Tag Archives: wish

tinkerbell

Standard

Last friday, maagang Christmas party namin at ang theme, Wonder Child, the person or character you wanted to become or had been dreaming of when you were just a child.

Hindi na kailangang hulaan kung ano ako, hanggang ngayon halata naman ang fascination ko sa mga firefly kaya nga ako si aninipot.

Pero hanggang ngayon nasa akin pa rin ang kagustuhang i-grant ang wish ng ibang tao. Hindi mawawala yon.

Anyway, balik sa kwento, sa lahat ang team namin yata ang mga weird. Hehe! may kokey monster, pulis, sakristan, invicible man, santo papa at ako. Ako lang babae sa team at lahat kami nanalo sa raffle o dba? maswerte din kami pero kinabukasan namaga na tonsil ko, ang dami kaseng chocolates at ice cream.

Ang bilis ng panahon, last year nag christmas party ako sa manila at iligan, ngayon cebu naman.

tinkerbell turns belle – hindi ako nakapagpasalamat sayo, the late night text and call, the puzzles to decipher, the advices, motivations, and the secrets. Sa panaginip pwede pa rin tayo mgkwentuhan. Sigoro nga magiging tinkerbell ako habambuhay.

Advertisements

Huling Hiling

Standard

“akin na mga kamay mo” sabi ko.

“Bakit?” tanong nya na abot hanggang mata ang question mark.

Sabi ko lng ulit “akin na, pwede kang mag wish” sabay ngiti.

Tapos nagdemonstrate  ako sa dapat na posisyon ng kamay nya. Nakadaop ito na parang magdadasal pero pahiga ang posisyon.

Sinunod naman nya, ikinulong ko ito sa mga palad ko saka sinabing¬† “pikit ka and make a wish, tatlo”.

That was three years ago. Hindi ko na inulit na magpawish ulit mula nun.

Natupad kaya mga hiling nya?