hindi ko kayang i-please ang ibang tao, dahil kahit anong pilit ko, lumalabas parin kung ano ako, isang insekto.

insektong may maraming libro.(bawal humiram ang di marunong magsuli)

ang ilaw sa puwet ang dahilan ng paminsan-minsang kaadikan.

natitisod, nadadapa pero madalas paring bumabangon para sa sarili.

takot sa sitwasyong haharap sa salamin tapos di na nakikita ang sarili sa replica ng sariling mga mata.

at umaasang di mawala ang kakayahang magparaya.

lumilipad sa piling ng malinis na hangin, nakikipagharutan sa dilim ng gabi.

doon sa may ilog, sa pagsapit ng takipsilim, abangan mo ko at magpapakita ako.

Advertisements

44 responses »

    • wow! masaya ako at may nakilala akong isa ring manggugubat sa blogosperyo….

      sana makapagbigay tayo ng daan para maibalik sa dating tayog ang ating propesyon kahit sa pinakasimpleng paraan man lang ng pagsusulat.

  1. kumusta aninipot? ahehehe…
    sana papasukin mo ako sa iyong kagubatan. oooopppss teka, parang bastos yata. hahaha…. eto na lang,
    aninipot, gusto kitang makilala. πŸ™‚

  2. Alitaptap?…,
    Napakagandang pangalan…,
    Magliliwanag ka sa dilim ng gabi…,
    Ang tulad moy nababagay at nananahan lamang sa lugar na malinis… at wala pang bahid ng pang-aabuso ng mga pawang nilalang…,

    Nararapat lang siguro sa iyo ang ganoong pangalan…,

  3. ako! ako! taga-gubat ako kapit bahay ko lag si taga-bundok! hehehe kapatid mo siguro si j kulisap haha!

    ‘PEACE!’

    bb

  4. Pingback: Ang Ututang-dila ni Taga-bundok at ng Dalawang Insekto | [Patpating Talinghaga]

  5. maraming salamant isang alitaptap, isa na namang insekto ang humigop ng mainit na sabaw. aabangan ko ang iyong muling pagbisi-bisita sa aking tambayan. mabuhay at magpa-ilaw pa sana ang iyong bunto’t sa mga gabing madilim.

      • Ang hirap kase talagang magcomment sa blog nyo parang bawat entry kelangan kong pag-isipan ang i-kokomento mabigyan lng ng justice ang sinulat nyo. Haha!

        • any comment ay siguradong mag-iiwan ng saya, gaya ng comment mo, ikinatuwa ko talaga iyon. minsan mas inaabangan ng mambabasa lalo ng may-akada ang mga komento. maging itoy seryoso o kaya nama’y napadaan lang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s