bagong post

Standard

Inabot ako nang new year bago ko naisip ang blog na to. Binagyo din ang ika-apat na taon ng anibersaryo ng kuta na to. ‘yon ay kung naniniwala pa rin sa blog anniversary ang paisa-isang nadadapo dito. Maraming pangyayare na kung tulad pa rin ako ng dati malamang sa malamang naikwento ko kaagad pero yon nga nagbabago ang tao at nagbabago din ang priorities natin.

Dileema ko ang pamamaalam pero dahil tinipa ko pa ang tungkol sa paalam na yan malamang hindi mangyayare. Hahaha! Masyadong malaking bagay ang pagpapalabas ng kung anu- ano dito. Sinubukan kong magbasa ng mga blogpost ko 4 years ago at natatawa ako promise! Sabagay ano nga ba ang mga binabasura ng isang batang kakalabas lang sa apat na sulok ng eskwelahan. After 4 years yong mga dating hinahanap ko natagpuan ko na rin ng paisa-isa at nadagdagan din ako ng apat na kilo (isama na ang timbang dahil hirap na hirap akong i-achieved yan for the past 4 years) isa lang talaga ang hindi nagbago, wala pa rin akong lovelife!!!!! Hahahaha! Ang loser ko lang talaga sa aspetong yan o baka ako din ang may kasalanan dahil tinataboy ko ang mga lumalapit. Pero kung buhay pagiging gala, first honor ako nyan may trophy, sash at korona pa. O ha! Parang pageant lang diba.

Bakit ba ang ending pag tumitipa ako napupunta sa buhay pag-ibig? Haha! Kung saan madalas bagsak ako dun pa talaga napo-focus. Parang reflection ek-ek daw sana ang post na to kaso ang hirap yatang magseryoso dahil kung papayagan ko sarili ko malamang drama ang labas ng tinitipa ko. Hmmm, ang mga kwento ko talaga dito kaunting parte lang ng mga ginagawa ko. Pag naiisip ko lang tumipa yon na. Hindi talaga to pagsusulat, isinatitik ko lang ang nasa isip ko. Madalas ko tong nasasabi, natutuwa ako sa mga taong nakilala ko dito at mga naging kaibigan sa totoong buhay. Wala lang naisip ko lang bigla at gusto kong sabihin ulit, bow!

Magulo pa rin akong kausap, at oo madaldal pa rin. In case gusto mong malaman. Nagpapaka-anonymous pa rin ako kahit binaladra ko na mukha ko sa blogger FB account ko. Pero tingin ko mabangga nyo man ako hindi nyo pa rin ako makikilala except sa mga na-meet ko na ng personal. Feeling interested ka kung magkwento ako no? hayaan na lang mabuti na yong pakiramdam ko nakikipag-usap ako kesa mag post na naman ako ng tula at wala halos makaintindi. Hahahaha!

May nalalaman pa akong prosa dati. As if magsusulat talaga at sa huli ganito lang pala talaga ako. Pero masarap naman kase sa pakiramdam dati na magpanggap na parang totoong manunulat, dun naman kase nagsisimula lahat yon nga lang iba ang talentado sa hindi at kasama ako sa huli. Hehehe! Maraming pagkakataon yong sinasabi kong ayaw ko nang buksan at balikan ang pahinang to pero binabalikan ko pa rin. Sigoro nga tinanggap ko nang totoo na blogger nga ako at hindi ako tulad ng iba na kayang iwanan yong mga sinimulan. Sigoro nga kahit sa pagpapanggap lumalabas ang totoong ikaw at di yon pwedeng pigilan. Sino man ako sa likod ng mga salitang tinipa, si aninipot ay mananatiling si aninipot  happy new year!

Advertisements

One response »

  1. tunay nga naman… may mga bagyong dumadako sa ating mga buhay buhay maging dito sa buhay blog. minsan may baha at mayron ding tagtuyot. masarap din naman magkaroon ng temporary reclusion sa mundo ng blog. nagkakaroon ng panibagong perpective at insights sa muling pagbabalik… congrats to you and to all of us who’s mind and thoughts intertwined one time or another in this wondeful space of blogsphere! cheers!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s