Monthly Archives: August 2013

Walked away

Standard

Dati may nagsabi sakin na “baka mali ang akala mo”. “May pag-asa pa bakit ka susuko?”.

Hindi ako sumusuko, alam ko lang kung hanggang saan ako, sabi ko sa kanya.

Maraming beses tinutulak natin ang ating sarili sobra sa limitasyong kaya natin. Kaya maraming nasasaktan, kaya maraming tahimik na lumuluha, minsan pa’y patago. Kadalasan kase ang mga taong tinutulak ang limitasyon nila ay yong mga taong mataas ang tiwala na kakayanin lahat. Kaya pag nahulog ang lakas ng lagpak. Bulusok at walang makapitan agad.

Advertisements

Biyahe

Standard

wpid-HPIM0798.JPG

Natuwa ako dito. Minsan talaga tayo kahit kandahirap puntahan for the sake na may picture go! Hahaha! pero naisip ko if hindi ko naisip magpahinga ngayon nasa beach at sidetrip sa kawasan falls sana. Kaso ramdam na ramdam na ng katawan ko ang pagod. Ayaw kong magkasakit ng sobra may byahe pa ako na gustong-gustong puntahan.

Next month daw, go na ang Albay trip. Yehaaa! Hahaha! At syempre gusto ko ding bumalik ng Cagayan de Oro. Kelangan kong mainterview ang dati kung housemate tungkol sa engagement nya. Hehe!

Next time, Tinago Falls or Mayon Volcano nman dapat ang background.

Oo na, ako na ang gala! Pero hindi talaga ako pwedeng ilagay sa isang sulok lang. Baka di mo alam nilayasan na kita. I usually travel alone, sanay na sanay ako na mag-isa lang. kulang na lang putulan ko buhok ko ng katulad ni Dora. Hehe!

Pero hopefully sa susunod, masusubukan ko ring bumiyahe na may kasama, yong pwedeng ka-holding hands while walking. Hahaha! Pangarap na naman!

Nangarap na lang din, sagarin ko na. Yong pwedeng makasama sa tabing dagat with bonfire, stars and moon in the sky. Yong pwedeng makausap anything under the sun. That would be one of the best vacation sigoro. Para habang wala pa, enjoy ko na lng yong chance na nakakapagbyahe ako. 🙂

may sasabihin ka?

Standard

Napapaisip na naman ako bigla. Kung may kakayahan nga ba akong magdesisyon para sa ikakabuti mismo ng sarili ko. Reklamador ako sa mga simpleng bagay ‘yon nga lang hindi rin basta-bastang sumusuko. Madali kung natatanggap yong sitwasyon kung saan madalas akong napupunta, part of the job sabi ko sa sarili ko. Pero pag personal na bagay na, ang hirap bumalanse, ang pantayin ang emosyon o dapat bang patayin na emosyon.

Marami akon tanong, tulad mo. Ang kaibahan ko tinitipa ko ito at sinasaboy sa mundo saan man dumating o sino man ang makabasa. Who cares? di mo ko kilala. Ang taray lang no? ang totoo ayaw kong magsulat ng ganito na parang hinuhubaran ko na naman ang kaluluwa ko dahil nagbubuhos na naman ako ng emosyon. Pero outlet to. Wala naman talaga akong malaking problema. Hindi ko rin pasan ang mundo. Basta nakakapagpadala lang ng pang tuition ng isang kapatid at pang allowance ng isa pa, oks na oks na. Sarili ko lang problema ko. Hindi ko maintindihan bakit hindi ko kayang ilagay sa palad ko ang pintig ng puso ko. naks! hahahaha! love problem ba ito? kung pwede nga lang diktahan, matagal ko nang ginawa.

Anyway highway, makukurot o masasabon ko na naman sarili ko. Minsan ang dami ko lang nagagawang kapalpakan pag sumasabog ang emosyon ko. Minsan nililipad pa ako sa ibang planeta. At minsan din parang ang sarap lang magkwento tungkol sa nirereklamo ko. As if interested ka. Hahaha!

May sulat ako sa isang tao, at gustong-gusto ko itong ipabasa mismo sa kanya pero takot akong maghalo na naman ang balat sa tinalupan pag nagpapaka-impulsive ako. Pero sabagay sanay na sanay na ako sa mga pagbabago, pagbaliktad ng mundo ko, ang paglipat ng lugar at kung-anu-ano pa.

Pero totoo, once na nabasa nya to ibig sabihin kelangan ko nang magpaalam. Tapos na at kelangan ko na ulit magsimula. Haays!hindi ko na hihintayin ang sagot sa 3rd wish at itutulak ko na naman ang sarili ko palayo sa bangin at maglalakad ulit ng kilo-kilometro. naiiintindhan mo pa kaya tong pinagsasabi ko? hahaha! hayaan mo na. pag personal kitang kilala at diretso mo akong tatanungin, sasagutin din kita ng matino at totoong sagot yon ay kung kaya mong tanggapin ang sasabihin ko. hahahaha!