Monthly Archives: July 2013

hectic schedule

Standard

Medyo napapahaba na hindi ko nadadalaw tong blog na to, syempre ano lang busy ang mga buhok ko. Haha! Totoo busy ako madalas ko nga chine-check sarili ko kase baka pati paghinga makalimutan ko na. Hahaha!

Una, nagsimula ang hectic sched. namin pagdating ng May, deadline namin sa june nung 8 hectres na nilalandscape namin plus may exhibit kami sa katapusan din ng buwan which ang nangyare ako na gumawa lahat. Hindi art exhibit ha. Exhibit of rare and endangered tree species na meron kami sa tree nursery namin. Mula sa backdraft hanggang sa design ng miniature garden sa akin kaya kunti na lang sasabog na ako.

Tapos by June may simultaneous run to plant event kami na ang target ay more or less 150 thousand participants all over the province plus may mga regional partners pa from mindanao regions. Meeting doon, meeting dito at every week ang coordination meeting plus media planning. Buti naka-survived ako. Hahaha! from Office to Field kase ang trabaho inikot namin buong Cebu plus the islands. Well, successful naman daw ang activity.

pagdating ng July akala ko makakahinga na kami pero hindi! may Book Launching pala tungkol sa mga Native tress in Visayas. 5 years in the making ang book kaya dapat daw bonggang-bongga ang launching. Hulaan mo kelan ang date? exactly sa birthday ko. Hindi ko alam if gugulong, tatawa or tatumbling. walang birthday leave ito. At ang next day diretso agad kami sa Cotabato para magconduct ng training. Si supergirl na yata ako dahil dito. Pero kahit ganun may time pa rin akong makipagkita sa mga ka-close na blogger sa manila at walang tulogan sayang ang panahon kung pwede nga lang stop muna ang oras, kwentuhan, tawanan at kunting inuman. Naisingit ko pa nga na sumama sa face to face discussion ng isang libro. Hahaha!

At in between sa mga sched na yon may mga lakad pa ako sa weekend. minsan ordinary trekking o kaya river trekking. Ako na ang always on the go.

Ngayon, gusto ko lang magpahinga, matulog ng maaga at wag mag-isip ng trabaho. Well, sa tingin ko hindi pa rin mangyayare ang pahinga na sinasabi ko katapusan pa lng ng july pero dalawang weekends na nito may naka-booked ng activity. Hindi pa kasama ang mga byahe na work related. Plus may niluluto ang trekking friends ko para sa mga holidays. Hahahaha! wala akong magawa kundi i-enjoy na lang.

world in front of me

Standard

Ang bilis ng panahon. Paisa-isang naging pahina na lang ang mga dati nating ginagawa. Ang sarap lang huminto, magtanong saan na ba ako? saang punto na ba ng pangarap natin ang naabot. Abot kamay na ba o abot tanaw pa lang.

Ayokong huminto, iniiwasan kong umabot sa puntong magtatanong na ko ano at saan ba talaga ako patungo. Pero ito na nga nagtatanong na kaya tinitipa ko na lang. Sigoro napapangiti ka na lang at sasabihing ito na naman sya nagsusulat nang ka-emohan. Haha! ganun talaga my dear ginawa ko ang blog para paminsan-minsan mailabas ang mga tanong ko sa sarili.

Lately, sa gitna ng pressure, deadline at stress sa trabaho umaabot pa rin sa point na hinahanap ko ang dating ako, ngumingiti at kuntento sa paligid ko. The price of chasing our dreams, mga maliliit na bagay kapalit ng pangarap pero sya namang nagpapasaya sa’tin. Wala na akong oras para magpinta, minsan na lang makapagbasa ng libro at kulang ang oras sa pakikipag-usap sa mga kaibigan.

Pero hindi naging boring ang buhay ko, kabaliktaran pa nga ng kaseryosohan ng post na to. Natuto akong mag-enjoy sa gitna ng pagiging hectic ng schedule. Kung dati halos hindi ako napapalabas ngayon baliktad basta may kunting oras gora.

Sigoro dapat kung ipagpasalamat to sa isang tao. Tuwing naaalala ko kung gaano ako kalungkot nung magsimula ulit napapangiti ako. Hindi ko maimagine na umabot din ako sa point na umiiyak at kinukumbinsi ang sarili na magiging ok din ako. Well, ok na yata ako. Ayokong magpaka-chessy pero yes, nahulog ako sa isang tao at sad to say hindi sya para sa akin. At tuwing binabalikan ko ang nangyari hindi ko maisip bakit ako umabot sa ganun. Tao pa pala ako. Haha!

Sigorado na ako, hindi ako manhid tulad ng inaakala ko dati. Salamat sa isang pahina dito nailalabas ko ang nararamdaman ko. Pag binabalikan ko nga ang ilan napapa yuck at ewww ako sa mga sinasabi ko hahaha!. Malamang ganito din ang sasabihin ko sa tinitipa ko ngayon sa susunod na mga taon.

Marami pa rin akong tanong at hindi rin sarado ang pinto para maintindihan ang mga mangyayare basta sa ngayon ok na muna ako kahit unang araw pa lang ng hulyo puno na ang sched ko for the half-month.

Mwuah!. na miss ko to.