Monthly Archives: March 2014

mundong kwadrado

Standard

Naalala mo paano ka nagsimulang magblog?

Ilang taon ka ba nasa dise? o kakasimulang magtrabaho at pabandying-bandying lang sa internet ang umuubos sa oras mo.

Istorbo pa ang trabaho sa pagbablog yon ang mga claimed natin.

Unang tipa nakaka-excite kahit hindi ka sigorado kong may magbabasa ba ng pinost mo. Hindi mo alam kong tatanggapin ng ibang tao. Mas nakakatuwa pa yong pakiramdam na kaya mong magwala at sabihin lahat dahil anonymous ka.

Isa pang nagustuhan mo ay ang pagkakaroon ng bagong katauhan base sa blog name na napili mo. Pwede kang maging makata at sa tingin mo ay mas may karapatan kang tumuligsa sa mga politiko ng pilipinas. Ang saya ng buhay dito no? Umiikot lahat ayon sa mga salitang tinipa mo.

Malawak ang blogosperyo pero sumisikip din ito. Tulad ng mundo napupuno, may umaalis may bagong pumapasok. Minsan balanse minsan din magulo.

Sobra ng apat na taon sa pagtitipa pero hanggang ngayon di ko pa rin maipaliwanag bakit di ko maiwan-iwan ang pahinang to. Naibuhos na yata lahat ng emosyon, nakalipat na ng trabaho ng tatlong beses pero ang blog na to binabalikan ko pa rin.

Kung love life pa ito baka may loyalty award na ako. Haha!

Pero ang totoo, hindi ko na rin alam ano ba dapat ang ititipa ko.. Diba dapat habang tumatagal dapat gumagaling sa pagbablog pero ako wala e. pareho pa rin. Haha!

Ang gusto ko lang naman talagang sabihin ay bigla kong namiss ang blogosperyo at ang mga taong nasa paligid nito, bow! hahahaha

Advertisements