Sunburn

Standard

Madalas, napapasama ako sa mga biglaang lakad. Tulad ng bigla nyo na lang naisip na pupunta ng beach. Mas enjoy ang madaliang plano, spontaneous man pero at least walang expectation. Last saturday bigla na lang nagyaya ang housemate ko na maligo ng dagat, may maganda daw na resort along southern part of cebu. It was in Dalaguete. Biglaan lahat, tumawag ang housemate ko sa mga friends nya at seven kaming lahat ang nagconfirm, kitakits by afternoon para magsimba for the first novena mass of santo niño then namili ng dadalhin for the next day. Wala din kaming matinong tulog dahil nagmarinate ng lulutoin at gumawa ng fruit salad, frozen ang fruit salad na dala namin para i-travel man, malamig pa rin. 3 hours lang yata ang tulog ko then gising ulit para mgluto ng chicken pandan. Actually hindi ako ang nagluto, sinamahan ko lang housemate ko habang nagluluto sya. Hahaha!

By 5am all set, diretso na bus terminal. Poorita kami kaya commute. Around one and half hour ang travel at 100 pesos na pamasahe for aircon bus. Along the highway lang daw ang resort kaya sinabi lang namin kay manong conductor na ibaba kami sa Dakong Bato in Dalaguete. Pagkasakay ng bus, contest na kami sa pagtulog. Hehe!

Ito ang nadatnan namin:

image

natuwa ako sa floating bench na yan. Ang romantic ng dating pag naisip mong may magda-date dyan at sunset ang background. Oo na, ako na ang hopeless romantic.

image

image

Ang linaw ng dagat. Sobrang sarap magtampisaw dyan.

image

image

Bale, dalawa ang pool nila, pili ka lang, Pero kami salitan sa pool at dagat naligo. Parang mga bata lang, at parang hindi ako lumaki sa dagat kung maexcite sa pagligo.

At ang result nang outing,SUNBURN, ang hapdi tsong! Magbabad ba naman sa dagat at pool mula 10 am to 3 pm. Sinong ‘di magkakasunburn nyan? Pero worth it naman. Masaya kase walang arte ang mga kasama ko, walang takot masunog, walang nagtatago kay mr. sun. Gora! ang mga lola. May free spelunking din sila. Though walang unusual sa cave pero dahil curious at free naman pinatos na rin namin. Haha!

Maganda ang place talaga at affordable lang. Entrance fee is 100 pesos per person then the cottages price range from 300 to 500. Ok na yon lalo na if barkada kasama. kung Wala lng work by monday baka nag-overnight kami. 4k lng kase ang barkada room nila good for eight person. Sulit.

Nagpromote pa ako no? walang bayad to. Haha! All in all ang gastos lang talaga namin per person ay nasa 500 plus. Pork Barbeque, Inihaw na bangus, Chicken pandan, fruit salad, chichirya at soft drinks ang nabili ng tig 250 na contribution for food.

Advertisements

11 responses »

  1. “Oo na, ako na ang hopeless romantic.”>>>Ay, isama mo rin ako ahahaha! Totoo ka, parang ang sarap lang dyan umupo with a special someone tapos magbilang ng mga bituin at pangarap nyahahaha!

    At wala ka na pala sa Mindanao, nasa Cebu ka naman ngayon. Saya naman at napagsasabay ang work at lakwatsa 😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s