Monthly Archives: September 2013

Remembering a smile

Standard

Remember the first time we’ve met. Urong-sulong ang utak ko noon. Ready ba talaga ako makipag-kita? Nakakatakot syempre, paano if hindi ikaw yong nabuo sa utak ko? Ang daming what if’s but I pursue. May palabra de honor ako.

Kung kelan may ulan saka naman wala akong payong. Sinabi lang na magkita tayo somewhere, never sinabi ang kulay ng damit, ano ang itsura. Haha! I bet pati ikaw hindi rin alam anong iisipin. Maybe fate is good with us, kung saan ka tumigil dun din ang binabaan ko ng jeep. Tawag lng sa selepono nasaan ka and tsaraaan! Halos magkatabi na pala tayo.

Alam mo ano ang di ko makalimutan? Your smile, nakangiti ka nung magkamay tayo. Di ko alam kung para saan, dahil ba napatunayan mong maliit nga ako? Haha. Natuwa din ako nung makita ko yong lawit mo sa buhok, cool! sabi ko. Sinubukan ko pang hanapin if may piercing ka sa tenga pero wala.

Pero yong bad boy image mo yata hanggang dun lang sa style ng buhok. Hindi ko rin alam kase di nman kita nakilala ng lubusan. Nagbabago ang pananaw ko sayo bawat panahon na nakasama kita hanggang sa umabot na ikaw yata ang pinaka-konserbatibo at isa sa mga may pinaka-mataas na moral value sa mga nakilala ko. Bow!

Saan na ba ako? Hmmm, balik sa pagkikita. Dinaldal kita ng dinaldal, sabi mo nga hinga lng ang pagitan. But the truth is, sinadya kong mgkwento ng magkwento ayokong magka awkward moment sabi mo kase tahimik ka at nagpromise akong dadal-dalin kita.

Pero I’m more on a listener type sa mga friends. That’s the reason bakit maraming nagkukwento sakin ng mga sikreto. Parang ayaw mo kaseng magsalita kesa mapanis laway nating dalawa ako na lang nagkukwento. Pero aminin mo dahil dun na at home ka.

Makwento ako if gugustuhin ko, espesyal talent ko nga daw yon. Haha!

Pero pansin mo in person wala akong masyadong sinasabi on how I felt. Puro ibang tao kinukwento ko, except dito sa blog dahil madaling magpakatotoo. Sensitive ako sa loob kaya nga ang bilis kong masaktan. Though sabi nga ng mga kaibigan ko, Im stronger than what I know. Kaya yan ang gusto kong patunayan sa sarili ko.

Maybe you wonder kung ano na naman pumasok sa utak ko at sinulat ko pa to. Simple lang ang sagot, unti-unti itong nawawala sa utak ko kaya gusto kong i-kept at i-document. I don’t want to forget those smile dahil ang dami kong dapat ipagpasalamat sa mga natutunan ko.

I never thought that you’ll teach my heart an emotion that I thought I’m not capable of. It was unexpected yet I fully treasured it. I know it was next to impossible yet I embrace it. Mahirap iwasan ang bagay na alam kong minsan ko lng maranasan. Sinubukan kong tumawid sa marupok na tulay pero nung nasa gitna na, alam kong kelangan kong bumalik sa pinanggalingan ko kung ayaw kong mahulog sa bangin. Walang mag-aabot ng kamay sa dulo, walang ngiti na magsasabing kaya mo yan. I choose to save myself. Walang ibang gagawa kundi ako lang.

Kalahati ng utak ko sinasabi na kinokompromiso ko na naman sarili ko at in the end, ipapahiya lang. Haha! But this is who I am. Walang simple sakin, mas kumplikado mas stable kung nadadala. Matagal ko nang tanggap yon. Napakasimple lang talaga buhay ko, kumplikado lang akong mag-isip.

Ganito lang sigoro ako pag may binibitawang importante, sinusulat na lang. Walang ibang outlet eh! Kase alam ko kahit anong explanation at anong haba pa ko ito ikwento sa iba, hinding-hindi nila maiintindihan. Wala naman kaseng simple pag pintig ng puso na ang dahilan.

Sa ngayon pikit matang tatalikod, hindi ko pwedeng sabihin na hindi pa rin ako lilingon pero susubukan kong wag umatras. Lakad lang baka pag nasa malayo na magiging ok na rin ang pakiramdam.

Advertisements