Kadalasan sa mga babae nagiging masokista emotionally. Mas gusto nating namnamin yong sakit. Tagos hanggang buto at kalamnan.
Kahit anong sabihin ng mga tao sa paligid, matigas parin ang ulo. Sinabing i-blocked sa FB or ang number but we have other social media account to stalked.
Andun yong self-pity if mas maganda si new girl. Andun yong question na bakit sya? kulang ba ako?
Yong sakit parang gumuho mundo mo, iyak na hagulhol na parang di ka na makahinga. Sobrang bigat sa dibdib.
Pero yong pag-stalked, yong paulit-ulit na masaktan habang nakikita mo mga photos nila ay isang paraan ng pagtanggap na hindi na kayo.
Mahirap, sobrang hirap mag move on. Nakakaloka, nakakabaliw.
Kung pwede pang madaliin ang process ng paglimot at maging buo ulit.
Pero if kaya mo syang patawarin, nasa tamang landas ka.
Forgiveness is the starts of healing,para sa sarili mo, patawarin mo sya para mapatawad mo rin sarili mo.
At the end, lilipas din ang lahat. Tatawanan din natin ang mga nangyari. Magiging okay din tayo.
Ang first step sa pagmove-on ay acceptance.