may sasabihin ka?

Standard

Napapaisip na naman ako bigla. Kung may kakayahan nga ba akong magdesisyon para sa ikakabuti mismo ng sarili ko. Reklamador ako sa mga simpleng bagay ‘yon nga lang hindi rin basta-bastang sumusuko. Madali kung natatanggap yong sitwasyon kung saan madalas akong napupunta, part of the job sabi ko sa sarili ko. Pero pag personal na bagay na, ang hirap bumalanse, ang pantayin ang emosyon o dapat bang patayin na emosyon.

Marami akon tanong, tulad mo. Ang kaibahan ko tinitipa ko ito at sinasaboy sa mundo saan man dumating o sino man ang makabasa. Who cares? di mo ko kilala. Ang taray lang no? ang totoo ayaw kong magsulat ng ganito na parang hinuhubaran ko na naman ang kaluluwa ko dahil nagbubuhos na naman ako ng emosyon. Pero outlet to. Wala naman talaga akong malaking problema. Hindi ko rin pasan ang mundo. Basta nakakapagpadala lang ng pang tuition ng isang kapatid at pang allowance ng isa pa, oks na oks na. Sarili ko lang problema ko. Hindi ko maintindihan bakit hindi ko kayang ilagay sa palad ko ang pintig ng puso ko. naks! hahahaha! love problem ba ito? kung pwede nga lang diktahan, matagal ko nang ginawa.

Anyway highway, makukurot o masasabon ko na naman sarili ko. Minsan ang dami ko lang nagagawang kapalpakan pag sumasabog ang emosyon ko. Minsan nililipad pa ako sa ibang planeta. At minsan din parang ang sarap lang magkwento tungkol sa nirereklamo ko. As if interested ka. Hahaha!

May sulat ako sa isang tao, at gustong-gusto ko itong ipabasa mismo sa kanya pero takot akong maghalo na naman ang balat sa tinalupan pag nagpapaka-impulsive ako. Pero sabagay sanay na sanay na ako sa mga pagbabago, pagbaliktad ng mundo ko, ang paglipat ng lugar at kung-anu-ano pa.

Pero totoo, once na nabasa nya to ibig sabihin kelangan ko nang magpaalam. Tapos na at kelangan ko na ulit magsimula. Haays!hindi ko na hihintayin ang sagot sa 3rd wish at itutulak ko na naman ang sarili ko palayo sa bangin at maglalakad ulit ng kilo-kilometro. naiiintindhan mo pa kaya tong pinagsasabi ko? hahaha! hayaan mo na. pag personal kitang kilala at diretso mo akong tatanungin, sasagutin din kita ng matino at totoong sagot yon ay kung kaya mong tanggapin ang sasabihin ko. hahahaha!

Advertisements

97 responses »

      • Dahil nakikibagay tayo sa panahon..
        Sa agos..sa dikta gaya ng sabi mo..
        Pero minsan kailangan nating sumalungat..
        Para itama sa direksyon nais natin puntahan..
        Sa kalayaan nasa ating kamay lang.

        • ok. sabi mo e.
          you just reminded me of someone na hindi na babalik πŸ™‚
          namiss ko sya bigla.

          all I know is cicadas are insect and FYI aninipot is also an insect it was a firefly πŸ™‚

          Good day to you.

  1. Aninipot is the Visayan name for firefly, which is alitaptap in Tagalog.
    They bear natural lights while cicadas bring music at night.

    Good thing you thought of someone because of me.

    It’s nice to be in this tree that bears yellow flowers.

    Stay well AniNiPot.

    • minsan lang kase ang taong poetic magsalita.

      Alam na alam mo saan ko kinuha ang name ng blog na to. Malaking part kase ng kabataan ko ang maglakad kasama ang mga petals ng bulaklak nito. yong parang sumasayaw lang sila kasama ang hangin.

      I was overwhelmed that someone literally understand the title of my blog. Napangiti mo ko. Salamat!

      • Ako rin naman..
        Nalulugod akong mamangha sa dala mong liwanag..malikot na alitaptap..
        Nawa ay huwag kang tumigil nang pagtipa..dahil may kalayaan itong dala..
        ‘At makita sana natin ang isa’t isa..kahit sa mundo ng hiwaga..
        Na sa panaginip ko noong ako’y bata pa ay minsan ko nang nakita..
        Isang katawang tubig naliligiran ng puno’t halaman na kay gaganda..

        It’s a forest-like settings that brought magical feelings.

        happy typing Ani..

        • Nai-imagine ko ang place sa description mo. Gusto ko yan puntahan someday kung meron pa bang lugar na ganyan.

          Binuhay mo ang dugong mahiwaga ni aninipot. hahaha! ang tagal na panahon na wala akong nakakausap ng ganito. At gustong-gusto kong humawak ulit ng paintbrush para magpinta. Thank you so much for this conversation. Ang dami ko na palang mga bagay na pansamantalang kinalimutan dahil naka-focus lang ako sa isang bagay. Nakalimutan ko panandalian ang dahilan bakit nag-eexist si aninipot.

          soon, babalik ang masayahing aninipot, isa-sa pa kase nyang hinanap ang mga parte na naibigay nya ng kusa at hindi naibalik sa kanya. One step at a time, mabubuo din ito. πŸ™‚

          nawa’y ang musika mo ang isa sa mga magsisilbing dahilan para makabalik ulit si aninipot.

  2. Ikalulugod ko ng lubos ang mabuo muli and kasiyahan ni aninipot.

    Magandang umaga sa yo.

    Sa gitna na katahimikan matapos lumubog ang araw..
    Nakapagnilay ano nga ba ang musika magpapaindak muli
    sa isang alitaptap na kay ganda ng ilaw.

      • Who? You are mistaken Ani..

        I’m not who you think I am.

        I am from far away…in a place you surely
        don’t like.

        A total stranger to a firefly..

        • Aw. I’m sorry.

          Madalas kase akong pagtripan ng isa sa mga kaibigan ko. Plus the fact that you are both poetic. πŸ™‚

          Hmmm, a place that I don’t like? Tsk! presumption! presumption. You don’t know me yet para sabihin yan.

  3. My apology for being presumptuous..
    But the signs are in this tree of yours..
    The light that the firefly bears..
    The traces you left while you type and play…
    The emotions that glow around the petals..
    which make this tree worth hangin’ around.

    • So either your in the desert or on ice? Am I right?

      That’s the place where firefly don’t thrive. Or maybe the city lights already replaces the light of fireflies.

      • It’s the latter Ani..

        Like a firefly, you are bright..

        I know you don’t like the busy district..
        where concrete walls blind us from
        seeing the true face of nature.

        I am happy I’ve known a forester…at least her pseudonym.

        • The truth is, I also live in a city. Our only difference is we see it on a different perspective. Yeah! I also work in a four wall room yet once I go out I didn’t forget that the moon and the stars are in sky just waiting for appreciation.

          I watch sunset behind the windows of my workstation.

          Appreciation is a matter of choice.

  4. Agree.

    Maybe it’s a choice..but deprivation is more a motivation to appreciate things.

    The moon how regular it shines at night, sometimes reveals a magnetizing glow..
    The stars..? They are perfect without artificial lights at night..as in starry starry night..

    Sunsets are perfect as its rays touches the sea and flaunt the glittering surface of the waves.

    I appreciate things but I should say you give rich meaning to things around you..and its good,

      • Wow superfast! Agad agad..? haha..
        But seriously if i could i would..
        Or who knows..maybe someday..if time, space, weather..etc..permit so.

        I’d love to see the firefly someday.

        • Hahaha! Hindi yan agad-agad. Kahit ako puno na ang kalendaryo for september, hanggang december may nakasulat na sa planner ko.

          Anytime in the future yan. Haha!

          It was really my dream to climb Mt. Pulag kaya naghahanap na ko ng pwedeng mahila. Haha!

  5. Should I say, I could be there with you in spirit..haha

    Let’s see what’s in store sa future..

    Superlikot mo pala talaga ani..as in very busy..gala ba..? haha..
    But its good, you would have a lot more to share…

    • Malikot? Hindi po… Kunti lang. Haha!

      Part of the job or maybe pwede ring part of me. Mamamatay ako if makukulong sa isang lugar.

      Ahhh! Hindi na kaya ng tuhod ang umakyat ng bundok. Joke lng po. Haha!

      • Hahaha..presumptuous you are..
        Sounds like a challenge din..haha
        If only I could..

        I guess we apart geographically.
        Meanwhile, I wish cicada’s music brings aninipot’s long lost something..

        • Hahaha! karamihan sa mga taong pumapasok sa kwadradong mundo may kanya-kanyang character na kinakatawan kaya mahirap espelingen at tantyahin ang bawat isa.

          Babatuhin mo na lang, para may ibabato sayo pabalik. Gets? hehe!

          Hopefully, maibabalik ko yon. πŸ™‚

    • Done.

      Takbo na ko sa next activity. Kanina half day seminar on Biodiversity protection tapos ngayon sa exhibit naman. Hindi ko alam anong ibabatong mga questions sakin. Haha!

      At nakuha ko pa talagang makipag-usap dito no? samantalahin mo ang time na kaya ko pang sumilip dito. hahaha! by next time baka hanggang update na naman ako.

  6. Mahirap ka ba espelingen?
    Di kaya malalim lang arokin?
    O di kaya sa babaw nito ay nilalagpasan lang ng tingin..?

    Ibabato pabalik? Adik lang..?

    Gets ko…mutual ang buhay sa mundo.

    • Hahaha! adik at mahirap arokin malamang, ganun yata sa simula at sa susunod lalagpasan lang ng tingin.

      the reality of life.

        • wow! ginawa na nating chatroom ang comment area ng blog ko. hahaha!

          mangha? saan?..

          I like talking with stranger, yong ganito lang yong hindi ko nakikita ang kinakausap ko. At since sinimulan ko na, gusto kong abusuhin hangga’t may panahon pa. May page ang blog na to entitled “dear” katabi lang ng coffee paintings. tingnan natin kung di magbago ang image na binuo mo sa isip mo kay aninipot.

    • Multi-tasking ang forte ko. hahaha!

      Tapos na pala ang exhibit. Gusto kong tumambling dahil pagdating ko malinis na. Sign sigoro na may iba pa akong tatapusin. πŸ™‚

      • Nabasa ko na ang blog na “dear”..

        I don’t know what could cause to change my mind about lady firefly.

        Yes, she’s went through that pain..but what I see is strength and love..

        ..the will to move on..and the outlet she’d made to overcome things..

        … and the love for family.

        Broken hearted..huh?

        But not broken wings..so move on further..ani.

        • Mapamahiin ako minsan. Napanaginipan ko na by weekend may makikilala daw ako para maintindihan ang lahat. Indirectly it becomes you. Ang dami kong nabalikan at narealized. Thanks!

          pero tuwing nababasa ko yong page na yon, sumasakit pa rin puso ko. Hahaha! ganito talaga ako ka outspoken sa nararamdaman ko. Hayaan mo na, it makes me feel real. Na tao pala talaga ako. πŸ™‚

  7. It’s my pleasure if a bit I made you realized things.

    Sumasakit ang puso? Mabuti hindi na malakas ang tibok..palpitation like before..
    Masakit talaga lalo’t bagu-bago pa..time heals all wounds..
    I’m sure with that energy and outlets you have, you will finally move on.

    May doubt ka pala di ka tao? haha..joke lang din.

    But in reality, these kind of things make a person stronger..

    Regine’s song tells this.

    • nawiwindang ako sayo, parang ang dami mong alam sakin. dati ka pa bang nagbabasa ng blog ko? o nagbackread ka?

      masakit lang inside pero normal ang heartbeat ko. hahaha! di ka tao pag di mo alam yon.

      • Let’s say both..? haha..

        Easy lang..wag mawindang..Chill.

        Glad normal heartbeat mo..hoping the pain would be lessened soonest..

        Pagpaumanhin mo, naging chat room na nga ito.

        • I don’t mind na gawing chatroom to. Dati rin naman ginagawa namin to. At least may break ng kunti habang nagrereview ng proposal.

          ayokong maging assuming pero nasa isip ko na kaya cicada ang pseudo name na gamit mo para pwede mong maconnect sa firefly or insect?

          may itatago pa ba ako except sa real name and face sayo? kaluluwa ko na yata ang blog na to.

  8. cicada kasi i’m either making noise or music..
    my guitar..

    hmm..pwede rin connect sa firefly..favorite ko sila to see flying low
    while listening to cicadas..

    real name? face? haha..in time malalaman din..
    more research..haha…license number starts 94xx?

    • hahaha! pati license number??? kinakabahan na ko sayo! ang dali pa namang hanapin dahil ang kunti lang. Unfair!at mali ang hula mo sa starts ng license no.

      really, marunong mag gitara. nice! Ako lang ang di masyadong marunong mag gitara sa family πŸ™‚ kung paano ako mag-gitara nung grade 6 until now ganun pa rin.

      • mali?..it means nasa 93xx number mo? haha..

        don’t worry i won’t dig hard..but i have already the list of names..

        guitar..marunong lang..basic..fill her ng eraserheads tugtog ko now..breaktime kasi.
        brought my guitar sa work.

        my license din ako..starts with 94..but 5 digits..four digits lang sa yo eh.

        Sayang nga noh..kaunti na lang..nasa top 10 ka na…charged to history.

        • Grabe ka! baka at the end of the day, wala man lang akong kamalay-malay alam mo na full name ko. kaloka naman to. saka ko na i-search anong profession ang may 5 digit numbers.

          ang saya, pwede magdala ng gitara sa work. Kanta ka ng “alapaap” gusto ko yon.

          hayaan mo na hindi na naman ako bitter dun sa result. Mas masaya work ko kesa dun sa nagtop samin. hehe!

  9. May isang umaga..
    Na tayo’y magsasama..
    Haya at halina sa alapaap..
    O anong sarap..

    One of my first songs by E-heads na natipa..

    Mabuti enjoy ka naman sa work mo.

    Analyn ba? hahaha…

    • hahaha! hindi!

      hinanap talaga ano? if nagbabasa ka talaga ng blog ko malalaman mo. clue? drawings! hahaha

      if mahanap mo, please lang wag mo isulat dito ha. mapipilitan akong i-edit.

  10. hahaha..neΓ±a nasa drawings..
    nakita ko na mga paint works mo..
    in fairness.. may talent.

    i would stop for a while pagiging sherlock holmes or blues clues..haha..

    i’m having nice time with you in this virtual world.

    • me too. Thank you din.

      Na-curious na rin ako bigla sayo, there’s nothing interesting on me nor this blog. What I had shared is also ordinary pero binigyan mo ng oras na basahin. kaya salamat ng marami.

      I still prefer to be called Ani. Medyo nag-aalangan akong gamitin real name ko dito.

        • Unfair nito o!talagang di tumigil.

          naisip ko na lang bigla ano profession mo. Hmmmm, iisipin ko na lang talaga na isa kang cicada. hahaha

        • Hindi naman sigoro masama if tatanungin kita anong field of dicipline mo diba? yan lang pwede na sakin. πŸ™‚

  11. Hahaha..magaling ka rin naman..
    Profession ko?..hmmm..maybe Cicada is helpful..haha

    I hit it right, di ba?

    Be well lady firefly..stay safe!!!

    Be happy!

    • An entomologist? or in the field of Agriculture?
      Naman! wala akong pasensya sa hulaan, promise!

      yes, I well. Sarili ko na nga lang aalagan ko di ko pa ba gagawin ng maayos πŸ™‚

  12. field ko starts with C as in cicada..
    about numbers..sabi nila mahirap daw..
    pero tingin ko arithmetic lang naman..
    Chicken Pork Adobo..

      • Or maybe just think of a beautiful music cicadas bring at night..
        You may also be happy…
        The firefly is in my mind..wandering..lighting up my imagination magically..

        I can’t explain..I just know its a high feeling..haha..

        Light and music blends

        • Cicadas makes me sleepy and missed home.

          I don’t want to ruined your happines pero minsan gusto kong humalakhak dahil sa mga sinasabi mo. Gusto kong tanungin if ano nakain o nainom mo? Hahaha

          Overwhelming ang mga sinasabi mo pero nasa dreamland ka na yata. πŸ™‚

  13. wag ka sumunod ng di maligaw..
    actually, masaya lang naman ako..not knowing exactly why..
    baka high in sugar..haha
    anyway highway..don’t mind it..

    yes i sing solo..few pieces lang..

    • Wow! Anong song usually kinakanta mo? More on accoustic ka?

      May isa akong kapatid na musikero daw. Tuwing umuuwi pag bakasyon may mga gigs sya at kami nakikigulo lng. Hehe!

  14. acoustics..just did fill her kanina..

    artist pala kayo..painter..then musician..nice!

    it feels good to play and sing..esp. at night

    • Hinanap ko ang song na kinanta mo. Gusto ko yong pagstrum ng guitar di ko lng masyado ma gets yong lyrics. Haha!

      Actually performer type silang lahat. Ako lng hindi. Lumaki akong kinakantahan ni tatay gamit ang gitara nya.

      Masaya magkantahan lalo na if brownout, buwan at bituin ang mga kasama. πŸ™‚

  15. prep lang..
    ba back up lang..
    rock rockan after..bye muna

    pahinga ka..
    nang di magkasakit at makagala uli..

    sensya na sa dreamland..
    haha..

    bye

    • When is everything okay?

      This is not a perfect world..we are in a continuum..
      Everything changes..thus we could not expect everything to be ALL okay.

      That’s why we either face, fright, or fly…we bend or break…

      Just my two cents..happy holiday!

      • Subjective naman kase ang pagiging okay. Tulad lang din yan ng “living our life to the fullest” may kanya-kanya tayo ng criteria paano nating tingnan level nito.

        Ang alam ko, ok na ang lahat pag kuntento at walang bigat sa dibdib ang pag ngiti.

  16. Walang saysay ang kalayaan kung wala itong patutunguhan..
    Kung hindi ka mag-iisip, walang kabuluhan ang mapupuntahan..
    Kaya sa paglalakbay mo tungo sa inaasam..
    Mga bagay ay pinag-iisipan upang bigyang halaga at kahulugan..
    …maging pighati man o kasiyahan..
    Dahil ito ay may dalang kayamanan na higit pa sa kalayaan..
    Na hindi kailanman matutumbasan..bow?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s