mas madalas dinadaan ko sa biro, na hindi ko pa kayang bumuhay ng husband o kaya kulang pa ipon ko pambili ng boyfriend. Ang pathetic ng sagot ko no?

Ang totoo, ang hirap mag explain. Kung gaano ka simple sa iba, sobrang komplikado naman ng nasa loob ko.

Hindi ko sisimulan ng ka-bitteran ang taon ko dahil mas marami akong dapat na ipag-papasalamat. Pero gusto kong mag explain. Baka dito kaya kong ipaliwanag ang hindi ko masabi in person. Sabi ko sa ilang kaibigan, bigyan nila ako ng at least a year para ayusin ang disposisyon sa sarili ko. 2012 had been a roller coaster to me. Hindi naman sigoro masama kung patatahimikin ko sarili ko.

Ang totoo para lang akong raw magnet, pag nilagay sa buhangin ang bilis makakuha ng carbon deposits pero pag dinikit ako sa isa pang magnet kalahati lang ang nadidikit hindi magkatugma. In short hindi para sayo. Ganyan ako, I am attracted sa mga taong hindi katugma sakin. Iyong kalahati lang ang pwede sayo at kalahati ko lang din ang pwedeng ibigay. Ayon! Kaya ginusto kong manahimik. Ilang beses kong hiniling na ibalik sa normal ang lahat, yong panahong wala pa akong idea how lovely it is to fall in love plus the painful part of it. Hindi ko na kailangan i-explain ang pakiramdam kase parang ako lang yata ang nahuli sa aspetong ito. Anong magagawa ko,late bloomer ako! Hahaha! It was good na nadadaan ko na to sa tawa ngayon.

Wala talagang matinong explanation. Humahalo ang balat sa tinalupan, pag pinahaba ko pa mas lalong gugulo. Basta ang alam ko, ganun pala yon. Umaasa na lang ako sa panahon kung kelan ako maghihilom. Ang drama ko ano? Haha! Sa mga nakakakilala sakin ng personal wag nyo kung batukan at sa iyo ngumiti ka na lang, ganito lang sigoro talaga ako. Magiging maayos din ako, promise!

P.S. Hindi sa pag-ibig umiikot ang buhay ko pero masarap magbasa ng mga sulat ng kagagahan at kapalpakan para pagtawanan sa panahong kaya nang balikan.