Monthly Archives: April 2015

steady lang

Standard

kapag nag-iisip ako ng malalim, madalas pawang kababawan ang lumalabas. Iyong akala mo sa sarili mo na umiikot ang universe sa buhay mo. Umiikot ang lahat tapos ikaw steady lang nakatingin sa kawalan. Shaks! kape lang tinira ko, kopiccino ng kopiko. ‘yan ang pinaka-sosyal sa mga kape na nasa drawer ko. pinakamahal sa halagang 8 pesos. At biglang umabot sa kape ang lahat.

speaking of kape, gustong-gusto kong bumalik sa pagpipinta gamit ang kape, in fact, last month nakabili na’ko ng papel pero ano ginawa ko? nasa sulok ulit. Walang subject masarap lang magpalutang-lutang ang isip. Tipong magtatanong ka na naman ng sangkatutak tungkol sa sarili mo, ginugulo mo ulit ang sariling  mundo kase lahat steady na. ‘Diba ang gulo ko lang?

Natatawa ka na napapailing kase pinag-aksayahan mo na namang basahin ang basura ni aninipot. Pero ito lang naman sana ang gusto kong sabihin. “Na-miss kita kung sino ka mang poncio pilato ka”. At magtatanong ka, sino na naman kaya to? Lol

Wala. ayokong sabihin kase masarap sa pakiramdam ang magpaka-misteryosa kahit kalahati ng babasa nito ay may haka-haka sino yang namimiss ko. Wala sa plano na magpapaka-emo o magpapaka-keso na naman ako dahil alam ko na kung meron bang babasa nito sawang-sawa na sa kaemohan na tinitipa ko. well, what will I do? parang may isip yong mga daliri na pag tumitipa dito walang sinunod, basta tipa lng ng tipa.

kung mainit ang mata mo sa typo, pasensya mga pare at mare. o kaya naghahanap ka nang tamang kudlit o tuldok dahil madi-disappoint ka lang. 😉

May word na ginagamit yong officemate ko sabi nya “honesay” it’s a visayan word usually use by kids. It means the act of being honest. So, gagamitin ko yon. Honesay lang tayo.

Masaya kayang magpakatotoo kahit kababawan at kabaliwan lang.

Ayoko na. Ang totoo, malungkot lang talaga ako sa loob.

Halong (take care).

“You’re like a person I read, the saddest book with” – when a man’s fall in love.

Advertisements