Monthly Archives: March 2013

Budlaan River Trekking

Standard

One time after belly dancing class nasabi ko sa isa kong officemate na naghahanap ako ng mountaineering group and luckily, ang mismong officemate na nasabihan ko ay may grupo, they were composed of ordinary trekkers to hardcore climbers. Matagal na rin pala na gusto nya akong i-invite sa group nila para daw may isang forester silang kasama. Wala nang mahabang usapan dahil nag-agree agad ako na aattend sa weekly meeting nila. They usually have a Saturday activity kaso dahil lahat kami may personal itinerary for the following Saturday so passed muna hanggang holy week dahil mostly uuwi din ng kanya-kanyang probinsya. Pero since hindi ako uuwi, nasabi ko sa isang kasama na sana may trekking kami kahit Sunday at yon din pala gusto nya, well, apat kaming babae na nag-agree na mag river trek kami-kami lang daw. Hehe! Lakas ng mga loob.

On Sunday morning by 6:30 AM ang meet-up, nasabi ko ba na ang supposedly guide naming ay nasa early sixties na. Tita mama ang tawag ng lahat sa kanya pero mabuti na lang nahila nya yong kapatid ng officemate namin na bestfriend ng anak nya. Wag malito! Haha! Dapat apat lang kami pero may isa pang nadagdag so kami ay apat na babae, isang lalaking may pusong babae at isang straight na lalaki yong guide. Anim lahat.

Instead na sasakay ng motorsiklo para mas kunti ang lalakarin, the group opted to hike, a one and half hour hike from the main road to the river trail entrance. Parang ang bilis lang kase dinadaan lang namin sa kwento at ang nangyare bawat puno na hindi nila kilala pinapa-identify sakin. Now I know bakit nila ako ininvite. Haha!

At first, maning-mani, I thought ang river trekking ay maglalakad lang kayo sa gilid ng river o kaya doon sa tubig dadaan. Isang pagkakamali na ganun lang ang expectation ko, pagdating tuloy doon ay nagulat ako sa laki ng mga batong aakyatin. Masaya syempre pag nakikita mo na yong mga maliliit na water fall formation, parang hindi pa kami nakakita ng water falls sa mga reaction namin everytime na maaakyat yong mga extra challenge na mga bato at yong falls na nasa dulo.

IMG_7057

The good thing about this trekking activity, marerealized mong hindi pala physical ang labanan, will power pala. Mas makikilala mo sarili mo. One time habang paakyat sa bato at hirap na hirap ako dahil maliit nga ako syempre maliit din ang hakbang at wala kaming rapels, bark ng isang vines ang ginamit naming para gawing tali. Whoa! Hindi rin ako pwedeng balikan ng guide kase eksaktong isang tao lang ang pwedeng umakyat, sumisigaw lang yong guide na “kayo mo yan”, “apak doon.”,”lagay mo paa mo sa next na bato” and I did it! Pero sobrang nanginginig paa ko at halos humiga ako sa bato doon sa tuktok ng falls sa takot. Haha!

Kabang Falls - isa to sa pinakamahirap akyatin at dito yong vine ang ginamit as alternative sa rope.

Kabang Falls – isa to sa pinakamahirap akyatin at dito yong vine ang ginamit as alternative sa rope.


  

Hindi isang beses na ganun ang nangyare, pero sobrang nakakatawa lang kase yong mga pictures namin kahit literal na nakayakap na sa bato lahat pa rin all smile sa camera. Lol! kahit dumaan sa hirap pagdating sa may falls ligo pa rin, nasabi ko nga sa sarili ko, ano ba ginawa ko sa sarili ko at naisip kong gawin to. Hahaha! At nakwento ko na rin dati na laking dagat ako pero hindi marunong lumangoy kaya syempre dun sa falls ginawa kong salbabida ang guide. Ang bait ko no? naging cargo nya ako. Hahaha! Kaya din sigoro ako ang binabantayan nun ako kase ang pinakamaliit sa aming lahat.

ako yang naka puti.. ang liit namin

ako yang naka puti.. ang liit namin

We also met other trekkers na inindyan ng mga kasama at wala silang guide so sumabay sila samin, Masaya lang extra hands na tumutulong pag mahihirap ang aakyatin, hindi ko madescribe gaano ka delikado ang ginawa naming pero pag nahulog ka, hindi lang bali ang buto pwedeng buhay ang mawala.

IMG_7051

Hindi ko nagawa ang main purpose bakit ako sumama sa ganitong lakaran, I was looking for a possible mother tree para makuhanan ng seeds for propagation, na-consume ang oras ko sa pag-iisip paano maakyat ang mga bato. Hahaha! So all went well, kahit sobrang sakit ng katawan ko after, ang motivation lang talaga ng lahat habang pauwi na ay maka-inom ng sobrang lamig na softdrinks. Hahaha!

‘yong guide namin volunteer ng red cross pero hindi sya nurse. Bago kami umuwi, nagamot na mga sugat ko. Sabi ko nga, pwede ko kayang i-uwi tong guide na to. Hahaha! Ang arte-arte lang talaga ng skin ko kase pagkauwi naming halatang-halata agad ang mga sugat at pasa. ‘Wa paki ang lola mo, enjoy kaya at hindi sigoro kumpleto ang trekking kong hindi kayo makikihitch sa mga malalaking truck, ang nasakyan namin isang dam truck na puno ng kawayan, doon kami sa taas ng mga kawayan parang topload lang.

si guide na super bait at gusto kong iuwi. lol!

si guide na super bait at gusto kong iuwi. lol!

At mukhang hindi ito ang huling beses na kwento sa mga mis-adventures ko, maraming-marami pa dahil nakalinya na sched namin.

conversation with KG

Standard

October 2012

KG: Lilipas ang gabi ngunit magpapasalamat ka dahil mas papahalagahan mo ang liwanag. Ngunit ang gabi at liwanag ay nagtatagpo rin. Nagniniig. At magkaminsan mamamangha kang pati ang araw at buwan nagagawang magtagpo, sa araw man o gabi. Nagniniig.

A: Magtatagpo man pero hindi pwedeng magsama. Ginawang madilim ang gabi at maliwanag ang araw dahil may kanya-kanya sila nang panahon. They were not meant to be together.

KG: Haha nasa magkaibang lugar lang sila, kumukuha nga ng ilaw at inspirasyon ang buwan sa araw eh

A: Ahaha! Naku ayaw talagang patalo. Kalimutan na nga.

KG: Hindi buo ang araw kung wala ang gabi! O ha

A: Parallel lang ang araw at gabi pero hindi darating sa point na magtatagpo sila. Nasa magkaibang side lang. Hanggang tingin lang

KG: What time of the day is it? It’s 9:30 in the evening! Parte ng gabi ang araw!

A: Parte man ito o hindi may mga bagay lang talaga na hindi pwede.

KG: Parang bearbrand lang, pwedeng choco na gatas at pwedeng gatas na choco. Pwede ring gimenez!! O ha

A: Ikaw na talaga ang hindi nagpapatalo. Ayaw mo kong bigyan ng chance makalusot. Haha! Darating ang time, malalaman din natin sino ang tama.

KG: Haha! Wag sumuko! Kalimutan mo ma’t itanggi, mananatili pa rin! It forms part of you hehehe

A: Haha! Mali, hindi ako sumuko, tinanggap ko lang ang totoo. At least pwede kong sabihin sinubukan ko at nagawa ko na part ko. At ang result, magstart ulit para sa sarili.

KG: It’s still a game 😉

A: Mali! Dahil hindi ako nakikipaglaro at hindi makikipaglaro.

KG: Seryoso na. Perhaps Jiminy Cricket’s song would ring true then and hope it is so 🙂

KG: Good night. Sweet dreams ❤

Naalala ko, hindi na ko nagreply dahil hindi ko kilala si Jiminy Cricket at hindi ko naalalang i-research until today. Nakakamiss din ang taong to, sigoro dahil naging totoong kuya sya during those time na andito pa sya. Ang lakas ng radar nito, parang alam nya kelan sya mangungumusta, at paminsan-minsan mangungulit lang at hindi pumapayag na hindi mo makita ang point nya. Haha! Lahat ng usapan namin tumatambling sa kung saan-saan, madalas din syang mag play with words at kelangan mong i-decipher. Kahit alam ko na wala nang sasagot sa numerong naka-save sa phone ko hinding-hindi ko kayang i-erase lalo na ang mga naipong usapan. Considered as pamana na sigoro to. Wisdom inheritance.

 

Just a thought to ponder

Standard

Alam nating lahat na may pagkakamali sa part ng sulu sultanate, ‘ika nga sa chess wrong moved at touched moved na rin kaya bagong strategy ulit. Pero ang akin lang kong tumatayo ka ngang ama ng bansa, wag naman yong paraan na parang pipiliin mo pa ang relasyon mo sa ibang tao kesa sa mga anak mo. Hindi ko sinasabing makipag-gyera tayo pero sana naman sa paraang hindi tayo hahamakin ng ibang lahi. Paano ibibigay satin ang respetong dapat para satin kung sa kunting pabor para na agad tayong maamong tupa na sunod-sunuran sa kanila. May tamang kapalit ang bawat pabor o tulong na ibinibigay sa atin na hindi naisasakripisyo ang dignidad ng mga Pilipino.

Ang pagkakamali nga ng sultanate of sulu ay ang i-claimed ang lupang pag mamay-ari nila na may mga dalang armas. Kung sa mahinahong paraan nga lang sana na i-request as their ancestral domain ang area at ipa-recognize sa Malaysian government malaki ang chance diba?

Naiwala ang sympathy na dapat maibigay sa kanila nang dahil sa maling simula, pero sana naman magkaroon din nang pangil ang gobyerno natin na ipag-laban ang karapatan ng mga taong ito, ganito na lang ba tayo madalas? Sunod-sunoran na lang. These people are just trying to claimed their rights, ok lang sana kung sa totoo lang wala silang karapatan pero meron, meron at meron.

Minsan para maayos ang problema kelangang simulan sa loob, just try to listen baka mas maintindihan natin bakit bigla silang gumawa ng hakbang na mali sa pananaw ng karamihan. Baka mas maiintindihan natin ang kultura at paniniwala nila.
‘yon lang.

side trip

Standard

Wala pa naman sigorong agiw dito ano? Hahaha! Ang dami ko sanang kwento pero napanis na yata. Ganun pa rin naman kase ang routine ko, kung wala sa opisina, nasa byahe. Byaheng trabaho na may kunting side trips. Kung saan-saan lang parang familiarization sa lugar na napupuntahan, simbahan, plaza, night market basta yong usual na pinupuntahan ng mga tao. O kaya andun lang ako tumatambay sa mga fruit stands. Mabubuhay kase ako kahit fruits lang ang kakainin.

Naalala ko dati sa isa kong subject na “Parks and recreation”, by definition considered as tourist pa rin daw ang mga taong bumibyahe na work related kaya turistang-turista ang peg ng lola mo, the same pa rin naman kase sa mga turista, maghahanap ka ng kainan na masarap, bibili ng pasalubong at kukuha ng pictures sa mga places na gusto mo. Pero ang byahe ko ay madalas nakakapagod tulad na lang na ang pupuntahan mo ay part ng Mindanao pero dadaan ka pa ng manila, galing cebu punta muna ng manila bago ang destination mo. Ang mas mahirap pa ay ang paghahabol ng oras o kaya’y paghihintay ng oras sa mga connecting flights. Imagine, lalapag ka ng terminal 2 tapos ang next flight terminal 3, o ha! Takbuhan kami diba?

At meron pang mas challenging, yong aakyat pala kayo ng bundok at wala sa itinerary ang masaklap ‘di ka nainform, ayon! Umakyat lola mo na naka doll shoes, parang gusto akong murahin ng doll shoes at nang mismong paa ko dahil sa paltos.

Pero kahit ganito, nag-eenjoy pa naman ako sa trabaho ko, ito nga ang gusto kong trabaho yon nga lang minsan parang gusto mo nang magreklamo sa sarili mo na pagpahingahin ka naman. Haha! Halo-halo ang mga nakakasalamuha, minsan ang partners pala namin sa project ay mga madre at dahil 2 hours away from the city dun na kami natulog, ang hirap mag moved sa loob di ko alam paano magsalita, o kaya natatakot ako na baka ako bigla ang mag lead ng prayer. At ang isa pang dilemma, kahit kating-kati na ko na magbihis ng short hindi pwede kase bawal ang naka-short habang kumakain. Hehe!

Naghahabol ng oras pero fulfilling, Masaya kapag nakikita mo na ang binigyan nyo ng training ay interested sa mga tinuro nyo. Mula estudyante hanggang sa mga member ng minority group, pamin san-minsan maingat kase area ng mga Nice People Around o kaya red alert pero yon nga ang spice sa trabaho, tumataas ang adrenaline sa katawan pag may warning na mag-ingat. Haha!

Ayaw ko nang pahabain baka ma-bore ka lang at ayan ang sample ng namundok na naka doll shoes, lublob sa tubig. Lol!

davao1