Bagong taon, bagong gising

Standard

Bagong taon pero wala akong new year’s resolution. Hindi ako naniniwala dun,ayokong mag promise tapos hindi ko naman magawa. Ayokong lukohin ang sarili ko.

Last year, the frequently asked question ng mga kaibigan at bagong kakilala. “May bf ka? Asan bf mo?” Gustong umikot ng mga mata ko pag naririnig ko yan. Ayokong sumagot kase maraming “bakit” na kasunod. Pero maiiwasan ba yan? Hindi. Madalas kung pwedeng idaan sa ngiti, ginagawa ko. Sila na ang bahalang mag-isip what’s behind my smile pero pag mga kaibigan na nagtatanong, lagot na.

Minsan tinatanong ko, anong meron sa lovelife at bakit yon agad-agad ang natatanong, hindi ba pwedeng kumusta pamilya ko at ang trabaho. Yan! Kayang-kaya kong sagutin. Mas madalas dinadaan ko sa biro, na hindi ko pa kayang bumuhay ng husband o kaya kulang pa ipon ko pambili ng boyfriend. Ang pathetic ng sagot ko no?

Ang totoo, ang hirap mag explain. Kung gaano ka simple sa iba, sobrang komplikado naman ng nasa loob ko.

Hindi ko sisimulan ng ka-bitteran ang taon ko dahil mas marami akong dapat na ipag-papasalamat. Pero gusto kong mag explain. Baka dito kaya kong ipaliwanag ang hindi ko masabi in person. Sabi ko sa ilang kaibigan, bigyan nila ako ng at least a year para ayusin ang disposisyon sa sarili ko. 2012 had been a roller coaster to me. Hindi naman sigoro masama kung patatahimikin ko sarili ko.

Ang totoo para lang akong raw magnet, pag nilagay sa buhangin ang bilis makakuha ng carbon deposits pero pag dinikit ako sa isa pang magnet kalahati lang ang nadidikit hindi magkatugma. In short hindi para sayo. Ganyan ako, I am attracted sa mga taong hindi katugma sakin. Iyong kalahati lang ang pwede sayo at kalahati ko lang din ang pwedeng ibigay. Ayon! Kaya ginusto kong manahimik. Ilang beses kong hiniling na ibalik sa normal ang lahat, yong panahong wala pa akong idea how lovely it is to fall in love plus the painful part of it. Hindi ko na kailangan i-explain ang pakiramdam kase parang ako lang yata ang nahuli sa aspetong ito. Anong magagawa ko,late bloomer ako! Hahaha! It was good na nadadaan ko na to sa tawa ngayon.

Wala talagang matinong explanation. Humahalo ang balat sa tinalupan, pag pinahaba ko pa mas lalong gugulo. Basta ang alam ko, ganun pala yon. Umaasa na lang ako sa panahon kung kelan ako maghihilom. Ang drama ko ano? Haha! Sa mga nakakakilala sakin ng personal wag nyo kung batukan at sa iyo ngumiti ka na lang, ganito lang sigoro talaga ako. Magiging maayos din ako, promise!

P.S. Hindi sa pag-ibig umiikot ang buhay ko pero masarap magbasa ng mga sulat ng kagagahan at kapalpakan para pagtawanan sa panahong kaya nang balikan.

Advertisements

7 responses »

  1. “masarap magbasa ng mga sulat ng kagagahan at kapalpakan para pagtawanan sa panahong kaya nang balikan.”

    *gawain ko din ang magsulat ng mga kagagagan at kabaliwan. Minsan nabubuklat, nangingiti, natatawa at sa bandang huli, nagpapasalamat at nakayanan.. 🙂

    Hallo sa’yo!

    • Happy new year CF!

      Itong blog na to, ginawa ko nang imbakan ng pakiramdam. Minsan kapag binabalikan ko ang mga dating tinipa, natatawa at napapailing na lang ako. Hahaha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s