manggugubat

Standard

isa sa pinaka-mahirap na parte ng pagiging mangugubat ay ang pag-papaunawa sa ibang tao bakit mo pinili ang propesyong lihis sa uso, walang kaunlaran at higit sa lahat di alam kong saan ang patutungohan, aminin mo, nung malaman mong isa akong mangugubat nagtataka ka diba? bakit may taong pinili ang magtrabaho na ang pag-aaralan ay ang kagubatan, puno, halaman at kalikasan. Sa apat na nabanggit ko, alam ko ang tatatak lang sa isipan mo ay ang kalikasan, yon lang kasi ang may mabigat at positibong ibig-sabihin.

Ang tao kasi nakakalimutan minsan na lahat nagsisimula sa isang maliit na bagay, minsan tinitingnan agad ang kabuoan, ang panghuhusga ay depende agad sa unang nakikita ng mata. Asan ang mali? Ang kakulangan nating unawain ang mga pangyayari, ang kakulangan nating himayin ang mga bagay-bagay at ang pagsusuri na may kasamang pang-uri.

Tulad din yan ng panghuhusgang natatanggap namin bilang isang kawani ng ahensya na puno na ng mantsa, paano mo bubuoin ang paninindigan na may malaki kang ginagampanan para sa iba kung sa una pa lang may mga humuhusga na? Pero bakit may mga tao paring piniling magsilbi sa mga ahensyang ito?..dahil may pera, may makukuhang kayamanan na dumadaan sa ilalim ng mesa?.. napakaduming larawan, pero wag nating kalimutang hindi lahat ng binalot sa itim na tela ay itim na, para lang yang malinis na tubig na nilagay sa isang basong di maaninag..iba ang kulay kaya di kita ang totoong kulay.

Nakakalungkot isipin na dahil lang sa ilan, apektado ang kabuoan, pero reyalidad nga diba? mahirap tanggapin, mahirap hawakan at akapin pero kailangang lunukin..

Isang hamon ang bawat araw na pagtatrabahong ang baon lang ay ideyalistikong kalinisan na sinaksak sa ulo mo ng kwadradong kwarto ng paaralan, aminado akong kinatatakutan ko na darating ang panahong maisasama ako sa bulok na kawani ng gobyerno, na darating ang panahon kakapitan din ng mga uod hanggang sa di na makilala ang sarili at naging uod narin.

Maganda sana kung uod na nagiging paru-paro, na sa pag-gapang at sakripisyo, pagdating ng araw may pakpak ding tutubo. Walang masama na pangarapin kung magkakaron din ng pagbabago, hindi lang naman sigoro ako ang naniniwala sa pag-asa ng pagbabago…

35 responses »

  1. Ang dapat na sinusupil ani sa mga tao diyan sa gobyerno yong may direktang hawak at kontrol sa pananalapi. Hindi naman malalaman ng taong bayan kung kabuktutan ang ginagawa ng mga tao diyan kung hindi sumisingaw.

    Patunayan ninyo na mayroon pang malinis na hangarin sa hanay ng mga taga-gobyerno. Biktama kayo pero siguro ‘yon ang katotohanan, kahit hindi ikaw ang pumatay, ikaw ang salarin.

    Naniniwala ako sa pagbabago.

    • kuya kulang pa ba na may mga taong nagtitiis sa mas maliit na sahod kumpara sa mga pribadong sektor?..kung tutuusin, pwedeng-pwedeng magsilayasan kami dito.. pero hindi.

      tulad ng kasama ko sa bahay, pareho kaming nagrereklamo sa sistema ng gobyerno pero pagkatapos ng reklamo andito parin kami..kase tumatak samin na mahalaga ang propesyong ginagampanan para sa iba.. umaasa nalang kami sa pagbabago, hindi lang naman samin magsisimula ang lahat, hindi lang kami ang kelangan sa pagtutuwid, responsibilidad ng lahat yon.

        • yon lang ang panget, dahil kahit ako, pinagtakhan sino daw ang nagpapasok sa trabaho, gusto kung taasan ng kilay ang nagtanong, hindi ba ako deserving sa trabahong meron ako?… di na ba uso na makapasok ka na ang bitbit ay academic records lang? ang panget kase ng simula, kinain na ng pulitika kahit sa pinakamaliit na posisyon.

          pwedeng tumulong kuya, sa simpleng paraan na alamin mo ang yong karapatan at wag hayaang maabuso ng mapagsamantalang naka-upo sa mesa.

  2. ang mga katulad mong may paniniwala sa pagbabago anini ang magiging gabay ng mga bagong sibol upang gampanan din ang kanilang sinumpaang tungkulin. Tama kailangan lahat kumilos pero ayon sa kasabihan: you can’t teach old dogs new tricks… ang nakasanayan ay mahirap ng putulin at parang aids na mabilis na nanghahawa… ๐Ÿ˜€

    • hmmm, tinakoy mo naman yata ako dyan sa nakakahawang sinasabi mo ella, kahit ayaw kelangang lumangoy sa maruming tubig para subukang linisin ito, hindi lilinis ang isang lugar kung hanggang tingin lang tayo, kelangang may kikilos.

  3. alam ko yan kasi grad ako ng Agriculrural school at forever ng nakatatak iyon sa mga cv at mga paper ko sa school.

    nasaksihan ng dalwang mata ko (yung kaibigan ko na nagtatrabaho sa DA engineer siya dun) na may ma kabulukan talaga may suhulan lalo na sa bidding part.

    hindi niya natiis at siya ay nagpalipat sa engineering department na talaga.
    umiwas na siya
    alam mo pa ang mahirap ay hindi sila nabubuwag ng basta basta lang

      • nasaksikahan din ng mga mata ko ang katiwalian kuya pong..sobrang nakakafrustrate nga… kung sino pa ang may mataas na katungkulan yon pa ang gumagawa ng katiwalian..yon bang kita na ng lahat ang mali pero nagpapalusot parin..anong magagawa ng simpleng mangagawang tulad ko?

        hindi ko rin alam kong matutulad ako sa kaibigan mo.. sabagay mas malinis ang division na kinaroroonan ko kase walang pera, puro numbers lang ang hawak namin..

        pero sumusubok kaming itawid ang nakikitang mali..sana nga lang wag haluan ng pulitika ang lahat.. dahil pag ganun..sira na ang diskarte.

  4. ang hirap nga ng sitwasyon mo anini. pangatawanan mo na lang kung anu ba yung reason mo nung una kung bat yan ang pinasok mo. aware ka nman na sa kalakaran bago ka pa mapunta dyan. tatagan mo na lang ang loob mo at panghawakan ang prinsipyo.

    • yon lang ang tanging pinanghahawakan ko tapa.. minsan iniisip ko, na tama din naman yong isa kung prof. di lang naman sa gobyerno ang patutunguhan ng mga tulad ko… harap-harapan bang sabihing mabobobo ka lang dyan… pero binawi din nya, sya din nman ang nagsabing “mas mabuti na ang umasa kaysa wala talaga”.

      wag lang daw kalimutang pag sa tingin ko nabayaran ko na ang pag-papaaral sakin ng gobyerno, isipin ko narin ang sarili ko.

  5. kaya ako, hindi naniniwalang lahat ng nasa gobyerno eh tiwaling opisyal. isa ka nang buhay na halimbawa, anini.

    pero bakit sa ahensya ng pamahalaan na client ko ngayon, lampas alas nuwebe pumapasok, lunch break ng alas onse, balik sa opisina ng alas dos, tas nagbu-bundy clock na 4:30 pa lang? hakalain mo yun? tsk!

    • yon nga ang isa sa pinakamalaking pader na kelangang gibain lio..
      kung mahigpit at may pangil ang nagdadala sa kanila malamang hindi ganyan, kaya nga malaking factor ang mga lider kaso nakakatawa ano?..sila mismo ang buhay na halimbawa bakit tamad ang kanilang mga mangaagawa..

      ako di mo ba tatanungin anong oras akong papasok at uuwi?.. nagpapakadakila ang lola mo sa dami ng trabaho..hahaha

  6. alam mo ang nangyayri sa paligid. at hidi ka takot isigaw yun sa mga tao.
    totoo, bulok ang tingin ng taumbayan sa obyerno! pero meron pa rin namang iilan ilan na nagtatrabaho ng may prinsipyo!

    sana nga’y maging isang paro paro balang araw ang uod..

  7. ang kinaganda sa ‘yo ate eh aware ka at nagmumulat ka din sa pamamagitan nito. pwede pa namang magbago, kelangan lang siguro ng maraming katulad mo pa para patunayan may mga tao na malinis ang hangarin ๐Ÿ˜€

    • yon nga ang problema jec, kunti lang kaming nangangampanya, kung sa boxing pa lyamado na ang kalaban di pa lang kami nagsisimula.. kelangan pang matutunan ang eksaktong pagsayaw ng cha-cha para sureball ang pagka-panalo.

  8. Ako hindi ako nagtaka! Pero napaisip ako kung ano mga pwede mong trabaho. May kaibigan kase ako na Geography naman ang major, tapos lagi kong tinatawanan at ang tawag k osa kanya manlulupa. Haha.

    Sa totoo lang isa ako sa mga mamamayang walang tiwala sa government agencies dito. As in zero. Na-dah. Wala. At malabong malabo na maging maayos ang sistema in the near future. Naguugat den ang lahat sa leader na may enough na kakayahan para magbigay saten ng drive towards change. At enough sense of responsibility. Bonggang bongga sa kalabuan in the near future. Amsosuri.

    Kung ako ang nagtatrabaho sa government agency, siguro mapapailing ako everytime makakakita ako ng mag kamaganak sa iisang office.

    • hmmmm, may sinabi sakin ang dati kung prof nung saturday..sabi nya “mabuti nang umasa kesa wala talaga” — tama sya, wala namang mawawala satin kung aasa tayo, mas may dalang mabuti yon kesa maging negatibo.

      oo, reyalidad ang nakikita mo, pero iba ang perspective ng tao pag nasa loob sya ng bakuran kesa nasa labas lang sya at nakikitanaw lang.

      sigoro nga idealistic lang ako pero mas naniniwala akong kelangan may isa para masimulan yong dapat simulan.

      at naiintindihan kita bakit mo nasabi to, kitang-kita naman kasi talaga ang mali, sabi nga, nag-aatempt kaming buhayin ang ilog na matagal ng patay.. possibleng mabuhay pero mahabang panahon at suporta ang kelangan.

      pero atleast andun ang salitang possible.

      • Siguro nga iba talaga pag nasa loob ka. Pero ilan lang naman ang nagtatrabaho sa government agencies. At ilan sa mga taong nasa labas ang walang tiwala sa government agencies. Hindi ko sila masisisi, mahirap intindihin ang nagkalat na ang reputasyon ng pagiging walang bisa.

        Minsan kahit na may iilan sa loob na gusto ng pagbabago, ang dumarating na mensahe sa nakararame ay una, ang serbisyong nakukuha nila na mas nakakalungkot pa sa ending ng Kokey. Pangalawa, ang pag asta ng mga frontliners na nagfefeeling Diyos. Pangatlo, ang nakikita sa araw araw na kabulastugan na pinapakita ng media.

        Gusto kong maniwalang may pag asa pa. Malayo nga lang. ero hindi makukuha ng government agencies sa ngayon ang respeto ko. Paumanhin.

        • ok lang vaj, sabi ko nga di ko masisisi ang iba kase may kanya-kanya tayong mga mata.

          pero sasagutin ko yong mga nasabi mo. una, ang tungkol sa serbisyo, sa totoo lang pano maiibigay ng tamang serbisyo sa tao kung salat din sa kagamitan pang-serbisyo ang mga empleyado..mahabang pila?..di nyo ba nakikita na halos lahat ng kelangan ay kinukuha ng mga tao sa public offices, isang empleyado para sa isang libo o higit pa?.. di naman makina ang tao..sigoro biased ako, pero kelangan ko ding ipakita yong isang side na minsan di nakikita ng tao.

          pangalawa, eto yong nakakasama ng loob, yong mga malalaking tao ang nakikita ng mga tao, asan yong pag-kilala sa effort ng maliliit..sa parte naming nagtatarabho sa gobyerno ang tinatawag namin frontliners ay yong mismong nagtatrabaho sa field, ang nag-iimplement ng project, yong kadalasang delayed ang sweldo..

          pangatlo, media, paumanhin pero sasabihin ko talag to, madami ang nasa media na kapareho din ang dugo ng mga halimaw sa gobyerno, saksi ang dalawang mata ko, ang iba nanghihingi ng lagay para sulatan ng maganda at kung hindi kabaliktaran ang ilalabas.. totoo yan di ako gumagawa ng kwento.. nakakafrustrate lang pero yan ang dahilan na kahit ayoko narin dito, pero nakikita ko kase na may iba na tulad ko, gusto ng pagbabago.

          di kita pipiliting ibigay ang respeto vajee, dahil ako mismo aminadong sumusubok ding magbigay ng tiwala, ako nga di sigorado ikaw pa..

Leave a reply to aninipot Cancel reply