Saranggola tuwing tag-araw

Standard

Pag may lumilipad nang saranggola sa himpapawid, alam ko bakasyon na. Napapangiti ka na lang habang pinapanood ang mga bata, masunog man sa araw hindi mapipigilan sa pagpapalipad. Daig pa na parang buhay na nila ang hawak sa nakatali na pisi. Ang hindi mababayaran? Ang ngiti sa mga labi ng bawat batang may taling hawak habang nakatanaw sa saranggolang sumasayaw sa hangin. Mapa-abandonadong lugar, sa tabing dagat o sa gitna ng bukid at palayan. Pare-pareho ang pakiramdam ng mga taong nakahawak sa tali nang lumilipad na saranggola. Lumilipad ka, pansamantalang walang pakialam sa mundo, pansamantalang walang problema.

Ito ang pakiramdam na ang sarap balikan, ang amoy ng hanging dagat o kaya ang hangin sa bukid. Ang simpleng buhay habang nagtatawanan sa pag-gawa ng saranggola, ang halakhakan kapag bumulusok ang saranggola at ang ngisi kapag naabutan o mas mataas ang lipad ng saranggolang hawak. Ang amoy ng pawis ng kabataan, takbo doon, takbo dito hangga’t may matakbuhan habang nagpapalipad at ang pag-share ng baong biskwit sa bulsa. Hati-hati para lahat makatikim. Ang simple lang ng buhay natin noon pero masaya.

Tuwing tag-araw, saranggola ang kasabay sa pangangarap, ang kasama sa pagpapalipas ng oras na nakangiti at tulay para sa mga bagong kaibigan. Tara! Magpalipad ulit tayo ng saranggola. 🙂

Advertisements

10 responses »

  1. Turuan mo ko ani, di ako marunong gumawa at magpalipad nito. Alam mo bang nung minsang napadpad ako sa tagaytay, gustong gusto kong magpalipad ng saranggola kaya lang naunang lumipad yung isip ko. hahahaha

    • ahaha! ako din lumilipad isip ko habang nakikinood sa mga nagpapalipad ng saranggola. Pero magaling akong gumawa ng colorful pero ordinary na kite lahat matataas ang lipad. tara! turuan kita. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s