Monthly Archives: May 2013

kapayapaan sa drowing mo

Standard

Ang sining ay nalikha dahil sa paghahanap ng tao ng kalayaang mailabas ang nararamdaman. Sa sining nagiging malaya ang nasa likod ng letra ng bawat tula at awitin. Sa sining may kulay ang bawat karanasan at ang sining ay isang paraan para magpalaganap ng isang adbokasiya.

Ang Asia America Initiative ay isang grupo na may proyektong layunin ay mapalaganap ang kapayapaan sa Mindanao sa pamamagitan ng pag-gawa ng Longest Peace Mural na tinatanyang aabot ng 3,770 metro ang haba. Ito ay ang Lakbay para sa kapaYapAan sa EDSA na magaganap ngayong May 26, 2013, alas-sais ng umaga sa People Power Monument, EDSA, Quezon City. Ang proyekto ay naglalayon na ipaabot sa bawat Filipino na pwedeng maki-isa sa pagpapalaganap ng kapayapaan kahit sa simpleng paraan.

I-drowing mo ang nararamdaman mo. Kulayan mo ang paniniwala mo at isa-larawan mo ang kapayapaan na gusto mo. Lahat ay inanyayahan para maki-isa sa gawain. Sino ka man, ano man ang posisyon mo komunidad sa pagdrowing lahat ay magiging pantay-pantay. Sa drowing mo boses ng karamihan ang naipahayag mo.

Walang mawawala sayo kung sasali ka, bagkus nakatulong ka pa sa simple at munting paraan. 🙂

Calling for Volunteers for the longest peace mural in the world

nasa dulo daw ng dagat ang langit

Standard

Dati tuwing bakasyon, mga walo o siyam na taong gulang pa lang paniwalang-paniwala ako sa teorya ko na sa dulo ng dagat dulo na ng mundo at pwede mo nang abutin ang langit. Madalas naming pagtalunan yon ng pinsan ko dahil sabi nya hindi pa langit yan amerika daw muna bago ang langit. Ayaw kong maniwala, basta sabi ko langit na yon dahil madalas andun ang dulo ng rainbow. Ginagawa namin ang pagtatalo tuwing tumatambay kami sa may dagat tuwing hapon. Sino ba ang magsasabi na tama o mali ang teorya ng bawat isa e pareho lang naman kaming mga batang nag-astang matanda at nag ala-genius sa geography ng mundo. Pati langit dinamay pa.

Sa lugar din yon kami madalas mangarap habang nakahiga sa buhangin na makakasakay din kami sa mga paminsan-minsan eroplano na nakikita naming sa himpapawid. Na darating ang panahon makakatapak din kami dun sa mga malalaking barko na nakikita lang namin mula sa malayo, hindi nga namin alam ang itsura basta kulay puti lang sila at sing liit ng hinlalaki sa kamay namin.

Sobrang simple lang ang buhay dati ang alam lang naming maging paglaki ay maging teacher, doctor at engineer. Sa karatig bayan lang daw kami mag-aaral sa kolehiyo at walang doctor at engineer na kurso dun kaya malamang teacher kaming dalawa. Sobrang malayo na sa amin ang sasakay ng bus ng dalawang oras. Basta madalas naming pag-usapan na pareho kami ng eskwelahan na pupuntahan.

Sa ngayon, natupad nga naman ang ilan sa mga pangarap ng mga bulilit na kami, may kanya-kanya ng lisensya sa napiling kurso. Engineer na sya at ako napasok sa larangan na sa hinagap ay di ko naisip ang maging propesyonal na manggugubat. Pareho na rin kaming nakasakay ng barko, iba-ibang klaseng barko pa, luxury cruise na lang sigoro ang dapat naming pag-iponan. Eroplano? Naging buhay na rin naming ang lumipad sa kung saan-saang parte ng pilipinas sigoro ang kulang ay yong pagpunta sa amerika bago sa dulo ng mundo. Ang langit? Ito sigoro ang hanggang ngayon ay pareho naming pagtatalunan kong saan nga ba, basta ang alam na naming ngayon na hindi ito nasa dulo ng dagat.

April heat

Standard

Busy ako. Yon lang! Hehe!

Totoo, busy talaga pero hindi ibig sabihin busy lang sa trabaho. Pakiramdam ko nga wala talaga akong matinong pahinga dahil kahit sa weekend may mga activities naman ako. Charot! kung saan-saan lang, pasama-sama sa mga friends para pang counter sa init ng panahon. Well, saan ba ko napunta. Una, sinulit namin ang araw ng kagitingan, nagtangka ulit sukatin ang lakas ng loob umakyat sa mga boulders na bato. River Tracing naman daw hindi na river trekking.

image

image

image

image

image

image

tulad ng river trekking buwis buhay na akyat sa mga bato. Haha! pero masaya.

Hindi ko na maalala ano pa pinanggagawa ko. Haha! Pero nag bridesmaid ulit ako. walang picture dahil nakabalandra talaga mukha dun.

Nagpunta din kami sa Agusan at Red Alert ang area kaya nakakatakot ng kunti yong parang lalabas na ang heart mo sa kaba dahil baka anytime may mang aambush sa inyo. Haha! Salamat sa diyos at buhay naman kaming nakauwi pero ang exciting na part dun ay ang pagsakay namin sa skylab. Ilang beses ko nang natry pero ang kasama ko first time kaya tuwang-tuwa ako sa reaction nya. Masarap lng talaga minsan mang asar. Haha!

at nakauwi ako sa amin. Nakaligo ng dagat at nakakain ng maraming seafoods. hehe! Marami pa sanang kwento pero inaantok na ko. Babush!

image