Category Archives: Uncategorized

REPEAT NEVER AGAIN

Standard

Isa pa. Isang beses ulit, patawarin mo. Ganito tayo ‘diba? one more chance, second chance at hanggang sa pang sampung chances pa. Sige magpaka-tanga pa. Sobra na teh!

Nauso pa ang #neveragain, tapos try ulit. Putik! sarap magpakalunod sa sakit!

Minsan humihiling na sana panaginip lang ang lahat. Na sana ‘di sinubukan. Kung pwede lang bumalik para baguhin ang desisyon. Well, tao lang. Mas mabuti ‘to, exciting ang life! halo-halong emosyon.

Hindi daw madalas maintindihan ng ibang tao ang malalim mag-isip. So ‘wag nyo ‘ko intindihin.

to believe

Standard

1

Is it wrong to believe that there’s always goodness in everyone’s heart
Is it wrong to believe that someday this world will be a better place
Is it wrong to stand on what you believe in
or we just find it wrong because we never see what’s meant to live in real world.

Maybe someday,
Somehow,
You will understand what I mean
Perhaps your world is clouded with pain
Perhaps you haven’t seen the beauty of this place that we live in
Perhaps you just forgot to appreciate simple things
or you just choose to close your eyes

and just believed what you think is right

Is it my eyes or your eyes who can’t see
the kindness beneath darkness
the smile within hardship
and the calmness every after storm
am I wrong?

The road less travelled

Standard

Pumili ako ng propesyon na medyo lihis sa karamihan. Propesyon na dati namamata ng ibang estudyante sa unibersidad. Sino ba naman kase ang may gusto na umakyat ng bundok. Imbes na mag-aral para ballpen at naka-upo na lang sa opisina pagka-gradwyt e, halaman at putik ang nakakasalamuha. Imbes na nakikipagbeso-beso sa mga naka-long sleeve at necktie e mga kamay na magaspang ng mga magsasakang nagtatrabaho sa bukid ang nakaka-daupang palad.

Bakit nga ba tayo nakulong sa ideya na ang katumbas ng tagumpay ay ang pagtatrabaho na computer at ballpen lamang ang hinahawakan? Na nakaupo sa lugar na may aircon at nasa gitna ng urbanidad.

Nasabi ko sa sarili ko “masuwetre ka dahil namulat ka sa reyalidad, na hindi mo dapat ikahiya ang napili mong larangan”. Pero naiintindihan ba ako nang mga kabataan ngayon o ng karamihan?

Nagtatrabaho ako sa larangan na tinatawag na “Developmental work” pero nasa context nang “environmental protection and conservation” na may kasamang “humanitarian response”.

Dati sabi nila bakit mo pinili ang kursong yan? wala kang trabahong makikita, walang pera dyan. Pera-pera lang talaga ang labanan kapag pinag-uusapan ang tagumpay.

Paano nga ba natin susukatin ang tagumpay? base ba sa figure ng numero sa payslip mo o sa mga ngiti at pasasalamat na natatanggap mo. Hindi ko sinasabing maliit ang sweldo namin, pero hindi din sya kalakihan tulad ng mga nasa corporate. Pero alam mo ano ang lamang namin? yong mga sincere na pasasalamat at ngiti na pinapabaon sayo at the end of the day nang mga taong nasa komunidad na nabigyan nyo ng bagong pag-asa para makabangon at makatayo sa kanilang mga paa.

Mahirap i-explain bakit ko pinili ang daan na lihis sa karamihan, madalas napapatanong din ako kung bakit basta ang alam ko magaan sa loob ang paglalakad kapag naibalik mo sa mga tao ang kahalagahan nila at may lugar sila sa mundo kahit sino at ano man ang meron sila.

P.S
Isa akong manggugubat (lady forester daw sabi nila) pero kalahati ng trabaho ko nasa community organizing at humanitarian response.

Kung madali lang sanang mag explain

Standard

“Oist! Bakit mag-isa ka lang?” tanong ng isang officemate sa kalsada habang papauwi.

Nasabi ko lang na may kanya-kanya kaming lakad. Pero ang totoo di ko alam saan nga ba yong mga tinuring kong kaibigan sa trabaho. Umalis lang ako ng opisina, hindi nagpaalam. Basta gusto ko lang umuwi. Mag-isip ng malalim.

Naalala ko ganito ako bawat dumarating yong time na alam ko madadagdagan na naman ang edad ko. Kada taon ganito nangyayari. Hindi ko alam if nagpa-panic ako na lumampas sa kalendaryo o normal lang talaga ang magmumuni-muni. Magtanong ano ba ginawa ko sa buhay ko. Tama ba ang mga desisyon na ginawa?

Masarap din minsan kausapin nang masinsinan ang sarili, kahit na bawat tanong ‘di ko naman mabigyan ng sagot.

Pagod na ba ako? Dapat ko bang i-kwento na magulo ang utak ko.

Trabaho na lang ang kinakapitan ko para masabing okey pa ako.

Pero di ko rin ma-explain bakit balisa ako. Pakiramdam ko, reminder to ni friend sa itaas na sya ang kausapin ko. Na tama na muna, simple lang ang mundo bakit ko pa pinapakumplikado. Natatawa ako, simple lng pala sagot sa kaguluhan ng utak ko.

SYA. ๐Ÿ™‚

Letter for YOU # 1

Standard

Dearest You,

Hi! you might find greetings as cliche but hopefully this letter may set you into a lighter mood and please find time to smile, a gift for your self. ๐Ÿ™‚

I’m fond of a written letter sent through snail mail. Rarely we find a person who wrote with words carefully constructed and emotionally moving. With penmanship that reminds you back to the times where emotions are sealed into envelopes. Adding the long waits for response that tickles imagination and longings that keeps emotion burning.

How lucky are those who have experience those way of communications. A formal hand strokes as a symbol of sincerity. Poetic phrases inspired by moon and stars. Isn’t it what we missed with our generation right now? Have you ever dreamed of receiving a letter with words perfectly spelled instead of a shorten text? maybe I am born in a wrong era.

But we never know, maybe someone, somewhere, you are reading this. Please do send me a letter.

sincerely yours,
Ani

out of the blue

Standard

Ang pinaka-mahirap sakin kapag andito ay kung paano ko sisimulan ang gusto kong sabihin. Minsan pa, hindi ko rin alam kung ano nga ba ang gusto kong i-kwento. Magulo talaga kase ang laman ng utak ko, lumilipad minsan naman nanggugulat at kadalasan kunsintidora. Huwag na huwag kang humingi ng advised sakin lalo na pag lovelife dahil sigorado ako ikaw din sasagot sa tanong mo.

Out of the blue? kabute? maulan, kulog at kidlat. Na-gets mo? (may scientific explanation yan)

Madalas sa trabaho ko, yong mga ginagawa at sinasabi namin may scientific basis dahil kung hindi, titingnan ka lang ng mga tao o kaya napatitig sila dahil nagtatanong ano kaya pinagsasabi nito? tulad mo nag-iisip kung saan papunta ang binabasa mo.

may attitude ako na nanghuhula sa posibleng iisipin ng taong babasa ng mga tinatapon ko dito. Tapos at the end, di ko pala mahulaan, malayong-malayo ang assumption ko, kaya sigoro maliit grade ko sa statistics noon. Haha!

Ang gulo ko no? halo-halo.

Pero totoo, anong kaibahan ng babae at lalaki pag nagkukwento? sino ang mas emosyonal, sino yong pa-mysterious? Sino ang mas pa-deep? sino yong madaldal lang? kung makapagtanong ako parang may exam ako bukas no? ang daming question mark. hahaha!

Ang totoo, hindi ko talaga kelangan ng sagot, wala lang gusto ko lang guluhin din utak nyo. LOL

steady lang

Standard

kapag nag-iisip ako ng malalim, madalas pawang kababawan ang lumalabas. Iyong akala mo sa sarili mo na umiikot ang universe sa buhay mo. Umiikot ang lahat tapos ikaw steady lang nakatingin sa kawalan. Shaks! kape lang tinira ko, kopiccino ng kopiko. ‘yan ang pinaka-sosyal sa mga kape na nasa drawer ko. pinakamahal sa halagang 8 pesos. At biglang umabot sa kape ang lahat.

speaking of kape, gustong-gusto kong bumalik sa pagpipinta gamit ang kape, in fact, last month nakabili na’ko ng papel pero ano ginawa ko? nasa sulok ulit. Walang subject masarap lang magpalutang-lutang ang isip. Tipong magtatanong ka na naman ng sangkatutak tungkol sa sarili mo, ginugulo mo ulit ang sariling ย mundo kase lahat steady na. ‘Diba ang gulo ko lang?

Natatawa ka na napapailing kase pinag-aksayahan mo na namang basahin ang basura ni aninipot. Pero ito lang naman sana ang gusto kong sabihin. “Na-miss kita kung sino ka mang poncio pilato ka”. At magtatanong ka, sino na naman kaya to? Lol

Wala. ayokong sabihin kase masarap sa pakiramdam ang magpaka-misteryosa kahit kalahati ng babasa nito ay may haka-haka sino yang namimiss ko. Wala sa plano na magpapaka-emo o magpapaka-keso na naman ako dahil alam ko na kung meron bang babasa nito sawang-sawa na sa kaemohan na tinitipa ko. well, what will I do? parang may isip yong mga daliri na pag tumitipa dito walang sinunod, basta tipa lng ng tipa.

kung mainit ang mata mo sa typo, pasensya mga pare at mare. o kaya naghahanap ka nang tamang kudlit o tuldok dahil madi-disappoint ka lang. ๐Ÿ˜‰

May word na ginagamit yong officemate ko sabi nya “honesay” it’s a visayan word usually use by kids. It means the act of being honest. So, gagamitin ko yon. Honesay lang tayo.

Masaya kayang magpakatotoo kahit kababawan at kabaliwan lang.

Ayoko na. Ang totoo, malungkot lang talaga ako sa loob.

Halong (take care).

“You’re like a person I read, the saddest book with” – when a man’s fall in love.