gusto kong madagdagan ng bagong pahina ang blog ko kaya pagbigyan na ang trip ko.

pansin mo wala akong dinadagdag sa blogroll?

sa totoo lang wala talaga akong planong mag-add ng mga links..bakit? dahil kung gugustuhin kong basahin ang mga gawa mo, kayang-kaya ko iyong hanapin at balikan, anong gamit ang pagbabloghop…. pag nag komento ako ibig sabihin nagustuhan ko ang post mo… at asahan mong babalik ako at makibasa ulit kahit bago man iyon o hahalungkatin ko pa ang mga naitambak mong mga post.

isa talaga akong dakilang mambabasa..hindi tagagawa ng ipapabasa.

di ko alam kung may talento ako sa pagsusulat, pero dati pa papel at ballpen na ang kasama ko para ilabas ng nakatago kong saloobin.

yon nga lang nadiskubre ko ang blogosperyo kaya, ito ang ginawa kong basurahan ng walang katuturang karanasan.

hmm, kalaunan naisip kong pwede ko dito ipakilala ang sarili kahit walang pangalan… pero hindi rin ako naghahanap ng mga mambabasa…may babasa man o wala okey lang…di rin ako nagkokomento sa pahina mo para makipag exchange ng links, nag komento ako sa simpleng kadahilanang nagustuhan ko ang sinusulat mo..

ang kagandahan lang sa blogosperyo, pwede mong sabihin lahat ng trip mo…kahit ano, ibasura mo.

pero tingnan natin…ako’y isang taong magulo kaya baka sa susunod na buwan o taon bigla nalang pasukan ng puting hangin ang utak ko at idagdag kita sa blogroll ko…cge mwuah!!!

12 responses »

  1. korekek. open at walang moderation ang comments kaya co-comment ako hehehe. ganun talaga may magsusulat, may babasa. at least hindi ka araw-araw magsulat nakaka-habol ako hehehe, la kasi gaano time puro puyat sa trabaho eh. nakakatuwa din kasi malaman karanasan ng ibang tao para hindi na lang puro tungkol sa sarili nababasa. gaya sa yo, sino mag-aakala masaya magbilang ng puno di ba? nasa tao na kasi yun paano gawing masaya ang isang bagay.. hehehe.. hindi ko pala blog to parang napahaba komento ko hakhak..

    • haha. hindi ko talaga buburahin… para di magtaka ang iba bakit wala akong blogroll…. nakita ko kasing sayang lang yong effort ng pag-add tapos di rin naman totoong nagbabasa ang iba… mahirap din itong i-maintain… madami ang biglang nawawala at marami din ang dumarating.

    • haha, asan ako magaling?… mas magaling ka…

      isa na talaga akong ganap na diwata at prinsesa, di ko naman inisip ganun ang mangyayari…hmmm, sino ba ang nag-pauso na diwata ako… ang alam ko lang prinsesa ako ni kuya kulisap.

  2. waw.., ayos toh!.., at hindi ko alam kung naturukan ba ako sa Sta.Ana noon kung kayat minsan sa dami ng binabasa kung mga sinulat ay nakakalimutan kong saan nga ba ulet yun?,, sabi nga ng kaibigan ko padaliin ko daw ang buhay ko (lokong yun.. gusto na yata ako matigok=).., ang saya ng epekto sa kin ng bawat pahina dito kaya kahit walang ano pa man.. magababasa ulet ako next time..=)

  3. Maraming salamat sa pagdalaw sa blog ko. Habang binabasa ko itong pahina na ito ay napansin kong marami tayong pagkakapareho.

    Una, dito: “di ko alam kung may talento ako sa pagsusulat, pero dati pa papel at ballpen na ang kasama ko para ilabas ng nakatago kong saloobin”

    Ang maipahayag ang aking kalooban, ang maikwento ang aking karanasan ang mahalaga sa akin. Balewala na sa akin kung may istilo man o wala ang aking paglalahad.

    Ikalawa, dito: “naisip kong pwede ko dito ipakilala ang sarili kahit walang pangalan”

    Ito ang dahilan bakit ako ay nananatiling Miss N sa aking cyber-tahanan. Naniniwala akong ang tao ay hindi nabubuo ng kanyang pangalan kundi ng kanyang mga karanasan.

    Ikatlo, dito: “pero hindi rin ako naghahanap ng mga mambabasa…may babasa man o wala okey lang”

    Dahil ang una at tiyak kong dahilan ng aking pagba-blog ay maglahad ng saloobin at karanasan. Kung may mga nagtitiyagang bumisita at magkomento, bonus na ito sa akin. Iyan ang dahilan kung bakit masaya ako sa tuwing may naliligaw at nagkokomento sa cyber-bahay ko. Ibig sabihin, may extra-bonus ako.

    At ikaapat, dito: “di rin ako nagkokomento sa pahina mo para makipag exchange ng links, nag komento ako sa simpleng kadahilanang nagustuhan ko ang sinusulat mo”

    Isang magandang karanasan ang mag-ikot sa mundo ng blogging at makabasa ng mga isinulat na nagugustuhan ko, hindi dahil sa istilo, kundi dahil sa laman nito; hindi ang makahanap ng ka-exchange link kundi ang makakita ng kaibigan.

    Maraming salamat at magandang araw.

    P.S.
    Hindi ko alam kung anong nangyari nung una kong na-send ang comment. Mukhang may mga nawalang teksto sa aking komento kaya inulit ko. Pakibura na lang nung nauna. Salamat.

    • wow! ms. N ang haba ng comment..hehe

      tama ka ms. N, bonus na ang magkaroon ng nag-babasa na nakikibahagi din ng opinyon nila at lalo na yong mga taga-basa na naging kaibigan..

      maaraming salamaat ddin sa pagdalaw ms. N.. 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s