Monthly Archives: May 2012

Kahon ng kayamanan

Standard

Tayo ay may kayamanang ikinahon, hindi nabibili ng pera o matutumbasan ng ginto.

Tayo ay may kayamanang itinago,
madaling ipamigay pero hindi basta-basta isusuko.

Tayo ay may kayamanang higit pa sa ginto pero minsa’y natatalo din ng tanso.

Tayo ay may kayamanang ipinaglalaban ng mandirigma upang ibigay ang tiwala.

Dahil ang kayamanang ito ay buwis buhay at dugo, ito ay nakatago sa kaibuturan ng puso.

Advertisements

Ang manika na gawa ni lola

Standard

kung tatanungin ako ngayon kung meron ba akong experience na pakiramdam ko kawawang kawawa ako at naalipusta ang pagkatao ko. haha! naalipusta talaga ginamit ko, hayaan mo na basta magkukwento ako. ‘Yon yong first time na pasok ko sa paaralan. Mga 4 years old pa lamang. Visitor pa lang daw ako sabi ni nanay kase nga kuya ko pa ang inenrol. ‘Di pa kase dati tinatanggap sa Day care  center samin ang below 5 years old. Pero tumatanggap sila ng visitor daw. Hehe! Klasmyt syempre kami ni kuya. Naalala ko pa yong bag ko kulay orange na style shoulder bag.

Nung unang araw ng  pasukan, Manghang-mangha  na ako, ang dami palang laruan sa klassrum. May isang area dun na parang bahay kubo na parang tindahan dahil malaki ang estante na may mga laruan. Sabi ni teacher mga luma na daw yon pero malay ko ba, gandang-ganda ako dun parang ayaw ko nang umalis. haha!

At dahil daw kulang pa ang mga laruan dun sabi ni teacher, kelangan daw naming magdala ng sarili naming laruan. Manika daw sa mga babae. ‘Dun na ako namroblema, kase manika ko lang talaga nun dalawa lang. Isang malaking doll at isang baby doll. Alangan namang dalhin ko yon! Paano pag inangkin ng iba? kawawa ako isa nalang manika ko. Hanggang pag-uwi problema ko yon. Kaya pagdating ng bahay dali-dali kong sinabi sa lola ko ang sabi ni teacher. Alagang-alaga ko yong dalawang manika tapos yon pa dadalhin ko. Sabi pa naman ni teacher di na daw yon ibabalik.

Ang sabi naman ni lola ‘wag ko daw problemahin yon. Gagawa daw s’ya ng manika. Nakuwento ko ba na mananahi si lola? kung hindi, ngayon alam mo na. Balik sa kwento, kinagabihan kinukulit ko na s’ya na gumawa na ng manika para may madala agad ako. Ayon kumuha s’ya nung mga natirang tela mula sa pinagtahian. Himayin ko daw. Oo, isa-isa naming tinanggal yong thread para daw ipalaman sa gagawin nyang manika. At ngayon ko lang naisip na pwede namang diretsong tela ang ipasok dun. Hehe! maarte din si lola tulad ko, dapat lahat may process at kung ano ang naisip nya yon ang susundin mo.

Ilang gabi kong pinagtiyagaan na maghimay ng tela habang sya tinatahi na yong supposed to be manika ko. And tsaraan! dumating din yon time na kasya na yong mga thread. Pinasok na syempre yong mga lamang loob nung manika, haha! Butones ang naging mata tapos yong buhok tela na hinimay parin. At dahil biglang dumami ang pinapatahi kay lola di na nya maburda ang labi, kilay at ilong. Ang ginawa nalang nya, hulaan mo ano? tsaraan! drowing at ano pa ang ginamit? ballpen na blue! mantakin mo yon. Pero dahil Best in effort sya sa pag-gawa nun, dinala ko parin at nilagay sa estante ng mga laruan.

Pero pagka-recess, eto yong pinaka-importanteng parte kaya hold your breath. Lumabas ako bumili ng ice candy at banana que. Pagbalik ko, nakita ko nang hawak nung isang bata ang manikang ginawa ni lola at ano ang ginawa. Sobrang saklap promise! Ginawang panakot sa iba! kontrabida daw yon. Parang gusto kong maglupasay sa iyak. Si lola naman kase. Ang itsura kase talaga ng manikang dala ko ay yong parang manika na ginamit ng mga mangkukulam. ‘Yong katawan pwedeng tusokan ng karayom. Hahaha! totoo, narealized ko yon at dahil nahiya ako never kong inamin at inangkin na akin ang manikang yon. Sa kanila na, wala akong pakialam pero hindi ko sinabi sa lola ko na panget ang ginawa nya. Secret yon. Hehehe!

Natatawa nalang ako habang naa-alaala ko yon. Pero first hand experience ko yon na unfair nga ang mundo.

🙂

Tulay

Standard

Naalala mo kung paano
tayo nagtagpo?
Sabi mo, Hi! nabasa ko
mga sinulat mo.
Sagot ko naman. Hello! Mabuti
at nagustuhan mo.

 

Titik ng panulat ang tulay sa
kalsadang ‘di magtagpo.
Sino ka? Sino ako?
Iyon ay nakatago.
Walang pagkakilanlan dahil tiwala
ay ‘di pa mabuo.

 

Oras, Bangka, Bituin, Saranggola,
Buwan at Kabataan.
Ilan lang sa mga pinag-usapan.
Pangarap, Pagsisikap, Pagdaramdam,
Kasiyahan at Kabiguan.
Sandigan ng pinanday na
pagkakaibigan.

 

Tulad mo titik ay ginamit para
ilabas ang nararamdaman.
Emosyon ay itinali, isinakay sa bangka
at binalot sa diwa.
Mga simbolong mahalaga,
Pinagtagpi-tagpi para makilala.

 

Ngunit emosyon ay nagbabago,
‘di mahawakan ayon sa gusto.
Sala’ sa init, sala’ sa lamig.
Tumatalon, lumilipad at nahuhulog.
Mabuti nalang at sinabi ang totoo;
nauntog at ‘di nabuo ang drawing na mundo.

 

🙂