linta vs. alimatik

Standard

kanina pa ako nag-iisip ng bagong mai-post, something new, something rare.

kaya mga linta at alimatik ang napagdiskitahan…Gusto kong mag paka-ala mating lawin ngayon kaya pagbigyan nyo na ang trip ng lola nyo.

kaysa naman linta ng gobyerno at alimatik ng lipunan ang pag-uusapan gawin nalang natin itong kapaki-pakinabang.

kung ikaw ay laking probinsyang tulad ko, sigoro naman alam mo ang nasa title ng post na to, pero kung hindi, o sya basahin mo na lang to.

ayon kay mr.wikepedia….

Ang mga limatik o linta (Ingles: leech) ay mga anelida na bumubuo sa subklaseng Hirudinea. Mayroong mga limatik na pantubig-tabang, panlupa, at pandagat. Mayroon ding mga lintang nagmumula sa mga kailugan at latian.[1] Katulad ng kanilang mga kalapit na kamag-anak, ang mga Oligochaeta, mayroon din silang clitellum. Katulad ng mga bulating-lupa, mga hermaprodita din ang mga linta. Ginagamit ang limatik na kasangkapan sa panggagamot – ang Hirudo medicinalis – na katutubo sa Europa, at maging ang mga kasari (o konhenero) nito sa klinikal na pagpapadugo sa loob ng mayroon nang mga libong taon.

dito sa pilipinas  sikat ang mga linta sa mga palayan at alimatik sa kagubatan…per mas sikat  ang mga linta sa BATASAN.

kinakatakutan sa pagiging maliit na bampira, aatake na lang ng di namamalayan….pero mas matindi ang bampira ng gobyerno aatake ng harapan.

hay naku! di ko planong isama ang mga bampira sa gobyerno, ipag-paumanhin nyo na lang di ko lang talaga mapigilan.

dalawang species lang yata ng linta ang kilala sa pilipinas, ang mga tinatawag natin linta at alimatik.

ang linta ay kadalasang mkikita sa tubig at ang alimatik  sa mga dahon sa kagubatan..sabon at asin ang alam kong nagpapatanggal pagnadikit, pero ayon sa nabasa ko mabisa din daw pantanggal ang alcohol at kunting apoy… pag napunta sa lugar na maraming alimatik mas maiging takpan na kaagad ang balat na kadalasang expose…pero pwede ring magpahid ng mga strong  insect repellant… ayon din sa aking housemate na geologist mabisang panlaban din ang smoke ng sigarilyo….

bakit ko nga ba naisipang isulat to?…dahil takot ako sa mga nilalang na ito.

Advertisements

44 responses »

  1. J.Kulisap Base lage…wala ka pa bang pakontest tungkol dito ineng?

    Noong isinasama ako ng tatay sa kaniyang sakahan, ayaw na ayaw ko nang tumapak sa putikan dahil naglipana ang mga Linta, konting tusok na parang karayom lamang naman ang sakit pero sumisipsip talaga ng dugo. Yan ang totoong bampira, isama na rin ang lamok na mga kasinglaki ng karabaw..ano kaya kung ganyan kalaki ang lamok sa Pilipinas tapos nakaduty sila sa Batasan…aba naman siguro matitino ang mga LINTA.

    O kaya magparami tayo ng mga lintang tubig laban sa LINTANG nakadamit. Sipsipin ang mga betlog ng mga kumag na lintang nakadamit para matuto sa buhay.

    Hala Bira

    • o ano bang gusto mong prize? pwede na sigoro ang ibat-ibang species ng linta, gawin mong pet para ma-disiplina..haha, j.kulisap ang alaga ay mga linta, mag-ingat lang baka ikaw ang unang bibiktimahin.

      hmm, bakit? takot ba ang mga linta sa lamok?…kung ganun pala, cge tutulungan kitang mang-recruit ng mga lamok..hahaha

  2. Gusto ko ngang pinagmamasdan ang linta o alimatik (lalo na yung berde) pag lumalangoy papalapit sa iyo hehehehe

    Ayos lang naman pag kumapit at kumagat, kurutin mo lang siya sa pinagkagatan sa iyo, tsaka mo siya paliparin sa pagkalayo-layo, parang nai-tirador hehehehe

    Kung di siya matanggal, ang ginagamit ay asin (mas madalas kesa sa sabon). Parang sa hito na kapag nalagyan ng asin ay nangingisay na siya. hehhehehehe

  3. Happy weekend my little princess.

    Keep safe. Enjoy the coming days as time is crucial. Stay beautiful and hmmmm…..fresh. My lovely forester, my little firefly in the dark.

    If I am with you..If only I can…two hands holding together.
    Will friendship begins?

    Stay in touch me amore.

  4. @J.Kulisap
    mas nakakainis yung makaapak ka ng paimportanteng echas ayaw umiwas sa paa mo. di ba?

    @taribong
    nagkaka-chikinini ka ba pagkatapos?

    @mr.nonsense
    ano daw?

    @siamea
    add kita sa balagrul ko ate hehehe.
    tawag ko sa mga nasa batasan lamok hehehe.

    • Hi, yin.
      May chikinini din pagkatapos. Pero mabilis ding mawala, Kailangan lang sabunin pagkatapos para malinis ang wound area. Protection lang baka magka-impeksiyon dahil open wound din yung kinagatan at usually nakababad ka sa tubigan kung kinagat ka. Ayos ba? Kaya nga parang ginagamit din ang leeches to suck blood in infected and/or gangrenous areas and allow fresh blood to flow into them…. Vampirous ba hehheeheh

  5. sa bundok napakaraming alimatik. madalas kapag galing ako sa ubog (ewan ko kung ano tawag sa tagalog ng maliit na talon mula sa tuktok nang bundok hanggang sa maging maliit itong batis… ah, basta ubog tawag ko dun). anyway, haha… maliliit lang naman sila pero malakas talaga manipsip.

    nang mapadpad na ako sa maynila, ipinagtataka ko bakit sa bintana lagi akong may nakikitang mga linta (matataba at maitim… ewan ko kung linta talaga yun kasi kahit lagyan ko nang asin ayaw matigok, kaya sinusunog ka na lang).

    hay, kala ko walang kinalaman sa mga pulitiko to… oo marami nga sa kanila nun.

  6. ano kaya blood type ng mga linta?

    pag me aids ba ung nasisipsipan nila ng dugo magkaka-aids din sila?

    pwede siguro ilagay ang mga linta sa panty liner. para talagang absorbent. walang tagos. =P

    • hmmm, napaisip bigla ako sa tanong mo…..hahaha
      gusto ko tuloy gumawa ng experiment para malaman ang blood type nila…

      waah! nakakatakot yang sinabi mong linta sa panty liner, may tendency kayang pumasok sila sa katawan ng tao at doon magparami… baka bigla ka nalang mabuntis ng di mo nalalaman…ang problema pa di alam kong sino ang ama…

  7. Ngayon nadagdagan ang aking kaalaman tungkol sa mga linta at ang kaibahan sa alimatik…

    Kadalasan kinakatakutan talaga ang linta, sabihin mo lang sa kasama mo na shit may linta ka sa likod…ewan ko lang kung hindi magsisigaw hehehe, nakakatakot na nakakadiri pa ang itsura eewww hahaha 😀

  8. alam nyo, ndi nmn dapat ktakutn ang mga linta o limatik,. Basta lng tndaan nyo n tuwing mgtretreking, hicking or swimming, wag nyo kalimutan n.. Mgsu0t ng masikip n panty, nkakatakot kc pagsumuot ito s ari, o sa iba pang butas ng iyong katawan,, isang linta o limatik lng, s loob ng 1bwan, da2me n agad, peo kung sa balat ito dumikit maaari m itong sungkitin ng kutsilyo, peo kusa nmn itong nttnggal pgnkahigop na ng sapat na dugo..

    • Mas madaling tanggalin ng alcohol o asin ang linta at alimatik. Hindi naman ako takot sa kanila, nandidiri lang akong isipin na sisipsipin nila ang dugo ko.

  9. …ndi nmn ung linta ng kalikasan ang dapat puksain kundi ung mga Qfal… S lipunan, at s upuan, hahaha… Wla nmn cla nggwa kundi sipsipin ang kaban ng bayan hahaha.. For self interest lng ndi pra sa karamihan….

    Ate.. N0. M0 po, plz..

    • Pasensya ha, hindi kase ako namimigay ng no.

      Nagbablog lang ako dahil gusto kong magsulat. Pinili ko ding maging anonymous dahil iba ako dito kesa sa totoong buhay.

      Salamat sa pagbabasa. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s