Category Archives: feeling makata

Dulo ang simula

Standard

imgp2830

Naalala mo Kung paano
tayo nagtagpo?
Sabi mo, Hi! nabasa ko
mga sinulat mo.
Sagot ko naman. Hello! Mabuti
at nagustuhan mo.

Titik ng panulat ang naging tulay sa
kalsadang ‘di magtagpo.
Sino ka? Sino ako?
Iyon ay nakatago sa likod ng mga letrang binuhol
Mga salitang nagpumiglas para

Tiwala ay mabuo

 

Oras, Bangka, Bituin, Saranggola,
Buwan at Kabataan.
Ilan lang sa mga pinag-usapan.
Pangarap, Pagsisikap, Pagdaramdam,
Kasiyahan at Kabiguan.
Sandigan nang pinanday na
pagkakaibigan.

Tulad mo titik ay ginamit para
ilabas ang nararamdaman.
Emosyon ay itinali, isinakay sa bangka
at binalot sa diwa.
Pagkatao ay ibinahagi, humihiling

Na hindi ito panaginip na gising.

 

Ang dating tulay na titik ay naging boses.

Boses na nagpalakas ng pintig nang dibdib

Tao lang ako, kahinaan ko ang boses mo

Pero ang tanong ko ano tayo sa dulo?

Mali, ang tanong ay dapat

May tayo nga ba sa dulo?

 

Dapat ko bang abangan ang pagdating mo

O ihahatid na lang kita sa pag-alis mo?

Bukang liwayway na biglang naging takip-silim

Matamis na naging maasim

Ganyan tayo. Walang gitna,

Walang tama lang,

Nakatayo magkabilang dulo.

Magkaibang mundo.

 

Tulay na panulat ay nawalan nang bisa

Sa emosyong binalot ng balisa

Hindi mahawakan ayon sa gusto

Sala sa init, sala sa lamig.

Tumatalon, lumilipad, nahuhulog

Hanggang umabot sa dulo

 

Pwede bang ibalik na lang tayo sa una

Ako ay gabi, ikaw ay umaga

Pwedeng bang kalimutan ang gitna,

Bumalik tayo sa simula

Suwayin natin ang tadhana.

Burahin lahat sa memorya.

Baka kwento natin sa dulo ay magsimula.

bughaw

Standard

imortal daw ang kulay bughaw, pero paano kung dahan-dahan ka nang nalalagas, ibig-sabihin ba nito ikaw din ay dahan-dahang maglalaho?

paano na ang bukas?, may pwede bang pipigil sa paglayo, may isang nilalang ba na magpapanumbalik sa tikas ng pagkakatayo, paano pa ibabalik ang oras na di ka malalagas, pwede ko bang ihiling sa mga tala na wag ka nang mawala?

imortal na kulay, oras na gumagalaw paano mananatili sa isang lugar?

______________________________________________________________________________

hindi ko drowing ang nasa itaas, naiinggit lang ang kapatid ko nung makita ang oil pastel at sketch pad sa kwarto ko, ayon! nakialam at nagdrawing din, nagrequest ako ng rose, at ayan nga, blue rose na nalalagas..pasaway na kapatid!

alapaap

Standard

panahon na sigoro na ikampay ko ang mga pakpak ko, tama na ang paghihintay, tama na ang pamamahinga. Ngayon sa bawat kampay dadalhin ko ang naipong lakas ng loob, sa paghakbang sa isang di kilalang kalawakan, nawa’y ang alapaap ay ngingiti upang ipabatid na ako ay pwedeng makipaglaro sa kanyang alagad na hangin at ulap.

sa paglipad, dadamhin ko ang lamig ng hangin, ang init ng araw at ang asul na langit, bubuksan ang puso para sa mga estrangherong manlalakbay at susubukang pagmasdan ang paligid habang tinatanaw ang lugar na gustong dapuan pagsapit ng takip-silim.

ako ngayon ay malayang ibon, lumilipad para sa sarili, diretso man ang tingin, ala-ala ng kahapon ang dadalhin, bilog parin ang mundo, umiikot parin ito, nawa’y sa pag-ikot ng panahon tayo muli ay magtagpo.

bulaklak ng ulan

Standard

bumubuhos na naman ang langit

ngunit ito’y sagot sa aking panaginip.

lamig man ay babalot

ngunit ito’y papawi sa aking lungkot.

puso kong naging bato ay dahan-dahang tinatanggal ang yelo

sa lamig na sagad hangang buto

puso ko ay pumi-pito.

habang ina-antay ko ang nilalang na ang kariktan ay

paparam sa lupang kinatatayuan.

o, bulaklak ng ulan, ikaw ay kinasasabikan,

nitong pusong luhaan ngunit abot-langit ang pag-asam

na ikaw ay masilayan, bago man lang mawala sa karimlan.

_______________________________________

BOW!
wala lang, eto ako eh! gumagawa ng entry ng di alam kong bakit
basta! gusto ko lang..walang magawa..hahahaha

pinalitan ko ang title..wala lang…wa pakels!

Standard

Sa sanlibutang may kanya-kanyang mithiin, lahat may sariling oras na sinusunod, panahong ibinukod, batas na pinapatakbo at may prinsipyong ayaw isuko.

Ang pagmamahal sa sarili ay pwedeng idaan sa pananahaimik, ipaglaban ang hinahangad at pwede ring mabigo dahil sa desisyong isinuko, marami ang mata na nakatutok para manghusga, nasa bawat isa lang kung paano ito dadalhin. Kung kayang sumayaw sa ilaw na itinutok o magpagapi sa musikang ibinulong sa likod. Kung ang sarili ay naipatong sa pedestal na paniniwala, mag-ingat dahil ganun din ang katumbas pag ito’y naibaba sa lupa.

Ang puso mo ba ay kaya ng mabigo?

Dahil ang sukatan ng totoong pag-ibig ay pag-inda sa sakit, paglunok sa tinatagong kahinaan at ang pagsuko sa lakas na inipon ng kabuoan.

Pag-ibig ang syang humubog sa tao, ang dahilan bakit may natitirang pag-asa ang nalugmok na mamamayan at ang dahilan bakit may tumatayo dahil sa kahirapan. Ngunit pag-ibig din ang dahilan bakit lahat tayo dumadaan sa isang kabiguan.

Kakambal ng ngiti ang luha, kakambal ng saya ang lungkot at kakambal ng pagkadurog ang pagiging buo.

Bawat tao may sariling konsepto , paraan ng paghayag at kanya-kanyang landas sa paghahanap ng tamang daan patungo sa tawag ng pag-ibig.

Ngunit minsan sa layo ng tinatanaw natin, lumagpas na pala tayo, minsan hawak na nga ang manibela di pa nakikita.

Mapaglinlang ang mithiin ng tao, masyadong mataas na minsan ang mga simpleng bagay at sandali na dapat pagtuonan ng pansin ay binabalewala, saka pa malalaman kung wala na.

Di ko masasabing may perpekto o dalisay na pag-ibig na kayang ibigay ng tao… di ko rin alam kung totoo nga na may mahikang dala ang pag-ibig, dahil ang tanging alam ko na pag nagmahal ito ay tinatawag na simpleng pag-ibig.

Simpleng pag-ibig na dati ng nakatago sa bawat puso, bawat karanasan ay nagpapatibay para hatakin at ipakitang may kanya-kanyang paraan ang tao sa pagtuklas sa misteryo nito para palayain at maibahagi sa iba at sa karapat-dapat na kambal ng pintig nito.

______________________________________________________________
pag-ibig na naman?..hehehe, eto ang orihinal na ginawa ko para sa pakontest ni kuya kulisap, o ha! adik lang..tapos nagbago ang isip at tumipa ulit… dahil andito narin lang sya sa draft section..bakit di ko i-poposte diba?..

pero ang totoo, tinatamad akong mag-update, tinatamad na akong magkwento, kahit nga magtxt di ko na yata magawa..kulang ako sa pahinga.. at gusto kong matulog ng matulog nalang..bow!

buo

Standard

Kung may ibabahagi tayong parte sa ibang tao, di nating pwedeng ibigay ang bagay kung saan meron tayong kakulangan, kadalasan yon lang ding bagay na meron ka, di natin kayang ibigay ang natitirang parte na kinulang kasi paano ka pa?..pero may mga pagkakataong sabihin mang wala kang maibigay pero meron pa pala, akala mo said na ngunit may isang patak pang natira.

Minsan akala natin di tayo marunong magparaya, di natin pwedeng bitiwan ang isang bagay kasi ikakamatay mo, mawawalan ng kulay ang mundo, mawawala ang kunting liwanag na nagpapagalaw sayo.

Akala ko ganun, akala ko walang maganda sa dilim, may mga bagay na di kelangan ng mata, di kelangan ng liwanag para makita… kusang bubuo yon sa pagkatao mo, sasanib sa kaluluwang akala mo wala ng silbi. Sa dilim ang pag-iisa ay nakakatakot, nakakapangilabot kung iisipin, pero parte ng buhay na kelangang dumaan sa kadiliman, parte nito ang pag-iisa, ang pagbuo sa mga nawasak…. Akala mo di ka magiging buo?.. hindi?.. mali ka, pwedeng-pwede di kelangang ang ibang tao para punuan ang kakulangang nawala sayo…ikaw lang ang may hawak ng susi para mapunan ito.

Di natin kelangan ng tali para sabihin konektado ka sa taong importante sayo, mas maganda ang pagtanaw sa ibong malayang lumilipad kesa may tali ito diba?.. di natin kelangang lagyan ng tatak ang isang tao para sabihing pag-aari ang puso nito.

Mahirap magparaya, mahirap magpalaya, pero kung papalayain mo, sa panahong bumalik ito, magiging sayo ng buong-buo.

Malay mo pantasya ang simula ng kalayaan mo

Standard

Sa isang simpleng tulad ko, wag kang umasang magbibitiw ako ng mga salitang kasing lalim ng balon, mga salitang puno ng angas at mga salitang hahanapin mo sa diksyonaryo ni balagtas. Ang magagawa ko lang ay paliparin ka sa alapaap ng pangarap…tuturuan kitang maglakad sa ibabaw ng dagat, dahil itong lahat ng sinasabi ko ay likha lang ng pantasya ng simpleng manggugubat.

Kung sisimulan lahat sa pantasya malamang sa malamang kasing saya na tayo ng lugar ni peter pan, hahayaan kung turuan kang lumipad dahil ako bilang aninipot ay lumilipad sa paraan ng kaganapan ng hinanahaing ng puso ko. Simple lang naman ang buhay, simulan mo sa sarili mo, di kailangan ng mabibigat na salita para itatak sa balon-balonan ng utak mo, kundi simpleng pag-buhay ng pag-asa para matuto tayong tumayo.

Walang magagawa ang lahat, pwede kang mabuhay sa mundo ng pantasya pero hahayaan mo bang hanggang dyan ka nalang at ang lahat ay umusad?..gamitin mo ang pakpak mo para magkaroon ng kalayaan, pero kalayaang magagamit sa pagsayaw saliw ng tik-tak ni orasan, ang punto ko lang naman, sa tamang panahon, kung sa tingin mong panahon na para matuto ka, humayo na…mas madali ang lahat pag bukal sa loob ang pag-usad.

Walang pilat ang puso ko, walang bumabagabag sa loob ko, pero ang utak ko ay sobrang gulo, magulo dahil normal na magulo ako, di magiging normal ang lahat pag babaguhin ko ang pananaw ng utak na ito, naiintindihan mo pa kaya ako?

Wag hayaang ikulong ang damdamin, tayo lang ang gumagawa ng rehas nito, minsan kahit gawa sa bulaklak pwedeng maging rehas sa paglaya, sa pamumuhay na gusto natin, andyan ang takot makasakit at lalo ang takot na iwanan ang buhay na nakasanayan. Pero lahat ng ito ay naka-depende sa atin, wala akong magagawa kong ayaw mo, at lalong wala silang magagawa kung ikukulong mo ang sarili mo.

“ang sekreto ng pagmamahal ay ipakita ito, ang sekreto ng sarili ay ikaw mismo,
At ang sekreto ng buhay ay palayain ang sarili sa pagsikil ng sariling damdamin”.

-aninipot

—————————————-
para sa mahal kung kuya, ayan na…tsaraaaan!…hahaha, kahit di manalo no probs, wala na akong utang ha…mwuah!