side trip

Standard

Wala pa naman sigorong agiw dito ano? Hahaha! Ang dami ko sanang kwento pero napanis na yata. Ganun pa rin naman kase ang routine ko, kung wala sa opisina, nasa byahe. Byaheng trabaho na may kunting side trips. Kung saan-saan lang parang familiarization sa lugar na napupuntahan, simbahan, plaza, night market basta yong usual na pinupuntahan ng mga tao. O kaya andun lang ako tumatambay sa mga fruit stands. Mabubuhay kase ako kahit fruits lang ang kakainin.

Naalala ko dati sa isa kong subject na “Parks and recreation”, by definition considered as tourist pa rin daw ang mga taong bumibyahe na work related kaya turistang-turista ang peg ng lola mo, the same pa rin naman kase sa mga turista, maghahanap ka ng kainan na masarap, bibili ng pasalubong at kukuha ng pictures sa mga places na gusto mo. Pero ang byahe ko ay madalas nakakapagod tulad na lang na ang pupuntahan mo ay part ng Mindanao pero dadaan ka pa ng manila, galing cebu punta muna ng manila bago ang destination mo. Ang mas mahirap pa ay ang paghahabol ng oras o kaya’y paghihintay ng oras sa mga connecting flights. Imagine, lalapag ka ng terminal 2 tapos ang next flight terminal 3, o ha! Takbuhan kami diba?

At meron pang mas challenging, yong aakyat pala kayo ng bundok at wala sa itinerary ang masaklap ‘di ka nainform, ayon! Umakyat lola mo na naka doll shoes, parang gusto akong murahin ng doll shoes at nang mismong paa ko dahil sa paltos.

Pero kahit ganito, nag-eenjoy pa naman ako sa trabaho ko, ito nga ang gusto kong trabaho yon nga lang minsan parang gusto mo nang magreklamo sa sarili mo na pagpahingahin ka naman. Haha! Halo-halo ang mga nakakasalamuha, minsan ang partners pala namin sa project ay mga madre at dahil 2 hours away from the city dun na kami natulog, ang hirap mag moved sa loob di ko alam paano magsalita, o kaya natatakot ako na baka ako bigla ang mag lead ng prayer. At ang isa pang dilemma, kahit kating-kati na ko na magbihis ng short hindi pwede kase bawal ang naka-short habang kumakain. Hehe!

Naghahabol ng oras pero fulfilling, Masaya kapag nakikita mo na ang binigyan nyo ng training ay interested sa mga tinuro nyo. Mula estudyante hanggang sa mga member ng minority group, pamin san-minsan maingat kase area ng mga Nice People Around o kaya red alert pero yon nga ang spice sa trabaho, tumataas ang adrenaline sa katawan pag may warning na mag-ingat. Haha!

Ayaw ko nang pahabain baka ma-bore ka lang at ayan ang sample ng namundok na naka doll shoes, lublob sa tubig. Lol!

davao1

Advertisements

7 responses »

  1. wow! sarap ng work mo, libreng pamumundok. pero teka pala, may naencounter ka na rin bang mga npa? kwento mo naman kung meron.

    regarding sa picture: mukhang malalim ang sapa. baka hanggang bewang ko yan. lols!

    • hmmm! part ng trabaho ko ang paminsan-minsang encounter either on the right side or left side ang paniniwala. Hindi kase maiiwasan dahil community hinahandle namin. Minsan naglalakad kami tapos dadaanan kayo ng mga babaeng naka-short at may mga dalang malalaking armas. Haha!

      O kaya pagdating sa unahan, checkpoint ang daratnan at mag-wawarning na mag-ingat, ang mahirap lang dun ay kung maipit sa crossfire pero never naman nangyare samin kase hindi kami papasok sa isang lugar kung hindi sigorado ang safety.

      kanya-kanyang paniniwala, respeto lang din, hindi natin sila pwedeng pilitin na mali ang ginagawa nila dahil sila ang may first hand experience sa mga injustice, pero on the other side ang mga sundalo ay may sinumpaang tungkulin sa bansa. haays! mahaba-habang usapan ang ganito.

      yang picture, malalim ang nasa unahan, alangan namang lumusong ako e dinaanan lang namin yan, nasa paanan pa yan ng bundok. hehe! pose nga lang kami for picture tapos lakad na.

      • sa check point, bigla kang sumigaw ng: “mabuhay ang rebolusyon!” tapos pag may nasalubong ka namang mga makakaliwa, bigla mong ilabas ang cellphone mo sabay sabi ng: “positive sir! andito sila!” .

        manigong bagong taon! lols!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s