################################################

092612

Darating ang panahon na matatauhan din ako, darating din ang oras na lipas na ang pagmamahal ko sayo.

################################################

092712

Alam ko namang alam mo, mabaet ka lang para hindi ako supalpalin. Next time, try mo naman akong pagsabihan na wag ka nang mahalin baka sakaling mauntog ako, promise! Hindi ako magagalit sayo, iiyak sigoro ng lihim pero hinding-hindi magagalit sa pagpapakatotoo mo.

################################################

100212

Walang akong maramdamang pagsisisi sa ginawa ko. Hindi naman sigoro mali ang magpakatotoo. Sinagad ko na para makapagsimula, iniexpect ko na rin naman na yon ang result.

################################################

100412

Nilo-look forward ko na ang makapagsimula, hinihintay ang panahon na maghilom na lahat at kung sakaling magbiro ang tadhana at nagkita ulit, bibigyan pa rin kita ng sinserong ngiti. 🙂

################################################

121212

natatawa na lang din ako sa sarili ko, pero kaipokritahan kung sasabihin kong hindi ko alam na umiiwas ka. Don’t worry hindi ako yong taong maghahabol gusto ko lang ibalik sa dati ang lahat baka kung sakali maging normal na ulit ang takbo ng utak ko.

################################################

121312

I`ve been dreaming for the day na wala na. Hindi na ako apektado at wala na akong pakialam. Ang gaan na sigoro ng pakiramdam nun. Pero ngayon, susubukan kong i-heal ang sugat na ako din ang may gawa. One step at a time magiging malaya din ako sa panaginip ko na may kinalaman sayo.

################################################

121412

Wag ka nang magparamdam sa’kin, mas better na putulin ko lahat ng may kinalaman sayo. Sa ganitong paraan baka mauntog ako sa kahibangan ko. Promise! seryoso ako, dahil nararamdaman ko na wala kang pakialam, hindi ka na mahihirapan para sa pag-iwas. Ako ang titigil, kokontrol sa sarili ko, abutin man nang ilang kilometro ang pahinang to para ilabas ang nararamdaman ko at ibalanse ang emosyon ko.

################################################

122412

Wala naman sigorong mali kung magmamahal, ang pagkakamali ay ang magmahal ng taong hindi para sayo.

Mahirap magpanggap na wala kang pakialam at pilitin ang sarili na nakalimutan mo na ang kabiguan na ayaw sayo ng taong natutunan mong mahalin.

Hoping for this pain to go away.

################################################

122612

Ang mali sa’kin kahit alam na alam ko ang katotohanan na wala, patuloy pa rin akong umaasa. Ang sarap iuuntog ng sarili ko. Naiisip ko na sigoro may nagawa akong mali kaya pinaparusahan ako.

Ilang beses na akong humiling na sana magheal na ako. Sigoro nangyayare to para maging malakas ako at i-improve ang sarili ko. Ilang beses kong naitanong na sigoro ang panget ko at sobrang sama ng ugali kaya di nya magustuhan. Puro self-pity. Pero ayaw kong maging kawawa at sirain ang ilang taong pagpanday para maging ako. Wala naman kaseng pilitan sa pag-ibig. Baliw lang ako para isiping all is fair in love. Totoo pala na unfair ang mundo, we have to deal with it to survive.

Survival of the fittest din ang Pag-ibig. Gusto ko mang paniwalaan na darating din ang love na hinahanap natin pero right now, gusto kong huminto, unahin ang pamilya ko kase sila lang ang meron ako.

Ayaw ko nang mangarap ng gising. Gusto kong balikan ang oras na hindi kasama ang pag-ibig sa buhay ko. Masyado nang negative ang paniniwala ko, sigoro nga pagdadaanan ng lahat to. Someday kahit anak lang, Ok na ako.

################################################

030113

Bakit kaya ganito ang tao? Kahit alam mo sa sarili mo na walang mangyayare sumisilip pa rin ang pag-asa. Kahit alam ng utak mo na dapat kalimutan na pero ang puso gustong sabihing na may pag-asa pa rin. Haha! Hopefully magkasundo na ang dalawa.

################################################

031713

Sigoro darating din ang pagkakataon na pagtatawanan ko na ang sarili ko sa pakikipaglaban na tayo ay nakatadhana, at mukhang simula na sa oras na to dahil natatawa at nakokornihan na ako sa pinagsusulat ko.

Sa panahong mababasa mo to, na sa tingin ko ay malabo, matatawa ka na rin dahil hindi mo inakalang na ang babaeng luka-luka at adik na kilala mo ay nagkagusto sayo, hindi lang ordinaryong pagkagusto dahil iniyakan ka nya bago sya umalis. Pero alam nya na malabo kaya pinili nyang lumayo. Akala mo simpleng crush lang no? hindi, dahil mas malala pa kay father ang naging impact mo, tumambling ang mundo at ilang beses na tiniis ang sakit, umaasa na someday mawawala din.

Pero dahil nga malabo na mababasa mo to, sinulat ko dito, lahat ng kakornihan at kabaliwan at sigorado sa susunod na makikita mo ko if magkikita pa ba, magpapanggap ako na wala na, na wala na kong pakialam, sayang ang friendship eh. I-pag pray mo na lang na sa susunod mo kong makita, totoong naka get-over na ko sayo para naman hindi ako maiilang. haha!

hindi ko alam kong manhid ka or playing safe lng. At paminsan-minsan mag assume ka naman na para sayo eto. Para kung sakali, after 5 years kung buhay pa ang blog na to at saka mo pa lng to mababasa, mapapangiti ka. Bahala na si batman, husgahan man ako, pasensya nagpapakatotoo lng sabihin mo mang adik na naman ako.

##################################################

040513

Reality Check!

Binalikan ko lang to, adik na yata ako na time to time sinusulat ko ang nararamdaman ko.

Ipokrita ako kung hindi ko aaminin na sumusulpot ka pa rin sa utak ko, pero hindi na tulad ng dati na halos isang araw nagiging laman ka nito. Kahit nagtatrabaho ako, you were there at the back of my mind. Pag hindi na busy bumabalik at nagdaydreaming ako kahit at the end nararamdaman ko yang sakit na hanggang pangarap lang lahat.

Ayaw kitang pangarapin pero yon ang nangyare. But now, masaya na ako dahil nakatagpo ako ng mga bagong kaibigan. Nakatulong din yong pagsama ko sa mga adbenturistang mga tao. Hindi na kita naiisip. Though paminsan-minsan nangangarap pa rin na sana maranasan kong makasama ka sa mga lakad namin. Hahaha! adik talaga no?

Pero alam ko, one step at a time.

Ang pinagkaiba ngayon sa dati habang tinitipa ko to? wala na yong kirot, wala na ang sakit. Sigoro nga naka-moved on na ako ng kunti. Natutuwa ako na tumitipa akong nakangiti. Dahan-dahan din kaseng naaayos ang buhay ko. Madaldal ako pero hindi makwento sa totoong nararamdaman at pinagdadaanan. May ilan na kaya kong sabihan pero sila yong pinagkakatiwalaan ko ng buhay ko.

May reason ang lahat. Naisip ko nga na kaya sigoro wala talaga dahil hindi ko kayang magpakatotoo ng buo sayo. May responsibility pa ako na kahit hindi ibinigay, kusa kong kinuha for my family. Anyway sila ngayon ang pinaka-importante sakin. Sila lang ang meron ako na alam kong hindi ako iiwan at tatanggapin ako kahit anong mangyare.

ang tanong ko, mababasa mo kaya to? isang smile na text lang so I would know. 🙂

################################################

041513

Tuwing naalala ko kung gaano ko pinaasa ang sarili ko at kung paano ako mag assume sa mga nangyayare. Gustong-gusto kong pukpokin sarili ko. Promise! Hahaha!

Ang totoo, kalahati ng nasa utak ko alam na wala talaga. Ako lng yong pilit naglalagay ng kulay. Syempre pag may gusto ka, pipiliin mo ang kilig over ouch. Saka na yang sakit at sasabihin na i-enjoy while it last.

‘Yan ang mali ko, sumobra ako sa pag-eenjoy at nakulong tuloy sa drawing na mundo.

Hindi naman sigoro ako bitter. Normal lng na minsan hinihimay natin saan tayo nagkamali. Ako, inaamin kong ang dami kong assumption, pinagdududahan ko na nga na baka yong iba produkto na lng ng imagination ko. Haha!

Masarap ma-inlove, masarap magpakabaliw pero ang mabigo, magkasing level sila in an opposite side.

Ilang ulit ko na itong naitanong. Hanggang saan ba? Hanggang kelan ako magsusulat sa pahinang to ng kabiguan at kapalpakan ko. Kung ako lng ang masusunod ang tagal na kitang gustong kalimutan kung pwede nga lng i-erase ka sa buong utak ko.

I wonder pag nabasa mo talaga to, ano kaya reaction mo? Haha!

##############################################

060513

Its almost a year nung magdecide ako na umamin at magpakalayo after. Though iniyakan ko ang pangyayareng yon at di ko pa rin maipaliwanag bakit sobrang sakit sakin dati ang reply na smile icon, natatawa na lang din ako sa sarili ko dahil naranasan ko ang pangyayareng yon. Nakakabaliw na nakakatawa hindi mo alam if dapat mong iuntog ang sarili mo o kaya humalakhak na lng. Haha!

Pero ang problema talaga ay lumalakas pa rin ang tibok ng puso ko kahit pangalan nya pa lang ang nakikita ko. Kakainis sobra! Parang gusto kong parusahan ang sarili ko para magtino. Yong physical na sakit tapos sasabihin kong “ayoko na! suko na ako!”. Pero welcome sa mundo ng pag-ibig, baliw pa rin ako. Pero at least kaya ko pa ring kontrolin self ko na wag gumawa ng moved para mapahiya ako.

Hindi ko alam kong anong hiwaga bakit kaya nyang i-invade ang utak ko kahit wala syang ginagawa. Por diyos por santo ang layo-layo nya at alam ko na never nya akong iisipin. Sino lng ba ako diba?

Halos patayin ko na sarili ko sa trabaho wag lng mag-isip ng kabiguan at kapalpakan ko. Haha! Ayoko namang magpakaipokrita na hindi aminin na nagkagusto ako at nabigo. Nagiging magaan ang pakiramdam ko sa ganito. Inilalabas ko ang totoong nararamdaman dahil in person isang milyong guts pa ang iiponin ko para aminin ang ganito.

###############################################

080113

Darating at darating din pala talaga ang panahon na magsasawa ka na lang. Mapapagod para sa sarili mo. Masyado nang mabigat para dalhin pa kaya kelangan ng bitiwan.

Nalulungkot ako. Nanghihinayang sa pagmamahal na tinago dahil alam ko na hindi talaga matutugunan. Alam ko naman na ang dahilan bakit ako nasasaktan ay dahil sa mga expectations at mga di maabot na hiling. Sigoro nga panahon na. Panahon na para bitawan ang pagmamahal ko sayo. Corny as it is dahil hindi ko naman alam kong sineryoso mo ba o lumampas lang sa tenga mo yong pag-amin ko.

Pero I’m glad na nakilala kita. Nalaman kong hindi ako bato. Natuto akong ngumiti ng mag-isa, maglakad na parang nasa alapaap maisip ko pa lang ngiti mo. It was priceless. Pero priceless din ang kapalit nung nasaktan ako.

I don’t want to blame you nor myself, hindi ko kontrolado ang lahat mas lalong ikaw. Bakit pa kase nagkamali si kupido sa pagpana ng puso ko. I wish you the best. Sana soon mahanap mo na ang para sayo. And wish me luck too. 🙂

so maybe this is goodbye, Not to you personally dahil darating pa rin ang time na magkikita pa rin tayo pero goodbye para sa nararamdaman ko. Wag mo lang kalimutan na minsan sa buhay mo may isang ani na minahal ka ng totoo. naks! hahahaha

One response »

  1. It’s almost 3 years since I added this page in this blog. Gusto kong humalakhak sa mga pinagsusulat ko dito. Ganun ba talaga ako tinamaan at nabaliw sa taong ito para i-dedicate ang isang pahina para lang ilabas ang mga nararamdaman ko.

    Now i agree that time heals pain. Binalikan ko yong mga nangyari pero di ko namaalala yong sakit. Naalala ko lang sya at napapangiti ako. One thing I’ve learned about loving a person, hindi mo mapipilit ang tadhana. Pag hindi, hindi talaga, tapos. Pero ni minsan hindi ko pinagsisihan yong panahong nahulog na talaga ako sa kanya.

    Mas madali pala ang buhay pag tinanggap mo. Kahit masakit, ganun talaga. Tao lang tayo.

    I know that he cared. Pero hindi lang talaga umabot para lumagpas sa linya ng friendship. Syempre tao lang, kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan mas marami sa atin ang mas optimistic kesa maging negatibo tungkol dito. May kakaibang panghatak yong pagpapakamartir dahil sa pagmamahal. one sided man o guni-guni mo lang.

    Pag binalikan ko lahat kulang na lang isigaw ko ang “congratulation for me” nalampasan ko yong akala kong mas madilim pa sa alkitran na mundong napasok ko. Haha

    Pero ang pinakamahalaga, sa hulihan ng yugto ng failed lovestory kuno. Natutohan mong i-value ang sarili mo. Natuto kang magpakatotoo.

    so paano, ayokong kausapin ng matagal ang sarili ko. mas gusto ko paring makipag-usap sa totoong mundo. so bye bye na. mwuah!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s