rosas sa kamay mo

rosas sa kamay mo

Ang pag-aalaga ng damdamin ay tulad ng pag-aalaga ng rosas. Huhulihin ka sa masarap na pakiramdam, sa mabangong halimuyak at sa pagkakataong maisapalad ang isang mahalaga at marikit na bagay. May mga bagay na masarap hawakan lalo na kung alam mong kailangan nito ngk kalinga at pag-aalaga, mas nagiging maingat tayo sa ating pag hakbang.

Ngunit minsan nagiging bulag tayo sa katotohanan , hindi rosas ang isang bulaklak pag wala itong tinik at ito ay malinaw na nagpapakita na ang buhay ay hindi puro sarap, andyan ang hirap, pait at hapdi. May sugat din na nag-iiwan ng marka, pelat sa nakaraan. Pero bilang tao na may kahinaan sa pagdating sa usaping puso, limot ang balakid kung ang nakikita ay kariktan.

Pero maselan ang rosas pag hinawakan ng mahigpit, nasisira ang ganda niyo. Tulad din ng tao, hawakan mo ng mahigpit, diligan mo ng sobrang atensyon at bakuran mo ng mataas, darating ang puntong masasakal ang pagtubo nito.

Tulad ng rosas kailangan natin ng sinag ng araw, dampi ng hangin at lupang pagtutubuan. Hindi lahat ng pagkakataon nakadepende sa taong mag aalaga. Kaya nga may kakayahan ang halaman na gumawa ng sarling pagkin upang kaya nitong tumubo at lumago may hardinero man o wala.

Pero masarap parin ang may nag-aalaga, ngunit wag lang kalimutan na may limitasyon at hangganan ang pagpapakita ng nararamdaman.

the best things in this world are free

the best things in this world are free

Hindi lahat ng tao ay nabiyayaan ng pagkakataaon na pagsabayin ang trabaho at pamamasyal. Kaya kong darating sa puntong maburo at maghahanap ng pagbabago ang unang dapat isipin ay minsan lang ang free sa mundo kaya makuntento.

Sarili ko ang kausap ko.

Lumipat ako ng trabaho, tatlong buwan na ang nakalipas at yan ang excuse ko bakit madalas walang update ang blog na to at bakit di ako nakakasagot sa mga comment.

at wala man lang akong dalang kwento, bakit? dahil mabilis kong nakakalimutan ang mga ginagawa ko. Nakapila ang travel order at minsan nahiling ko na magpahinga nalang muna at nagreklamo na naman. puro ako reklamo! hahaha

inumerate ko nalang ang mga magandang nakukuha sa trabaho ko. una libre buko, saging, bayabas at kung ano mang prutas na available dun, parinig ka lang sa site engineer ng sub-con sya ang kukuha ng prutas na gusto mo..bwahahaha!

nakakapunta ka sa magagandang area na di kadalasang napapupuntahan ng iba kase private property.

extra adventure, ilang bundok ang aakyatin.

hindi makukulong sa opisina.

magaganda ang hotel accomodation.

at higit sa lahat na-aabangan ko ang sunset.

yan lahat ay FREE.

end of the world

end of the world

2012, end of the world.

Anong petsa na? lumampas na ng ilang araw ang katapusan ng mundo, ang susunod na aasahan natin ay end of the world, ulit!. Ang kulit ng end of the world no? kung hindi sya susunod, tatakutin at papangunahan naman tayo.

Pero sabi ko sa officemate ko, if end of the world na bukas, ok lang sakin, sabay-sabay naman tayong mawawala diba? Ang mahirap ay yong survivor ka ng end of the world, meron ba nun? Basta survivor yon na yon. Isipin mo nalang pano sya magsisimula? Ok lang kung may maiiwan kang partner para magsimula ulit ng race sa mundo ala makabagong adan at eba. Eh! pano pag saksakan ng arte ang naging partner mo? Pahirap tsong!

Ang daming haka-haka ngayon na nagkalat para sa katapusan ng mundo, meron pang isa na magco-collide daw ang earth sa planet nibiru a.k.a planet x. Kaya daw sya hindi nakikita ng mga modern scientist ay dahil 3600 years ang rotational period nya sa sun at malamang marami daw alien na nakatira dun. Pag totoo yan, for the first time mapapatunayan nang may mga alien.

Pero pag may gyera ang bawat mundo, di ko maisip paano mangyayari yon, parang star wars ba, o kaya yong mga nakikita natin sa movie tapos may green lantern na poprotekta sa earth, magsasanib si batman, superman, wonder woman, catwoman, ultraman ace, x-men, power rangers, naruto, mickey mouse at marami pang iba. Fiesta ang mangyayari, ang daming super heroes.

Pero pag ako ang susulat paano mangyayari ang katapusan ng mundo, ang sasabihin ko lang ay may darating na end of the world. Di ko sasabihin ang detalye syempre matatakot ka eh! Pero pag makulit ka sasabihin ko na. yon nga lang pag-iisipan ko muna pano mangyayari yon na hindi rin ako matatakot para matapos ko syang isulat.

Sa dami din kase ng dapat isulat bakit end of the world pa ang gusto, eto tuloy pinahamak ako kakaisip pano nga magsulat ng end of the world na hindi nakakatakot, eto nalang may dumating na mga angels na magsa-save ng earth! Bow! hehe, hindi na sya end of the world no? o sya, hindi nga ako manunulat kaya wag nang makulit.. wala kang aasahan sa dulo.

Di ako umasa na nagbabasa ka parin hangagang sa puntong ito, pero pag binasa mo nga, maraming MATSALA! Isang halik para say… mwuah! Walang gift..bleeeh!

minsan kelangan lang natin isiping magaan ang mga haharapin natin, ayoko pang magka-wrinkles!

pagsubok nga ba?

pagsubok nga ba?

ilang beses ko nang napatunayan na wala sa mga kamay natin ang mga nangyayari, minsan punong-puno tayo ng mga plano na nalulusaw nalang bigla, napapalitan pa minsan ng takot, kaba at minsan walang tamang terminong pakiramdam dahil nagrambolan na sila sa loob.

inexplore ko ang Pagadian City walang kasama, sumakay sa mga kakaibang tricycle at umikot dun na lakas lang ng loob lang ang dala, unusual ang trip na yon dahil kadalasan may kasama akong driver pag official travel dahil sa trabaho, pero gora ako mas exciting pa nga. kinabukasan christmas party pa.

pero na-trap kami sa venue ng christmas party dahil umapaw na daw ang tubig sa magkabilang tulay na dadaanan, normal lang yon kase may ini-expect na bagyo, huhupa ang tubig yon ang sabi ko, kaya binalewala, sanay naman sa walang tulogan.

bandang alas-singko na naka-uwi, pahatid lang sa boarding house para kunin ang gamit at nagmamadali nang pumunta ng terminal, plano kong sa bus na matulog. Nakatulog nga 10 minutes pero nagising sa ingay ng ibang pasahero, lahat nakatingin sa bintana.

traffic na pala dahil binaha yong area, ayoko sanang pa-istorbo kaso paglingon ko sa kaliwa, sa may simbahan, hili-hilera na ang patay… lola, bata, mga dalaga nalunod mula sa flashflood.

walang tigil ang takbuhan ng mga tao, may papunta ng simbahan may paalis, lahat madudungis dahil sa putik, halos lahat walang tsinelas, mga basa at ang buong paligid wasak. baliktad na kotse, mga baboy sa bubong, mga nagkalat na gamit.

nawala ang antok ko, di ko alam kong titingin pa sa bintana o hindi na, pero magkabilang panig ganun ang makikita.

Sinabi pa ng driver ng bus na di kami makakalusot sa sobrang traffic at di pwedeng dumaan ang malalaking sasakyan dahil na damaged ang tulay sa unahan. lipat nlang daw kami ng bus, may naghihintay sa kabila ng tulay.

sa takot ko na di maka-uwi ako, isa ako sa mga naunang bumaba, pinapirmahan ko lang ang ticket para makalipat at naglakad na. pero dalawang kilometro pala ang layo, walang kain, walang tulog pero desidido akong maka-uwi.

pati sa panaginip, sinusundan ako ng mga nakita habang naglalakad. di ko makalimutang ang mga iyak ng mga nanay na may dalang patay na anak, yong mga anak na namatayan ng magulang at ang mga kamag-anak na naghahanap ng mga naanod na kapamilya.

walang kwenta ang putik na dumikit sa sapatos, walang kwenta ang bigat ng bag na dala ko,walang kwenta ang pagod sa paglalakad ng walang kain at tulog, mas mahirap ang makakita ng hirap ng ibang tao na wala kang magawa.

hindi alam kong titingin pa sa paligid o diretso nang maglakad makasakay lang ng bus.

akala ko hanggang dun lang ang apektado ng bagyo, di pala ang patutungohan ko, ganun din ang nangyari, mga naanod na bahay, mga balita na ilan ang patay, mga nawawala.

Lahat ng excitement ko para sa nalalapit na pasko biglang nalusaw, ang tulog ko hindi ko alam kung matatawag na pahinga. Alam ko hindi umabot sa daliri ang hirap na dinanas kumpara sa mga apektado. di ko na alam ano ang iisipin sa ngayon.

di ko talaga alam. :(

pagtipa

pagtipa

Bakit nga ba ang hirap ng tumipa? mailap na ang mga salita, kusa na silang lumalayo, umiiwas na parang may mga isip. kung pwede nga lang ikulong sila sa mga palad at isa-isang pagtagpi-tagpiin. pero kahit naman maipon sila, di parin mabuo ang gustong sabihin.

lumulutang at humuhulagpos na sa mga kamay, umiikot hindi ayon sa kontrol ng may hawak, kulang narin sa emosyon at sagad na ang kulay sa mga ibabahaging kwento.

tapusin ko lang to magsisimula ako ulit.

o bakit? may kasunod pa, tinapos ko ngayon at sisimulan ko rin ngayon mismo. bow!

Ubos na yata ang pwedeng i-kwento, inabot na ng katamaran para mag-isip. Dumating na sa puntong gustong humiling na sana ay sakupin muli ng imahinasyon ang isip upang magsilbing baterya para tumipa ulit.

at bigla akong tinanong ni boss bakit ang lalim daw yata ng iniisip ko? haha! wasak ang momentum ng pananaginip ng gising.

hindi na talaga madali ang pagtipa, mas lalo pag sinubukan ng lagyan ng mukha ang nasa likod ng mga salita.

Ok na ako :)

Ok na ako :)

Hi!

Nag thank you ba ako nung huling beses tayong nagkita? Parang hindi, good night lang yata sinabi ko at di na ko lumingon.

Pero nakita kita na umakyat sa bus na sinakyan ko, tsinek mo saan ako nakaupo, haha! Pasensya naman antok na antok na ako, masarap ka kasing unan.

Natuwa ako nang makita ka promise! Kahit muntik na kitang murahin dahil akala ko may siraulong gustong gawing basketball court ang bintana ng bus kung saan ako umupo. Oo, ikaw na ang kakaibang kumuha ng atensyon.

Nasabi ko bang sumagi sa isip ko na sana magkita tayo sa bus terminal at kahit kunting panahon lang na magkausap, may gusto lang akong malaman.

Pero pag nagkatotoo pala ang hiling, nakakagulat parin, sa tingin ko pareho tayo ng reaksyon, andun yong di makapaniwalang napang-abot tayo doon. Mabuti na nga lang ikaw unang nakakita sakin dahil malamang pag ako, tumakbo na at pinagtaguan ka.. peace!

Totoo yong sinabi kong ok na ako, na pwede na tayong sabay lumakad pero sa magkaibang direksyon.
Alam ko namang walang happy ending, atleast may alaalang pwedeng balikan.

Sino kayang aayaw sa nagbibigay sorpresa sa birthday, kahit pasulpot-sulpot lang na parang kabute, ang importante di mo nakalimutan espesyal na araw ko. Alam ko namang nakakulong ang oras mo.

Naalala mo ang pasko na magkasama nating pinanood ang sunset, kasal yon ng pareho nating kaibigan, biniro pa kitang ikaw ang magkakasal sakin. Haha!

Totoo, masaya akong makita ka ulit, alam ko hindi yon ang huling beses na pagkikita, pero wag kang mag-alala walang pipigil sa tawag nang pupuntahan mo.

Wala na at tanggap na.

At masaya akong may nakilalang tulad mo.

Mwuah!

ikaw, ako

ikaw, ako

Tingnan natin ang mga bagay sa simpleng paraan
Ikaw bilang ikaw, at ako bilang ako
Kung ang koneksyon ay mapuputol sa dulo
Ikaw ay ikaw parin, ako ay ako parin
Mga pagbabago ay may dahilan
Di man maintindihan
Bukas may sagot sa katanungan
Lahat ay kukupas
Dahil panahon ay lilipas
Walang natatanging perlas
Dahil ang mundo ay umiikot na walang katapusan
Ikaw ay ikaw, ako ay ako
Lahat man tayo ay tatakbo
Sigoradong mamamahinga din tayo sa dulo.

_______________________________________________________

ang larawan ay kuha sa Mt. Balatukan Range kung saan kahit tirik ang araw mas gugustuhin mong kumain ng tanghalian sa may araw dahil sa sobrang lamig..hahaha

kurot

kurot

parang ang ganda lang ng pagtatapos ng araw, natapos ng maaga ang trabaho, nasabihan pa ng good job ng boss. Nagmamadaling umuwi para kumain ng ice cream sa ref.

pagkasakay sa jeep, may nakatabi pang mag-asawang may kalong na sobrang cute na bata.. ang sarap ng ngiti.

pasabay-sabay pa sa kanta na pinapatugtog ni mamang driver tapos biglang AWWWWW! may kumurot ng sobrang nipis sa kamay ko, at lahat ng mga mata ng pasahero napatutok sakin. Ang sarap lang magmura, pero ang kumurot ay ang mala-anghel na batang di pa yata nag-isang taon…Hahaha! ang sarap lang kutusan kung di lang sya cute.

Di ko alam kung mangingiti lang o hahagalpak ng tawa pagkababa ng jeep, ang unang reaksyon ko kase ay bulyawan sana ang nangurot kaso bigyan ka ba naman ng sobrang cute na ngiti.. tunaw ang inis mo..ahahaha! pasaway na baby! pero kung lahat ng tao sigoro ganun ka-cute malamang walang away sa mundo..bow!

panaginip lang

panaginip lang

maswerte o malas?

kung ang pinuntahan mo ay may dagat na ganito.

at eto pa.

pero hangang tingin ka lang, anong gagawin mo?

dahil ako gusto ko nang gumulong sa sahig at mag-astang bata para payagan lang makaligo, pero wala! trabaho ang dahilan bakit ka andun.. ayon! hanggang tingin nalang.

pakonswelo de bobo, mamayang gabi pwede kang makaligo sa pool.

at pwedeng abangan ang sunset para sa senti mode.

pero WALA! wala akong napala, pagkalabas ko madilim na, at may gagawin pa daw kami. Ang sarap lang kumanta ng ‘pangarap ka nalang ba’.

inabot na ng alas-dose ng gabi di rin nakaligo sa pool.. itinulog nalang, bukas aabangan naman ang sunrise.

pero fresh from Juaning at back-up si Kabayan, anong mangyayari? ayan! madilim na kalangitan.

kaya parang virtual experience lang lahat. panaginip lang bow!

:)

mañanita

mañanita

sa amin pag may birthday normal lang na kantahan ka sa madaling araw, yon ay tinatawag naming mañanita. Kadalasang ang mga nakakaranas ng mañanita ay pag umabot ka na sa first year highschool pataas, ang mañanita ay simbolo na ikaw ay pwede nang i-consider na matanda kaya pag nasubukan mo ito ang sarap lang sa pakiramdam.

mula yata pagkabata sinasama ako ni tatay, ng mga tita at tito pag may mañanita sila sa isang kaibigan, basta ba kaya kong gumising alas tres ng madaling araw, at syempre ako ang excited, ako pa ang nanggigising sa kanila.

May natandaan pa akong isang kaibigan nila na ka-birthday ko, at dahil hindi pa daw ako pwedeng kantahan dapat sama nalang ako, ako yong taga dala ng bulaklak mula sa kung saang gilid lang ng kalsada nakukuha..hehehe, maswerte if walang aso ang may mga tanim na rosas kase sigoradong ubos ang bulaklak nila.

pero pagsapit ko nung highschool, walang palya, may nagmamañita na sakin, mga kaklase ko, kasama kase yata to sa tradisyon ng mag hayscul sa lugar namin. Ang mga kanta ay madalas birthday song tapos may isang espesyal na kanta, yong paborito ng may birthday. Pagkatapos nang kantahan papakainin ang mga kumanta, kadalasang kape, tsokolate o kaya gatas ang inumin tapos mga kakanin na, depende sa nanay kung ano ang iniluto nya. kung maswerte ka, madalas ang mga kumanta ay imbitado din kinagabihan para sa salu-salo ng may kaarawan.

pero higit sa madalas ako talaga ang isa sa mga pasimuno ng mañanita para sa mga klasmyt ko. Sabi kase ni tatay nakakaganda daw ng boses ang madalas na pagkanta sa madaling araw..pero hanggang ngayon di gumanda boses ko..hahaha

pero ang maganda isa ito sa mga di namin nakakalimutang pag-usapan ng mga kaklase ko pag nagkikita-kita, maraming magagandang nangyari, madalas pag ang kinanatahang kaklase ay walang handa, diretso agad kami sa may dalampasigan, hinihintay ang pagsikat ng araw tapos maliligo sa dagat for thirty minutes, masaya na kami sa ganun.

pero ngayon, ang hinihintay ko na lang ay kakantahan ako ng sinuman sa kaarawan ko, kahit sa selepono lang okay na..hahaha, sigorado na ang isa, si tatay.

:)

di ko malaman ang dahilan kong bakit ako biglang pinasama sa isang statistics seminar…whew! forester lang po ako hindi statistician…pero ano nga ba ang magagawa ko kundi YES BOSS! sama ako…huhuhu, ayon, dumugo ang ilong ko! sana man lang pinaghanda ako…sabagay ok lng din pampawala ng boredom, tatlong araw kaya akong tumunganga sa opisina ng walang ginagawa.

kaya heto na… since representative daw kami ng denr, nakakatakot ang seminar na yon kasi di ko alam kong ano ang isasagot ko pag tinanong kami ’bout sa relation ng seminar na yon sa organization na kibibilangan ko, honestly di ko tlaga alam sa una…. pero kalaunan medyo get’s ko na… marami pala…sabagay hindi sa statistics ang trabaho ko…nasa planning.. ayoko ng mag elaborate ng trabaho ko kasi i’m sure dudugo ang ilong nyo..hehehe.

pero, ang nakapukaw tlaga ng atensyon ko, ay nung pag-usapan bakit maraming mahirap sa pilipinas? tinanong un ng representative ng ched… lahat kami bglang tumahimik, lahat nag-isip…bakit nga ba?

may isang sumagot, sabi “i think the answer can be found back in our head”.

OO nga, lahat agad ang mga buwaya sa gobyerno ang napagbintangan….

GUILTY ako dun, isa din ako sa nagbintang…bakit nga ba? totoo yon dba? kaso nga lng nung papauwi na ako naisip ko…bakit yong iba natakasan ang lupit ng kahirapan kahit marami ang mga buwaya…tanungin mo nga rin sarili mo, bakit nga ba? pwede kasing simulan sa sarili natin…pwede rin ang paraan na naiisip mo..bitayin ang mga buwaya? hehehe, try mo baka effective.

magkaganun pa man may natutunan ako, always be ready…hehe, baka bgla akong ipadala sa buwan or sa pluto…

balik tayo, ang natutunan ko talaga, na masuwerte ako, may trabaho….. kahit di kasya ang sweldo ko para sa sarili ko…hmm, ano pa ba? nalaman kong halos lahat tayo pare-pareho, pag kahirapan na ang pag-uusapan lahat isisisi sa gobyerno…hindi ako pro administration nor opposition… ako ay palutang-lutang lng…nagmamasid ng walang ginagawa..haays! kelan nga ba ako makikialam? ewan ko… IKAW? kelan ba?.. oopss..kaw na sumagot, ayoko ng mag-isip..

babae, kaya ba?

babae, kaya ba?

hindi ko alam bakit bigla itong pumasok sa kukote ko… basta bigla nalang naisip at gustong itanong..

Hmmm…. Pano nga ba kong baliktad ang mundo…. Ang babae ang manliligaw, at lalaki ang sinusuyo…     ano kaya ang mangyayari?

Tulad nalang kong sakali, pag-aakyat ng ligaw, pano ba  magpapa-alam ang babae  sa mga magulang ng lalaki?

Parang ganito, Umm… Mang_____, ay mali! syempre sa nanay pala dpat mag-papaalam kasi binaliktad nga dba?

Aling_____, mgandang araw po! kung inyo pong  mamarapatin, nais ko po sanang dalawin ang binata nyo sa inyong tahanan, pwede po ba?

hehe! di ko maimagine..

tapos ano nga ba ang dala? flowers? hindi…. Chocolates na lng kaya? hindi rin yata bagay…

haays! mahirap palng mag-isip ng panregalo. Pwede na ba ang isang kaha ng pulang kabayo? hehe! o kaya pagkain? anong klaseng pagkain?mostly ayaw sa matatamis ng mga lalaki dba?

so, ano nga ba? mag suggest ka nga..

kikiligin din ba ang mga lalaki kung sakaling sila ay haharanahin?

ay sus! pwede kaya?

At kung biglang ipahabol sa aso ang nangharana, kaya bang umakyat  sa bakod si babae wag lang malapa ng alagang aso ng kanyang iniirog?

Hay naku! di ko kaya….kala ko pwede akong manligaw in traditional way.. hehehe, bigla ko kasing napanginipan ng gising si crush…at wala akong pag-asa pag ginawa ko pala ito…hahaha.

yon ay kong sa dating panahon…eh! kong sa panahon ngayon… Paano na ba manligaw ang mga lalaki? tpos gagawin naming mga babae….

O ha! kaya ba mga girls..

pero sa panahon ngayon may pagkakaiba pa ba? bawas ba sa ego ng mga lalaki kung sya ang liligawan o matutuwa pa sya?

babae ang susundo at magbabayad pag nag-date…huhuhu, lalo na pala pag nagpapa-impress..whew! mamumulubi kang babae ka?

maswerte din palang maging babae, lalo na ang isang dalagang pilipina..hehe

Pero ano nga ba ang kaibahan kong babae ang manliligaw? tingin mo, ano nga ba?

trip????

trip????

pano ba magpapakilala ng sarili? kung ako mismo di rin kilala ang sarili ko….

sabagay bakit ba ako nagtatanong eh! ako lang naman ang mamomroblema nito…ako nga ba ay simple? simpleng di maabot at maintindihan ng iba…kaya nga gumawa ako ng blog dahil gusto kong makita kong paano ko kakausapin ang sarili ko…hehehe, resulta na ba ito ng pagiging loner…

wala akong masyadong kaibigan…iilan lang sila at di pa minsan makasama…pero marami akong imaginary friend, to name a few si lestat, si armand, si louis…hehehe, pasensyahan nalang tayo puro bampira ang kaibigan ko..

gusto ko ring sumama sa adventure ni peter, susan, edmund at lucy sa mundo na ginawa ni aslan….ayun! alam ko na  bakit ako nagkakaganito, di pa pala ako nakahanap ng copy ng the last battle…kelangan ko pang maghalungkat sa mga bookstore dito..hahaay! libro lang pala ang solusyon sa problema ko…nabitin sa pagbabasa kaya may naisip na problema… ang babaw ko noh?

Ah! bahala kayo… basta ako magpapakalunod sa mundo ng mga kaibigan ko…

kaya goro di ako maintindihan ng iba, kasi iba ang gusto kong mundo..

Ayan, pwede ko sigorong basahin to ulit….haha, lakas ng trip….

susunod na akong magpost ng matino pag alam ko na kung  ano ang uunahin kong isulat sa mga artilulong naisip ko….bye to myself and mwuah!…hahaha

Ewan…..

Ewan…..

Wala akong magawa ngayon kayo tumitipa para sa walang kabuluhang pagsusulat, kaylanman di ko plinanong magpost ng kung ano-ano lang, pero ito na pala ang ginagawa ko.

Kung ikaw ay tulad kong nahihirapang mag-isip ng plano sa buhay, maiintindihan mo ko, wala lang. yan ang salitang walng kabuluhang pabalikbalik sa isip ko… kagabi pa ito, di ako mapakali, gusto kong umuwi , resulta sigoro ng walang magawa during weekend…. wala akong paki kung may magbabasa ba nito o wala, kelangan ko lang talaga ng may magawa kahit man lang ito para sa araw na to..redundant yata ako..hehehe

I hate weekends as much as i hate weekdays na walang ginagawa…

Ayokong mag-isip, yong mag-isip na di kasama sa trabaho ko…. ayokong isipin ang sarili ko, mas mabuti pang matulog, pero may magagawa ba ako…

eh! kelangan kong pumasok sa opisina may gagawin man o wala.

I miss my friends, asan naba sila? six months na yata nung huli kong makausap ang isa…. hahay!

Dati pinangarap kong magkaron ng isang matalik na kaibigan, hindi yong nanay ko kundi kaibigang di kadugo…yun bang isang tingin palang makikita ng magkaibigan kayo, nagkaron ako ng isang kaibigang tulad ng sinasabi ko pero i never thought na bigla na lang itong maglalaho..wala lang, wag mo nang itanong di ko rin alam eh!, nanghihinayang ako OO pero wala na, sayang yon! kasi yon ang first time na may itinuring akong kapatid at totoong kaibigan. Iniyakan ko ang pangyayaring iyon, sigoro nagtaka ka kung bakit ko naikwento? Ito kasi ang parte ng buhay ko na di ko pa nasasabi sa mga kaibigang itinuring ko…. Ano nga ba ang mali? bakit biglang naglaho ang pagkakaibigan?…Nakakapanghinayang na makita ang taong ito na parang wala man lang nangyari, pero tooo wala akong galit nor hinanakit na nararamdaman…panghihinayang sigoro. May pagkakaibigan sigorong hanggang doon lang.. may hangganan, para ma appreciate natin kong ano ang meron sa isang tootong pagkakaibigan.

Sigoro matagal ko na itong gustong gawin, ayaw tumigil ang daliri ko sa pagtitipa… Dati, pag depress ako, sinusulat ko lang  tpos sinusunog, ngayon? blogosperyo ang basurahan ko..

Sabi ni kuya kulisap kaya daw may taong nagsusulat sa blogs para makahanap ng taong kapareho mong mag-isip, di man kayang sagutin ang mga tanong mo, kaya naman nilang magbigay ng iba’t ibang opinyon pwedeng tutulong para sagutin ang nakakagulo sa pag-iisip mo….OO sigoro.

hmm, nakakaloka! pero alam mo may bagay na pumasok sa isip ko habang itinitipa ko ito…

Pare-pareho lang pala tayo, lahat gustong kilalanin ang sarili, lahat naghahangad ng pagtanggap…bakit nga ba meron nito? hindi nalang ba pwedeng mabuhay ayon sa gusto mo, walang consequence sa mga gagawin… haays! pero hindi yon pwede, maraming bagay na dapat mo nalng paniwalaan para mangyari, pwede ring hayaan ang panahong magdesisyon para mangyari ang nga bagay na gusto mong mangyari….

Ayan! maluwag na ang dibdib ko….hahaha..Mwuah!

wlang kwentang pag-chichika…

wlang kwentang pag-chichika…

i really planned to write something worthy to read, this day, an environmental article, yet! ito naloka ako ulit at sinave as draft.. oh ha! araw-araw na yata akong nagpopost…bogaloidz tlaga…hahaha

sa November na lang para bumagay at makicelebrate for an environmental awareness month…

Plssss… paki close na ang tab, dahil ang sunod nyong mababasa ay walng kakwenta-kwenta…..hahaha, nag trip na naman ulit ako.

blogosperyong basurahan ko, maraming salamat at nahanap ko ito…. palipasan ng mga saloobing di man lang makabagbag damdamin. Pano kasi sinusweldohan ako ng gobyerno pero wala man lang ginagawa…hahaays! ayoko sanang ma guilty pero ito, nagsusumigaw ang loob ko na GUILTY ako!!!!…

kaya nga nasabi ko dati na ayaw kong magtrabaho sa isang government agency…pero anong nangyari? biglang nag switch ang tadhana at lahat ng plano ko ay nabali…waah! ayoko na talaga, nakakafrustrate ang ganito….

Gusto ko na tuloy kwestyonin ang desisyon kung magtrabaho dito….. Sana kasi tinanggap ko na lang ang offer na magturo, kasehadong mas malalaki, barako at minsan mas matanda pa sa akin ang mga estudyante ko….

mas masaya pa yata iyon, dati tlaga bago pa ako gagradwyt buo na ang desisyon kong magturo, at dapat yaong instructor na kaylanman di makakalimutan ng mga estudyante nya.

Sigoro kung wala ako dito, next month nagtuturo na sana ako sa unibersidad na pinag-gradwytan ko, Pero dahil nga may pag kaloka-loka ako at dinedma ang tawag nila ito, STAGNANT ang buhay ko….huhuhu

Masarap magturo lalo na pag sobra sa kalahati ng estudyante mo ibabagsak mo…hahaha, terror ba ako?… wag mag react, dahil totoo yon talaga ang plano ko. Pero wag ka! dahil yon ang naisip kung dahilan bakit gusto nila akong kunin para magturo, gusto kasi nila yong taong walang takot na haharapin kahit sangkaterbang kwarenta’y singko pa ang itututok sayo…

Nagtaka ka noh! sang lupalop ba ng pilipinas ako nag-aral bakit may ganyang pangyayari? hahaha… Clue? wag na lang baka isipin mong sinisiraan ko ang paaralang pinanggalingan ko… pero totoo ang sinasabi ko ha! hindi ito kathang isip lang. Pag naloka ulit ako ikukwento ko..hahaha

anyways, baka isipin mong anong klaseng administration meron kami at bakit di man lang mapigilan ang ganung pangyayari, well, di tlaga kayang pigilin iyon dahil may iba kasama na sa culture nila ang paghawak ng baril.

well, balik tayo dun sa topic na bakit di ako nagturo..

hmm….

1.di ako nagturo dahil naiinggit ako sa mga kasama kong lahat nakapagtrabaho sa agency na katulad ng pinagtatrabahoan ko.

2. feeling ko mas masaya pag i-praktis ang propesyon ko sa field, di ko naman kasi inisip na sa planning ako ilalagay, well, di narin naman masama kasi sabi daw nila pang matalino ang trabaho ko… hehe, pelingera din akong matalino.

3. FRUSTRATED ako sa result ng board exam…. totoo! nakapasa ako isang take-kan lang, pero feeling ko di ako bagay magturo sa kadahilanang di ako nakapasok as topnotcher… Pinagarap ko talaga yon, simula pa lang. Di lang dahil gusto kong lampasan ang rank ng crush kong instructor. kundi para sa sarili ko… pambawi sa mga kabalahorang pinang-gagawa ko nung nag-aaral pa ako.

Kapal ng face kong pangarapin yon noh! pero tanggap ko naman na pwede talagang di maabot ang gusto ko, ang problema nga lang nung makita ko ang percentage ng nakuha ko…. kahit di tlaga ako nagmumura, napamura ako! gusto kong umiyak. PUTIK! kunting-kunti nalang pala pasok na ako sa top ten. whooah! gusto ko talagang magpagulong-gulong sa inis… sana 75%  nalang ang nakuha ko…bweesit!

kung alam ko lang na ganun ang lalabas sa exam, naghintay na lang din sana ako ng isang taon… at habaan ang review, pakonswelo di bobo ko nanga lang ang rason na kaya nagtop ang isa kong kasama dahil isang taon ang binigay nyang oras kaysa sakin na dalawang buwan lang…. pero kahit ano pa man loser parin ako..

Hanggang ngayon pala di pa ako naka get-over sa nangyari, whew! bitter tlaga ako, OO na, aaminin ko na… i do really have an envy to those who put theirselves on top… pero masaya parin ako sa mga kaibigang pumasok sa top, alam ko mas kelangan nila iyon kaysa sakin…

Haha… may next time pa naman,  promise ko sa sarili ko, tlagang magtotop na ako sa susunod na exam na sasalihan ko…. kaya maghanda ka Bar Exam…. hehehe, pinaghanda na di pa nga ako nakapagsimulang mag-aral ng Law.

well, gusto ko na ngayong maging abogago… oppss! Abogado daw pala.. pero hintay muna ng dalawang taon, kelangan pang grumadwyt ng dalawa kong kapatid…hehe.

o ano? napagod kang magbasa noh!.. hahaha…mwuah..

hmmp… bolero… hindi ikaw!  yung kaopisina ko..

Aba! napatahimik nya ako..hahaha

Likas akong madaldal, pero ng sabihan nya akong miss bango ng buhok mo, hahaha! natameme ako.

wala lang gusto ko lang i-share yong nangyari kaninang umaga, medyo matagal narin pala akong di kinikilig…. o s’ya aamin na.

Medyo crush ko sya.

Pangatlong hirit na to ha! una nung may pinareceive akong data sa kanya, aba! kamay ko ang tinanggap tapos, ngumiti pa as if wala syang ginawa.

sumunod the other day, binangga ako nung mag punch na ako sabay sabing sorry…. binangga nya tlaga ako kasi nakita ko sya na andun na bago ko pa kinuha ang punch card ko.

Aba! pwedeng gumanti?..hahaha

unang adventure sa gubat.

unang adventure sa gubat.

dahil po ako ay isang manggubat syempre di pwedeng di ko man lang maisulat ang  simpleng karanasan ko.

pagpasensyahan nyo po dahil di ko alam pano mgsisimula ng kwento. di ko alam kong maiintindihan nyo tong mga pinagsasabi ko.

pinaka-unang sabak ko sa gubat ay nung pangatlong taon ko sa kolehiyo,3rd year dahil di ko kinonsidera na gubat ang mga una naming napuntahan, bilang estudyante ng forestry hindi pwedeng di mo man lang maranasan ang matulog sa gitna ng gubat kahit tatlong araw man lang..

lahat kami required magkaron ng tent, pero dahil sa likas na mga pasaway, ang iba sleeping bag lang ang dala, at ako naman ay napunta sa mga barakong mga kasama…walang kwenta tlaga.. imagine, sa sasakyan palang ang kalahati ay mga  lasing na…. ay naku kong pwede ko lang sanang  pag-untogin ang mga yon ginawa ko na. kaya pagdating sa location ayon! mag-isa lang akong nag-assemble ng mga tent..

well, maning-mani lang naman yon..hahaha, wala tlagang adventure sa sinasabi ko. ang adventure talaga namin nagsimula lang kinabukasan.

ang gagawin kasi namin ay yong tinatawag na timber inventory, kelangan naming e-identify, kuhanin ang diameter at height ng mga kahoy… ganun kasimple. yon ang inakala ko, simple lang.

ngunit di pala…. alam mo anong ginawa samin, hinati kami tig-aanim bawat grupo, tapos hinatid kami doon sa area kung saan kami magsisimula for inventory, whew! first excited ako pero nung dumating kami sa lugar, hay! naku, kulang nalang lahat kami aatras… pero dahil alam na rin yon ng instructor namin, walastik inalaska kami, syempre mga kutong lupa ang mga kasama ko at ayaw patalo, o sya larga tuloy ang drama.

una pa lang winelcome na kami ng ahas!… at wala kaming choice kundi palayasin iyon dahil duon kami magsisimula.

walng ibang pwedeng makita kundi puno, puno at puno…

ako ang may hawak ng compass, at tingin ko that time, hawak ng compass ang buhay naming anim, wala kasing ibang paraan pano malalaman san ang location namin, doon ko rin narealize ang kahalagahan ng sense of direction.

well, wala din nman kaming ginawa kundi mag identify at kong hindi makilala ilalagay lang ang TBI(to be Identify), masaya sa loob ng gubat, kelangang iwasan ang mga ahas, at higit sa lahat mga palasan(rattan)…bakit! pag na tinik ka lagot….magiging pansamantalang pulang tattoo sa balat mo for 1 week…

“take nothing but pictures, leave nothing but footprints, kill nothing but time and keep nothing but memories”

mountaineers creed, yon ang katangi-tanging rules na ibinigay ng prof. namin samin..paano gagawin ang trabaho?…diskarte na ng grupo.

ayoko sanang maniwala sa first rule, take nothing but picture!!! hello dami kayang pwedeng i-kolekta doon, pero mukhang buhay nga si diwatang kalikasan, nung magtangka kasi akong kunin ang isang wild flower, ayon! nahulog ako sa may batis, buti nalang may kababawan yong nahulogan ko.

masaya at maganda ang karanasan, naranasan kung mag-ala tarzan, makipag-sapalaran na binibigay ang buong tiwala sa mga kasama… at i-respeto ang lider ng grupo, hanggang ngayon ang anim kung nakasama ang maituturing kung pwede kung pagkatiwalaan ng buhay ko sa lahat ng nakilala ko sa buhay kolehiyo…

saan na nga ba ako?…ayon! doon sa pagbibilang ng mga puno, dahil genius ang mga kasama ko, aba madali na lang pala ang pagsusukat ng diameter at height ng puno, hehehe, M2M system (mata-matahan lang). skills na matatawag yon, pwede ng di gamitin ang instrument na mga dala..hahaha, mas marami pa ang panahon sa pag-eenjoy..lahat ng batis at talon, swimming agad…hehehe, parang picnic lang ang ginawa namin… wag nyo kaming isumbong ha!..hahaha

safety first ang madalas sigaw ng lider… pero pag-utot ng kasama ang sumigaw, takbuhan na…. iba kasi ang dala ng hangin sa kagubatan pag-gabi… walang pinapatawad, lahat nagpapa-putok, minsan may solo, duet at minsan talaga chorus..hehehe

akala ko nakakatakot ang gubat, ngunit hindi, mas nakakatakot ang gubat sa syudad, mas nakakatakot ang pwedeng gawin ng tao..AHAS? lalayo sila ng kusa pag-alam na may tao… ngunit ang taong ahas, lumalapit sayo.

…wla lang

…wla lang

o sya! ako tlaga ay isang supladita… wala akong pakialam sa sasabihin ng iba.

hehe! ilang beses ko na bang ginawa ang man dedma… di na mabilang… kanina nga lang may nasampolan ako… mag hi! ba naman ayon tuloy yong kasama nya ang napilitang mag-hello… pinaringgan pa akong hangin daw ang dumaan….hahaha.

di tlaga ako nakikipag-usap sa mga taong di ko gusto…wag mo kong pilitin dahil khit baliktarin pa ang mundo di mo ko mapipilit… hindi ako intovert..mapili nga lang…hmmm, minsan pala… naalala ko during hayscul ako, may taym tlaga na mas gusto kong umuwi mag-isa… nagpapaiwan ako sa classroom at sasabihing may hinihintay…yon pala wala…

mas magandang maglakad mag-isa, malaya kang pagmasdan lahat ng nasa paligid mo… Observant tlaga ako…kahit kaliit-liitang reaksyon mo nakikita ko…sigoro dito hindi, syempre di kita nakikita…at lalong wala din akong planong magpakita..

ito ay aking sekretong mundo…. at  oo adik ako..dalawang post ang ginawa ko, hahaha

Halata ko…

Halata ko…

ang pinakamahirap na parte ng trabaho ko ay ang kawalan ng magawang trabaho.

ano ba ito? ang dami kong nakaline-up na gagawin ngunit walang kahit singkong duling ang nasisimulan.

di ako tamad…….iba ang dahilan bakit wala kong ginagawa ngayon..

SIRA NA ANG ARAW KO…huhuhu

palagi na lang bang ganito, lahat ng gagawin ko nakadepende kung kelan ipapasa ng iba ang data na kelangan ko.

haay! naku, kahit sinong santo, mawawalan ng pasensya dito.

it is said that patience is a virtue, pero kahit di ko na makilala si mr. virtue ipagpapalit ko….mapasabog ko lang ang  building kong saan nagtatrabaho ang dahilan kong bakit delayed ang trabaho ko….

haha, natawa tuloy ako bigla sa iniisip ko…as if naman kaya ko..

halata ko ang daming KO sa sinulat ko…hahaha

hmmm…wla akong masabi.

hmmm…wla akong masabi.

isang tulog na  lang at friday na..yehaa!!!

FRIDAY and it’s FLY DAY..

hehe, halata bang excited ako masyado?…. uuwi kasi ako, atlast makakauwi na nman ako…kahit 10 hours pa ang byahe ko no probs, makauwi lang.

ito yong namimiss ko sa pagiging estudyante, bakasyon..kaya nga binalak kong maging estudyante ulit..hehe

hangang ngayon di ko parin kayang tanggapin na paminsan-minsan na lang ang bakasyon..hahaay! masasanay din sigoro ako…

hindi ako excited para i-celebrate ang araw ng mga patay, excited akong makauwi ng bahay, makakain ng lutong bahay at matulog sa aming bahay.

cliche na yata ang word na bahay…pero dahil trip kong gamitin yon, wala akong pakialam..hahaha

hay naku! nahalata ko ng wala tlaga akong pinost na maayos at maganda pero di ko naman ginawa to para manghakot ng mambabasa kaya okey lang naman sigoro…

di ko rin ina-advice na basahin tong mga pinagsusulat ko, sa kadahilanang sasayangin ko lang ang oras ng taong babasa nito…

hmm,  pero maraming salamat parin sa matyagang nagbabasa…im a good reader not a writer.

at isang dakilang bloghopper…. magandang makibasa sa mga sinusulat ng iba, minsan nakakatawa, minsan pinaiiyak ka, sasang-ayunan mo at minsan aayawan mo…

Ganun lang, teka lang muna, magdedemo pa pala ako sa mga tanders kong kaopisina kung paano mag-farmville…wahaha..bad influence ako pero hayaan nyo na lang para feeling young ones narin sila….  ang hirap kayang maging tanging bata sa opisina…

Buwan ng kamalayan sa kalikasan

Buwan ng kamalayan sa kalikasan

 

1. Ang buwan ng nobyembre ay idineklara bilang “Environmental Awareness Month” ng naisabatas na RA 9512 ( “National Environmental Awareness and Education Act of 2008″).

Layunin nito na isulong sa mga kabataan ang kaalaman sa pangangalaga ng ating kalikasan at likas na yaman. Ito rin ang sagot ng gobyerno para may masabi “kuno” na may ginagawa sila para sa problema ng pabago-bagong klima (climate change). Ngunit ang tanong ko? kaya nga bang maipatupad ng ating gobyerno ang batas na ito… Sayang, ang daming batas na nagagawa sa pilipinas ngunit ang pagpapasatupad naman ang problema.

 

2. Bilang isang propesyunal na manggugubat(forester) ang buwan na ito ay mahalaga para maipaalam sa publiko ang kahalagahan ng propesyong ginagampanan. kami may nasa sektor ng gobyerno o pribado.


Ang pagiging isang manggugubat ay isa sa masasabi kong propesyong kadalsa’y natatapakan. Wag na tayong mag-pakaipokrito, alam ko, kalahati o mas tamang sabihing higit sa kalahati ng babasa nito ‘di alam ang propesyong sinasabi ko.

Bakit ko ba nasabing ito’y natatapakan?

dalawa ang rason na naglalaro sa utak ko…. una, ang pagiging manggubat ay naikulong sa konsepto na ang trabahong ito ay hanggang sa pangangalaga at pag-gamit lang ng ating yaman sa kagubatan. OO, tama nga iyon, ngunit hindi hanggang doon lang. OO, pinag-aaralan naming kilalanin ang mga punong kahoy, kung ano ang gamit at tamang pangagalaga nito, pero hindi hanggang sa ganoong kasimpleng konsepto…mas malaki, mas malawak pa…kita mo ang paligid mo? kung kaya mong sukatin ang mundo, ganyan…ganyan kalaki, at kasama yan sa konsepto ng propesyong ginagampanan ko.

pangalawa, kaming manggubat ay kadalasang di nabibigyan ng kaukulang trabaho sa bansa natin..nakakalungkot man, ngunit ang propesyong ito ay isa sa mga tinatawag ng nakararami bilang isang “dying profession”..naghihingalo na..Bakit nga ba? pwede ko bang isisi sa gobyerno?

sa totoo lang di ko rin alam anong pwede kong sabihin, pero sige pag-usapan natin…una kong naisip ang kakulangang bigyan ng pagpapahalaga sa ating likas na yaman, eh! wala na ngang paki-alam sa ating kalikasan mas ano pa para sa propesyong nagdadala ng pangagalaga nito…ayoko sanang magkumpara pero wala akong choice.

Halimbawa nalang yong ating mga karatig bansa, kaya nilang gumastos ng malaki ma-iligtas lang kahit isang punong kahoy.. eh dito sa pilipinas, pinuputol pa dahil sagabal sa magandang view… o dba!.. di ko alam kong pagtatawanan ko ang kanilang kamangmangan o malulungkot. haays!

 

3. Kagawaran ng Kalikasan at Likas Yaman.

o ha! pinaghirapan ko pang i-research ang tagalog ng DENR..hahaha

well, sigoro alam nyo na kung ano ito. Sektor ng gobyerno kung saan pwedeng sabihing sya’ng nangagalaga sa ating kalikasan at likas yaman..ayon sa taas o(sabay turo)..redundant pero hayaan nyo na.

sa totoo lang di ko alam anong isusulat ko dito, basta naisip ko lang kasi na isama to dahil sa sekretarya ng departamentong ito.. kilala nyo yong politikong madalas nakasuot ng makulay na polo? naisip ko bakit di nalang sya ginawang sekretarya ng turismo no? baka doon pwedeng magamit ang pina-uso nyong hawaiian polo bilang uniporme sa gobyerno.

ang di ko talaga lubos maintindihan, bakit ba ang mga sekretaryang pinapaupo sa departamentong ito ay madalas nakakapagdala ng isang malaking tanong bakit sya ang binigyan ng pwesto…. wala man lang kunting background sa environmental management…ayoko sanang manghusga, pero hay! naku tlagang sila din ang gumagawa kung bakit sila hinuhusgahan. halimbawa na lang, magsalita ba si sekretaryang may makulay na polo ng ganito, ” ang mga puno nasa likod ko ay mga agoho, kapamilya ito ng mga pine tress”.. o ha!, sigoro sa mga di nakaka-alam sige i-explain ko muna, ang agoho po ay kaylanman di kapamilya ng pine trees, dalawang pine species lang ang nasa pilipinas, Benguet pine at Mindoro pine. Sigoro di ito mahalaga sa inyo pero para sa aming mga manggugubat, nakakahiya ang ginawa ng namumuno sa departamento kung saan higit sa kalahating mga manggugubat ay nagtatrabaho…

bilang pinuno ng departamentong ito, sana sumangguni man lang sya kung tama nga ba ang kanyang pinag-sasabi…NAKAKAHIYA S’YA.

ayokong husgahan kung kaya nga ba talaga nyang pamunuan ang kagawaran ng kalikasan at likas yaman…kasi pwede namang pag-aralan yan.

ang sa akin lang naman, sana man lang bigyan ng t’yansa ang mga taong higit na kwalipikado para pamunuan ang sektor na ito.

 

 

They said, ‘forestry profession is a dying profession’ yet we say, it’s just a rare profession.

linta vs. alimatik

linta vs. alimatik

kanina pa ako nag-iisip ng bagong mai-post, something new, something rare.

kaya mga linta at alimatik ang napagdiskitahan…Gusto kong mag paka-ala mating lawin ngayon kaya pagbigyan nyo na ang trip ng lola nyo.

kaysa naman linta ng gobyerno at alimatik ng lipunan ang pag-uusapan gawin nalang natin itong kapaki-pakinabang.

kung ikaw ay laking probinsyang tulad ko, sigoro naman alam mo ang nasa title ng post na to, pero kung hindi, o sya basahin mo na lang to.

ayon kay mr.wikepedia….

Ang mga limatik o linta (Ingles: leech) ay mga anelida na bumubuo sa subklaseng Hirudinea. Mayroong mga limatik na pantubig-tabang, panlupa, at pandagat. Mayroon ding mga lintang nagmumula sa mga kailugan at latian.[1] Katulad ng kanilang mga kalapit na kamag-anak, ang mga Oligochaeta, mayroon din silang clitellum. Katulad ng mga bulating-lupa, mga hermaprodita din ang mga linta. Ginagamit ang limatik na kasangkapan sa panggagamot – ang Hirudo medicinalis – na katutubo sa Europa, at maging ang mga kasari (o konhenero) nito sa klinikal na pagpapadugo sa loob ng mayroon nang mga libong taon.

dito sa pilipinas  sikat ang mga linta sa mga palayan at alimatik sa kagubatan…per mas sikat  ang mga linta sa BATASAN.

kinakatakutan sa pagiging maliit na bampira, aatake na lang ng di namamalayan….pero mas matindi ang bampira ng gobyerno aatake ng harapan.

hay naku! di ko planong isama ang mga bampira sa gobyerno, ipag-paumanhin nyo na lang di ko lang talaga mapigilan.

dalawang species lang yata ng linta ang kilala sa pilipinas, ang mga tinatawag natin linta at alimatik.

ang linta ay kadalasang mkikita sa tubig at ang alimatik  sa mga dahon sa kagubatan..sabon at asin ang alam kong nagpapatanggal pagnadikit, pero ayon sa nabasa ko mabisa din daw pantanggal ang alcohol at kunting apoy… pag napunta sa lugar na maraming alimatik mas maiging takpan na kaagad ang balat na kadalasang expose…pero pwede ring magpahid ng mga strong  insect repellant… ayon din sa aking housemate na geologist mabisang panlaban din ang smoke ng sigarilyo….

bakit ko nga ba naisipang isulat to?…dahil takot ako sa mga nilalang na ito.

kawalan ng maisip.

kawalan ng maisip.

Nasubukan mo na bang wag mag-isip?

yon bang, wag lagyan ng pwedeng iisipin ang utak mo.

Magulo ba?

magulo kasi akong mag-isip ngayon kaya gusto kong subukan ang hindi pag-iisip.

impossible dba?..OO alam ko, lahat ng ginagawa natin di pwedeng hindi dumaan sa ating isipan o kaya lahat dapat pag-isipan.

okey, ganito na lang….ang gusto kong mangyari ay mawala ang sakit ng ulo ko, at dahil sa tingin ko kagagawan ito ng madalas na pag-iisip ng kung ano-ano….kaya susubukan kong tanggalin ang lahat ng nasa utak ko, ibablangko tulad ng tanging PUTI na lang o di kaya ITIM ang tanging maiiwan sa imahinasyon ko.

mahirap ba?…..sinusubukan ko talagang gawin yan…kanina pa.

sinubukan mo ba?…hahaha, pinatulan mo yata kalokohan ko…

pero sige lang seryoso naman ako ng gawin ko to.

pagbabago

pagbabago

“A servant leader is a nation builder”

yan ang kulang sa pilipinas, lideratong nagbibigay ng totoong serbisyo.

sa estado ng gobyerno ngayon, tiwala at respeto ang pinakamahirap hanapin.

pero sa totoo lang, gusto kong subukang ibigay ang tiwalang ibinaon ko na sa limot…..baka kasi makapagsimula iyon ng pag-babago, kahit kunting pagbabago. naisip ko, ano ang kulang bakit naiwan tayo para lumago? lahat naman naghahangad ng pagbabago…nag-aasam.

daanin nalang natin sa sitwasyong ito.

kung sakali’t ikaw ay kumakain sa isang mamahaling restoran at biglang may isang batang nakapasok para mamalimos, anong gagawin mo?

magrereklamo sa management ng restaurant? bakit?

dahil may nakapasok na di mo inaasahan sa lugar na inaakalang magbibigay ng mamahaling serbisyo?

i-reklamo ang guard bakit pinapasok nya ang namamalimos na bata?

o kaya maglalaro lang sa isip mo ang kagustuhang magreklamo. Aminin mo, yon ang gagawin mo.

pero pano kung may isang kustomer o mismong may-ari ng restoran ang mag-papa-upo at magpakain sa batang iyon? o kaya iistemahing tulad ng serbisyong ibinigay sayo kahit walang bayad.

anong posibleng reaksyon mo?

magagalit o hahangaan ang taong naglakas-loob na gawin yon?

sa tingin ko yong pangalawa ang reaksyon mo…para kang nabunutan ng tinik sa dibdib….di kana kasi babagabagin ng konsensya mo.

at sure na sure ako kalahati at higit sa kalahati ng kustomer ng restoran, yon din ang naramdaman..o diba?

bilis magbago ng isip no? ganyan tayong mga pilipino.

subukan nating ihantulad sa liderato ng gobyerno…kung may isang susubok magtiwala, makikita din kaya ng  nakakarami?

iba-iba tayo ng konsepto para sa matatag na liderato… merong naghahanap ng may konsensya, merong dahil natawa sa presensya nya sa isang pelikula, meron ding ang pundasyon ng pinag-aralan at marami pa…

ngunit ang punto ko…bakit di nating subukang magtiwala at magbigay ng respeto sa taong mailuklok sa pwesto…sa ngayon di pa sigurado kung sino..

baka kasi sa pamamagitan non, makikita ng maging lider na simulan ang pag-babago…pag-ibinigay ang tiwala at kasama ang respeto, kahit kunti, alam ko may makikita tayong liwanag ng pag-babago.

parang ang simple ng sinabi ko, naiintindihan ko, iba ang prinsipyo at pananaw mo.

ang dami-dami kasi nating reklamo pero may nagawa ka ba para simulan ang nirereklamo mong pagbabago?

tuldok lang tayo kumpara sa populasyon ng bansang ito, pero kung magiging buo ang bawat tuldok na sinasabi ko, siguro naman may kunting mabubuong pagbabago.

init ng ulo..

init ng ulo..

kung ikaw ang nasa katayuan ko na sobrang dami ng ginagawang trabaho tapos ang tao pang akala mong makakatulong sayo ay walang ginawa kundi magpa-cute sayo…anong gagawin mo?

dahil ako malapit ng mapatid ang pasensya…muntik ko ng ngang hambalusin ng mga dala kong papel…kung di nga lang ako nanghinayang sa pinagpuyatan kong trabaho…naku! ginawa ko na.. waah! mainit talaga ang ulo ko.. umuusok pa…

paalam

paalam

hahayaan na kitang lumayo….

ayokong darating ang panahon na iiwasan mo rin ako

tulad ng pag-iwas mo sa mga taong ayaw mo.

ganito lang sigoro ang buhay ng tao, may darating, may lumalayo,

naghahanap ng kanya-kanyang daan dito sa mundo.

 

hindi kita pipigilan sayong paglalakbay, hahayaan din kitang lumipad

ngunit di rin kita masasamahan sayong paglipad.

magkaiba ang pinili nating mundo, ibang landas ang gusto mo,

at iba rin ang gusto ko…

 

magkaiba ang timpla ng buhay na hinahanap natin

kaya mas mabuting paalam ay sasambitin.

 

hahayaan kong panahon ang magdedesisyon,

kung landas natin ay muling pagtagpuin

sana’y pagkakaibiga’y mabuong muli

ngunit kung hindi, sana’y mabuting ala-ala’y manatili.

 

alam ko mahirap maintindihan ang desisyong ginawa ko….

per paano?

mahirap ipagpatuloy ang isang pag-kakaibigan

puno ng kakulangan…may kulang ako at may kulang din sa binibigay mo

di ko napupunuan ang kailangan mo tulad din ng di mo maibigay

ang hinahanap ko..

di ako tulad ng iba, na kayang panatilihing kaibigan ang

lahat ng kakilala, wirdo ako diba?

 

pero sa pansamantalang pagwawakas na ito….

gusto ko paring sabihing hanggang sa pagkikitang muli KAIBIGAN…

umaga

umaga

umuulan na naman, tumatagos ang lamig sa kalamnan….ngunit ito ang panahong pinakagusto ko….. ang magsuot ng jacket, nakakamiss ang buhay kolehiyo, lahat halos ng damit ko longsleeve lalo na sa second sem…..nakakamiss ang fog….yong feeling mo nasa mga ulap ka, nahahawakan mo…

nakakamiss ang maglakad mag-isa, puti ang paligid, malamig as in malamig ang dumadapyo sa mukha, di kelangan ng payong.

maglalakad sa campus kasabayan ang mga estudyanteng nakangiti at ninanamnam ang season ng pagbaba ng ulap. haay! alaala, di ko alam kong mababalikan pa.

masarap gumising sa umaga na inanantok pa, feeling ko kasi normal ulit ang buhay ko….isa lang kasi ang ibig sabihin nun, maganda ang tulog ko….Gustong-gusto ko ang pagkakataon na pipilitin ko ang sarili ko na tumayo para maghanda sa pagpasok sa trabaho…weird no?

kasi sa mga oras na yan ko kinukumbinse ang sarili para magpatuloy, mangarap at magplano….gustong-gustong kong mapilitan ang sarili na mag-isip ng mga bagong rason, pandagdag motivation ng pagbuo ng pangarap.

(^_=)

(^_=)

may pagkakataon ba sa buhay mo nasabi mo na sana isa kang kontrabida , or else magpaka-bad hanggang sa gusto mo, breaking rules, walang sinisino, walang kinatatakutan at mag-wala.

dahil ako, gusto kung masubukan..

living without rules, leaving society’s norms…

naisip ko, mas marami sigoro akong kaibigan kung sumasama ako sa lakwatsa at makipag-inuman….but too bad, nagkaka-allergy ako sa alak….mas masaya sigoro ang college life. ko noh?

pinaka-malala ko na yatang nagawa ay ang madalas na pag-absent sa physics class ko dati dahil crush ko ang instructor namin…. hahaha, hindi sya magandang inspiration, cute nya kasi di ako maka-focus sa klase…kaya mas mabuting tumambay sa golf course at mag-muni-muni…haaays! ang dami kung di nasubukan.

pero kung magwawala ba ako, ako nga ba iyon?

parang hindi, kasi kahit sinasabi kung gusto kung subukan di ko parin kayang gawin….isa nga akong BORING na tao…

ewan ko ba bakit di ko man lang nasubukang mag-pakagaga…. palagi ko na lang iniisip ang consequence ng gagawin ko, takot magkamali, takot sumubok ng kakaiba…

nakakapagod maging ganito…..pagod na ako!

may hinahanap akong di ko mahanap at maintindihan….

usapang MINDANAO

usapang MINDANAO

sa buong linggong ito, halos lahat ng headlines ng balita ay tungkol sa massacre sa maguindanao, kagimbal-gimbal ang nangyari…tinawag nating HALIMAW ang tanging makakagawa nun….pero nangyari na nga.

iba-ibang opinyon, iba-ibang haka-haka at teorya, bakit nangyari? at paanong nangyari?…kahit ako napaisip, kahit sino sigoro walang mag-iisip na mangyayari  ang karumal-dumal na krimeng iyon.

bumalik na naman ang isssue sa conflict sa mindanao, pero tanong ko lang bakit pag may nanyayaring ganito sa bahagi ng mindanao….buong MINDANAO ang dawit?….bakit pag nasa luzon ito nangyari specific ang pangalan ng lugar na lumalabas sa media?… hindi lang ito tungkol sa nangyari sa maguindanao, kasama na lahat…..di man lang ba napansin na sobrang lawak ng mindanao.

hindi sa hindi ako nakikisimpatya sa biktima ng massacre, pero ginawa ko to para malamang MINDANAO as a place is not bad at all.

nag-aral ako sa lugar kung saan ISLAM ang relihiyon sinusunod ng halos lahat ng mamamayan. Iba-ibang relihiyon at kultura ang sinusunod ng bawat estudyante, klarong-klaro ang pag-kakaiba, mapa-wika man o ayos ng pananamit. at doon ko nakita ang kahalagahan ng respeto sa bawat paniniwala ng iba.

tanong ko lang, nararapat bang isisi sa pag-kakaiba ng relihiyon ang conflict na nangyayari sa mindanao?

sa tingin ko kasi hindi eh! nasa tao yan, kung paano sya hinubog ng kulturang kinalakhan nya.

may isang word sa maranao tribe na pwedeng sabihing pinakaimportante basihan ng pagiging isang maranao, “MARATABAT” or maranao’s pride.

makikipagpatayan ang sinumang maranao once na maapakan o masagi man lang ang kanyang MARATABAT. at iyon ang kadalasang nangyayari bakit kayang makipag-patayan ang isang sinasabi nating muslim.

hindi ko alam kung may katumbas na wika ng mga maguindanawan ang MARATABAT ng maranao, pero nasisilip ko ang koneksyon at pagkakapareho ng kultura nila sa kulturang meron ang maranao.

nangyari ang trahedya dahil naapakan ng isang pamilya ang pride ng isang pamilya…mahirap mang intindihin pero iyon lang ang tanging naisip kung dahilan..political dynasties, bahagi yan ng PRIDE ng pamilya. sino mang haharang sa landas ng pangalan ng buong angkan pwedeng kamatayan ang kapalit.

mahirap bang arukin? pero yon ang katotohanan, may mga kultura talagang di kayang hagilapin at intindihin ng utak natin…..MALI? mali sa pananaw natin ngunit kung ang ang kultura  ito ay iba, di parin nating kayang sabihin MALI dahil  may benefit silang nakukuha dito.

balik tayo doon tungkol sa pag-tawag na muslim sa mga salarin, sabihin natin asan ang aral ng ISLAM? ngunit sa totoo lang sila din ay gustong isuka ng mga totoong MUSLIM, pareho lang din yan sa mga katoliko at ibang sector ng kristyanismo…may peke at totoo.

so, kelangan pa ba nating isali ang relihiyon dito?

hello.

hello.

mahaba-mahaba rin ang panahon ng ako ay nawala…mahabang oras dito sa blogosperyo ngunit sobrang madaling oras sa totong mundo.

minsan nakakapagod bumalik…kaysarap sumuko…sana di kelangan ng tao na mag trabaho….sana nasa bahay lang ako… ngunit wala….iba ang reyalidad.

mas gusto ko parin palang magsulat gamit ang bolpen at papel.

magulo man, madumi dahil sa mga bura at ekis gamit mismo ang bolpen, mas okey parin…nakikita mo kasi ang bakas ng pagbabago….nakikita mo ang bakas pano magiging perpekto ang gawa mo.

wala akong planong mag-post, basta bigla na lang akong tumipa, ngunit may mga artikulo akong nakabinbin, nag-hihintay lang yan ng hangin na puti para mai-post ko.

sawa na akong mag-reklamo…. nakokonsensya lang ako, wala kasi akong karapatang magreklamo, sa dami ng blesssings,wala talaga akong isang kusing na karapatan.

madali lang naman akong makuntento, sobrang simpleng buhay lang ang gusto ko, nakakalanghap lang ng sariwang hangin, nakakakita lang ng bughaw na langit at alon sa dagat…pwede na…all i wanted is just a simple life…

yeah! i did seek for a better education but not for money, but to motivate my siblings to finish their studies…. tanging respeto lang ang gusto ko at matiwasay na buhay.

hindi rin ako naghahanap ng pag-ibig, kasi andyan ang pamilya ko, minamahal ako ng walang kapalit…kunting tawanan lang kasama sila, sobrang kaligayahan na ang dulot nun sakin.

bilis kong makuntento noh!

pero alam ko kahit kuntento na ako sa ganuong pamumuhay, pwedeng magbago ang lahat, hinahanap ko parin ang sarili ko…

akala ko pag nakatapos na sa pag-aaral pwede na iyong i-consider na succesful ka… ngunit hindi, tagumpay lang pala iyon ng mga magulang….hindi mo pwedeng ariin, dahil responsibilidad mo na magtapos dahil ginagawa ng magulang mo na mapag-aral ka…

simula pa lang pala ng pagtapak mo sa mundo, mundong hindi mo akalaing masalimuot, nakakatakot, pwede kang malunod kong hindi mo kayang sumabay sa agos ng tugtog.

EWAN!! yan ang madalas kong bukambibig, tamad na kasi akong mag-isip, ayoko ng maguluhan, basta ayoko lang.

seryoso naba ako?…boring na naman noh?…pasensya boring naman talaga akong tao….

gusto ko lang maging totoo, ayokong mag-exaggerate dahil di ako yon…

kung ano ang naisulat ko dito yon ako, yon ang prinsipyo ko…kahit idealistic ako, alam ko pwede yon, andito ako dba?

tanging paniniwala lang ang meron ako, kahit kelan di iyon mawawala, may kalitohan man ako, iyon ay dahil, baka tinatawag nya ako?…at nahihirapan akong matugunan iyon…di ko pa alam ang sagot sa tanong ko, pero baka mamaya o bukas malalaman ko…

di ko alam bakit hello ang pamagat nito… basta gusto ko lang mag-hello….mwuah!!!!

ps. kuya kulisap nxt tym ko na i-post ang request mo….tinatamad na naman akong tumipa..hehehe

anong nasa isip mo ngayon?

anong nasa isip mo ngayon?

naghahanap ako ng kausap…kahit ano go.. magulo lang talaga utak ko.

para akong wlang trabaho noh?…. tapos na po….wala na naman akong magawa.

sawa na ako sa farmville, wala din naman akong maisulat na may katuturan, ginawa ko na talagang basurahan ‘tong blogasperyo…masakit na mga mata ko sa kakabasa ng mga post ng iba, yon nga lang di ako nagkokoment….wala lang, napagod lang ako….ayoko rin ng may maka-away, malapit na ang pasko..hehehe

desyembre na nman, at mag-eevaluate na ako kung ano ang di ko nagawa sa taong ito..

una na dyan, wala akong adventures this year, di ako nakapag water-rafting, di naka-zipline, at wlang na-akyat na bundok sa taong ito.

pero 2009 parin ang taong ang dami kung palpak at accomplishments.

lahat ng nangyari magiging isang memorya na lang…gustong balikan ang ilan at may gusto ring kalimutan…

sa bagong taon, bagong pahina na naman ng buhay natin….sana lang masimulan ko ng ikampay ng totohanan ang mga pakpak ko.. at sana din matapos ko na ang mga artikulong nakabinbin sa draft section ng blog na to…hehe

wala yata akong naisulat na maganda, haha.

basta…bahala na…..ugaling pinoy lang po…..

lakbay sa alon ng buhay

lakbay sa alon ng buhay

bago natapos ang taon, humabol ang di ko inaakalang bakasyon..dalawang araw na pag-gala sa Camiguin island…regalo yata ni boss sakin.

masaya, may dagat na naman akong nakita…..pero ang pinaka-maganda… napagtanto ko na di pala ako takot lumisan sa mundong ito….di pala ako takot sa katapusan ng mundo…bakit? dahil lahat tayo nag-papaalam, kanya-kanyang panahon lang.

habang sakay ng bangkang de motor para sa island hopping ang mga kasama ko doon umupo sa gitna…suot-suot pa ang lifevest…ngunit ako mas ginustong pumwesto sa pinaka-dulo…walang lifevest, walang mahawakan ngunit okey lang…..masarap maglakbay na parang pag-aari mo ang buong karagatan….habang bumibilis ang takbo ng bangka, lumalakas ang tilamsik ng dagat at sinusuong ang medyo malalaking alon…mas payapa ako…. matiwasay ang pakiramdam, para akong lumilipad, para akong nag-lalakbay sa sariling mundo…pabalik sa tahanan ko.

malalim ang tubig, di maarok ang lalim, ngunit di ko mahanap ang takot sa loob ko…ang dapyo ng hangin ay kapayapaan ang dala…. walang ibang makita kundi kulay asul ng karagatan at kalangitan, puting ulap at berdeng kabundukan…sarap mamuhay kasama ang kalikasan.

lumaki akong dagat ang madalas makita, kahit araw-araw pwedeng makipaglaro sa mga alon….ngunit kaylanma’y di ko natutunang lumangoy.

matakutin ako…ngunit na tutunan ko kung panong umiwas sa malalaking alon…turo ng mga kaibigan at kapatid… ganun din ako sa totoong buhay…di ko man alam pa’no languyin ang daang tinatahak, humahanap ako ng ibang pwedeng maging daan.

(^_=)…….

gift ko

gift ko

“sana ngayong pasko ay maalala mo parin ako”…..wala lang…last song syndrome…hehe

it’s our christmas party… pero wala akong madamang excitement, tanging magagawa ko lang sigoro ay kumain… wala kaming exchnge gift sa division namin…ayaw na ng mga tanders kong kasama…. wala din akong iniexpect na gift na matatanggap this christmas…. pero if gusto nyo kung bigyan…books lang ang tanging gusto ko… pwede na ang libro ni COELHO  or else kay HARUKI MURUKAMI. (hehe, kapal ng face ko)

sana ngayong pasko, maging masaya ka.

sana ngayong pasko, mahanap mo ang hinahanap mo.

sana ngayong pasko, maintindihan mo ang totoong kabuluhan ng pasko.


ayokong mangonsensya, hahayaan kong ikaw mismo ang magmulat  ng mga mata sa diwa ng totoong kapaskuhan….. mas malaya mas makikita mo ang nangyayari…di mo naman kelangan ng batok diba?

kung mag-wish ka man, wag materyal na bagay,  lakas ng loob na  lang para sa susunod na taon, magandang kalusugan at matutunang mahalin ang sarili para makapag-bigay ng pagmamahal sa iba.

tumipa na naman ako ng wala sa plano.

gift ko sa inyo?…hehe, pangalan ko…joke!…. hug and kiss na lang…mwuah!.

huling hirit sa taong 2009

huling hirit sa taong 2009

1. MALIGAYANG PASKO PO!…. excited ng umuwi at di na makapgtrabaho ng matino…hehe, di narin makatulog… weeh! di lang naman ako ang nakaka-feel ng ganun diba?..nanghahanap lang ng kasama…

2. sa tatlong buwan na pag-bablog, maraming salamat sa mga naging kakilala, wala mang pangalang tulad ko..masaya ako at naging kasama ko kayo para masurvive ang araw-araw na paglalakbay… THANK  YOU..

3. sa lahat ng nag-tatatyagang magbasa ng mga isinulat ko(kung meron man)… pasensya sa mga kung anu-anong ka-ek-ekan na ibinasura ko… di ko man mahanap ang tamang templa sa panlasa mo, pasensya na…baguhan lang po ako…nagsusulat lang ako para may outlet sa mga di ko nasasabi.

4. special mention si kuya kulisap bilang pinaka-unang nagbasa at tumanggap ng mga pinag-susulat ko…Mwuah! at sa mga tumatawag ng diwatang alitaptap, isang magic wish para sa inyo…… maniwala ka…maging totoo wish mo.

5. di ko alam bakit ko nilagyan  ng numbers tong post ko..hehe

6.  tungkol sa request na artikulo, sa susunod na taon nalang ha!…felingera din ako..haha

7. hmmm, nag-iisip kung babalik pa sa trabaho next year o lilipat na…. hmmm….hmmm, wag na uy! ayokong mag-isip ng trabaho.

8.  tinatamad ka nang magbasa?….wag muna di ko pa nga alam pa’no to tatapusin..hehe

9. isang realization sa araw na to… “when God is going to do something wonderful,he begins with difficulty. If it’s going to be something very wonderful, he begins with impossibility” ….

FAITH that’s our only weapon to understand everything we’ve gone through.

10. malungkot ako kasi ngayon lang ang taong di pa ako naka-attend ng misa de gallo… ‘yon ang disadvantage pag ang kasama mo sa bahay ay may iba’t -ibang relihiyong sinusunod.

11. naniniwala parin ako na nagkakatotoo ang wish pag nakumpleto mo ang nine(9) mornings…. alam ko may magsasabing, kaya ka ba mag-sisimba para sa wish?…ang sagot ko ay HINDI… noon sigoro, nasa elementary days, yon ang motivation ko para gumising lang para mag-simba…. basta ayoko ng mag-elaborate… isip-bata ako kaya hayaan nyo na… basta wishes do come true…as long as you have faith on it.

12.  para sa  tanging kinakapitan ko, ano man ang nasuongan ko, salamat sa pakikinig….salamat sa lakas ng loob, salamat sa isang taong gabay, sa mga achievements and failures…sa mga pag-subok…you made me a better person every day…THANK YOU GOD.

(mawawala ng pansamantala si aninipot…. pasensya…mahina ang signal sa kagubatan…hehehe, sama ka ?)

update

update

………………….

wala akong maisulat…haha, may vacation hang-over ako.

ayoko pang bumalik sa trabaho…kung pwede nga lang ihinto muna ang oras para nasa bahay parin ako gagawin ko…

walang internet sa probinsya namin…walang kwenta ang ang mga wireless broadband na yan….di tlaga tumalab sa kabundukang pinuntahan ko….hehe

magulo lang po utak ko…di lang naman bakasyon ang pag-uwi natin sa sari-sariling tahanan…may mga responsibilidad din tayong ayawan man natin…yon at yon parin.

minsan may mga kahilingan tayo na gustong-gusto nating mangyari at makuha ngunit pag  dumating na, humihingi ulit tayo ng palugit, we ask God’s for  its perfect time but, we wanted things to happen on our pace of time….how ironic but true.

o sya….next tym na ako magsusulat, pang update lang…..hahaha, bloghop na…..hangin asan ka?…tulungan mong munang lumipad si aninipot…… mwuah……..

update ulit…hahaha, yahoo! may bonus pala ako, di ko alam, ngayon ko lang kukunin kasama ang sweldo ko sa december…akala ko mamumulubi ako this january…hahaha

nakataling pag-ibig

nakataling pag-ibig

kababalik ko lang pero sinalubong agad ako ng isang malaking problema ng isang housemate, apat lang naman kami at minsan naisip ko super laki naman ng apartment namin at minsan once in three days lang kami nagkikita…haha, or worst once a week.

naniniwala pa ba kayo sa arrange marriage?…hindi sya chinese, but my housemate was bethroted to her second cousin.. by her parents…

ang problema, may boyfriend sya….. kinakatakutan ko na aabot sa desisyon may isang mamamatay sa dalawa…akala ko di aabot na mag-iisip sya na magpapakamatay pero nasama na pala sa options  nya.

she was a maranao, kasama sa kultura nila na parents ang pipili sa makakasama nila sa buhay….actually since part ng culture nila pwede kung sabihing okey lang na tanggapin nya na ipapakasal sya sa pinsan nya….kaso nakikita ko ring head over heels silang inlove ng boyfriend nya sa isa’t-isa…

nahihirapan akong i-balanse ang sitwasyon nya…kung pwede nga lang sabihing pabuntis ka na lang para wala ng problema…ngunit di yon pwede, dahil sa kulturang meron sila…

una, mahirap syang tumanggi dahil mapapahiya ang buong clan nila, sinabihan nya syang ang desisyon ay nasa kanya, ngunit buong pamilya ang magkakagulo…. sabi nga nya mas madaling tanggihan ang hindi kadugo kaysa sa kadugo…. di rin nya pwedeng sabihin sa lalaking namanhikan sa kanila ng may boyfriend sya….”maratabat”(pride) ng pamilya ang nakasalalay.

pangalawa, matatanggihan man nya tong una, may dalawa pang naghihintay para mamanhikan sa kanila, haba ng hair nya no?…ngunit nakakaipit ang sitwasyon.

pangatlo, di nya pwedeng i-rason na ayaw nyang mag-asawa dahil, di valid na rason iyon sa pamilya nila, lahat daw kasi ng tita at tito,kasama ang parents nya arrange marriage, ginagawang living example ang buhay nila.

whew!….ang gulo ng sitwasyon …. minsan naitanong ko  dati na bakit sya pumasok sa isang relasyon? alam naman nyang may arrange marriage na mangyayari….ngunit pag tinamaan ng linsyak na pag-ibig…kahil bawal sige.

kakatakot ano?…pag nakatali ka sa isang kulturang ipinagmamalaki mo dati, pwede mo pa palang isumpa dahil sa isang pag-ibig.

kahit ako litong-lito, di rin makatulog hanapan lang ng lusot ang sitwasyon nya…ang alam ko, may desisyon na sya, ipag-lalaban nya ang pag-ibig nya yon nga lang di kaya ng konsensya nya na kalabanin ang buong clan nila.

gusto ko tuloy isipin na bakit ganun ang parents nya? ngunit pwede ba nating kwestyonin ang kulturang kinabibilangan nya?…ANG GULO!!!!!!….

kaw na bahala

kaw na bahala

I

adik na naman ako kasi magsusulat ako hangga’t gusto ko…hindi ako sinipag, marami lang gumugulo sa isip ko…… excited akong umuwi galing trabaho…na-inggit ako sa housemate ko na bumili ng airbed kaya ididispatsa kuna ang foam na gamit ko…bibili rin ako…hehe, feeling ko kasi para akong mag-wawater rafting pag yon ang tutulogan ko…hahaha, wag nang  papalag, buo na ang isip ko, bibili talaga ako, sacrifice muna ang mga nakaline-up na librong bibilhin for this month.

II

pag-uwi ko mam’ya, aayusin ko na ang locker ko… isesegregate ko na ulit ang mga gamit ko…waah! wala parin akong books stand… at hanggang ngayon nanghihinayang parin ako sa mga libro na naiwan ko sa dorm, sayang yon…. pero sige mangogolekta nalang ulit..at sa mga taong nanghihiraman ng mga libro ko, please lang ibalik nyo na, pinag-iipunan ko ang pinambili  ng mga librong hiniram nyo…di ako mayaman noh!..adik lang sa libro…at gagawin kung library ang kwarto ko.

III

start ng february, isusuot ko na mga high heels sandals at stilleto ko….ang alam ng nanay ko sinusuot ko ang mga binili nyang sandals pero hanggang ngayon naka rubber shoes at flat sandals parin ako..wag nyo kung isumbong ha! ..hehe, matigas ang ulo ko, di ako sumusunod sa trend ng mga ka-opisina ko…feeling ko kasi tumatanda na ako pag naka-heels.

IV

bibigyan ko ng chance na mag-stay sa trabaho ko ngayon, hanggang summer o june, gusto ko lang i-experience ang celebration ng environmental month sa DENR, at sana makakuha ng medalya sa quizbowl bago man lang ako umalis…..adik lang, type kung mangoleksyon ng medalya…pang souvenir sa trabaho….hindi sa hindi ako masaya sa trabaho ko, yon nga lang may longing akong bumalik sa academe, pagbibigyan ko lang ang sarili ko hangga’t bata pa ako…

V

ayokong mag plano ng trips at adventures pero sana man lang masubukan ko na talaga ang zipline sa BUKIDNON at water rafting sa CAGAYAN DE ORO this summer…hoping so…

VI

hanggang ngayon, para parin akong lumulutang, di ko pa tanggap na bumalik na ako sa trabaho madalas tuloy akong managinip ng gising..na nasa bahay parin ako…. ang problema ko lang naman kasi talaga pag andito ay PAGKAIN… marunong akong magluto pero madalas tamaan ng katamaran, ayokong magluto na ako lang din ang kakain, kaya madalas kung saan-saan ako napapadpad para kumain.

VII

goodbye softdrinks…tinamaan ng hanging itim at nagka UTI ako, slight lang naman pero sagabal ang pag-inum ng gamot..madalas tuloy ako nag-papa alarm mainum lang ang gamot sa tamang oras…. at promise! pinaka-kalaban ko ang amoy ng gamot…amoy pa lang nahihilo na ako…. kaya takot akong magkasakit.

VIII

goodbye narin pala kay pineapple, si miss pinya na di nauubusan ng stock sa ref ngayon bawal na… di ko tuloy alam ano ang isu-substitute sa mga bawal sakin…. buti nalang pwede pa ang ice cream..hehehe

IX

ayokong magplano sa taong ito, bahala na si lord…tatanggapin ko kung ano man ang buhay na ibibigay nya….long term naman ang iba kung plano, next year ko nalang susubukang pumasok sa law school, naghahanap pa ako ng eskwelahan at may mga kapatid pa akong nag-aaral kaya dapat ma-pressure ko na sila na grumadwyt ng maaga…hahaha

X

para sa humahadlang sa buhay pag-ibig ng kapatid ko, matalo ka sana sa eleksyon, inis na inis ako sayo, ang bata-bata pa ng kapatid ko para maramdaman ang paghihirap na gawa nyo…pati pa nanay ko sinasama nyo sa issue…. wala akong paki-alam kaw man ang pinuno ng bayan namin, wag mong isisi sa kapatid ko ang lahat, kung gusto mo rendahan mo ang apo mo… pinalaki kami ng maayos ng mga magulang namin at lalong di kami nang-aapak ng ibang tao….may araw ka rin… people knows the truth… ipapaubaya ko nalang sa diyos ang ginawa mong pang-aapak sa pamilya namin.

pag ang tao pala kahit nagsusumikap umakyat pataas sa malinis na paraan di parin ligtas sa mga kawing at hila ng mga alimango…. pero sige lang batuhin nyo man kami ng kahit ano, nagpapasalamat parin ako dahil mas lalo kaming naging buo… ang panghihila nyo ang dahilan bakit lahat kami nagsisikap na mag tagumpay….

ek-ek

ek-ek

**********

wala ka bang gagawin, uupo nalang ba tayo?

matutulog? magbingi-bingihan?

sa kabilang ibayo ng mundo, libo-libo ang namatay.

kamatayang di inaasahan

pero paano?

sarili mismo, di rin alam paano lalampasan ang dagok ng katotohanan.

nakakatawa ano?

gusto kung makisimpatya

imulat at mag-pamulat ng mata

ngunit paano?

sarili mismo, naghahanap ng kasagutan.

**********

gusto kong mag-emo post, kaso natatawa ako sa ka-opisina ko, music nya puro Beyonce…. normal lang sana kung kaedad ko….hahaha, sheś in her early fifties…oha! oha! asan ka?… gusto ko tuloy sumayaw…hahaha

**********

sa housemate kung naglayas..sige lang suportado kita…. kung yan ang tanging paraan para sa kaligayahan mo sige, walang problema..kunsitidora ang kaibigan mo….hahaha.

pero totoo, responsibilidad ng mga magulang na palakihin ng maayos at gabayan ang mga anak ngunit, hindi nila hawak ang buhay ng anak… wala silang karapatang desisyonan ang buhay pag-aasawa ng anak…. OO, walang magulang na gugustuhin mapasama ang anak…ngunit kung uunahin lang ang kultura at pride ng pamilya…ibang usapan na yan…

hanga ako sa kabaitan mo, but please, for once isipin mo ang kaligayahan mo…di mo aapakan ang relihiyong pinaniniwalaan mo…. tanging pride lang ng pamilya ang masasagasaan…. hindi ibig sabihin na dahil sinuway mo ang kagustuhan ng pamilya mo masama ka na…. mag pakatotoo ka…dahil kung hindi, sasapakin kita…hehe….  asan ka man Godbless…mwuah!….(^_=)

basura

basura

i don´t know why i let myself  write another entry which in fact,  i´m  in a state of confusion…don’t know what to say, trying to count my worth, trying to figure out what am i going to do… in the midst of volumes of paper works… so hard, when youŕe meeting deadlines but your stagnant.

then, in a flash, missing students life, missing friends and family, it was like you were in a busy street but you think you were in a lonely dead road.

you let your self  be transported in another world, your own world were you can fly freely… with friends out of imagination….

then  phone rings….

back to reality, your still seating on your little domain, your little space, with officemates who didn’t have any slightest idea that you already traveled miles away through your winged mind.

funny… if  just the power of our mind let us travel physically then im already home, or else in the  peak of mt. everest…hahaha

you see, i’m  writing a waste entry again…… I’M SORRY FOR WASTING YOUR TIME.

isang totoong muslim

isang totoong muslim

it was said that “the world most misunderstood religion is Islam”… mas lalo sa pilipinas, madalas itong maikabit sa salitang “terorista”, kinakatakutan pa minsan kahit sa simpleng pag-lalakad lang sa kalsada.

Bakit nga ba nahihirapan tayong  intindihin ang paniniwalang meron sila?

sa totoo lang kung hindi pa dumating si magellan para ipakilala ang kristyanismo, malamang Islam din ang pangunahing relihiyong sinusunod ng higit sa pangkalahatang populasyon ng pilipinas…. ngunit di rin sigoro PILIPINAS ang tawag sa bayan nating ito at di rin tayo mga Pilipino, Gets mo na sigoro kung bakit?…. pwede kang pumili sa mga tawag na ito, pwede tayong indians ( galing sa salitang indio), pwede ring pacific dwellers (hehe, di ko ma-imagine) at kung anu-ano pang pwede nating ma-adapt  sa mga karatig bansa.

may ilan akong term na natutunan sa mga kaibigan at sa ilang taong paninirahan at pakikisalamuha sa lugar ng mga may paniniwalang-Islam:

1.ISLAM- ibig sabihin nito sa sa salitang english ay ¨ surrender to God¨…(self explanatory).

2. MUSLIMS – “the surrendering ones

3. QUR’AN- “recitation”.( ito ay ginawa sa salitang arabic, pilipino man o ibang lahi ang gumagamit di nila ito isinalin sa ibang lenggwahe, dahil may paniniwala silang ito ang orihinal na salita ng diyos na ibinigay para sa mga muslim). Madalas may mga tao pang inaalay ang buhay para mamemorize lang ang Qurán. Binabasa nila ito sa paraan ng pakanta.

4. FIVE PILLARS OF FAITH (faith, prayer, alms, fasting, pilgrimage)-

fasting- between sunrise and sunset, bawal kumain, uminom ng tubig( bawal mag-isip ng pagkain) at tigil bisyo… kaya before 4 am gising  na  to eat, di dapat abutan ng unang pagtugtog ng “bang”( don’t know  its real term we just called it  ”bang ” para may maitawag sa oras ng                        kanilang pagdarasal) five times a day, before 5 am, 12pm, 3pm, 6pm at bago matulog.

5. JIHAD ( the most controversial)- “holy war”, nangyari lang ito nung panahong endanger ang relihiyong ISLAM sa panahon ni Mohammad, nung gawin ang holy crusade from MECCA to MEDINA.

marami ang may haka-hakang pwedeng magkaroon ulit ng JIHAD, pero sa opinyon ko, mas malamang giyera sa senado ang mas madali…   hanggat may mga muslim naniniwala sa kapayapaan mananatiling lutang ang JIHAD, ngunit di ko rin sinasabing imposible ito…                  madaming tao ang kayang makipagpatayan para sa kanyang paniniwala… hati rin ang relihiyong ISLAM, andyan ang Sunni’s( sila ang mas liberal) at Shiites(islamic fundamentalist)… see?, di lang kristyanismo ang nahati sa iba-ibang sector….sila din, iba-iba man ang uri ng prinsipyo ng paniniwala,  mag-kaiba man ang kultura pero iisa ang pinaniniwalaan at sinisunod na relihiyon.

pero balik tayo sa tanong na bakit sila mahirap intindihin?… ito lang nakikita kong rason:

KONTROBERSYA- nahaharap sa kontrobersya ang iilang taong sumusunod sa relihiyong Islam… simulan natin kay BIN LADDEN(tama ba espeling ko?) SADDAM HUSSIEN (true? patay na ba talaga yon?), ABBUSAYYAFF members, MILF members and the latest AMPATUAN clan( pwede ba silang ipakulam na lang?)

nasabi ko na dati sa isa kung post entry na mas pwedeng sisihin ang kulturang sinusunod nila kaysa relihiyong pinaniniwalaan nila, dahil kahit ang mga relihiyosong muslim gusto rin silang isuka at itakwil bilang kapatid sa relihiyong pinaniniwalaan.  totoong di katanggap-tanggap ang mga nagawang pagpatay at terorismong nahasik ngunit wag natin silang lahatin, wag lahat ay husgahan, pareho lang sila sa atin may masama may mabuti, may prinsipyong pinglalaban at mga dahilang kelanman di maintindihan ng mga tulad nating di sakop ng kanilang paniniwala.

ang pagtanggap sa relihiyong ISLAM o pagiging muslim ay hindi lang nasusukat sa paniniwala kundi ito ay pang-araw-arw na gawain, isang piniling landas………. ISANG URI NG PAMUMUHAY.

marahil may mga karanasan akong nagdulot ng mantsa para sa mga muslim ngunit di ko parin kinakalimutang may kulturang nakikisingit para maiba ang uri ng pamumuhay bilang muslim.

P.S.  may mga bagay akong di naiiintindihan sa kulturang maranao, ngunit di ko sinasarado na husgahan agad ang ibang may paniniwalang ISLAM… at ang lahat ng nakasulat dito ay ayon lang sa nakikita at tanging opinyon ko po lamang, malamang may pagkakataong biased ako, pero paumanhin, sabi ko nga opinyon ko lang ang mga ito.

TRIVIA:

*may paniniwala ang mga konserbatibong babaing muslim na bawat hibla ng buhok na nakikita at di natatakpan ng kumbong(veil) ay magiging                    ahas pag sila ay sumakabilang buhay na.

*umaabot daw sa sampung beses ang pakiramdam ng tao pag sila ay inilibing na… ibig sabihin kahit pinakamahinang paglalakad, paghikbi                            naririnig ng namatay…(whew! hirap nun).

hindi ako nerd!!!

hindi ako nerd!!!

isa sa pinaka-ayaw kong marinig ay yong tinatawag akong nerd… oo nga adik ako sa libro, kahit ano pinapatos ko basta pwedeng basahin gora…. pero please hindi po ako nerd….. pareho kami ng isa kong kaibigan nagiging bayolente at nag-aalburoto pag tinawag na nerd… kahit facebook inaasar ako, well, patulan ko ba namang ang IQ test daw na pakulo nila, tapos ang result…nerd daw ako…. wahaha! lokohin nila lelong nila kahit elementary kayang sagutan ang mga question nila…. hahaha, tapos ako naman nag-react agad…. halatang affected…hehe

pinagarap ko talagang magkaroon ng sariling library in the future, pero di naman lahat ng mahilig sa libro nerd na diba?… AGREE na bilis!!!!                           isa lang din itong hobby tulad ng pag-lalaro ng online games… mahirap kayang tanggapin na masabihan kang nerd… iba na kasi agad ang nakakabit na description dun, kako introvert ka or else may makapal na eye glasses. medyo di pa naman ako umabot sa ganun…hehehe, saka hindi lahat ng mahilig sa libro matalino…. tulad ko, nasubukan kung magka-singko sa pagkahilig sa mga libro, mas inu-una ko pang basahin ang mga nahalungkat kong libro kaysa sa lesson….o dba?, sa pagbabasa nakahanap lang kami ng bagong mundo, nakikita ang ibang mundo at nakikilipad sa mga pangarap ng may akda ng bawat librong nababasa…

haays! nahirapan akong mag-explain, alam ko may mag-rereact, at susupalpalin ako ng “defensive ka day”….

basta…. lumalabas ang kaluluwa ko pag-narinig ko ang salitang nerd, lalo na if patungkol yon sa sakin.

Wala! basta wala!..naiintindihan mo pa kaya tong pinag-susulat ko, o sya pwede ka nang huminto , tapos na eh!….lols!

chuchu(walang maisip na title)

chuchu(walang maisip na title)

blags! blags! blags!…walang katapusang ingay…hilong-hilo na ako…waaaaah!
nirenovate ang katabing opisina, at wala akong ni isang nagawang trabaho… ayoko ng ingay! tapos.

tamad ding akong mag-isip ng isulat dito, as if naman nag-iisip talaga ako ng isusulat….hahaha, di uso sakin ang draft.. kung anung pwedeng ibasura dito yong ang tinitipa ko, yon naman ang purpose bakit nag-eexist si aninipot…. hmmm, tinatamad ka na ba?..dahil ako matagal na, simula ng pinanganak ako, tamad as in tamad.

gusto kong magkwento if ayaw mo, sige pwede ka nang lumisan, as in tuluyang lumisan sa mundo(curse yan ni aninipot, hala!)

kahapon, may lakbay aral kaming ginawa…. environmental awareness chuchu sa mga first year highschool….. at mukhang wala pala akong tolerance sa mga maiingay na bata…. pero isa din pala ako sa mga naging pasaway nung lecture…. hindi ako ang nag-lecture, sinama lang ako ni boss para mag-observe, para next time ako na…waaah! kaya ko kaya?… college students kaya ko pero yong mga nasa edad ng 12 at 13… di ko masagot….. pero muntik na akong ma special mention, eh! kasi po, nasa likod ako habang naglelecture si boss, todo chika din ako sa mga luvlyf nung mga bata…hahaha, pasaway as in pasaway…pero sarap bumalik sa edad na yon…..parang ang gaan ng mga buhay nila, lessons, projects, baon at crush lang ang problema nila…diba? sarap bumalik sa stage na yon.

anyway, gusto ko sanang isa-isahin ang ni-lecture ni maam kaso sinuka na ng utak ko ang topic…hahaha, biodiversity, geohazard, environmental situation of the philippines, endangered species, landfills, climate change,environmental laws at kung anu-ano pang related sa environment…mag tanong ka na lang baka masagot ko ng maayos kaysa isama ko pa dito.

pero natuwa ako kasi may isang first year student na ang IP(invetigatory project) ay tungkol sa giant clam, Tridacna gigas in particular… and hopefully manalo ang research nya nationwide para madala sýa sa Brazil…

Tridacna gigas is one of the most endangered species among the giants clams, they were filter feeders in marine ecology so imagine its contribution to marine lifes… para silang mga martyrs, sila ang sumasalo ng toxic at tinatago ito sa kanilang kidney, kaya bawal kainin ang part na ito…pero bawal na silang kainin pwede kang makulong at magbayad ng 100k for just eating giant clams.

but Tridacna species are not the one who bear pearls… oyster clam yon…. hmmmm, nag-iisip ako? saan pwedeng makakita ng oyster clam?…hahaha

dance with me in imaginary Waltz.

dance with me in imaginary Waltz.

ang kagandahan sa araw-araw na pagcocomute sa jeef, bawat araw bagong karanasan at bagong eksena ang nakikita sa buhay ng mga ordinaryong pilipino. Tulad nalang kahapon, sigoro mapag-obserba lang ang butihin nyong lingkod o resulta lang ng kawalan ng magawa, si mamang traffic enforcer, nakuha ang pansin ko…. wala naman syang ginawa kundi mag maneuver ng daang sasakyan.

ang nakakatuwa lang sa kanya, para syang sumasayaw habang nagbibigay ng hudyat sa kung sino ang hihinto at lalarga, may pattern ang galaw ng kamay at paa…

1,2,3…….1, 2, 3….. (bilang ko habang pinagmamasdan ko sya) tapos biglang naalala ang bilang ng pagsasayaw ng waltz).

1,2,3…….1, 2, 3……(may saliw na na musika sa ulo ko habang ini-imagine kong sumasayaw sya ng waltz).

binilang ko talaga ang movement nya… ang saya, para akong nakadecipher ng isang napakatandang uri ng lengwahe.. gusto ko tuloy alamin ang formula ng galaw nya….kung isa syang dancer sya ay sumasayaw ng napaka graceful… punong-puno ng buhay at kulay kahit sa gitna ng mausok na kalsada…. saliw sa musika ng busina at iba’t-ibang uri ng tunog ng sasakyan.

wala! nakakatuwa lang, galing sa maghapong trabaho tapos napansin mo ang isang tao sa isang rhythmic movement…. though alam ko, universe moved in a rhytmic way, how much more to us humans… para lang isang accomplishment for the day….. napakasimpleng bagay pero minsan di pa nabibigyan ng pansin… masyado na tayong pre-occupied sa mga abot-langit na mga pangarap, lubog sa sama ng loob at naghahabol sa sa standard ng buhay na nilagay natin sa taas ng ating mga ulo.

simpleng eksena pero pumawi sa pagod kung katawan….

mababaw lang ang kasiyahan ng isang aninipot, simpleng bagay na nakakapagbigay ng ngiti…. oks na oks na parekoy… itoý ginto na sa tingin ng isang tulad ko.

a valentines for single

a valentines for single

I’m wondering why valentines should be celebrated with a partner?

Why is it special?

Iśnt it can be celebrated with yourself?

If walang magsasabi ng I Love You, eh! Di gawin nating I Love Me… viola! Ganun ka simple, solve na solve pa.

Isa ako sa mga taong nangagampanya para tanggalin ang pausong valentines for lovers……. why not change it to “Valentines to Celebrate Ourselves”?…..
hindi ito for a selfish reason, pero mas maiging i-celebrate ang araw ng mga puso para sa pagmamahal sa ating sarili.

Mas madaling magmahal kung ang taong nag-aalay ng pagmamahal ay mahal ang sarili mismo……

It is easy to give love if youŕe full of it….. pagmamahal na lumabas sa iyo dahil puno na ang sisidlan ng iyong puso….hindi ito excess love kundi pagbibigay ng kung anong meron ang iyong sarili.

Nakiuso lang ako kaya may entry ako para sa araw “daw” ng mga puso…. ang masasabi ko lang ay

“hurray! To the Single!…….hahahaha

pagod na akong makarinig ng loveless sa valentines, ZERO, o kaya firing squad…. ang i-celebrate ang valentines day kasama ang sarili ay isang malaking pagsubok sa iba… pero sa akin, maning-mani lang yan… walang magbibigay ng flowers?… eh di bibili, walang chocolates? Gagawa ako…homemade at may unique na design pa… ngunit di para sakin lahat ng yan, sa mga kaibigan at mga nanay-nanayan sa office…. makita ko lang na napangiti ko sila… oks na oks na ang balemtyns ko…. mas masarap magbigay sa mga taong nakikita mo talagang na-aappreciate nila ang mga simpleng bagay na bigay mo…

pinaka masaya na akong marinig ang boses ng nanay at tatay ko… makasama ang mga matagal nang di nakitang mga kaibigan….. at maglakad sa kalsadang dati kong nilalaran kasama ang malamig na hangin… kaya maagang pagbati sa araw ng puso sa iyo… nawaý masaya ka sa araw na ito…. mwuah!!!!!!

mag-kaibang landas

mag-kaibang landas

taon-taon may desisyon akong ginagawa para baguhin ang sa tingin kong di ko na kayang ipagpatuloy na paglalakbay… hindi ako humihinto… pinapahinga ko lang ang pagal kong katawan. Minsan may pagkakataong kelangan iwanan ang mga bagay at pangyayari para gumawa ng sariling landas na matatawag mong sa iyo. Walang imposible, oo wala nga, pero madaming pagkakataong aakalain mong imposible ang mga pinagdadaanan mo… takot kang mag-isa pero iyon ang nararanasan mo. wala kang magawa kundi tanggapin ito, mahirap man pero nalalampasan… mabigat man pero nakayang dalhin at pasanin ng walang tulong na hinihingi ńinuman.

gusto mong sumigaw na ayoko na!!!! pero dapat ba?, lahat tayo naranasan ang mag-isa. May mga taong isang tawag lang kaya ng ibigay ang hinihingi mo, kayang ibigay ang buong oras na kelangan mo… pero bakit mo ginustong wag tawagin ang pangalan nila?
dahil takot kang makita ang kahinaan na meron ka…. pero alam mo ang maganda? iyon pagkakataon nalampasan mo ang sa tingin mong hindi mo kaya…. masasanay ka rin… dahan-dahang maging gamay ang mundong iyong pinagdesisyonang tirhan.

wala akong responsibilidad sa ibang tao, tanging responsibilidad ko ang sarili ko… ang pagbibigay ng respeto at pagmamahal sa pamilya at mga kaibigan ay kusang ibinigay, walang pagpipilit at hindi kelanman itinuring na malaking kargo ng isang pagiging ako.
madaling magbigay kung itoý parte na ng pagiging ikaw. walang hinihingin kapalit, walang hinihintay na magbibigay ng mga hinahanap mo.

pero sa pag-hahanap ng landas na hanggang ngayon ay kasing labo pa ng alkitran, may mga taong kelangan mong palampasin, kelangan iwanan, at umaasang mababalikan pa. Gusto kung itanong kung ang parte ko ba sa buhay nila ay isang manlalakbay lang na pwedeng makabalik at pwede ring hindi na kaylanman man? pero ayoko… mas gusto kung isiping kaya ko pang balikan ang mga pahinang lumipas na hindi gamit ang memorya kundi mismong makita at makasama ang mga naging kaibigan at kakilala.

mahirap mamaalam, pero kelangan, mahirap mag-panggap na okey lang kahit hindi… at mahirap mag-iwan ng ngiti kung mismong ikaw ay may agam-agam na sa pag-alis ikaw ay magiging malabong manlalakbay sa buhay ng iba.

Mga landas man ay magkaiba, umaasa ako sa muling pagkikita.—–aninipot

gusto mong tumambling?

gusto mong tumambling?

inabot na naman ako ng oras na gusto kung tumipa, basta titipa lang ako hanggang sa gusto ko, hindi ako mag-eedit at di ko narin babasahin hanggang di ito natapos…. lukring no?..pasensya sa mga napadpad, wala kayong pwedeng kainin dito… walang panahon si aninipot magluto…kaya kung ayaw mo go… no probs…

may tanong ako? pag ang tao ba di pa nasubukang makipag-relasyon ibig sabihin di pa sya umibig?… hindi diba? wala lang tinanong ko lang baka kasi isa ka sa mga taong nagtatanong if marunong ka bang mag-mahal…hmmm, february pa naman kaya pwede pang mag-pakakeso… saka kahit anong panahon uso ang keso literally ang figuratively, kaw na bahalang umintindi…kaya mo na yon…nasa wastong pag-iisip ka na..as in matanda na?…hmmm, walang mang-aaway, ako lang ang karapatang mang-away ngayon dahil trip ko…basta! pag magulo ang utak, walang sinasanto…wala lang, di ako nag-iisip ng matino basta pwedeng ilapat dito..yon na yon!..

bakit madaming taong gustong tuparin ang pangarap? pwede ba itong dalhin pag namatay na tayo? bakit nauso pang kumain three times a day?( gutom lang po..hehe) pwedeng wag na lang…. ang hirap kasi sa mga pagkaing gusto natin yon pa ang wala.
weeh! weekend na naman, ayoko ng weekends… wala akong nagagawa kundi tumunganga… nagbibilang ng bato at dahon… pati alagang bayawak ng kapitbahay namin pinga-tripan ko… eww! kadiri ang mga reptiles kaya walang amor sakin ang sikat na mga crocodile farm and park… basta cold blooded species ayoko…. except kay lestat…crush ko sya eh…

hanggang ngayon di ko parin matanggap na nagbabago ang panahon, nagbabago ang mga paniniwala, mga paninindigan lalo na ang mga kaibigan… nasubukan nyo bang magkaron ng isang kakilala, na sobrang taas ng respetong binigay mo, tapos may ginawa syang di mo matanggap… bumulusok bigla at naging zero percent ang trust na nilagay mo sa katauhan nya… how sad, bakit ba tayo ganun?… sabagay pag totoo kang kaibigan matatanggap mo yon… hmmm, ano ito realization? hindi ikaw ang kausap ko ha, sarili ko…hmmp!…

wahaha, supladita ako, pagbigyan nyo na lang di ko naman kayo kakagatin, saka di nyo ko nakikita kaya mas okey… isipin nyo na lang lumilipad talaga ako.. at isang totoong insekto.

may kakilala kang nag-cocosplay ng mga anime?…. pakilala mo nama ako oh!… gusto kung magkaron ng kakilalang ganun… curious ako sa kanila… wag matakot di ko sila pag-eeksperimentuhan… babatuhin ko lang sila ng mga libo-libong tanong…hahaha, ang cute kasi nila… saka bilib ako sa talent ng mga yon… kaso mahal ng hobby nila… hanggang drawing lang ako. toinks!.

paliit ng paliit ang laman ng bawat paragraph, pansin mo?…. o cge rest ka muna, madami pa akong ichi-chika… ay! pwede na rin tapusin to… hmmm, wag na lang muna di ko pa alam pano tatapusin eh!…since umabot ka narin lang sa bahaging ito…pagtiisan mo na… ganun talaga ang mga walang magawa, tulad mo, kaya nga binabasa mo to…. peace!…ayaw?…kiss na lang…. mwuah!…wag magtampo dahil iiyak ako…huhuhu

pansin ko bakit ba, pag nagtxt kelangan ng haha, huhu, hehe, harhar, huholz at kung anu-ano pa… pwede namang sigorong itext narin ang nararamdaman mo nung oras na yon… tulad ng “galit ako”…(basahin ng may galit), wer na u?… o diba? mas klaro…yong radyo nga dati kahit patay na sya sinasabi parin nyang “patay na ako”.

pandagdag, wag na wag mo kong itxt sa paraang “wer na U?”… hahambalusin kita, ayoko sa mga pa-shortcut, pwede namang “asan ka?” magkapareho lang naman sila ng dami ng letrang ginamit diba?… kung sa tingin mo cute yon, pwes hindi… nakakairita sya. pero dahil may kanya-kanya tayong trip o cge, pwede kang patawarin, as if may paki ka….

balik sa pagtatype… iniwan ko sya sandali, nakikipag gyera kami ng housemate ko sa mga ipis… di ko alam ba’t may ipis sa apartment namin, every month naman kaming nagpapalinis…..hmmm, ginawan namin ng teorya ng housemate kung geologist, since wala namang tectonic movement na nangyari, normally nagsisilabasan ang mga ipis pag may isang nakakawindang na pangyayari sa kuta nila tulad ng mga kongresista… una-unahan sa palusot wag lang maipit sa kuta(sumemplang topic ko), balik sa ipis, kaya ang teoryang nabuo ng mga nagpaka-ala einstein na mag housemate ay ganito… malapit ng umulan…. o dba?…palakpakan….asan namin nakuha yon? sa baul ng utak ng mga genius…hahahaha… serious mode, sensitive ang mga insekto sa pagbabago ng panahon… pag masyadong maalinsangan, sure yon uulan… magdidis-cuss pa ba ako about sa influence bakit may precipitation na mangyayari?…hmmm, tinamad ako eh!, i-rereserve ko na lang yon sa mga future students ko…hahaha

pero simula ng makilala ko ang housemate ko, pareho kaming gustong magpalit ng field of discipline… na-amaze ako sa mga geologist ang galing nila talagang mag-identify ng mga minerals… tapos ako naman sa mga dahon… kung sya nangongolekta ng bato ako naman dahon at seeds…. pwede kaming mag-usap whole night i-compare lang ang similarities at differences ng profession namin….ganun kami ka-adik…hahaha

wala lang pareho kasing rare professsion ang kinuha namin kaya sigoro pareho kami ng wavelength… natatawa ako dun sa sinasabi nyang tinitikman nila ang bato…wahaha, mas weird pa sila kaysa samin…atleast ang dahon pwede naman talagang kainin… sinong di pa nakakain ng dahon… im sure you did, ayaw mo ng gulay?… hahaha, isipin mo nalang parang kumakain lang ako ng gulay minsan, but a raw veggetable, tapos fresh from harvest kasi inakyat namin sa puno makakuha lang ng sample….hahaha.

o tama na, pagod na ang kamay ko…bahala ka na, paano iintindihin ang mga pinagsusulat ko, isang congratulation lang ang makukuha mo…haha, congrats umabot ka dito…pero teka, tama ba, congratulation or congratulations?…haay! ewan, umikot na ulo ko…hanggang sa muli…hasta la vista baby…….hehehehe

oras

oras

may pagkakataong mas gugustuhin nating manahimik,
madaming pwedeng i-kwento pero pagod kang mag-salita.
ayaw makihalubilo pero ayaw ding iwanan ang iba para mag-isa.
tama lang ang pag-mamasid, okey na na malaman nilang andyan ka.
minsan mas maganda ang magkaroon ng katahimikan.
pwedeng mag-salita ang iba, tanging parte mo ang makinig.
walang gagawin kundi uupo sa sulok.
panahong kaya mong magpalabas ng buntong-hininga,
walang tanong, wala ring responsibilidad na sumagot.
kalimutan ang lahat ng pangarap,
kakalimutang kelangan mong umusad.
sadyang masarap ang pagkakataong mamahinga.
kahit isang oras lang, kahit kunting panahon.

nakakapagod maghabol ng oras,
pwede bang patayin na lang?
sa paanong paraan naman masusubukang pinatay mo ang oras?
habol tayo ng habol, ngunit tama bang habulin ito?
may extra points bang nakukuha pag nahabol natin ito?
di naman natin nadadala yan pag namaalam na tayo sa mundong to.

nanghihinayang ako sa mga oras na ginugol ko sa pag-aalala.
nanghihinayang ako na ginugol ko ito sa pag-rereklamo.
sana ibinigay ko na lang ang oras ko sa iba.
pero may magagawa pa ba ang panghihinayang?
wala di ba? kaya cge go, bahala na.

sino?

sino?

it’s so sad that until now, im still undecided if who would be my president this coming election…
nakaresearch na ako, pero wala, di ko mahanap ang gusto kung presidente, ang magiging bagong magulang ng bawat pilipino.
hindi ako naghahanap ng perpektong presidente, kung walang choice, then choose the lesser evil…. But my God, ganun nalang ba palagi?…lesser evil?…

it’s so sad, when you see that almost all of us wanted to exercise our right to vote, and we were hoping for a change but we haven’t enough choices… nakakalungkot ang sitwasyon natin no?…kung kelan lahat gusto ng pagbabago wala namang mapipiling mabuting liderato…

hmmm, sigoro mali ako, sigoro may mali sa obserbasyon ko..sana…

pero kung wala na talagang choice, sana taong bayan ang huhubog sa magiging bagong presidente, wala nang perpekto ngayon..pero may pag-asa pang natira… nasa kamay natin ang pagbabago pero di ko alam pano ang paraan ng pagbabagong sinasabi ko..

hindi malinaw ang mga mangyayari, lahat naghahangad ng malinis na election, pero may pangil ba ang kagustuhan natin ng pagbabago?…kasi kung puro salita ka lang…mahiya ka naman.. kung sino ang gusto mo panindigan mo… mali ba na ang salitang nabasa mo ay galing sa undecided na tulad ko?

ok, madalas last minute ang desisyon ko… kaya hangga’t wala akong nakitang solidong rason bakit ko sya iboboto, hindi ko isasarado ang pintuan para sa pamimili kung sino.

hindi ito tula, bow!

hindi ito tula, bow!

asan ka?

alam mo bang matagal na kitang hinihintay.

as in super tagal na.

pag nag-iisa, iniisip ko, sino ka kaya? ano itsura mo?

kaya mo kayang tugunan ang pangungulila ko?

masarap ka bang kausap?

iniisip ko, baka di lang kita napansin nung dumaan ka.

pero wala, dapat may sign diba?

dapat ba kitang hintayin o mas kelangang hanapin?

pero ayoko, darating ka sa tamang panahon.

naranasan mo kaya yong mga naranasan ko.

nasubukan mo na bang pigilan ang pagtulo ng luha mo habang naglalakad?

kahit hikbi lang, naranasan mo na yong sakit ng paghahanap ng di mo alam?

ako, madalas…

kinikilala mo rin ba ang sarili mo?

may katanungan ka rin ba na di kayang matugunan ng iba?

sana sa panahon magkita tayo alam mo na.

para ikaw na ang sasagot sa mga katanungan ko.

alam mo bang super simple lang ng pangarap ko?

pero simpleng di minsan maintindihan.

pinangarap kung makatagpo ka sa panahong buo na ako.

para maibigay ko kung sino talaga ako.

pero kelan ako maging buo?

ngayon kaya?…parang OO na parang HINDI.

nakita mo na, magulo ako…baka natakot ka.

pero sige, hahayaan kong tadhana ang magpapasya kung kelan tayo magkikita.

gamu-gamo

gamu-gamo

kung ang gamu-gamo ay nahahalina sa liwanag na likha ng apoy at kadalasan ay sila mismo ang dahilan bakit sila ay natupok nito, sana’y ganun din ang magiging sitwasyon ng mga politiko dito sa atin. Masarap isiping sila mismo ay literal na masunog sa apoy na mismong sila ang may gawa ngunit hindi, sila ay mga “fire-tolerant species”, kaya nilang sumayaw sa mismong apoy, nasusunog na nakukuha paring magmukhang malinis kahit puro uling na ang nakikita ng mga tao.

Ito rin ang nakakalungkot sa atin, madalas kulang ang ating paninindigan sa mga binibitiwan nating salita. Tulad kay Gloria, bukambibig na ayaw na ayaw sa kanya ngunit bakit pag sya ang bibisita sa isang probinsya lahat halos nagkakandarapa makadaupang palad o mapiktyuran man lang sya.

kabaliktaran ano?

sigoro isa sa mga ugat ng ating problema ay mismong nasa sarili natin, wala tayong matibay na prinsipyong pinaninindigan, at madalas wala tayong “isang salita”. Uulitin ko, walang isang salita.

kung ikaw ay nakasakay sa isang bangka, kalahati ng sakay nito ay hindi marunong lumangoy at nalaman nyong may butas ang bangka… kung sakali ikaw ay isa sa ‘di marunong lumangoy, anong gagawin mo? lalapit sa kakilalang marunong lumangoy di ba?, kahit may paraan pa namang pwedeng hindi malunod ang bangka…. nakita mo ang gusto kong ipakita?… instinct na ng tao unahin ang sarili nya, unahing iligtas ang sarili kaysa iba… mas sanay tayong magtago sa pagiging ligtas kaysa magpaka-bayaning at unahing iligtas ang iba.

ikaw? kaya mo ba?

puso ng isang manlalakbay

puso ng isang manlalakbay

Ang buhay ay isang walang katapusang paglalakbay. Bilang taong ipinanganak sa mundo, ikaw ay binigyan ng kalayaang piliin ang daang tutungohin. May pagkakataong kelangan mong maging isang mandirigma, susukatin ang tapang, nasusugatan, nangagailangan ng pahinga upang sugat ay maghilom at magdesisyong susugod pa ba o titigil na.

May panahong wala kang pagpipilian kundi maglakbay mag-isa, suot-suot ang sapatos o kaya’y tsinelas at minsaý nakaapak pa. Sa ganitong paglalakbay mas madalas kadiliman ang nakikita, mangangapa,natutumba, sari-saring balakid na halos ikapugto ng hininga ngunit lahat ng iyon nasa iyo parin paano mo hahanapin ang ilaw na gagabay. kung ang ilaw na tatanglaw ay pwedeng kapitan para makalabas sa kadiliman, sige humayo ka, walang mawawala kung may paniniwala.

Sa bawat hakbang na ginagawa may makikilalang tatatak sa iyong puso, ang iba nga’y may kasama pang pelat na maiiwan, nasa iyo kung paano at ano ang magiging kulay mo sa kanilang buhay, pwedeng puti, pwedeng itim at lalong pwede ang kulay rosas…. pare-pareho kayong manlalakbay, sa kalaunan may mamamaalam, may makakasama at meron ding kuntento na sa lugar na kinaroroonan nila.

Sa bawat sambit ng pamamaalam, luha ay di maiwasang papatak, takot na sa memorya nila ikaw ay mabura pero walang magawa, pag-usad ay kelangan. Pipilitin ulit na buo-in ang puso, minsa’y hahayaan pang balutin ng yelo upang pansamantalang makalayo, lalakad na walang lingunan, umaasang sa panahon ng iyong pgbabalik ang dating daan ay di parin nagbabago.

Sa oras na ang laban ay para sa pangarap, bawat hakbang ay may kapalit, pawis, luha at pangungulila. Di alam kung pagiging agresibo o pagiging kalmante ang daan sa pag-akyat kaya wag kalimutang timabangin, kilalanin ang sarili, alin ang susundin? dikta ng puso o isipan? paano maging balanse?

Lahat tayo ay may gustong abutin, lahat tayo ay may bagaheng dala-dala, problema sa pamilya, problema sa pera at problema sa pag-iisa. minsa’y kelangan lumipad, lumangoy, tumakbo at maglakad ngunit anuman ang mangyari paniniwala’t lakas ng loob ang pinaka-solidong sandata.

Wag matakot mag-isa, basagin man ng iba ang puso mo, mabali man ang prinsipyo mo, tanging ikaw parin ang pupulot para maging buo ulit ito. Iwanan ka man ng lahat, lumuha ka mang ng sangkatutak, may puso paring pipintig sa iyo.. iyon ay ang puso mo…

sa bawat paglalakbay, matutunan mong mahalin ang sarili mo, di ka nya iiwan…peksman!.

sampayan ng salita

sampayan ng salita

BABALA: Reading this post is dangerous to your mood…. lol, lukring lang.

okey, eto ay sampayan ng mga salita, anuman ang mga maisulat dito ay di ko alam bakit ito ang mga tinipa ko, walang draft, go lang ng go… ready?

simulan natin bakit ako gumawa ako ng post dapat hindi, pero dahil nagising akong masakit ang ulo kaya hayaan mo ko… pampawala ng sakit ng ulo ang pag-bablog, agree? kung ayaw mo, cge.. paki ko, umaandar ang katarayan kaya bahala ka na paano i-digest ang mababasa mo, kung mapapagtyagaan mo to…hehehe

scratch muna…testing, mic test…

o sya, pwede na ba akong kumanta, este tumula pala…pero ang alam ko lang na tula ay iyong “ako’y tutula” sample?

ako’y tutula, mahabang-mahaba
ako’y uupo, tapos na po.
bow.

may isasampay ka ba?

naalala mo yong bugtong na “hindi hari, hindi pari, ngunit ang damit ay sari-sari”. tama ba? ang sagot ay tadadantadan….. SAMPAYAN.

wala lang…masarap mag sampay ng mga salita, iba-iba tapos ikokonek mo sa ginagawa mo, tulad ngayon, kumakain ako ng chocolate, pampa-uplift daw ang matatamis, pero ako, nafrustrate…kulang eh! penge na lang ako ng tsokolate…haha
anong lasa ng tapoy (as in rice wine)? curious ako, kaso di daw pala pwedeng ipa-LBC ang kahit anong klaseng liquid, kaya eto maghihintay ako sa panahong makakapunta ako ng Benguet… pero if may marunong gumawa, turuan nyo na lang ako…hehe, pwede?

may napansin ako, madalas akong mag-ikot-ikot sa blogosperyo, nahahati pala tayo sa iba’t-ibang grupo, kumbaga may kanya-kanyang tribu, may masasaya, meron ding mga emo at kung anu-ano pa, pero gusto ko dito, lahat tsismoso/tsismosa este machi-chika, madami akong natutunan sa mga talakayan… kanya-kanya paniniwala pero nananatili ang respeto sa opinyon ng bawat isa.

alam ko, minsan sa mundo ng blogosperyo dapat may angas ang mga artikulong ginagawa para may babasa sa gawa mo, pero paano ang mga taong walang mailabas na angas sa katawan, minsan nalulula ako pag nakakabasa ng sobrang sampal na emosyon, nalulunod ako kung paano isulat ng iba ang nararamdaman nila… hindi ko alam paano nila naisusulat ang ganong kagandang obra… pero alam ko sa bawat titik na nailalapat may kasamang sakit, pangungulila, kaya maswerte parin si aninipot, di pa nya lubusang naramdaman ang pagkalugmok, ang pagkabigo, ang hapdi… kaya ako ay naging isang insektong may dala-dalang maliit na ilaw… wala lang cute kasi pag may umiilaw, kahit saan pwedeng mag-disco, kahit saan pwede kung basahin ang mga dala-dala kung libro….gusto ko nga palitan ng ilaw, bukas blue, next day yellow , tapos red naman…sana may rainbow ano?….sabog na talaga utak ko….hahaha

sandali, pahinga ka muna sa pagbabasa, pahinga rin ako sa pagtipa…hehe, may naisip akong isulat sa masterplan na ginagawa ko..

ayan! may nagawa din akong kunting trabaho… sa tingin ko di talaga ako bagay sa trabahong apat na sulok lang ng opisina ang nakikita sa buong araw, kelangang kung lumipad…. kaya lilipad ako, sama ka?… sa totoong kagubatan, haays! excited akong magturo, nakakamiss mag-aral sa gabi, nakakamiss ang galaan sa field, kunting tiis na lang ….

binalikan ko ang inilapat ko dito, parang walang kwenta pero may babala naman kaya okey lang…ayoko munang magseryoso, sa ngayon pwedeng-pwede akong sumali sa contest na paguluhan ng utak…halo-halo, rumble na kung rumble, pero masaya pala, para akong luka-luka.

nagbibilang na ako ng araw, may malaking ekis na nakalagay kung kelan ako uuwi, yahoo… uwian na, excited, excited, excited, bilangin mo ulit…tatlo diba?…times three ang excitement ko..gusto ko sanang ipasa kaso di ko alam pano i-send… kaya basa ka na lang.

kumusta ka? kumusta buhay mo ngayon? may isasampay ka ba? sampay na….hahahaha

virus ng utak ko

virus ng utak ko

isang buwang di mawala sa isip, isang buwang pinaghirapan, mawawala ng ganun-ganun na lang… buhay nga naman.
hinabaan ang pasensya, nakipag-patintero pa, mabuo lang, tapos mawawala lang..
alam mo bang iniyakan kita, kahit makalbo ang isip, hinayaan wag ka lang mapintasan.
kung kelan patapos na, kung kelan malapit na malapit… ayon! naglaho bigla..

WALANGHIYA KANG VIRUS KA!!!!!… bakit sa lahat pa ng file, sya pa ang inangkin mo?…wala kang awa!!
alam mo bang trophy ko ang masterplan na eto… tapos ngayon….huhuhuhu

ninakaw mo!!!… ano ngayon, balik sa simula?

ayoko nang mag-trabaho…lugmok na ako…

tatay ko

tatay ko

hindi ko alam kung bakit, pag-gising ko ang unang pumasok sa isip ko ang aking ama, missed ko na pala talaga sya.
si tatay kasi tuwing tumatawag ako, di kami masyadong nag-uusap, namimiss nya lang daw kasi ako…. kung pwede nga lang daw wag na akong umalis samin… kahit buong taon akong palamunin okay lang… pero ako bilang galang anak, di kayang pigilan.
naiisip kung, natatakot sya sakin, nag-iisang anak na babae pero pinaka-malakas daw ang loob na mamuhay mag-isa, malayo sa kanila.

anong magagawa ko, stagnant ako pag nanatili ako sa bayan namin, di kayang tuparin ng pananatili ko doon ang mga pangarap ko, pero alam ko, uuwi parin ako, sino ba ayaw, wala naman sigoro.

si tatay, masarap magluto, tuwing uuwi kaming lahat, sya ang taga-luto, sigoro lambing din nya iyon samin… yong isang kapatid ko nga may isang pagkain na kakainin lang nya pag tatay ko ang nagluto, ang arte nya no?…pero sya ang aking mentor sa kusina, natuto akong maluto dahil sa kanya…madalas parang isang judge sa cooking contest pag tinikman na ang luto ko.

jack of all trade ang tatay ko, di man sya nakapagtapos ng pag-aaral, pero edukasyon ang tanging pamanang maiiwan nya, di man sya tapos sa isang unibersidad pero walang makatatalo sa pag-aaral nya sa “school of experience” pinilit nyang matuto para samin.
si tatay bilang kaibigan, di sya hadlang sa anumang kursong pinili ng mga anak nya, hindi bawal ang boyfriend, adviser ng mga kapatid ko sa ligawan at isang malapit na kaibigan sa mga nagiging girlfriend ng kapatid ko…. ganyan ka cool ang tatay ko.

tuwing naaalala ko ang contest namin sa paglalakad pauwi ng bahay, ang tatay ko hihinaan ang paglalakad matalo ko lang sya… alam ko sinadya nya yon. Ang madalas na pagiging karpintero nya na walang bayad sa bahay-bahayan ko, kaya madalas ako ang may pinakamagandang bahay-kubo sa mga kaibigan ko…waah! missed ko na talaga tatay ko.

nung grade one ako, may project kaming i-drawing ang buong pamilya, iyak ako ng iyak kasi kahit anong gawin ko istik-istikan na tao ang drawing ko, si tatay ang gumuhit ng pamilya namin…yehey! ako ang may pinakamagandang drawing, kopyang-kopya kaming lahat, kaso ninakaw ng klasmayt ko ang project ko… buti nalang tapos ng ma-check ni maam..

di takot sumubok ang tatay ko, kahit di marunong mag table tennis sinubukan nyang matuto para may kalaban ang kapatid ko tuwing magpapraktis sya..ngayon, champion na ang kapatid ko sa table-tennis ng school nila…

isa lang ang di naman kayang talunin sa kanya ang makipag-argumento at ang larong chess… nakkikinig naman si tatay kaso minsan matigas ang ulo, sabing wag na syang uminom tapos ang sagot “eto lang naman ang tanging bisyo ko”, oo nga,pag nakainom wala man lang kaming problema, matutulog kung di na nya kaya.. kaya ang ginawa ng mga anak, ayan lahat kami nakikipag-inuman sa kanya… “lesson sa pakikipag-inuman, wag na wag kang susuka kung ayaw mong masapak ni tatay”…hehe, yan ang usapan naming magkakapatid, pag di na kaya, tama na, masam ang sobra sa katawan.

hindi nagmumura ang tatay ko, sya pa lang ang taong nakilala kung may pinakamahabang pasensya, never kaming nakatikim ng palo, lahat dinadaan sa masinsinang usapan…kung di nya kaya, papatak lang ang luha nya…

magaling syang kumanta at mag-gitara, minsan nagigising na lang kami na kumakanta sya ang hawak ang gitara, lalo na pag maulan…sa kusina sila lang madalas ng nanay ko nag-gigitara sya at kumakanta habang nagluluto ang nanay ko, minsan nga dalawa pa silang kumakanta, lahat yata kami inidolo sya sa pag-tugtog kaya sigoro lahat kami marunong mag-gitara… grade six ako nung magsimula akong magpraktis tumogtog, strikto ang tatay ko sa pagtuturo, sabi nya dapat kantahan ko at araw-araw daw akong magpraktis…kaso inabutan ng katamaran kaya hanggang ngayon, kung paano ako tumugtog ng gitara noong hayscul pareho parin hanggang ngayon…haha, walang improvement, di tulad ng mga kapatid ko, kuya ko nga 12 string guitar na ang pinag-iiponan…o ha! ako? stagnant, di sigoro para sakin ang gitara.

wala pa palang father’s day… pero ano ngayon gusto kung isulat ang tatay ko…. basta missed ko na sya…

pagpapalaya sa kalapating mababa ang nasimulan

pagpapalaya sa kalapating mababa ang nasimulan

Babae, ginawa ka upang maging kabiyak ng lalaki sa mundo.
Ito’y sinunod ng ating mapanghusgang lipunan, ikaw man ay may paninindigan o umaayon lang depende sa agos ng higit na makapangyarihan.

Ang dikta ng lipunan ay manatili kang malinis, huwaran ayon sa panlasa ng karamihan, ngunit sino nga ba ang higit na nakaka-alam ng katotohanan?

Ikaw na pinagpalit ang dangal para sa mga sikmurang walang laman? o sila na nagugutom sa tawag ng laman?

Ang mapanghusgang mata ng tao ay umayon lang sa pagiging gutom sa markang mas mataas sila, mas higit na malinis, mas higit ang katanyagan at sa balat-kayong respetong inaasam.

Ngunit wala ka nga bang respeto sa sarili?

Tanging ginawa ay ibenta ang naiwang meron ka, di mo naman ninakaw ang ibinigay mo dahil iyon ay iyo.

Anong kaibahan sa Agilang nag-hihintay ng biktima? sa iyo bilang kalapati na nagbibigay ng pansamantalang langit sa iba.

Agilang dadalhin sa himpapawid ang biktima para sa gutom na sikmura o ikaw na nagpapakain sa mga gutom na kaluluwa?

Pekeng ungol, haling-hing at haplos ay musika sa tenga ng iba, ikaw ba’y di nagsasawa sa pagpapakalunod sa ganitong saliw na musika? sa ritmong salapi ang nagdidikta.

kalapati, may pag-asa ka!
kulay mo ay puti, may mantsa man, ngunit sa puso’y iniwan sapat na matuto kang humakbang mula sa kinalulugmukan.

Huwag hayaang makulong sa hawlang walang kandado, asan na ang mga pak-pak mo? kelan mo matutunang ikampay ito? lumipad ka para lumaya.

hanggang kelan ka mag-papaalipin sa maskara ng kadiliman?

Desisyon mo ang pagbabago.
lalakad ka ba sa landas na may ilaw o mananatiling taga-tanglaw sa may ilaw habambuhay.

Babae, higit kang pinagpala kung ang sarili ay pina-apakan para may isang aakyat mula sa hagdan ng kahirapan.
Pero wag hayaang buong-buhay ay yurakan.

huwag masilaw sa sinag ng araw, dahil kakabit nito ay pag-asa, wag ipikit ang mga mata, pwedeng pansamantala upang sa pagmulat masisilayan ang ganda ng umaga.

isang mapagpalayang buwan ng mag kababaihan, kaibigan!.

alamat

alamat

madami sana akong ikukwento tungkol sa bakasyon ko, kaso baka maiinggit ka kaya wag nalang muna…

natuwa ako kasi may ilan na palang tao na nakakilala kay aninipot… sa simula pa lang di naman ako nagblog para magkaron ng mga bagong kaibigan… wala lang, dahil sa inggit kaya ako nagsulat, pero masaya pala dito, inangkin ko ang buong pahinang ito, tinaniman ng mga puno, naghakot ng mga kapwa insekto, binasura ang emosyon, pinalipad ang pagkamakata at binuksan ang mga mata sa paligid, tsaraaan! ito’y naging isang munting kagubatan.

may tatlo sigoro akong taong pwede kung sabihing naging mentor ko (di nila alam na isa sila sa mga impluwensya bakit ako nagsusulat) una si talipandas (di ako maglalagay ng link, hahayaan ko kayong maghanap, lol) nagoyo lang ako ng isang kaibigan kaya ko binasa ang mga sulat nya, pampawala ng antok sa opisina….super astig ang nasabi ko pagkatapos basahin ang mga sulat nya, tapos natisod ako sa bahay ni lio loco sa ka-engotan ko… pero gusto ko ang timpla ng pagiging sarcastic ng mga sinusulat nya, ang galing ng pagkabasura ng galit nya sa mundo, tapos, tsaraaan! si kuya kulisap,di na kelangan mag-explain(hehe) konektado ang tatlo… sila ang alamat bakit sinilang si aninipot…

una, nangagapa
tapos nagulat ako nung may bamabasa pala ng mga binasura ko, di naman ako makata, di rin ako magaling magsulat, isa lang akong dakilang mambabasa…..kahit minsan di ako nag-iiwan ng bakas, pero binabasa ko ang mga sinusulat ng nagagalaan kung bahay..saka, hmmm..mag-eexplain narin ako bakit wala akong blogroll… tulad ng dating sinabi ko, di ko kelangan nun kasi kung magugustuhan ko ang mga sinulat mo babalik ako, kahit hindi nga, bumabalik parin ako baka sakali malalasahan ko na ang mga sinulat mo…

hindi ako supladita sa blogosperyo, ako pa nga ang nasusupladahan… wag nang itanong kung sino…basta, gala kasi… basta may oras lang, lipad na ako dito.

nakakatawa no? this is just a virtual world, isang malaking drawing sa una, hanggang sa maging isa nang mundo… tayo ang dahilan bakit may mundong ganito, masarap kasing tumakas sa reyalidad ng mismong buhay natin, sino bang ayaw magkaron ng pakpak? sino bang ayaw lumipad?… wala diba? masarap magkaron ng bagong katauhan, ng bagong maskara… panadaliang maglakabay sa mundong ikaw ang kukulay.

ang kagandahan, marami akong naging kaibigan at isa ka, ikaw na nagbabasa sa oras na to… o ha! mabait ako, bait-baitan…hahaha, wag mo lang hiramin ang pak-pak ko baka di mo na isauli eh!

may power din ako at magical dust… gusto mo ng wish? sige pikit ka…tapos mag wish…

tsadan…. hintay ka lang it will be granted…

sa uulitin…

so what….

so what….

who said im not mean? i am…

ayokong magpaliwanag….
nung umulan ng kamalditahan sa mundo, kalahati nun sinalo ko, hindi rin ako mabait sa mga taong sa tingin ko kelangan iuntog ang ulo dahil sa tigas nito.

i was once told by my closest friend that i am insensitive, and yeah! i did accept it.. i can also be the meanest among all.

i won’t say sorry if i think what i did is right, it might slap straight on your face and i don’t care. i don’t want to be hypocrite that i’m kind, im not, accept it, i always hurt other feeling because im tactless, sometimes my mouth speaks faster than my head.

ngayon, kaya mo bang tanggapin ang isang kabaliktaran ng aninipot na nakilala mo?

ikaw sa panaginip

ikaw sa panaginip

kasabay ng pagmulat ng mga mata ang pagsinag ng araw, sa unti-unting pagliwanag ng paligid nakita mo ang mga naglipanang mga paru-paro, naririnig ang mga huni ng ibon, ang tunog ng paghagod ng hangin sa mga dahon. nasa gitna ka ng ilog na nasa gitna ng kagubatan. sakay ng bangkang dahon. malinaw na malinaw ang tubig ang hanging umaga ay higit na nagpaganda sa pakiramdam. dahan-dahang umusad ang bangka, sumasabay sa mahinang agos ng tubig, sapat upang makita ang luntiang paligid, ang dahan-dahang pag-ugoy ay may hatid sa pakiramdam na parang batang ipinaghele ng kanyang ina sa duyan…

bago mahila ng antok bigla kang lumutang, paitaas, paimbabaw sa kaparangan, sa himpapawid, sa di malamang dahilan sakay ka na sa likod ni haring agila, nakikipaglaro sa lakas ng hangin, malamig ang dumadampi mula sa mga puting ulap..kay ganda ng paligid…. ikaw ang hari ng himpapawid. itinaas ang mga kamay upang higit na maramdamang ikaw ay malaya, bumulusok paibaba, bumalik sa itaas. ang kulay asul na karagatan, ang berdeng kagubatan, ang puting ulap ay abot ng iyong mga mata…mga bahay na parang tuldok, lahat pantay-pantay mula sa itaas.

sa pagtatapos ng araw, lumutang ka ulit, pabalik sa kagubatan, sinalubong ng mga alitaptap na unti-unting dumarami, sa pagtatago ng liwanag ang kislap nila’y higit na lumutang, nakikipagsayaw sa musikang dala ng hanging pang-gabi…tuluyang dumilim ang paligid ikaw ay ibinalik sa dahong higaan… hinihila ng antok, sabay sa pagpikit ang huling pagsulyap sa mga diyamanteng bituin sa langit.

Sarap maglakbay sa panaginip no?

abril at mayo

abril at mayo

summer na pala ngayon… wala lang di ko na sya napapansin, di tulad nung nag-aaral pa, excited kasi may bakasyon, pero dalawang bakasyon ang gustong-gusto kung balikan… hindi sya bakasyon grande, nataon lang na summer sya nangyari… una yong review for board exam, ayokong magkwento, boring yon… puro aral ang nasa isip ko.. bait-baitan.

pangalawa, during summer practicum, para sa ibang nag-aaral ang sa inyo kadalasan nasa opisina, kami hindi, alam mo na sigorong graduate ako ng forestry, so what would you expect?…mamumundok kami…yehaaa!… nahati ang klase namin sa tatlong location, Bohol, Camiguin and Agusan del sur… o ha! asang grupo ko?….. syempre sa agusan, yon lang ang tanging malawak ang kagubatan sa tatlo… nauto ako ng practicum coordinator namin, mas madami raw akong matutunan kasi logging company ang pupuntahan namin sa agusan… well yeah! medyo may natutunan ako.

1. Wag agad inumin ang gamot na ibinigay sa inyo, lalo pag sinabing one dose ang pag-inum ng sangkatutak na gamot.. Bakit? dahil apektado kami sa pananakot nilang baka magka-malaria kami dahil dating malaria infested area ang pupuntahin namin. may binigay saming anti-malaria na gamot from health center, sabi nila isang inuman lang…lahat kami nag-react, “sure maam? one dose lang to?” sabi nila oo, dahil counted na daw nila ang milligram na itatake by person… so kami dahil takot nga, sige inom… imagine anim(6) na tig 500mg at anim din na tig 250mg… i-add mo… 3500mg in one dose… ano sa tingin nyo nangyari?..lahat kami bangag… ayoko ng ulitin ang ka-engotan na ginawa ko…instead na excited para sa first week na field lahat kami may sakit, lahat kami isinuka ang nainum… meron pa, engot tlaga, dahil di ko kayang inumin lahat ng iyon coke ang substitute ko ng tubig para di mapait. waah! at ang masaklap, pag gabi na, wala man lang lamok… so ano pa at uminom kami ng sinasabi nilang gamot na muntik ng pumatay samin….haays!

2. natuto akong mag BIDDING…. isang card game na minimum of four ang player then maximum of ten, ang saya!.. nooong nasa concession area kami, walang kuryente, 5 days ang 4 nights kami doon, may dala ng pagkain for the whole duration, 3 consecutive weeks naming ginawa…. buti nalang may log houses sila, may matutulogan kami.. walang pustang pera, pagkain lang, kung sino ang apat na may lowest score, sila ang maghahati sa bet na pagkain, so every weekend fiesta…hahaha, lahat na yatang pagkain na meron don sa place pinagpustahan na namin…halo-halo, fried chicken, pati every ingredients ng fruit salad basta masarap pasok!..haha

3. natuto akong mag-luto gamit ang kahoy, di ako marunong mag-paapoy ng kahoy promise!, dati kasi pag nasa fieldtrip kami, usually na ginagamit namin ay mga sanga ng Benguet pine, kahit buhay ang kahoy pwede itong sindihan, may turpinetine kasi ang ito, di na kelangan ng ga-as..(para madefferentiate mo ang benguet pine from mindoro pine ay bilangin lang kung ilang needle ang dahon nya… ang benguet ay tatlo at mindoro ay dalawa lang).

4. minsan mas mapagkakatiwalaan pa ang mga taong pasaway sa pag-aaral kaysa doon sa mga matatalino talaga… pag nasa field ka, diskarte ang kelangan, bawal ang maarte, maglalakad ka ng halos buong araw sa kagubatan…yong mga feeling superior madalas walang ginagawa, madami ring sipsip…basta! yong mga taong di mo aakalaing walang pakialam ay higit na may pakialam pala…hindi nang-iiwan… pag nasa panahong mahirap na ang activity, doon mo makikita ang may diskarte, ang mga kulelat sa exam, doon mas mapagkakatiwalaan…magkaiba ang mundo sa loob ng silid aralan kaysa sa labas… may di masyadong magaling pero sa aktual isang totoong magaling.

5.makakatagpo ka ng taong irerespeto mo, ako may isang taong kinaiinisan ko, lahat ng bagay nagkakatagpo kami, madalas di magkasundo, kinaiinisan lang, yon pala kaya di kami magkasundo kasi pareho kami ng ugali, ayaw patalo, gustong maglider-lideran…haha, una pa lang inaabangan na nila ang mangyayari, ang parating na gyera, pero himala…walang away, kung sino pa ang ayaw ko yon pa pala ang lubos na nakakaintindi sakin. ayoko nang mag elaborate…hehe, basta!

pagod na ako…. sasusunod na lang ulit, tinopak lang…hehe

saranggola sa ulan

saranggola sa ulan

may pag-asa bang lilipad ang saranggola sa ulan?

eh, lilipad ng walang taling nakakabit dito? mas higit na malaya ang paglipad pero bubulusok at bubulusok din. walang direksyon kasi walang nagbibigay ng direksyon…

ikaw, ako, tayo… pare-parehong mga saranggola…. di pwedeng mawalan ng tali dahil pag bumagsak, walang maghahanap. walang tatanaw, walang aakyat sa puno pag sumabit.

saranggolang may kanya-kanyang kulay… depende sa humahawak, depende sa taling ikinabit, may singnipis ng sinulid, mahaba pero madaling maputol, may makapal pero di lilipad sa taas ng alapaap.

mas malakas ang hangin, mas mataas ang tyansa ng paglipad.
maaraw man o makulimlim, pwede paring lumipad.

pagdating ng ulan, pwede pa ba?

pwede, pansamantala hangga’t mas malakas ang hangin kaysa buhos ng ulan.
pagtuluyan ng nabasa, pahinga dahil bukas may araw na…

saranggola ulit, malayang lilipad na di nakakalimutan ang taling humahawak.

empel ka?

empel ka?

gusto kung kalimutan na marami akong kelangang gawin, walang iisipin para di ma stress pero tsong tao lang ako… madalas managinip na sana walang ginagawa pero kayang palipasin ang oras na di ka naiinip. parang ang tamad no?… pero ganun talaga.

ayokong makulong sa drowing na mundo, ayokong malunod sa isang pangarap na di ko naman kayang abutin… pero gugustuhin kung wag magpahinga kung nakikita ko namang maabot ko ang pinapangarap ko.

madalas tinatamaan lang ng katamaran, pero may mga bagay na pilit kang pinapatayo, wala kanang choice kundi go…sige, bukas na lang ako titigil… pero sa totoo lang ayoko ng ganun, gusto kung maging tamad paminsan-minsan para makita ang nasa paligid ko, makuntento sa pagiging simple, walang kumplekasyon.

ang sarap ng buhay na nag-aabang ka lang ng meteor shower, kaso kung kelan may pagkakataong panoorin ang bongang-bonggang ulan ng bulalakaw saka naman biglang lumabas ang mga higanteng ulap….haays! nabasag ang trip.

pero totoo, sa mundong ito, kelangan nating maging bukas sa lahat ng pwedeng mangyayari, sino nga ba ang nakaka-alam sa susunod na teleserye? wala diba?…pwede ngayon, pwede bukas tatamaan tayo ng baseball bat sa ulo at makalimutang may ginawa tayong sariling mundo.
paunahan lang yan, depende sa diskarte sino ang makaka-home run, ang nag-eenjoy mananatiling player, ang hindi may pagkakataong umeskapo, mghanap ng ibang laro kung saan mas higit na makakabisado ang labanan.

sa laro ng buhay, pwede kang star player, pwedeng suporta lang, depende sayo…pero mas maganda parin ang laro pag marami kayo, kuponan ang labanan, may masasandalan ka, may kasama sa pag-iyak sa panahon ng kabiguan, at maraming makakasama sa pagtalon pag nagtagumpay.

empel ka? (sali ka?)

yay! scary

yay! scary

naniniwala kayo sa aswang?

kasi ako dati hindi, tapos kaninang madaling araw, mga 2:16 yay! may parang lumilipad sa bubong…as in kampay talaga ng pakpak..

dapat di ako maniniwala kasi may wildlife management subject akong na-take dati… napag-uusapan namin ang mga nocturnal species… ung kagwang o flying lemur, naggaglide yon saka malaki na aakalain nating aswang…pero promise! nasa gitna ako ng city…paano mapupunta ang flying lemur dito…

weeh! sabihin nyo nang matakutin ako, pero my goodness bukas na bukas kaya ang bintana ng room ko… tapos magigising ka nalang sa ganung tunog…okey lang sana if may manok ang kapitbahay namin…pero wala as in zero..o diba?

lumaki ako sa probinsya pero never kung na-experience na makarinig ng ganun… sana owl nalang o kaya phil. eagle pero hindi talaga…. sinilip ko pa..wala akong nakita pero may kampay ng pakpak…waaah! di parin ako maka get-over.

iniisip ko baka may buntis sa kapitbahay namin… at meron nga kaya possible ang sinasabi kong may something evil creature na lumilipad kanina…

try kung hintayin mamaya, at kung meron man, naku magsasabit na talaga ako ng bawang sa bintana….hahaha

saka ung ginawa kung orasyon…WAKA WAKI WAKIKA!
haha, tingnan natin kung tatalab ang power ni aninipot…tsaraaan! na-excite ako bigla…wahaha, magiging aswang buster ako mamaya…

byebye muna

byebye muna

ang pananahimik ay hindi ibig sabihin na mamamaalam na… may panahon lang talaga na ang tao ay kelangan ng katahimikan
mapagmumunian ang mga pangyayari sa kanyang buhay…. walang masama sa pagtatago, sa pamamahinga, sa paraan yan
mabubuo ulit natin ang mga naputol na plano, nakikita ulit natin saan ang susunod na kalsadang susuongin… magkaiba man ang mga landas na tatahakin sana sa dulo nito magkikita parin tayo.

apat na buwan na kalitohan, apat na buwan na pinipilit maging masaya…kasi alam ko may magandang patutungohan ang pagtitiis ko…pero ngayon, suko na ako… gusto ko na ulit matulog na walang iniisip, na sana bawat pag-gising may ngiti akong maibibigay sa mga nakikita ko…

mahirap kalaban ang sarili, ang isa sinusubukang humawak sa nakikitang pag-asa, ang isa gusto ng sumuko para makapag-simula ulit…hindi ako takot magsimula, di ako takot mawalan ng trabaho…mayabang kasi ako…haha, totoo! o nasasabi ko lang eto dahil may lamang akong swerte sa katawan.

pagod na akong mamuhay mag-isa, gusto ko na ulit maranasang pag-gising may nakahanda nang agahan sa mesa… may makausap pag-uwi… ordinaryong buhay lang ang meron ako… di rin sigoro ako nakaranas na magutom o mamomroblema ng kakainin pero may mga bagay na mas maswerte ang iba… mas kaya kasi nilang ngumiti kahit kakarampot lang ang pagkain…
ako?, kahit gaano kasarap ang kinakain di ko man lang ma-appreciate….minsan gusto ko pang umiyak habang kumakain…haays! sangkatutak na kaemohan to… eh anong magagawa mo? may sinat ako…basta may sakit, madrama ako.

gusto kong kaawaan na ang sarili ko, may sakit pero nasa opisina parin, mas ayokong tumambay sa bahay na walang kasama… atleast sa opisina may magtatanong man lang kung kumain na ako?, if nakainom na ba ako ng gamot?… putek! ang hirap magkasakit na mag-isa… mas takot akong tumawag sa bahay, baka ora-orada babayahe ang nanay ko sa pag-aalala… haays!
nakakatawa kung kelan malapit na akong umuwi saka naman ako nagkasakit.

at malamang sa malamang baka di na talaga ako papayagang bumalik sa trabahong eto ng magulang ko… mas madalas kasing tuwing uuwi ako may sakit…waah!…ewan, baka naglalabas lang ako ng stress sa bahay.

ayan! di ko na alam kung ano itong pinagtitipa ko dito…kung pwede nga lang sipa na lang.

wanted boyfriend

wanted boyfriend

mahirap palang paghilumin ang sugat na ikaw mismo ang gumawa no?… kahit anong gamot ang ilalapat mo walang ibang pwedeng makakatulong sayo kasi tanging sarili din lang ang pwedeng gumamot.

pero paano kung lugmok ka na?…

the hardest enemy of ourselves is our own expectations, you thought everything will be alright, everything is in your hands, then suddenly it all fades away…

ayokong gamitin ang word na lugmok dahil hindi pa naman sigoro ako lugmok na lugmok, hurt but i can endure it…masakit nga lang…. last wednesday i received a secondhand information, kasi walang direktang binigay sakin o kumausap man lang…. sabi start na daw sa enrollment ang friend ko…nagtataka ako bakit wala akong nareceived na txt or call…yon pala walang gustong magsalita mas pinili nila ang isa… we thought na pareho kaming tanggap tapos biglang nag-iba ang desisyon na isa na lang ang kukunin…syempre alam ko na ako ang second choice, anong laban ko sa isang board exam topnotcher… hindi ako galit, tanggap ko kung hanggang saan lang ako…

masama ang loob, OO….techinically matatawag na nag-apply ako kasi pumunta ako sa demo at interview, yon nga lang tinawagan ako na may schedule daw ako for interview and demo na wala man lang akong naipasang application letter o ano mang documents.. nag demo, sumabak sa interview tapos sinabihan na tanggap na kaming dalawa… pero may last mninute decision… di ako kasama…kaya ang nabuo kung pangarap na lilipat sa academe, biglang nawasak, isang bwelong pagbagsak.

sigoro kasalanan ko rin, pinaasa ko rin ang sarili ko, uulitin ko wala akong galit, masama lang ang loob… kaya kung tumanggap ng pagkatalo, kaya kung tumanggap ng masamang balita, kaya kung tanggapin kahit umiiyak ako….pero yong wala ka mang lang matanggap na wala ka na, yon ang masakit, di ba nila kayang sabihin nang diretsahan na di ka tanggap…ganun ka simple, di ko naman ipagsisiksikan ang sarili ko kung ayaw nila, kilala naman nila ako at alam na alam ko yon kasi bukambibig nilang ako ang pinakatransparent at pinakamadaling bashin ang isip sa batch ko… sigoro sa paningin mo ang babaw ko, na ang simple lang naman ng problema ko, normal lang ang di matanggap sa trabaho, pero iba ako….halos lahat ng bagay sineseryoso ko… wala naman sigorong masama kung ganun ako.

sa sama ng loob ko, Goodbye long hair, ang hanggang bewang na buhok ayon maiksi na, dati ayokong paiksian ang buhok ko kasi naisip ko nga na kapag nagturo na ako baka mas bata akong tingnan kaysa sa mga estudyante ko, kaso wala na… dati gustong-gusto kong magpalagay ng henna tattoo sa kamay ngayon tsaraaan!…nakabalandra na…ewan! ang gulo ng utak ko.

ngayon pinutol ko ang bakasyon, sigoro alam ng dyos na di ako matatanggap kaya di ko naipasa ang resignation letter ko bago ako umuwi…kaya eto, di ako nawalan ng trabaho…. pero sobrang gulo talaga ng utak ko, bigla ko ba namang sabihan sa harap ng pamilya na magreresign ako dito… ang alam nila bumalik ako para magpaalam formally, but honestly i really don’t know. pwedeng OO, pwedeng hindi…. isa lang ang alam ko ngayon, may isang linggo akong ibibigay para subukang mahalin ang trabaho ko ngayon, at kung hindi…GOODBYE WORK… tambay muna ako, sa totoo lang inabutan narin sigoro ako ng pagod, di ko talaga nasubukang magbakasyon ng matagalan, yong walang iniisip, ang matulog ng halos bente kwatro oras…hehe

Ok na sigoro ako ngayon, kung nagtataka ka bakit “wanted boyfriend” ang title ng posteng ito, well alam mo namang magulo akong kausap mas lalo ngayon dahil magulo ang utak ko… pero kung seseryosohin mo, sige email mo number mo ng maligawan kita… o ha! ako ang manliligaw basta ba kaya mong tumanggap ng suhol na piso…wala pa kasi akong ipon pambili ng boyfriend…. saka kung kaya mong magtiis sa magulong tulad ko….lol.

UPDATE: ayan courtesy of miss salbe may official application form na ako…. wahahaha

click here, tsaraaaaaan…….

flores de mayo

flores de mayo

magigising sa tawag ng mga kaibigan, kahit di pa maidilat ang mga mata, lalabas, magtatanong tapos balik, mabilisang pagbibihis, walang sinko minuto tapos na, kahit anong matinong damit na mahablot ok na…takbo palabas, balik ulit di pa pala naka-toothbrush at hilamos… mabilisang hilamos pahid sa mata, sabay lagay ng toothpaste sa toothbrush… labing limang minuto, ready na para manggising ng ibang bata… tapos lahat ng bulaklak na madaanan, ubos.

yon ang simula ng araw ng bawat bata samin sa buwan ng mayo…. padamihan ng batang mag-aalay ng bulaklak kay birheng maria, kahit bago pa lang matutong maglakad basta pwedeng dalhin isasama namin, may pakontes kasi pagkatapos ng pag-aalay ng bulalak, paramihan kami bawat purok (madalas dalawa o tatlong blocks ang isang purok),binibilang ng isang matandang babae, tawag namin sa kanya maam beryang, isa na syang institusyon, bata pa ang mga magulang ko sya na ang tagapamahala sa flores de mayo, hanggang ngayon sya parin… kinakatakutan minsan, nangungurot sa mga batang makukulit, dilat pa lang ng mata, lahat ng bata nanginginig na.

basket namin, gawa sa karton ng sigarilyo, pag medyo sosyal pwedeng plastic na basket at pag gustong inggitin ang ibang bata, basket na may mga ribbons na nakatali, yong basket ng mga flower girls sa kasal…pag meron ka nun sosyal ka na sa paningin ng ibang bata. pag walang nakahandang bulaklak, mga kasama na ang bahala, hating kapatid ng mga bulaklak, basta marami lang ang maisama.

pagkatapos agad ng araw-araw na misa, lahat kami nakapila na, iikot sa loob ng simbahan papunta sa kung saan namin iaalay ang bulaklak, manguguna ang may mga basket tapos saka palang ang medyo matatanda na… hanggang ngayon di ko parin alam ang kantang ginagamit, latin yon, parang ganito ang simula, “bene divine muscoso…..”di ko na alam ang susunod at di rin ako sigorado kung tama ba ang pinagsasabi ko… palakpak lang ang hudyat, pang pumalakpak si mam beryang lahat kami luluhod, sa susunod tatayo, tapos isang palakpak ulit, simula na ng pag-alay ng mga bulaklak, at isang pang huling palakpak para lumuhod tapos bilangan na.yon ang pinakahihintay ng lahat, paramihan.

bakasyunista man o hindi kelangan makisali, may premyo daw kasi sa huling araw… isang baso ng ginataang halo-halo at biskwit… mantakin mo yon, nagoyo kami ng ganung premyo….hahaha, pero di kayang bayaran ang saya sa araw-araw na pag-gising sa umaga para sa flores de mayo

prince leonard

prince leonard

sabi ko ibablog ko to… bahala na…

nasabukan mo na bang magkaroon ng isang kahinaan sa pangalan?…pangalan as in name…na pag narinig mo may something na di mo maintindihan… kasi ako meron, weird yet it’s true.

lahat halos ng crush ko may something in common… pare-pareho sila ng pangalan… magkaiba man sa spelling pero same name…basta, di ko sinasadya yon ha…ewan! basta.

iniisip ko, dala lang sigoro sa pagiging adik ko sa cinderella, yeah! cinderella who left her shoes after she danced with her prince…hahaha…adik ako sa fairytale…

kung magka-range tayo ng edad, alam mo na dati may pinapalabas na cinderella sa kapamilya, 10 am…tama? at ang pangalan ng kanyang prinsipe ay leonard…. anong koneksyon?..dahil ang mga naging crush ko ay pareho ng kanyang pangalan…. oo LEONARD nga…

kaya if may kakilala kayong leonard ang name, ipakilala na….hahahaha

joke lang…ang maniniwala sa panawagan ko panget.

P.S. my prince leonard, quiet ka lang ha…pag di ka tumahimik papadalhan kita ng bomba….mwuah!..haha

drawing

drawing

sa lahat ng nakabasa ng “prince leonard” resulta lang po yon ng init ng panahon…. nawindang ang utak at biglang tinamaan ng pantasya kaya nabuo si prince leonard

isa lang po syang drawing as in drawing(maniwala ka please)… na nilikha sa panaginip ni aninipot, pero totoo ang mga dumaang iba-ibang spelling ng leonard….pero ang sinasabi kung my prince leonard ay di pa ipinanganak….naiintindihan po ba natin?…isa pa, get’s?

di ko alam kung bakit bigla kung binawi ang mga sinabi ko, pero isa akong totoong incosistent na tao, bahala ka kung ayaw mo.

bigla akong tinamaan ng hanging mabuti kaya mag so-sorry ako doon sa pinaghihinalaang prince leonard, charing! eclavu at kung anu-ano, nagsorry ako?..haha, wala akong kasalanan, ginulo ko lang ng kunti ang matino mong buhay…KISS na lang, mwuah! ok na?..hahaha

magkaiba ang mundo ng drawing sa totoong mundo, medyo matino parin sigoro ako kasi kaya ko pang i-distinguished kung saan ang reyalidad, naks! di na yata ako marunong magseryoso…waah! asan na ang orihinal na katauhan ni aninipot?…nakita mo?…nawala yata sa sarili nyang kagubatan o baka nakipagpatintero pa sa mga kaibigan sa panaginip.

basta! magulo na naman ako…wag nang magreklamo, kasama yan sa benefits ng pagdalaw dito sa aking munting kagubatan, antay lang ng kunti mga tsong, titino din si aninipot, malay mo may makuha kang isang gintong aral balang-araw…haha

ayoko ng pahabain, atleast may nabasa kang bago kasi alam ko wala karin magawa tulad ko…haha, tara! go let’s na.

ulan

ulan

“when it rains it pours”

totoo nga, kahapon ng pauwi ako bigla bang bumuhos ng isang bagsakan ang ulan, waah! para silang mga bato na tubig, malalaking patak na di mo maintindihan kung tubig pa ba, ang nangyari para akong basang sisiw sa kalsada, di man lang hinintay na mabuksan ang dala kung payong… kaysa naman magkandaugaga na mabuksan ang payong, maligo nalang… pero sino man ang nagsabing “pag nabasa ka lang ng ulan, magkakasakit ka pero kung maliligo sa ulan, walang problema”…adik ang nagsabi nun, sinisipon ako at inuubo ngayon… kaya nanawagan ako dun sa maykakilalang abogado na pwedeng magkaso sa mga nagpauso ng mga paniniwalang di ka magkakasakit pag naligo sa ulan na tulungan ako at kasuhan sila, ang problema, sino sila?

o sige na nga, dati akong suki ng ulan, pag tag-ulan na, tsaraaaan! ang saya ko… pwede nang maligo at tumakbo sa kalsada at gawing shower ang gutter ng bubungan.

wala lang, kwentong ulan na di ko alam… masaya lang, masarap matulog…

kalandiang di alam

kalandiang di alam

may mga bagay na madaling sabihin, pero mahirap gawin, at meron ding madaling gawin pero mahirap sabihin… tulad ng pagsusulat sa kagubatang ito, madaling ilabas kung ano ang meron sa loob, na walang halong pagkukunwari pero minsan nahahaluan ng katarantadahan, kagagahan at kung anu-anong kaengotan.

masayang makipaglandian, makipagharutan sa salita, pero sa totoong buhay kaya ba?…painumin nyo muna ako ng syoktong, o di kaya tuba, kung merong pulang kabayo ipasipa muna para mapanday ang pinapangarap na lakas ng loob…wala! nagtataka ka na naman sigoro bakit nagsasalitype na naman ako ng kung anu-ano, eh! sa ganito ako..

pero sa totoo lang, namimiss ko yong panahong mag-iisip ako kung ano ang isusulat, slight lang naman, mas masaya paring magbasura ng di ko alam kung saan patungo ang ginagawa ko, tulad nito.

ok, balik tayo sa pakikipaglandian gamit ang mga salita… minsan di ko lubos maisip kung paano ako nag ibang anyo gamit lang ang mga salita… kakaloka! pero nakakatawa, iniisip ko nga minsan baka masyadong iba na ang nabubuong katauhan sa gusto kung katauhan dito, pero may pakialam ba ako?…wala!…hahaha, mas gugustuhin ko paring humagalpak ng tawa sa labas ng kwadradong mundo habang binabasa ang mga naipong salita, mga kalandiang ni sa hinagap di ko inakalang magagawa ko… aminin mo, natatawa ka rin kahit kunti…kung hindi, makikiusap ako na matuwa ka…haha

iniisip ko kung wala ang mundong to, saan ako pupulutin?…sa kangkungan malamang, dahil sa sobrang pagkainip, sa kalungkutang di mailalabas at sa mga masasayang di man lang maibahagi sa iba… oo na, loner ako, paminsan-minsan, hehe, di pala…kadalasan.

eh! sa totoo lang kasi, kung may bitamina lang sana sa aking mga mata, malamang di ko maisip na mamuhay sa mundo ng drawing…. kaso wala akong makitang katakam-takam dito… wala, as in wala…. sana man lang kahit wangkata na pang-ulam o kaya mala-anime na mata…. dahil wala nga…pagtiisan nyo ang aking presensya..pang-gugulo at pakikisilip sa mga buhay nyo.

hmmmm, mahaba na kaya tama na…bow!

lampara

lampara

sa ilaw na dala ng lampara,
ang paghangang nadarama ay lilimutin ko na.
hindi dahil napaso ako ng paglaruan ko ang apoy nito,
kundi mas mabuting pagmasdan sa malayuan ang gandang
hatid ng apoy na sumasayaw sa ritmong may laya ang galaw.

ayokong masunog tulad ng pagkatupok ng isang gamu-gamo
dahil sa pagkahalinang dala ng liwanag nito.
mas mabuting hangaan ang liwanag,
sa pag-asang dala nito sa dilim upang
ang sinag nito’y marami ang makapiling.

lampara ng buhay
may tatlong ilaw na taglay,
pula para sa alab ng pagdurusa,
bughaw bilang mahika ng uhaw na natighaw,at
dilaw para sa kapayapaan ng pusong nasisilaw at naliligaw.

lampara, ikaw man ay may dalang pighati
ngunit sa kadiliman ikaw ay minimithi,
at kailanman walang damdamin ang di
mapupuyo sa saliw ng lamparang di mahinto.

malay mo, at malay nating lahat.

malay mo, at malay nating lahat.

minsan gumagawa tayo ng desisyong sa tingin ng iba ay katangahan, susundan ng pangaral at paghihinayang, hindi sasang-ayon dahil lihis sa tingin nilang tuwid na paniniwala. gusto kong isigaw na bawat desisyon ay may malaking rason, sandaang beses man tinimbang o isang segundong pinag-isipan lahat yan may mabigat na dahilan. may emosyong nakataya , may emosyong itinanim na pwedeng mabalewala at maglaho, pwede ring anihin pagdating ng panahon.

kung pwede nga lang ang mundo ay para lang alkansya, kung ayaw mo na sisirain na, kung naghihinayang susungkitin ang piso ng paisa-isa.

o kaya parang gumagawa ng maliit na bahay-bahayan, sabihin lang, panget! ayoko na!, ayon pwede ng gibain, palitan ang ayaw, isa-isahing ayusin, pag nagustuhan, viola! may bahay-bahayan nang swak sa panlasa.

pero hindi eh! iba ang buhay ng tao, komplikado ang lahat, pero bakit ko nga ba pinapakomplikado?, gawin na nga lang simple…. bow!… wala ng problema.

it’s just a matter on how we accept things that happened to us.

looking through your eyes

looking through your eyes

oo na, aaminin ko ang mundo ko ay puno ng pantasya….pantasyang gawa ng tao, uto-uto ako eh!
madalas mas kinikilig pa ako sa mga cartoon movies kesa sa tao, ewan! pero ganun talaga, magulo ako diba?
kaya eto, isa sa pinaka-paborito kung disney movie…elementary pa lang ako ng una ko tong mapanood, at una akong na-inlove kay Garett, pero sige ipapa-ubaya ko sya sa mahal nya…haha

at baliktarin man ang mundo memorize ko ang kantang to, sinubukan kong pag-praktisang tugtugin sa gitara pero ayon! alam nyo na sigoro ang nangyari, di ko natutunan, tae kasi ako, pinagarap agad matutunan ang “looking through your eyes”, syempre gusto sanang magpa-impress na alam ko to pero olat’s, asa pa ako.

kung paano akong tumugtog ng gitara nung grade six, parang ganun parin sigoro ang performance ko…haha
kung naghahanap ka ng matinong entry, wag kang maghanap dito…dahil malamang sa malamang mawawala ka muna sa munting kagubatan ko bago mo mahanap ang hinahanap mo, kaya habang wala ako, tulog ka nalang…mwuah!

Malay mo pantasya ang simula ng kalayaan mo

Malay mo pantasya ang simula ng kalayaan mo

Sa isang simpleng tulad ko, wag kang umasang magbibitiw ako ng mga salitang kasing lalim ng balon, mga salitang puno ng angas at mga salitang hahanapin mo sa diksyonaryo ni balagtas. Ang magagawa ko lang ay paliparin ka sa alapaap ng pangarap…tuturuan kitang maglakad sa ibabaw ng dagat, dahil itong lahat ng sinasabi ko ay likha lang ng pantasya ng simpleng manggugubat.

Kung sisimulan lahat sa pantasya malamang sa malamang kasing saya na tayo ng lugar ni peter pan, hahayaan kung turuan kang lumipad dahil ako bilang aninipot ay lumilipad sa paraan ng kaganapan ng hinanahaing ng puso ko. Simple lang naman ang buhay, simulan mo sa sarili mo, di kailangan ng mabibigat na salita para itatak sa balon-balonan ng utak mo, kundi simpleng pag-buhay ng pag-asa para matuto tayong tumayo.

Walang magagawa ang lahat, pwede kang mabuhay sa mundo ng pantasya pero hahayaan mo bang hanggang dyan ka nalang at ang lahat ay umusad?..gamitin mo ang pakpak mo para magkaroon ng kalayaan, pero kalayaang magagamit sa pagsayaw saliw ng tik-tak ni orasan, ang punto ko lang naman, sa tamang panahon, kung sa tingin mong panahon na para matuto ka, humayo na…mas madali ang lahat pag bukal sa loob ang pag-usad.

Walang pilat ang puso ko, walang bumabagabag sa loob ko, pero ang utak ko ay sobrang gulo, magulo dahil normal na magulo ako, di magiging normal ang lahat pag babaguhin ko ang pananaw ng utak na ito, naiintindihan mo pa kaya ako?

Wag hayaang ikulong ang damdamin, tayo lang ang gumagawa ng rehas nito, minsan kahit gawa sa bulaklak pwedeng maging rehas sa paglaya, sa pamumuhay na gusto natin, andyan ang takot makasakit at lalo ang takot na iwanan ang buhay na nakasanayan. Pero lahat ng ito ay naka-depende sa atin, wala akong magagawa kong ayaw mo, at lalong wala silang magagawa kung ikukulong mo ang sarili mo.

“ang sekreto ng pagmamahal ay ipakita ito, ang sekreto ng sarili ay ikaw mismo,
At ang sekreto ng buhay ay palayain ang sarili sa pagsikil ng sariling damdamin”.

-aninipot

—————————————-
para sa mahal kung kuya, ayan na…tsaraaaan!…hahaha, kahit di manalo no probs, wala na akong utang ha…mwuah!

paghahanda

paghahanda

may pinaghahandaan ako ngayong laban, tapos wala ng review-review, susugod ako ng walang ibang dala kundi kunting laman ng magulong utak na to, pero naman kasi hindi pa opisyal na isa ako sa magdadala ng pangalang ng sector na kinabibilangan ko kaya hayon, pabandying-bandying lang, natulog sa pansitan. kahapon lang opisyal na sinabi na isa ako sa sasali, o ha! wala ng choice, gusto ko naman kaya go, di uso ang pakipot pag ang laban ay nagpapabuhay ng katawang lupa ni ai-ai…hahaha

simula ng malaman ko ang balita, di ako makatulog, di rin ako nagtaka kasi normal na reaction ko yon, di ako sanay na di naghahanda, pero sanay akong sumabak sa laban na walang dala kundi lakas lang ng loob.. parang magkapareho lang pero magkaiba yan, kasi po ganito yan, ako ang taong gustong lahat organisado, lahat nakaplano pero madalas din na ang mga nangyayari ay wala sa plano.

pero kinasasabikan ko ang buwan ng hunyo at hulyo, bakit?..dahil madalas dito nangyayari lahat ng sorpresa sa buhay ko, lahat ng mga pangyayaring tumatatak kung sino ako ngayon… pero ang di ko makalimutan ay nung isang taon, dun ko napatunayan sobrang disiplinado pala ako sa sarili, kahit di man nakuha ang minimithing pangarap, naks! napatunayan ko namang kaya kung gumawa ng sa tingin ko ay dating imposible.

last year, pinagarap kung tumuntong sa Top ten para sa mga kumuha ng linsensya bilang linsensyadong mangugubat, ayon! di ko nakuha..haha, sa lahat ng pagpupuyat, sa apat ng buwan na pakikipag-away sa sarili para lang gumising ng maaga at mag-aral, wala parin… ngayon ko lang napansin, di na ko bitter sa nangyari, dati naiiyak ako tuwing naiisip ko yon, kasi naman isa din yata yon sa dahilan bakit ako ang nilaglag dun sa pangarap kung pagtuturo…well, masaya na ako ngayon.

hmmm, ang haba na tapos di ko pa nasabi ang gusto kung sabihin, kaya lang naman ako gumawa ng bagong poste ay dahil po makiki-usap akong tulungan nyo ko sa pag-rereview, hehe, wala na akong oras mag-research, lahat ng alam nyong related sa environmental issues, information kahit mga simpleng trivia malaking tulong na yon…. mapa earthquake magnitude sa haiti o kaya lahat ng nangyayari sa buong mundo.

tatlong araw na lang, tapos tambak pa ang trabaho ko, mas madaling humingi ng tulong sa blog kasi malimutan na ang lahat, makikisilip parin ako dito at may oras na mag-basa…sheng! sheng! sheng!,hahahaha

matalo manalo, may kwento ako pagkatapos ng Environmental Quizbowl na yan..haha, pag nanalo syempre ikukwento ko kung pano namin nilampaso ng partner ko ang kalaban, tapos talo, ikukwento ko parin pano ko hinila sa pagkalugmok ang partner ko,hahahaha, magrereview ako kasi may natira pa akong hiya sa katawan, saka kahit walang cash prized basta may medalya, o ha!…

bye bye muna…mwuah!

maiba lang

maiba lang

ok, gagawa ako nang bagong entry para wala nang maka alala na may pinaghandaan ako, kasi po TALO..hehe, ngayon lang ako natalo sa isang contest na di ko dinibdib, pinagtatawanan ko ang sarili ko kasi di ko man lang na-enjoy..usually lumalabas ang pagiging competitive ko pero kanina wala lang, di pa kumulo ang dugo ko, tapos na…haha

ngayon..wala na kung gagawin, di rin makapag-isip, lutang lang…

nawala yong feeling makata mode ko, nawala din lahat ng sasabihin ko, ano ang mapapala mo sa pagbabasa nito?…WALA…WALA….WALA

maaga pa naman akong gumising at nagpaganda, kasi sabi ko, kahit matalo basta maganda oks na..hehe
erase! erase! erase!..ayokong mag-isip..

basta..magulo utak ko..hahaha, so yan na lang muna, baka kung anu-ano pa ang maisulat ko dito at pati ikaw magulo din ang utak.

eto na yata ang pinaka walang kwentang poste na nagawa ko…hahahaha

mabuti pang matulog nalang.. cge bye..mwuah!

ako nga ba ang nakita mo o produkto lang ng imahinasyon mo?

ako nga ba ang nakita mo o produkto lang ng imahinasyon mo?

ang pananatili sa kwadradong mundong ito ay desisyon ko, ginawa kong kagubatan ng pantasya dahil parte ito ng kagustuhan kung magkaroon ng kakaibang pagkatao. wag lang malinlang sa mga mababasa mo, dahil pwede kong baliktarin ang nasa isip ko, ilabas ang kabaliktaran ng nararamdaman at lalong pwede kong itago ang sarili ko gamit lamang ang mga salitang lumulutang sa kagubatang ito.

oo, lahat ng mababasa mo ay isang parte ng katauhan ko ngunit parte lang yan, hindi mo pa nakikita ang buo…wag akong husgahan sa isang simpleng nabasa mo lang o sa isang simpleng sagot ko.Alam nating pareho na may kalayaan nga dito ngunit lahat tayo ay may kanya-kanyang katauhan sa totoong mundo, ayokong paniwalaan mo na kakaiba ako tulad ng ayokong sagiin ang pakpak sa imahinasyon ko, dahil sa totoo lang ang pagiging diwata o prinsesa ay ikaw lang mismo ang gumawa, wala akong sinabing ako yon, at di ko rin inangkin ang katauhang yon…. lahat ng yan ay produkto lang ng iyong imahinasyon, ikaw ang humubog kung sino ako… depende ko pano mo ako nakita sa mga nababasa mo… oo minsan sinusuot ko ang maskara nila para pansamantalang kalimutan ang mundo sa labas ng kwadradong mundo, pero panandalian lang, sa oras na lumabas ako, tanggal na ang mahika at pakpak..balik sa suot na tsinelas, t-shirt at kupas na maong..balik sa pagiging isang ordinaryong mangugubat.

di ko nakaklimutan kung sino ako, tulad ng nasasaktan din ako sa mga nababasa ko, magkaiba man ang mundo, isa ang sigurado, may ibinigay ako.

simple lang naman ang gusto ko ngayon, wag paguluhin ang utak ko para di ka rin mapasama sa gulo..

to my friend who is planning to settle down

to my friend who is planning to settle down

o ha! english lang ang title pero tagalog ang isusulat ko…hahaha

para kay mr. B, wow! sobra talaga akong natuwa sa balita mo, alam ko sekretong malupet ang plan mong pag-popropose pero di ko mapigilang matuwa… kinikilig ako, magbubunga narin pala ang dati mong panghahatak sakin para lang ihanap ng gift o kaya pasalubong si gf…masaya ako sa kinahihinatnan ng relasyon nyo…di ko kayang sabihing masyado pang maaga para sa pag-aasawa…kilala kita eh! masyado kang responsible..lahat ng bagay pinag-iisipan, lahat dinadaan sa pagdarasal..i know sya ang God’s will mo.

ang dati kung partner in crime, ang tinuring na kapatid, ang autistic na klasmeyt, ang siraulong orgmate..mag-aasawa na?…haays! o cge na nga..naiingigit ako, kasi naman nahanap mo na sya…haha

at para kay ms. B (oo, mr and ms. B tawag ko sa kanila), im so happy for both of you, alam mo na yon, kung wala si mr. B ikaw ang kinakausap ko, nilalabasan ng sama ng loob, at sobrang na-aappreciate ko yon, promise! alam nyo naman ako ang pinaka-isip bata sa grupo…well, ako ang pinaka-maliit kaya asahan nyo yon..hehe..saka minsan lang akong may kakilalang mas nagiging close ni girlfriend ang mga friend ni bf… lahat ng lakaran wala kang problema, bakit ang bait mo?..hehehe, mantakin mong naintindihan mo ang ugali ni autistic..hehe, joke lang… ok, seryoso, sayo ko lang nakita kung paano natuliro si mr. B, dati isa sya sa pinaka-seryosong estudyanteng nakilala ko, pero isang pagtatampo mo lang, kaya nyang mag-cutting classes, o ha! sa pinaka-mahirap pang subject namin.

kaya wishing you happiness sa bagong stage na aakyatin nyo…ninang ako ng first baby, dahil kung hindi di ko kayo bati!..hehe, magtatampo lang pala ako… sabihin mo lang pag inaway ka nya, sasapakin ko sya..pero sa tingin ko di na aabutin sa ganung sitwasyon…masyado kang mahal nun..

i missed home

i missed home

normal na eksena sa bahay pag kumpleto ang pamilya habang kumakain.

tatay: musta ang trabaho ‘nak?
ako: ok lang po.
tatay: di ka ba talaga nahihirapan na nasa malayo ka?
ako: ok lang po talaga. (sabay chika sa buhay trabaho, tsismis lahat..hehe)
tatay: ah!

Sabay hirit..

Tatay: o may boyfriend ka na ba?

Tapos, tinginin ang apat kung kapatid na mga lalaki, parang nag-uusap silang lahat sa pamamagitan ng mental telepathy… at dahan-dahan mag ngingitian..waah! alam ko na ang susunod.

Kapatid # 3: ate, manliligaw nalang ako ng lalake tapos bigay ko sayo.
ako: di pa ako nakakita ng boyfriend for sale, may alam ka?
Kuya: uy! Musta daw sabi ng brod ko. ( o ha! Sabay-sabay silang mang-aasar na parang kahindik-hindik na hanggang ngayon wala parin akong madalang lalake sa bahay).
Kapatid #4: ngisi lang.
Kapatid# 5: liligawan ko na crush ko…haha (magaling si bunso, kakampi kami, alam na alam kunin ang spotlight sakin..hehe)
Kuya: ang tagal naman, akala ko ba niligawan mo na.
Ngite lang si bunso, tingin sakin..alam ko na..may hihingin na naman..haays! ate nga naman…hahaha

Si nanay naman, ngiti lang..no comment..sanay na.

Tatay: anak naman baka matandang dalaga ang labas mo nyan.(matandang dalaga naba ang 23?)..ang tatay ko talaga ang di tumitigil sa pang-aasar…mula ng pumasok ako sa kolehiyo, unang sasabihin pag tatawag, anak, may boyfriend ka na ba?..walang magawa ang lola kundi sumagot ng, wala pa akong ipon pambili ng boyfriend.

Titigil lang ang lahat pag humirit si kapatid #4.

Kapatid #4: walang beer?.

Hurray! Lahat mag-aagree..wahaha, kami-kami lang naman nag-iinuman..dalawa ang hahawak ng gitara, minsan palitan, kantahan mula sa panahon ng tatay ko hanggang sa mga trip naming kanta ngayon…walang basagan ng trip ang gustong sumayaw pwede..si nanay, ayon taga-gastos.. nakikinig lang sa mg kwentong kalokohan ng mga anak pati asawa nya…hahaha

Hays! I missed home.
kung alam lang nila… sa kanila pa lang kuntento na ako, pwedeng sila lang ang mga lalake sa buhay ko, sabihin lang nila kaya kung maging diwata habambuhay para sa kanila..pahiramin lang nila ako ng mga anak nila pagdating ng panahon..enough na…

paru-parong ligaw

paru-parong ligaw

paru-parong ligaw wag mahalina sa mundo ko, may misteryo man ito
pero magkaiba tayo… ikaw ay araw at ako ay gabi.
pwede bang ako nalang ay magiging bituin sa oras na titingala ka sa langit,
at ikaw ay dadalawin ko nalang sa aking panaginip.

sa mundo ng may nakakahalinang bulaklak ka lang pwedeng mabuhay.
tulad kong sa kadiliman lang may kinang..
iba ka, iba ako..pero sana minsan ang mundo natin ay magtagpo.
maligaw ka sa takipsilim o ako ang dadalaw sa ganda ng madaling araw.

sabihin mo sa akin, kaya mo bang maglaho sa dilim?…
para lamang ako ay makasalamuha at iyong harapin?…
o ako na lang ang hihintayin mong lunurin ng liwanag?…
upang ang kagandahan mo ay aking masilayan…
—- Ravy

At kung pinayagan ng tadhana na tayo’y magtagpo
Hayaan mong ikaw ay maging akin at ako’y maging iyo
Limutin muna ang araw at dilim
Sapagkat ang pagtatagpo ng ating pag-ibig ang magbibigay lilim
sa araw man o dilim
—- Kuya Mizpah

tadhana ng paru-paro at ng alitaptap
ang hindi magtagpo kanilang pagliyag?
ang isa’y sa liwanag ay naghahagilap
at ang isa’y dilim lang ang nababanaag…

ngunit ang kapalaran,ginawan ng paraan
kasabay sa pagdadaop ng araw at buwan
nang maghalo ang dilim at saka liwanag
ang saglit na pagkikita’y walang katapusan.

—- Duking (a.k.a Kapitan hook)

_______________________________________________________________________

at eto naman ang version ni salbe, lio loco, kuya kulisap at vajee..

Paro-parung bukid na lilipad-lipad..
May payneta pa sya – uy!
May suklay pa man din – uy!
Aqua de-Ojetes ang palalabasin…
Haharap sa altar at mananalamin
At saka lalakad na pakendeng-kendeng

—- Salbe Salbehe

Paru-parong maharot, bakit biglang lumimot
Nektar ko’y iba na ang pumulot
Hindi ko ibig sa iba’y nais ipagdamot
Paru-parong ligaw..paru-parong ligaw…
Nektar ko’y….bakit mo sinimot
Magtira ka naman sa ibang, nais ding mabusog.

—– J.kulisap

paru-parong bukid na lilipad-lipad
bat sa pulot-pukyutan napadpad?
wala bang paru-parong may bayag
na kakantot nang tapat?

—– lio loco

Sa tulad kong mas maningning pa sa alitaptap ang pwet
Karamihan ng naaakit ay nagtatanong kung bakit
Mas mahalimuyak pa sa bulaklak ang alindog ng malande
Kitams, mapagpanggap ka ikaw ren naman ay makate.

—– Vajarl (a.k.a vajee)

hehehehe, thank you..may dalawang version na ang tula.
_______________________________________________________________________

hehe, di ko na kayang tapusin.. ibibigay ko nalang sa ibang makata ang pagtapos nito..cge go. kelangan ko bang mag bigay ng pangalan?….hmmmm, wag nalang…kung gusto mong sundan, gawa ka ng isang paragraph… basta sunod kay paru-parong ligaw… ok simulan na.

UPDATE: ayan na ang dalawang version na nagawa…. pili nalang kayo asan ang swak sa panlasa nyo…hahaha

Dear soulmate

Dear soulmate

pwede ko tong i-txt at pwede rin akong tumawag kaso dahil tinamaan ako ng katamaran, dito ko nalang isulat lahat ng gusto kung sabihin.

alam ko pareho tayong luka-luka, pareho din ang mga likaw ng isip natin, kaso mas matalino ka sakin…alam ko yon…haha, pinapatawa lang kita..medyo seryoso kasi ang sasabihin ko.

alam ko, sa likod ng tawa mo, sa likod ng mga salitang ok ka na, di mo na sya iisipin, masakit parin, narinig ko ang hikbi mo, yon pa lang alam ko kung gaano kasakit yon… alam ko sasabihin mo na namang mali iniisip ko, alam ko agad yon ang reaction mo, syempre kaw si denial queen…

friend, pareho tayo ng likaw ng bituka, at alam mo yon, paano ba aabot ang pagka-kaibigang ito na halos txt nalang at tawag ang communication… kasi soulmate tayo…hahaha, napag-usapan na natin yon, pwede ring sama na natin ang galing ng visayas para luzviminda friendship na ang drama natin.

ok, kaya ko lang naman sinulat to para ma-explain ko ng mabuti tong sasabihin ko.
ayokong sabihing mag move-on ka na, mahirap gawin yon… pero mas mahirap ang isusuggest ko, FORGIVE HIM…. kung wala syang pakialam, atleast patawarin mo sya, hayaan nalang natin sya… naisip ko kasing mas maganda na pagdating ng panahon if ever magkita ulit kayo, kaya mo na syang bigyan ng ngiti…. bigla akong bumaliktad diba?…mas galit pa nga yata ako sa lalaking yon kesa sa galit na meron ka, ayokong matabunan ng galit yang puso mo…hindi tama yon, sayang ang inosente de ti na puso mo…haha

pero totoo, walang ibang option kundi matutunang patawarin sya… isipin nalang natin na sya ay isang Octomeles sumatrana kayang-kayang maging isang higanteng puno pero pag pinutol kalahati ang shrinkage percentage… o ha! kalahati lang ang market value nya compare sayo… oo na, umandar na nman pag ka mean ko…. pero ganun naman talaga…

ihahanap nalang kita ng bagong irog…wahahaha, ay! wag nalang pala, aral na nga lang ulit tayo, share ko nalang ang magic para maging diwata ng kagubatan…

I’m just a call and txt away… pwedeng-pwede mo kung istorbohin kahit nasa kalagitnaan ako ng panaginip ko..hahaha

tara, lakad tayo

tara, lakad tayo

ilang beses ko na sigorong nasabi to, na isa sa mga bagay na namimiss ko ay yong panahon na naglalakad ako, yong hindi nagmamadali, yong walang hinahabol na oras at higit sa lahat maglalakad sa buhangin at damuhan.

tapos walang pakialam sa ibang dumadaan, kanya-kanya lang ng trip, isa sa madalas kung gawin ay kumain na naglalakad, sa probinsya madalas may binibentang inihaw na saging yon ang dala-dala ko papunta sa dalampasigan, dala-dala rin ang librong gustong basahin, pag masakit na ang mata…simulan na ulit maglakad, malagkit ang dala ng hanging dagat pero isa yon sa mga bagay na nasasabi kung nasa lugar ulit ako kung saan kaya kung maging bata ulit, maging totoo sa sarili.

ang maglakad sa buhangin ay isa sa mga bagay na madalas nating ginagawa pag gusto mong maging simple, gustong maramdaman na bahagi ka ng mundong walang komplikasyon, ang pag-apak sa lupa ay pagtanggap na tayong lahat ay may mga simpleng pangarap na madalas nalilimutan, natabunan na kasi ng ilaw at opurtunidad na umakyat. Wala namang masama sa pag-akyat lahat naman tayo yon ang gustong puntahan, pero minsan wag nating kalimutang minsan pala simpleng bagay lang ang nakakapag-pangiti satin.

nararamdaman mo ba yong lamig na dala sa paa ng mga damo o kaya buhangin? diba sarap sa pakiramdam, yong lamig na hatid na pwedeng magpagaan sa sakit ng ulo, samahan pa ng malamig na hangin.. ayon na lumutang na ko, gusto ko nang matulog…hahaha

timang

timang

May mga bagay akong nais gawin bago dumating sa edad na bente-tres.

1. Mag-lasing.
2. Mag-byahe ng mag-isa sa isang lugar na di ko pa napuntahan.
3. Manligaw ng lalake.

Napuno ng excitement ang katawan ko nung maisip ko ang mga yan, huling apat na-araw…yon lang ang oras ko… buo na sa isip ko na gagawin ko ang mga yan, pag-uwi ko dala-dala ko ang excitement..kaso pagkatapos kung maghapunan…. Nasagi ko ang favorite mug ko…BASAG….. naglaho lahat ng excitement sa katawan..bigla akong nakapag-isip.

Una, pwedeng-pwede kong gawin ang maglasing, in fact isa ako sa mga taong di nawawalang ng beer in can sa ref… yon nga lang depende sa oras…aabutin minsan ng isang buwan bago ko mainom yon..or else minsan din halos every week nag-cacrave ako na uminom pero pinaka-marami na ang dalawang lata. Di bawal sa pamilya naming ang uminom basta alam mo ang limitation mo. Nung maka-pag-isip ako, nakalimutan ko palang hanggang tatlo bote ng pilsen lang kaya ko, pag sumobra magkakapantal ako, ayoko naman yatang pumasok ng opisina na may pula-pula all over tha body. Plus dalawang araw lang ako sa bahay, gugustuhin ko bang magbyahe ng 9 hours na masakit ang ulo… I don’t think so.

Pangalawa, madalas naman akong magbyahe ng mag-isa, yon nga lang di pa ko lumampas ng Mindanao na nag-eexplore mag-isa..at may problema pa, kaya ba nang bulsa ko?..bili ko nalang ng libro..hehe

Pangatlo, eto sigoro ang highlight ng 22 years of existence pag ginawa ko to… manligaw ng lalaki, asan na pagkamanang ko?..pinalipad sa hangin..hahaha, actually exciting na nakakapanindig balahibo naiisip ko pa lang… kaso ang tanong? Papaniwalaan ba ko ng liligawan ko?..malamang hindi…hehe, maganda sana tong naisip ko, kahit isang araw lang, pero ang problema nga nasa sakin… kakayanin ko bang mabasted?… malamang buhok ko na naman pagdidiskitahan ko… well, kahit naman gusto ko narin ng super iksi na buhok, pero importante sa tatay ko na mahaba ang hair ng lola, yon lang naman hinihingi nya..kahit kaya ko naming suwayin ang gusto nya, di ko parin gagawin.

Ok, pagkatapos ng lahat, naisip ko, hawak ko nga ang lahat ng desisyon ko pero di ko kayang harapin ang mga epektong mangyayari sa paligid ko. It’s nice to think that once you’ll let go of your hung-ups, doing things you’ve never tried even for once and let go of the things you wanted to say. But in the end, you will be the one who would face the consequence.

Di ko kayang sakyan ang musikang ako ang may gawa, isa lang ang ibig sabihin nun..isa akong DUWAG.
At naisip kong isa pala talaga akong mahinang tao,parang mug lang madaling mabasag….. madalas tinatago ang sarili sa pagiging kuntento sa simpleng mga bagay. But getting-out of our shell takes time, di yon pwedeng pilitin, isipin mo nga yong itlog, kahit 21 days na, pag ayaw pang lumabas ng sisiw di mo pwedeng pilitin yon, dahil pwedeng mamatay ang sisiw, masyadong vulnerable ang sisiw if ikaw mismo ang kukuha ng balat kelangan sila ng masusing pagbabantay, kelangan i-incubate…ang tao pag walang a-alalay pwede rin itong mawala.

So nakita nyo na bakit di ko magawa ang mga pinag-sasabi ko sa taas..dahil isa akong mahinang tao.. oo aminado ako dun..di ko naman kinakaila ang pagiging mahina, kaya nga sigoro nag-eexist ako sa kakaibang mundo na to kasi kino-compensate nito ang kahinaang meron ako sa totoong mundo.

Ang tanging magagawa ko ay humiling… sana mapagbigyan ko ang sarili ko. Kahit isang hiling lang.

………………………..

Tsaraaaaaaaan! Wish granted… timang lang..hahaha

buo

buo

Kung may ibabahagi tayong parte sa ibang tao, di nating pwedeng ibigay ang bagay kung saan meron tayong kakulangan, kadalasan yon lang ding bagay na meron ka, di natin kayang ibigay ang natitirang parte na kinulang kasi paano ka pa?..pero may mga pagkakataong sabihin mang wala kang maibigay pero meron pa pala, akala mo said na ngunit may isang patak pang natira.

Minsan akala natin di tayo marunong magparaya, di natin pwedeng bitiwan ang isang bagay kasi ikakamatay mo, mawawalan ng kulay ang mundo, mawawala ang kunting liwanag na nagpapagalaw sayo.

Akala ko ganun, akala ko walang maganda sa dilim, may mga bagay na di kelangan ng mata, di kelangan ng liwanag para makita… kusang bubuo yon sa pagkatao mo, sasanib sa kaluluwang akala mo wala ng silbi. Sa dilim ang pag-iisa ay nakakatakot, nakakapangilabot kung iisipin, pero parte ng buhay na kelangang dumaan sa kadiliman, parte nito ang pag-iisa, ang pagbuo sa mga nawasak…. Akala mo di ka magiging buo?.. hindi?.. mali ka, pwedeng-pwede di kelangang ang ibang tao para punuan ang kakulangang nawala sayo…ikaw lang ang may hawak ng susi para mapunan ito.

Di natin kelangan ng tali para sabihin konektado ka sa taong importante sayo, mas maganda ang pagtanaw sa ibong malayang lumilipad kesa may tali ito diba?.. di natin kelangang lagyan ng tatak ang isang tao para sabihing pag-aari ang puso nito.

Mahirap magparaya, mahirap magpalaya, pero kung papalayain mo, sa panahong bumalik ito, magiging sayo ng buong-buo.

butterflysitter

butterflysitter

isa sa mga subject na nadaanan ko habang nag-aaral pa ay ang entomology (study of insect), magtatanong ka ba kong anong konek sa kinuha kong kurso?..meron yan, basta! pag may oras ako ipapaliwanag ko.

nasubukan kong mangolekta ng kanya-kanyang klase ng insekto sa bawat order ng class insecta…. pag may tanong ka ulit…. just consult mr. wike p. or mr. google, andun lahat promise!… di nagpapahalatang tamad lang magpaliwanag noh?..hehehe, kasi nga iba ang kwento ko, introduction lang to na di ko alam kung pano sisimulan kaya eto ang nangyari… ok..larga!

sa buong duration ng semester, dalawa ang pwede tawaging nakakatuwa pero may dalang pahirap samin. una, ang mangolekta nga nung sinabi ko sa itaas… mahirap manghuli ng bubuyog, akala nyo ha!. mahirap ding maghanap ng iba-ibang klase ng beetles o kaya lady bug… lalo na ang ipis, whoa!, pero dahil matalino daw ako, nakagawa ako ng paraan napakiusapan ko ang isang klasmyt na ihuli nya ko, at sya na ang mag preserved… yon nga lang walang libre sa mundo kelangan may kapalit, sabi ko o sige walking stick ang ipapalit ko, pumayag naman, at mabait nga daw ako pinapili ko pa sya sa tatlong nahuli ko… pero ang sama! yong pinakamalaki ang kinuha, insensitive! di man lang inisip na pakonswelo ko lang yon..haays!.

masaya manghuli ng butterfly at namroblema ako saan ako makakuha ng termites(di ko alam ano sa tagalog yon), nadiskubre ko lang na marami pala sa bahay ng isa naming prof. dun kasi nanghuli ang isa kong klasmyt nung gamitin nya ang termites bilang sample species sa kanyang thesis, kung effective ba ang “tubli” as insecticide. kung alam ko lang di hinakot ko na lahat ng klasmyt ko..libre sana ang pag harvest ng anay sa bahay nya (ayon! anay ang termites).

inabot kami ng ilang buwan bago makumpleto ang koleksyon na gusto ng mabait daw naming prof..hehe.

pero ang pangalawa ang masasabi kong binuhusan ko ng atensyon, kelangan naming mag-alaga ng isang insekto, o ha!, i-rerecord ang progress everyday. alam nyo na sigoro ang reaction namin….lahat namroblema at lahat natatawa, pero seryoso, yon ang gustong mangyari ni prof.

kaya ang siste, o cge walang choice, bahala na si batman. Pinili ko ang butterfly kasi akala ko madaling maghanap pero hindi!!!!!, saan ako maghahanap ng itlog ng paru-paro? maswerte kung may isang mabait na kuya-kuyahan na pwedeng magturo saan sila nanghuli dati, at dahil mabait din daw ako..may tumulong (ngisi)… pero pag wala, sariling sikap hijo at hija.

para lamang kaming mga timang sa paghahanap, halos isa-isahin ko ang dahon ng halaman na sinabi ng mabait na kuya..ayon! nakakita din ako..tatlo, binigay ko sa isang klasmyt ang isa at inuwi ko ang dalawa, nilagay ko sa kanya-kanyang garapon tapos tinakpan ng telang ginagamit sa pag-gawa ng insect net.

sala sa lamig at sala sa init ang mag-alaga ng paru-paro, in short, maarte. araw-araw kong binabantayan, kinakausap at minsan kinakantahan, para mabilis lumaki (pauso ko)

may oras na kung makakain ay parang katapusan na ng mundo at may panahon ding di man lang ginagalaw ang dala kong pasalubong na dahon..eto pa, ang butterfly (on larval stage), di sila kumakain ng ibang dahon, kung saan mo sila nakuha nung itlog pa, yon lang din ang pwede mong ipakain, so nakita nyo sigoro ang effort, araw-araw akong pumupunta sa mini-forest ng kolehiyong kinabibilangan ko para lang may pagkain sya…. walastik na pagmamahal sa insekto..

pagkatapos ng labing-limang araw, biglang di na gumalaw ang mga alaga ko, akala ko patay na, nag-iba din ang kulay tapos may mga malalagkit na parang langis ang lumalabas galing sa katawan nila…saka ko lang nalaman na yon pala ang magiging pambalot sa kanya para sa chrysalis period (pupa). dito wala kang gagawin kundi maghintay, labing-limang araw din na pamamahinga.. tapos tsaraaaaan! butterfly na sila… pero………

di ko pala sila nakita nung lumabas as full grown adult butterfly.. at mali ako, yong isa pala ay moth..hehe, malay ko ba….akala ko lang kasi mas maliit na butterfly yong isa…. kaya madaming namamatay sa maling akala..hahahaha

bakit ba di ko nakita ang paglabas ng mga alaga ko?..may fieldtrip kami, inihabilin ko lang sila sa roommate ko, at pagdating ko patay na sila, ang saklap no? di kasi alam ni roommate if papalabasin sa garapon o kaya anong ipapakain sa kanila, ako din pala di alam ano ang kakainin nila except flower nectars.

pero dahil ang mangyayari naman talaga ay papatayin din sila, at i-preserved para maipasa, kasama lahat ng records at lahat-lahat na konektado sa buhay pagpapalaki sa kanila… kay tinanggap ko nalang.

yon nga lang…

di ko naipasa…toinks!

matapos ang paghihirap, di rin naipasa, ang resulta… nakaluhod ang grado ko, buti nga di butterfly (as in tres)…hahahaha

at yong title, oo na..aamin na, gawa-gawa ko lang ang term na yan, nag-ala genius ako, may babysitter naman kaya palusotin nyo na ang butterflysitter ko….. hahahahaha, mwuah!…..

tadhanang walang laban

tadhanang walang laban

Minsan may mga panahong kahit ayaw mong makorner sa isang sitwasyong ni sa hinagap ay di mo maiisip na pagdadaraanan, wala kang magagawa kundi harapin, pag tadhana na ang gumawa ng paraan para isayaw mo ang isang tugtog na iniiwasan.. madalas unang reaksyon ay makipagpatintero pa kung mahuhuli ka ba nya o makakahanap ka nang ibang daan para di mahagip ng kanyang uber liksing galaw.

Pag ganun, madalas hinihiling nalang natin na sanay imahinasyon na lang ang magpapagalaw ng lahat, na sana may isang anghel na tutulong para biglang maglaho, na sana di ka nalang tao..o di kaya ikaw ay isang super galing na super hero.

Masarap isipin na ang isang sitwasyon ay kayang paikotin sa galaw ng mga daliri, na hawak mo ang mga pangyayari pero pag ang lahat ay lumihis na sa mga kanya-kanya nating nota, wala na… pati sarili mo di mo narin alam ano ang tamang timpla.

Tulad din yang nga mga pumapag-ibig, may nag-iiwasan, may dumededma at meron ding naghahabol.. damubs kung damubs kako nga ng iba, pero magpilitan man tayo o kaya sadyain mang padala sa hanging dala nito, di parin natin madidiktahan ang puso ng tao. Eto na yata ang pinaka-kumplikadong salita na nakilala ko.. PAG-IBIG.

Kahit anong pilit, kahit anong hila..WALA, pag tinamaan walang kawala.

Kanya-kanya tayo nang paraan paano harapin ito, isarado man ang lahat ng pintuan at bintana, wala parin tayong magagawa… para itong hangin, lulusot at lulusot parin, yon nga lang di rin maiwasang di ito katakutan… madami ang di nakilala ang sarili pag natikman na ang tamis nito at marami din ang nakakalimutan ang halaga ng sarili pag nasubukan ang pait nito… isang maliit na apdo na pag pumutok buong sistema mo papait… di man magdidilim pero ang mantsa ay makikita sa agos ng luha..sa pait ng salita at sa pilit na ngiting pinapakawala.

Pero masarap paring umibig, kahit simpleng ngiti kayang tabunan ang masasakit na sandali, masarap paring maglakad ng palutang kahit walang kasigurohan at masarap maging tulad ng ulan, ang walang takot na pagkahulog sa isang sitwasyon di mo alam ano ang patutungohan, kung maisasama ka ba sa daloy ng may kaligayahan o kabaliktaran…. Ang higit na mahalaga ang puso mo di nagsasawang magbigay ng di kaya ng iba…dahil simple man ang meron ka, mamahalin ka kung ano ka, nang buong pagpapahalaga.

_________________________________________________________

para to sa pasiklaban ni kuya kulisap..bahala na kayo pano intindihin yang pinag-susulat ko…hahahaha

pinalitan ko ang title..wala lang…wa pakels!

pinalitan ko ang title..wala lang…wa pakels!

Sa sanlibutang may kanya-kanyang mithiin, lahat may sariling oras na sinusunod, panahong ibinukod, batas na pinapatakbo at may prinsipyong ayaw isuko.

Ang pagmamahal sa sarili ay pwedeng idaan sa pananahaimik, ipaglaban ang hinahangad at pwede ring mabigo dahil sa desisyong isinuko, marami ang mata na nakatutok para manghusga, nasa bawat isa lang kung paano ito dadalhin. Kung kayang sumayaw sa ilaw na itinutok o magpagapi sa musikang ibinulong sa likod. Kung ang sarili ay naipatong sa pedestal na paniniwala, mag-ingat dahil ganun din ang katumbas pag ito’y naibaba sa lupa.

Ang puso mo ba ay kaya ng mabigo?

Dahil ang sukatan ng totoong pag-ibig ay pag-inda sa sakit, paglunok sa tinatagong kahinaan at ang pagsuko sa lakas na inipon ng kabuoan.

Pag-ibig ang syang humubog sa tao, ang dahilan bakit may natitirang pag-asa ang nalugmok na mamamayan at ang dahilan bakit may tumatayo dahil sa kahirapan. Ngunit pag-ibig din ang dahilan bakit lahat tayo dumadaan sa isang kabiguan.

Kakambal ng ngiti ang luha, kakambal ng saya ang lungkot at kakambal ng pagkadurog ang pagiging buo.

Bawat tao may sariling konsepto , paraan ng paghayag at kanya-kanyang landas sa paghahanap ng tamang daan patungo sa tawag ng pag-ibig.

Ngunit minsan sa layo ng tinatanaw natin, lumagpas na pala tayo, minsan hawak na nga ang manibela di pa nakikita.

Mapaglinlang ang mithiin ng tao, masyadong mataas na minsan ang mga simpleng bagay at sandali na dapat pagtuonan ng pansin ay binabalewala, saka pa malalaman kung wala na.

Di ko masasabing may perpekto o dalisay na pag-ibig na kayang ibigay ng tao… di ko rin alam kung totoo nga na may mahikang dala ang pag-ibig, dahil ang tanging alam ko na pag nagmahal ito ay tinatawag na simpleng pag-ibig.

Simpleng pag-ibig na dati ng nakatago sa bawat puso, bawat karanasan ay nagpapatibay para hatakin at ipakitang may kanya-kanyang paraan ang tao sa pagtuklas sa misteryo nito para palayain at maibahagi sa iba at sa karapat-dapat na kambal ng pintig nito.

______________________________________________________________
pag-ibig na naman?..hehehe, eto ang orihinal na ginawa ko para sa pakontest ni kuya kulisap, o ha! adik lang..tapos nagbago ang isip at tumipa ulit… dahil andito narin lang sya sa draft section..bakit di ko i-poposte diba?..

pero ang totoo, tinatamad akong mag-update, tinatamad na akong magkwento, kahit nga magtxt di ko na yata magawa..kulang ako sa pahinga.. at gusto kong matulog ng matulog nalang..bow!

ang di matigil na pagnanasa ng tao sa kasigorohan

ang di matigil na pagnanasa ng tao sa kasigorohan

Minsan ang maliliit na usapan , di natin a-akalaing yon pa pala ang kapupulutan ng aral, tulad kahapon, simpleng palitan ng salita, mga reklamo sa buhay mag-asawa ng ka-opisina..dahil dalawa lang kaming matuturing na soltero at soltera, tahimik lang kaming nakikinig.

Pero biglang humirit si kuya soltero, sabi lang naman “why is it that humans always ask for something that we can’t have? why is it that we can’t be contented on what we have right now?”…

At lahat kami napaisip.

sa totoo lang kung susumahin, dalawang bagay lang naman ang kelangan ng tao para mabuhay.

Una, FOOD… di kayang mabuhay ng tao kung walang pagkain, kung tatanungin mo ko bakit nauso pa na kumain ang tao? Pasensya dahil di kita masasagot dahil ako mismo mamatay na walang pagkain.. alam kung alam mo ang sagot, wag kang paka-ipokrito na di mo alam dahil kahit sanggol iiyak pag walang laman ang tiyan.

Pangalawa, RELATIONSHIP…. It comprises love and everything that humans ask for such as affection and other terms synonymous for love. Eto yong nag-papagalaw satin, ang dahilan bakit may nagsisikap para makakain, para matanggap, dahil di pwedeng mabuhay ang tao na walang kasama, na walang kausap. Totoo diba?..yan din ang dahilan bakit tayo nagkalat sa mundong eto, para di maumay at maburyong kakupo sa opisina..see? kahit sa mga simpleng sandali naghahanap tayo ng kaparehong tao nangagailangan ng presensya natin.

Ang punto de bista lang naman ng posteng ito ay sabihing napakaswerte mo, napakswerte ko at napakswerte pa nating lahat na may kinakain tayo, may taong nagpapahalaga satin… bakit? Dahil may ibang bansa na di man lang naranasan kumain ng matino, di naranasan ang tahimik na buhay…. Baka kako di mo alam, sa HAITI kumakain na sila ng “BAKED MUD”, sa SUDAN araw-araw lugaw lang ang naibibigay sa kanila dahil sa dami nila, yon lang ang kaya para masustain ang survival nila, maswerte pa sila dahil pagkain pa yon kesa putik ang laman ng tiyan.

Sa paghahanap ng tao ng higit sa meron sya, di natin nakikita ang kahalagahan ng simpleng meron tayo, kahit nga ngiti minsan di mo na nakikita ang halaga, pero pano pag nasa kalagayan ka ng mga tao sa bansang sinabi ko sa taas, may halaga pa nga ba ang ngiti? Kung araw-araw ang tanging nasa-isip ay makakain para mairaos ang araw na to?

Kaya anuman ang nararamdaman mo, maswerte parin tayo, lalo na pag nabasa mo pa eto, ibig sabihin sobra ang meron ka dahil may pang-internet ka, at naka-upo ka lang at naghahanap ng matinong mabasa.

CIAO, baby!..mwuah!

hotaro

hotaro

ang galaw ng daliri sa pagtipa minsan di mo na malalaman kung isip mo pa ang nagpapagalaw nito, ikaw nga ba o ang isang katauhan mo, oo dalawa ang katauhan ko, nilikha ang isa, at ang isa ay ako.

si aninipot na lumilipad at si hotaro na nabubuhay sa reyalidad.

masarap mabuhay sa pantasya lalo na pag lumilipad ka, lutang…. lumulutang sa kadiliman, dahil dala ang ilaw di takot lagpasan ang mundong hinabi sa imahinasyon.

ang isa nalunod sa reyalidad, natatakot lumampas sa limitasyon dahil alam nya ang importansya ng konsiderasyon, malawak ang mundong ginagalawan pero maliit lang ang pinupuntahan.. dahil di nya pa kayang lumipad, andun pa ang takot na mawala at malugmok sa kadiliman.

aninipot, pwede bang hiramin ni hotaro ang lakas ng yong loob?, pwede bang pansamantalang pahiramin mo sya ng yong mga pakpak?… malay mo matututo sya.

aninipot, ibalato mo nalang ang tawa mo kay hotaro, na sana pag-uwi nya andun palage ang ngiti sa labi, na sana bago ipikit ang mga mata, ilaw mo ang makikita.

bukas pagmulat ng mga mata pakiusap sana kayong dalawa ay mapag-isa.

———————————————————————————

soulmate, help!..lukring na naman ako oh!
pero alam ko maiintindihan mo ko diba?
pareho tayo kaya wag nang magreklamo.
pag nabasa mo to, pakibatok na lang ako.
sampal na salita pala kelangan ko..
wala lang.. may sign na dumating.
tuloy ko na pangarap ko.
balik na ang dating hotaro, promise!
last na to, pag naulit ulit, huling beses ulit!
hahahaha

bulaklak ng ulan

bulaklak ng ulan

bumubuhos na naman ang langit

ngunit ito’y sagot sa aking panaginip.

lamig man ay babalot

ngunit ito’y papawi sa aking lungkot.

puso kong naging bato ay dahan-dahang tinatanggal ang yelo

sa lamig na sagad hangang buto

puso ko ay pumi-pito.

habang ina-antay ko ang nilalang na ang kariktan ay

paparam sa lupang kinatatayuan.

o, bulaklak ng ulan, ikaw ay kinasasabikan,

nitong pusong luhaan ngunit abot-langit ang pag-asam

na ikaw ay masilayan, bago man lang mawala sa karimlan.

_______________________________________

BOW!
wala lang, eto ako eh! gumagawa ng entry ng di alam kong bakit
basta! gusto ko lang..walang magawa..hahahaha

oil pastel

oil pastel

kahapon, habang naglalakad-lakad sa pinakamalapit na mall, bigla akong napunta dun sa mga school supplies, di ko alam kung bakit tapos bigla akong nakakita ng oil pastel, may gayuma yata ito kasi hinatak talaga ako palapit. wala nagpadala ako..kumuha ako ng isa saka naghanap ng bond papers na 50 sheets lang saka diretso sa counter…walastik..ganyan ako ka impulsive buyer…hahaha

pero sa totoo lang nung unang linggo pa ako naghahanap ng pang kulay na to, medyo matagal narin akong di nakahawak nito, first year college during humanities class… oo nagdadrawing ako, dati nung nasa elementarya at hayscul, pero di magaling… napipilitan lang akong galingan dahil sa kuya ko, yon sigoro ang mangyayari pag naging anino ka ng magaling na kuya.. kahit wala kang talent kelangan mong mag-magaling kasi nasa lahi daw..toinks lang…

pero dahil nga tinamaan ako ng hanging puti, nakahanap ako ng bagong pagkaka-abalahan…ayan, yan ang resulta ng pagkuskos ng oil pastel…

nagpaparaktis pa ako kaya wag okrayin… ang mang-ookray, ipapakulam ko!..wahahahaha

paru-parong di naligaw..tsaraaan!!!!!

eto pa… mangroves yan… dyan kasi madalas nakikita ang mga aninipot, bagong tanim kaya maliliit…hehehehe

sya nga pala..di daw dapat nag-eexplain ang artist sa gawa nya..kaya bahala ka na…. anyeong!!!!

bangkang walang direksyon

bangkang walang direksyon

sakay na naman ng bangka, di alam kung sa pagdaong bababa sa pangpang, o tatanawin ko nalang ang daungan habang nakaupo at dinuduyan ng tubig ang sinasakyan.

sa pagdungaw sa mahinang umaagos na tubig, nakaharap ko ang mukhang di ko mabigyan ng pangalan, may kislap pa ba ang mga mata o ang kislap na nakikita ay repleksyong dala ng sikat ng araw…

ang mga bulaklak ba ay dagdag sa kagandahan ng paligid o ako ay naligaw lang sa mundong mapayapa?,may takot akong malaman na ang pagsayaw nila ay hindi para batiin ako kundi para sabihing di ka kelangan sa mundong ginagalawan ko. Ang hangin ba ay umiihip para magdala ng kaginhawaan o ito’y damdaming malamig na bumabalot ngayon sa dibdib?

sa panahong wala akong direksyon, magpapalutang nalang ako..umaasang sa susunod na daungan may haligi nang hahawak ng tali sa bangkang sinasakyan…. at kamay na handang umalalay pag binitiwan na ang sagwan habang dumadaong sa pangpang.

tama o mali?

tama o mali?

nakakalungkot isipin na sa isang maliit na parte ng pilipinas may mga tao na namang napilitan lisanin ang kanilang mga tahanan. dahil lang sa labanan kung sino ang tama at mali..

ano nga ba ang tama? yong nasa kanan dahil sinusunod nila ang batas na ginawa na para daw sa karamihan o yong nasa kaliwa na nasa mata ang katotohanan?

alin ang mas matimbang, ang ipaglaban ang tama dahil yon ang dikta ng propesyong ginagampanan o ang isa na ang pinaglalaban ay ang respeto at prinsipyong hinahawakan?

sa mga taong may pang-unawa, may kanya-kanyang opinyon na sinasabi, may nagbibigay ng opinyon dahil yon ang nakikita at naririnig, at meron ding nagbibigay ng boses dahil mas higit ang pang-unawa sa sitwasyon kesa sa mga nakikita lamang ng mga mata.

marami satin ang nagbibigay boses kung giyera na ang pinag-uusapan, tama! lahat tayo ayaw nito, dahil alam natin na walang panalo sa labanang baril ang naghuhusga, pero sino satin ang may karapatang magsalita na mali ang pinaglalaban ng kanya-kanyang panig.

paumanhin kung mas bibigyan ko ng boses ang nasa kaliwa.

lumaki ako sa probinsya, nasaksihan ko ang lungkot, takot at tulirong mukha nang mga taong napilitang lisanin ang tahanan at ang ikinabubuhay… mga mukhang nawalan ng pag-asa… kung ikaw nasa katayuan ko, ano ang iisipin mo?

mas madaling maniwala sa mga pinapalabas sa telebisyon, sa naririnig sa radyo o kaya sa mga nababasa sa dyaryo. mas madaling paniwalaan ang mga nakikita dahil di natin naranasan ang sitwasyong kinasusuongan nila. tayo bilang mga taong pwedeng sabihing edukado dahil naabot natin ang antas na makapag-aral sa mga unibersidad pero nauunawaan nga ba natin sila?

kung ikaw ay di man lang nabigyan ng tyansang makapag-aral, mapalayas sa lupang inugatan ng mga kanuno-an, at maging kabuoan ang salitang dukha, saan ka pupunta?..

kung nasilaw sa kislap ng syudad at umaasang giginhawa ngunit malalaman mo nalang na di ka pwedeng makisama sa mundong meron ang iba..saan ka pupunta?..madaling sabihing kasi di sila nagsikap, pero paano ka magsisikap kung sa simula pa lang wala ka nang lugar, OO may mga nagtatagumpay, at lubos kung hinahangaan ang mga taong iyon pero ilan lang ba sila, isa, dalawa, tatlo?.. di pa yata makukumpleto ang mga daliri sa dalawang kamay ko.. may mga taong di nabibigyan ng likas na talino pero madami ang nabibiyayaan ng pag-unawa sa konsepto ng sariling prinsipyo.. kung halos wala na sayo ang lahat, at may isang taong magpapaunawa sayong may maibabahagi ka, ang prinsipyo mo… anong gagawin mo?

di madali ang maglakbay kung kalahati ng paa mo ay itinuring nang tuwid at malamig.. di madali ang ipaglaban ang isang konseptong kasinliit ng palad mo kumpara sa mundo, pero bakit sila ganito?…dahil may nakikita silang di kayang maunawaan ng lahat.

at lubos kong kinalulungkot na ganito ang sitwasyon ngayon sa bayan na itinuring kung tahanan.

all by myself

all by myself

isa ako sa mga taong madalas di nagpapakita ng lungkot, piling-pili lang ang nakakakita pag tutulo ang luha, at madalas yong malalayong kaibigan pa ang pinapalabasan nito. pero ngayon aaminin ko, malungkot ako, sigoro dala ng dahilan nang di pagkatuloy ng pagdalaw ng mga magulang ko sa weekend, sinabayan pa na aalis ang dalawa kong housemate pauwi sa kanila, ang isa apat na araw sa Bukidnon at ang isa naman isang linggo sa Maynila.. ako?..naiwan.. tatlong araw na walang kasama ngayong weekend.

sa totoo lang, sanay naman akong nag-iisa pero pag ang sitwasyon ay parang ikaw ang maiiwan, sila ang aalis, ako andito lang.. malungkot…. pero di naman yong lungkot na nakakamatay, lungkot lang na parang gusto mong umuwi agad sa bahay nyo.. at kainin lahat ng gusto… at matulog.

pero di nga lahat ng panahon, aayon satin ang tadhana, pwede akong umuwi pero kelangan ko kaagad bumalik by tuesday may special meeting kaming inorganize.. tapos sayang naman ang Cagay-an Festival..first time kong i-celebrate ito at walang kasama, saklap.. :(

pero habang tinitipa ko to, napag-isip-isip ko na tinanggal ko na pala ang bitterness sa katawan, tapos na ang stage na yan sa buhay ko… tulad ng dati kahit nag-iisa di ko ipagdadamot ang ngiti ko sa iba, ano ngayon kong mag-isa lang akong manonood ng float parade, ano ngayon kong mag-isa lang akong pupunta para manood ng Pyro Festival… pwede naman akong maging masaya para sa sarili ko.

hingang malalim… ok na ako, promise! nakangiti na :)

sa mga oras na walang kasama..magdodrowing nalang ako..hahaha, tulad nito..tsaraaan!

masaya lang ako..bow!

masaya lang ako..bow!

Masaya ako ngayon…. Weeeh! Di nga.. kung ayaw mong maniwala di wag! Di sasakit ang tagiliran ko ..tse!

Basta!..bakit ako masaya?..mababaw lahat ng dahilan..

• May kasama ako sa sabado para gumala

• Ikakasala ang closest friend ko na guy nung college sa mabait nyang girlfriend… si Mr. B and Ms. B..sa sept. 18 na..yehaa!

• Dahil ikakasal sila, tutulong ako sa preparation..kahit buong maghapon pa akong tatawag sa mga hotel dito para makahanap kami ng ibang options for the venue..gagawin ko.

Kaso may tatlo akong problema..hehehe

• Di ko alam ang regalo na ibibigay ko sa kanila.

• Wala pa akong damit for their wedding, maarte ako, gusto kong ako ang gagawa ng damit ko.. kaso kulang sa time.

• Ikakasal na sila tapos ako hanggang ngayon NBSB parin..hahahaha (ginawa ko syang problema, bakit ba?, masaya lang magbulgar ng bagay ayaw paniwalaan ng iba).

Yon lang…bow! :D
eto pa pala… OO, walang kwenta ang post ko… eh ano ngayon..supladita ako…bleh!

adventure ang mis adventure on mt. hibok-hibok

adventure ang mis adventure on mt. hibok-hibok

ang huling totoong mountain climbing adventure ko ay taong 2007 pa, sa mt. hibok-hibok sa Camiguin island, wala sa plano ang pag-akyat isang biglaang desisyon lang ng prof. namin, since andun narin lang kami bakit daw di isama sa pag conquer ang pinakamataas ng parte ng camiguin..inikot namin lahat ng tourist spot, at saan ang kadalasan samin nakasakay habang iniikot eto?..hulaan mo muna..hehehe, nasa topload ng dyip…mga adik lahat.. mas masaya promise! yon nga lang lahat kayo masusunog sa init ng araw.

ang problema, umakyat kami ng walang paghahanda, mahirap sa parte ko, sanay akong maglakad kahit maghapon pero hindi sa lakaran na halos 90 degreess ang terrain, pero dahil mayayabang kami ayon, walang atrasan.

isa sa mga kakalase ko ang nagtanong sa guide namin kung ilang oras ang aabutin pag inakyat, medyo mataas narin kasi more or less around 1,300 meter above sea level. sagot ng guide mga 5 hours daw ang aabutin dahil mga estudyante kami… weeh! nahamon ang mga kasama ko, di kasi alam ng guide na mostly mga halos propesyonal na tag-akyat ng bundok talaga ang mga classmate namin, hindi lahat pero halos kalahati..at dahil nga mga mayayabang na estudyanteng manggugubat, nakipag-pustahan ang mga kasama ko na lahat kami makaka-akyat in less than 3 hours..waaah! ang nasa isip ko,gusto kong sapakin yong mga kasama ko..napressure ako, halos kaming lahat na mga babae, pero sabi nila kaya, ang mga babaeng kasama namin mga lalaki yan, di lang halata! mga pasaway talaga!

ayon! armado ng tig-isang litro ng tubig at pang-agahan, di kami kumain kasi kinapos sa oras, sa tuktok nalang daw kumain, ako may extra na tsokolate, automatic na may dala ako kahit saang bundok pa mapunta.

ang sabi alas kwatro dapat andun na kami sa meeting place pero alas-singko na ng umaga nagsimula sa paglalakad…. unang phase, wala lang, ordinaryong paglalakad, kantahan tawanan at kantyawan kung sinong grupo ang mauunang maka-abot sa tuktok, pero my golly sa kalahati, mga batong malalaki ang nakaharap, di yata mountain climbing ang gagawin namin, rock climbing na eto..hahaha

pero pagdating namin sa pangalawang phase..dalawang babae ang umayaw, ayaw na, pagod na… safe naman daw na dun sila sabi ng guide na dun lang sila maghintay kaya ok lang..tuloy ang grupo..nalagasan kami ng dalawa.. bale tatlumpo’t dalawa kami, sampung babae at dalawampu’t dalawang lalake… di kasama ang guide at prof. namin.

view on the other side of hibok-hibok

sa ikalawang parte..kanya-kanya na kami, sabi nung guide, sariling pace ang susundan, wag magmadali, pero dyos ko po, nakipagpustahan kami, target namin di aabot sa tatlong oras andun lahat…. kanya-kanyang titigan sa mga kasamahan, kahit isa walang magpapatalo, kahit ako ayaw ko ding matalo sa bet.. tuloy ang pag-akyat, medyo foggy at basa na kami.

isa sa nakakainis sa guide pag tinatanong namin if malapit na sasabihin lang five-minutes na lang. binilang ko kung ilang five minutes yon, lampas sampu, pagkatapos sa sampung daliri ko, di ko na binilang, ang sakin lang maabot ang tuktok, pagod na ko, every five minutes humihinto ako para magpahinga.. ang nakakatawa, di ko na mahanap ang mag kasama ko, sinusundan ko lang ang trail at mga boses nila… buti may isa akong naabutan,, nagpapahinga lang din..kaya sya ang kasabay ko pagdating sa tuktok.

pitcher plant on the peak of mt. Hibok-hibok

ayan, pitcher plant yan ang marami sa tuktok tapos black berries na di ko alam kung paano i-describe ang lasa, may tamis na asim at pait na kunti..hehe, tinikman ko, sabi naman kasi ng guide pwede daw kainin, tumitikim nga ako ng dahon, yon pa na may nakakabit na berry sa pangalan..hahahaha

at tungkol sa pustahan, yehaa! panalo kami, pang-lima ako sa mga naakyat, inakyat ko sya ng dalawang oras at sampung minuto.. o ha! ok na yon.. lahat ng nagpatuloy umabot ng less than 3 hours.. wala lang masayang umabot sa taas sa sariling pagsisikap. at wag kalimutang magpasalamat sa taong tumulong at nagbigay ng kamay para maakyat sa mahihirap na parte.

scenic view from white island

lesson learned:

pag-sinabi ng guide na lahat naka hiking shoes, pants, at walang sleeveless, please lang makinig..hahaha, dahil ako pagkatapos umakyat.. punong-puno ng sugat, may excuse lang kasi unexpected ang pag-akyat, alangan namang mag-maong ako, hindi komportable at wala akong dalang hiking shoes… haller! feeling bakasyunista ako at halos lahat ng dala ko short pants lang…at naka tsinelas lang ako..yong ordinaryong tsinelas na pwedeng mabili sa palengke ng tig 35 pesos.

at eto pa, baliw lang ang puno ng sugat na didiretso sa dagat, pero dahil lukring ako, ayon lumusong ako..hahaha, eh! sayang ang white isalnd adventure.. ayon pagkatapak sa dagat, talagang sumigaw,,hahahaha

trivia:

saming mga manggugubat pag may nakita kaming maraming pitcher plant..isa lang ang ibig sabihin nun..maraming mineral deposit sa area..depende lang yon kung saan…sa mt. hibok-hibok, syempre sulfur ang marami, bulkan eh! hehe, at di yon alam nung housemate kong geologist..o ha! iba ang alam nyang plant indicator for heavy mineral deposits, at di ko rin alam yon..wahahahaha

future plans:

aakyatin ang Mt. Apo by 2011, my fingers are crossed sana di mabulilyaso, pero sa ngayon. Mt. Malindang muna by october..excited na ko… syempre ang mga kasama, pareho lang din sa mga naging kasama sa hibok-hibok pero mas kunti at yong totoong close ko.

well, sobrang haba na..kay babayu…. mwuah!

musika ni tatay

musika ni tatay

tanda ko, lumaki akong kasama na yata ang musika sa lahat ng okasyon, musika sa saliw ng gitara ng tatay, tuwing naalala ko sya, ang larawang nakikita ko sa isip ko ay may hawak syang gitara.. kumakanta.

mahalagang bagay sa kanya ang gitara, yan ang dahilan bakit nagkalapit sila ni nanay, at sya mismo ang nagturo sa nanay ko na tumugtog nito, kaya sigoro lahat din kami ginustong matutong tumugtog.

dose anyos ako nung magkainteres akong mag-praktis, tanda ko pano ako pagtawanan ng mga kapatid ko pag kinakaskas ko na ang gitara ni tatay, pero si tatay madalas ang sinasabi,

“kantahan mo kasi para di ka mawala”, sabay hirit na nasa magkabilang baryo daw ang tono ng boses ko at ang tono ng gitara… pero ako walang pakialam..basta tutogtog ako.

pero madalas nagagamit talaga ang gitara ni tatay pag may birthday ang malapit na kaibigan at kamag-anak, kami yong sanay kumanta ng madaling araw para sa may b-day, Mañanita ang tawag samin nun… o kaya harana sa madaling araw.

pero mas higit na masaya tuwing kaarawan ng isa saming magkakapatid, magigising kaming kinakantahan ni tatay ng “brown eyes” at “how beautiful is the morning”.. tapos may blending pa ni nanay at ng kuya ko..kakamiss!

bukas, ika apatnaput-walong kaarawan ni tatay, alam ko hahawak ulit sya ng gitara kahit may videoke naman, dahil alam kong may dalang ala-ala ang pagtugtog nito, mga pangyayaring di matutumbasan ng iba..yong kantahan pag walang kuryente, kantahan sa tabing dagat tuwing hapon at yong pakontest na pauwi ng bahay habang bitbit ang kanya-kanyang dalang gitara.

mahaba pa ang panahon, sa susunod ako naman ang kakanta ng “brown eyes” at “how beautiful is the morning” para kay tatay.

ulalo

ulalo

hayaan mo akong gumapang,
ito’y parte ng buhay na kinagisnan.

hayaan mo akong masaktan,
may kapalit ang sakripisyong ginagampanan.

hayaan mo silang ako’y kaawaan,
balang araw ako’y kanilang hahangaan.

mahirap ang gumapang,
mahirap na ikapit ang kabuoan.

pero sige lang, bukas,
sa pagbabago ng anyo,
sa pagsibol ng pakpak,
lahat ay makikibahagi sa kampay
ng paglipad.

manggugubat

manggugubat

isa sa pinaka-mahirap na parte ng pagiging mangugubat ay ang pag-papaunawa sa ibang tao bakit mo pinili ang propesyong lihis sa uso, walang kaunlaran at higit sa lahat di alam kong saan ang patutungohan, aminin mo, nung malaman mong isa akong mangugubat nagtataka ka diba? bakit may taong pinili ang magtrabaho na ang pag-aaralan ay ang kagubatan, puno, halaman at kalikasan. Sa apat na nabanggit ko, alam ko ang tatatak lang sa isipan mo ay ang kalikasan, yon lang kasi ang may mabigat at positibong ibig-sabihin.

Ang tao kasi nakakalimutan minsan na lahat nagsisimula sa isang maliit na bagay, minsan tinitingnan agad ang kabuoan, ang panghuhusga ay depende agad sa unang nakikita ng mata. Asan ang mali? Ang kakulangan nating unawain ang mga pangyayari, ang kakulangan nating himayin ang mga bagay-bagay at ang pagsusuri na may kasamang pang-uri.

Tulad din yan ng panghuhusgang natatanggap namin bilang isang kawani ng ahensya na puno na ng mantsa, paano mo bubuoin ang paninindigan na may malaki kang ginagampanan para sa iba kung sa una pa lang may mga humuhusga na? Pero bakit may mga tao paring piniling magsilbi sa mga ahensyang ito?..dahil may pera, may makukuhang kayamanan na dumadaan sa ilalim ng mesa?.. napakaduming larawan, pero wag nating kalimutang hindi lahat ng binalot sa itim na tela ay itim na, para lang yang malinis na tubig na nilagay sa isang basong di maaninag..iba ang kulay kaya di kita ang totoong kulay.

Nakakalungkot isipin na dahil lang sa ilan, apektado ang kabuoan, pero reyalidad nga diba? mahirap tanggapin, mahirap hawakan at akapin pero kailangang lunukin..

Isang hamon ang bawat araw na pagtatrabahong ang baon lang ay ideyalistikong kalinisan na sinaksak sa ulo mo ng kwadradong kwarto ng paaralan, aminado akong kinatatakutan ko na darating ang panahong maisasama ako sa bulok na kawani ng gobyerno, na darating ang panahon kakapitan din ng mga uod hanggang sa di na makilala ang sarili at naging uod narin.

Maganda sana kung uod na nagiging paru-paro, na sa pag-gapang at sakripisyo, pagdating ng araw may pakpak ding tutubo. Walang masama na pangarapin kung magkakaron din ng pagbabago, hindi lang naman sigoro ako ang naniniwala sa pag-asa ng pagbabago…

gusto ko, flower girl ako.

gusto ko, flower girl ako.

kwentong bridesmaid eto, pero pasensyahan tayo kung bali-baliktad ang pagkwento, alam nyo na, bangag na naman ang utak ng nagsalitype nito..hahaha

bridesmaid ako sa kasal, nung sabado..second time, kahit ayaw ko ng high heels, ayoko ng make-up pero dahil friend ang nakiusap o sige go!.. 1 week bago ang kasal saka pa lang ako nagpasukat para sa dress, syempre busy ang beauty ng lola nyo, pero kung titingnan sobrang lapit lang naman kung saan dapat ako magpapasukat…. oo na, tinamad lang naman pero naabot naman kaya ok na, di ko problema yon, problema ng modista…wahahaha

tapos nung sabado, kasalan na, mas namroblema ang groom kung kelan ako darating kase may pictorial ek-ek pa daw, tapos nung tawagan ako, kagigising lang, hahaha, nagpapasaway lang ako, huling lambing sa kaibigan bago sumabit sa buhay mag-asawa, mamroblema muna sya sakin bago sya magpatali.

at yon nga, make-up, tapos palit ng damit, dahil sobrang haba ng dress, naisip kong mag-tsinelas nalang kasi di nga kita..hehe, at yon nga ang nangyari, naka-tsinelas ang lola, nalaman lang nila after na ng kasal, sabi nga ni mr. B (the groom), kung alam ko lang na ganyan ka parin ka pasaway nilagay kita as flower girl, ang sagot ko naman, eh di sana flower girl nga ako, mas masaya, mas may karapatang magmalikot..hahaha

kung tatanungin ako, kung ano yong nangyari sa kasal..waaah! sobrang perfect para sakin, though maraming unexpected na nangyari, instead kasi sa garden ng beach resort, ayon umulan, lakas ng kulog at kidlat, madaming drama effect, kaya sa venue ng reception nalang ang ceremony, but it turns out to be simply perfect, highlight ang ceremony, tapos sobrang ganda ng boses nung kumanta, kung pwede nga lang ilagay sa bulsa para taga kanta ko bago matulog gagawin ko..hehe

ang cute pagmasdan yong reaction nung bride at groom, di mapalagay nung una kasi akala palpak ang mangyayari tapos nung magstart na makikita mo yong kaba, then yong tears of joy nung bride at pinipigilang luha nung groom.. tapos the first smile na ginawa nung groom nung sabihin na ang marriage vow…

sobrang observant ko no?, saksi kase talaga ako pano nagstart ang lovestory nila, ako yong hinihila ni mr. B sa paghahanap ng pasalubong kay ms. B everytime may fieldtrip kami, nakita ko pano magbitiw ng mga chessy line itong si mr. B kahit seryoso ang usapan namin, kung paano sya affected pag may mis-understanding, kaya di talaga pwedeng di ko masaksihan ang kasal nila..

at ang pinaka-gusto ko, halos lahat ng close friends ay present..kahit dalawang oras lang ang tulog, kahit pinagluto ko sila nung sunday, no probs, di mababayaran ang panahon na nagkita-kita kami ulit.. masaya na nung magkita-kita ulit parang di man lang kami nagkahiwa-hiwalay, masarap na may mapagsumbongan ng mga hinanakit at frustration, at kahit nalasing silang lahat, ok lang..hahahaha, ako ang mabaet, ako ang bunso kaya taga-kinig lang ako sa kanila..hehehe, nag-aalsa na ako ng sariling bangko.

o ano?, may naintindihan ka ba sa kwento ko?..di na i-iedit..diretso na to..wahahaha…mwuah!

alapaap

alapaap

panahon na sigoro na ikampay ko ang mga pakpak ko, tama na ang paghihintay, tama na ang pamamahinga. Ngayon sa bawat kampay dadalhin ko ang naipong lakas ng loob, sa paghakbang sa isang di kilalang kalawakan, nawa’y ang alapaap ay ngingiti upang ipabatid na ako ay pwedeng makipaglaro sa kanyang alagad na hangin at ulap.

sa paglipad, dadamhin ko ang lamig ng hangin, ang init ng araw at ang asul na langit, bubuksan ang puso para sa mga estrangherong manlalakbay at susubukang pagmasdan ang paligid habang tinatanaw ang lugar na gustong dapuan pagsapit ng takip-silim.

ako ngayon ay malayang ibon, lumilipad para sa sarili, diretso man ang tingin, ala-ala ng kahapon ang dadalhin, bilog parin ang mundo, umiikot parin ito, nawa’y sa pag-ikot ng panahon tayo muli ay magtagpo.

wag magulo, gumagawa ako ng malanding tula

wag magulo, gumagawa ako ng malanding tula

hoy, hijo bakit malamlam mga mata mo?
nakakita ka ba ng engkanto o nahalina sa kagandahang nasa harapan mo?

engkantadang bumubusilak sa lamparang walang kupas,
naghahanap ka ba ng kabiyak?

ngunit puso ng mamang nakatayo, sing tigas na ng bato,
ano ba naman ito?

wari ba’y puso ni Binibini naisahog na sa pulang karne,
lumapot at lumambot hanggang sa wala nang mapulot

haring araw naman, magtago ka na upang dilim ay babalot
at kalandian ay masimulan paakyat sa hagdan.

kung ang langit ay di pa nasusunog,
hahayaan ko ang sariling masunog sa titig mo irog

walastik na tula, sumasalabit sa mga taong walang sabit,
sing gulo ng utak ng taong bumubuo sa likod ng mga salitang ito.

manghihiram nalang ako ng termino mula sa kakaibang ebang ito,
bago masita ang inyong lingkod,
Bongga Jabongga, tae lang nakalimutan ko, wala pa akong sinisinta.

mwuah! Bow!

bughaw

bughaw

imortal daw ang kulay bughaw, pero paano kung dahan-dahan ka nang nalalagas, ibig-sabihin ba nito ikaw din ay dahan-dahang maglalaho?

paano na ang bukas?, may pwede bang pipigil sa paglayo, may isang nilalang ba na magpapanumbalik sa tikas ng pagkakatayo, paano pa ibabalik ang oras na di ka malalagas, pwede ko bang ihiling sa mga tala na wag ka nang mawala?

imortal na kulay, oras na gumagalaw paano mananatili sa isang lugar?

______________________________________________________________________________

hindi ko drowing ang nasa itaas, naiinggit lang ang kapatid ko nung makita ang oil pastel at sketch pad sa kwarto ko, ayon! nakialam at nagdrawing din, nagrequest ako ng rose, at ayan nga, blue rose na nalalagas..pasaway na kapatid!

aninipot

aninipot

Dumapo ako sa di kilalang mundo,
mundong di alam ang ritmo,
ilaw ko ay di alam kung kaya ka bang pakibagayan,
pero sige lang, andito naman tayo para matuto.

____________________________________________________________________

Hello world!!!!

unang title sa unang poste, di ko inedit, dahil nag hello naman talaga ako sa kwadradong mundo, araw ng kapanganakan ni aninipot, nabuo ng di iniisahan, nakibahagi sa buhay ng iba, nagsulat, nakipagdal-dalan at patuloy na lumilipad.

Kaibigan ng isa, kapatid ng dalawa, at maraming-marami pa.
Diwatang gala,prinsesa siamea, insektong may ilaw sa puwet, basta may pakpak na dumadapo sa kung saan-saan,
naki-bunggoang siko, naki-iyak, nakitawa at nakipaghabulan sa ilan.
Nagbahagi ng kwento, nagbasa, at patuloy na magbabasa.
Walang mukha sa karamihan, nagpakilala sa ilan at naging kaibigan.

Ibabalik ko, si aninipot ay simpleng mangugubat lamang, nakikipagtalakayan paminsan-minsan, at tamad kadalasan, wala lang, sabi ko nga binuo ko lang to dahil gusto kong magpakilala na laman lang ng ulo ang nakikita, sabi ko dati pa isa akong dakilang mambabasa, di taga-gawa ng maipabasa, ano mang kalokohan, ka-emohan at kung anu-ano lang na naisulat dito, maraming salamat sa pasensya, di na ko magbibigay ng especial mention kung sino-sino ang nakibahagi sa buhay ni aninipot, alam nyo na yon, baka may makalimutan pa ako at mag tampororot.

Isang lumilipad na halik para sa inyo, mwuaaaah!!!!

at isang hiling ng isang aninipot, _______________.

an attempt for a coffee painting

an attempt for a coffee painting

bangkang papel

tawagin nyo kung adik at aaminin ko na adik ako, hahaha, you see! di ko pa nga na master pag-gamit ng oil pastel at eto na agad napag tripan ko, ang pag-gamit ng kape bilang medium sa painting.

pag-pasensyahan, akala ko kasi madali, yon pala hindi, pagtimpla pa lang para makuha yong iba’t-ibang shades of brown naloka na ako… pero totoo, ikakarer ko to, nainspire ako ni Ms. Sunshine Plata, isang coffee painter na Filipina. Ang galing nya sobra, araw-araw kung binabalikan ang site nya para lang pagmasdan yong mga gawa nya.. at nangarap tuloy ako na sana maging kasing galing nya…haha

paru-parong ligaw

hindi maganda ang resulta ng unang mga gawa, pano nadisgrasya, nadikit sa papel na nilagay ko sa ibabaw, kasi naman natakot akong dapuan sya ng insekto o kaya kahit ano dahil nga masyadong mabango ang kape, toinks lang! ako nga ang nagsabi sa housemate ko na di sya lalanggamin kasi ako nga na tao naburyong sa aroma nya, langgam pa na sobrang liit..tapos kinagabihan tinakpan ko parin..

ang kagandahan lang sa ganitong hobby, una, may buhawi na pala sa lugar namin di ko pa alam, bakit?, nakalimutan ko ang oras sa kakatimpla ng kape, hehe, at pangalawa, dahil natuwa ang dalawa kung housemate sa ginagawa ko, ayon dinonate ang mga kape nila, perfect ang timing ko sa panahong nag-shift sila sa green tea. At napansin ko, magkaiba pala ang aroma ng nescafe classic at nescafe gold, malay ko ba, di naman ako nagkakape.

ang totoo, kaya lang naman ako nag-update para ipakita ang mga una ko daw na coffee paintings, dinaan ko nalang sa kwento kasi nga palpak..wahahahaha

bad news or good news?

bad news or good news?

hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, madidismaya kasi sira ang plano kung pag-uwi sa susunod na biyernes o kaya matutuwa kasi out of town ang Management Conference namin..haaays!

andito yong pakiramdam na sobrang excited na kasi ilang araw nalang makakauwi ako samin, sino ba naman ang di gustong umuwi, araw-araw tuwing lunch, sabay-sabay na magtxt ang mga kapatid ko na kakain na daw sila, na ganitong ulam ang niluto ni nanay o kaya ni tatay..waaa! sinong di maiinggit nun. kakamiss ang lutong bahay. kakamiss makipagkulitan sa mga kapatid.

pero sa kabilang banda, plastik naman if sasabihin kung di ako natuwa na sa Camiguin ang Conference, at nataon pa sa Lanzones Festival, kahapon lang yata nasabi kung gusto kung bumalik ng Camiguin, at sinong mag-aakala na sa susunod na linggo agad pupunta kami.

though, trabaho ang reason bakit dun kami, medyo ok narin na makawala sa apat na sulok ng opisina, at kahit alam ko mga tanders ang mga makakasama ko, ok parin yon, lahat nanay at tatay ko..hehehehe, pwedeng-pwede talaga akong mag-astang bata.

pero kung bibigyan ng pagkakataong may choice ako, mas gugustuhin kung umuwi, isa pa dalawang beses ko nang naikot ang Camiguin, at mas mabigat parin yong oras na kasama ang pamilya. haist sana may paraan na makauwi ako. pero if hindi, sa susunod na linggo nalang ulit, magwawala ako pag di ako nakauwi..hahaha.

aabutin ng tanaw

aabutin ng tanaw

abot tanaw ngunit di maabot ng kamay
kaya bang tawirin ang kunting distansya?
kung kaakibat naman nito ang pagbabago ng lahat.
pwedeng sumubok, pwedeng hindi.

may mga sandaling kayang bitiwan ng tao ang lahat maramdaman man lang ang isang lualhati, nakaw na sandali.

pero pilitin man, may isang di nakikitang pader na nakaharang.

hangang tanaw lang, hanggang panaginip lang,
dahil kung susubukan, pwedeng liparin ng hangin ang lahat.

may kaakibat na bigat sa balikat ang pipiliing desisyon,
pwedeng madali, pwede ring hindi.

sa pagtannggap sa sitwasyong ang hangganan ay di man lang pwedeng tawaging may masayang wakas ay isang hamon.

malay mo ang dangkal na pagitan ay magsisilbing ilaw para mabalanse ang dilim at liwanag sa bawat mundo.

hindi ikaw at lalong hindi ako ang may hawak para paglapitin ang tadhana.

sa ngayon, pwedeng ngiti ang magpupuno sa espasyong di mapag-abot ng kamay ngunit naabot naman ng tanaw.

__________________________________________________________________
subok ulit sa pag-guhit gamit ang kape, sana may improvement man lang kahit kunti…hehehe

batang walang sapatos

batang walang sapatos

halos araw-araw ko syang kasabayan na nag-aabang ng masakyan sa kanto tuwing umaga, ako jeep tapos sya naman ay motorela, simula nung hunyo, madalas sya ang una kung nakikita tuwing umaga. nakasuot ng may kalumaang uniporme tapos naka-tsinelas at bitbit ang itim na backpack na halos mas malaki pa sa kanya, dati gusto ko ngang itanong kung di ba sya nabibigatan kaso sa tuwing sinusubukan ko syang kausapin, saka naman susulpot ang jeep na sinasakyan ko o kaya sya naman ang nauunang makakahanap ng motorela.

simpleng ngiti lang ang palitan namin, sigorado dahil araw-araw ba naman kaming nagkikita, pero natatawa ako sa sarili ko, ang daldal ko pero yong bulilit na batang yon, di ko man lang nakakausap.

kanina, malayo pa lang ako, tanaw ko na naman ang batang yon, suot ulit ang malinis pero may kalumaang uniporme, pero habang papalapit, mas una kong napansin yong tastas sa pantalon nya, sa kanang bahagi, pumasok sa isip ko na di man lang ba napansin ng nanay ng batang to yong tastas sa pantalon, pwede naman sigoro nyang tahiin yon, pero, di ko pala sya kilala, di ko kilala ang nanay nya, wala akong alam sa kwento ng batang to at lalo sa pamilya nya.

ang madalas kung napapansin sa bata, yong masayahing aura nya, yong kahit di nakangiti, para parin syang nakangiti, tapos ang gaan nyang kumilos, hindi maliksi, simpleng gaan, na parang balewala ang problema sa mundo, isang batang may lumang bag, luma ang uniporme pero kuntento sa kung anung meron sya.

at may napansin pa ako, di ko pa sya nakitang nakasuot ng sapatos. sa susunod na makaka-usap ko sya, gusto ko nang itanong kung anong sukat ng paa nya.

bangag

bangag

isang oras na tulog, ang resulta lutang, isang hangin nalang sigoro pwede na kung liparin, eto ang mangyayari sa mga taong gustong sulitin ang bakasyon, at kanina pa ko nag-iisip na sana nag-absent nalang ako ng one week, pero ang tanong? may babalikan pa ba akong trabaho kung gagawin ko yon?…hehe

pasensyahan tayo, walang kwenta talaga ang mababasa mo, naghahanap lang ako ng mapagkaka-abalahan para di makatulog, ayoko din namang magkwento kasi malamang nauumay ka na sa mga kadaldalan ko…madaldal nga ba talaga ako?…lol!

pag-inabutan ako ng pagiging luka-loka, madami akong nagagawa sa sarili ko, tulad ng ipaputol nalang ang buhok ko, ayon sobrang eksi na…hahahaha, mas magaan sa pakiramdam, tapos ginulat ko na nman ang mga ka-opisina ko, halos kalahati ng kaliwang kamay ko may henna tattoo.. wala lang paiba.

sabi ko ayokong mag-kwento, pero tingnan mo, nagkukwento na naman ako, madaldal nga…haha!

pero sige na nga aamin na, madaldal ako, na pwede kang malunod sa kadaldalan ko, pero nag-iisip ako, may tao kayang kaya akong patahimikin?..weeee! hindi yong matitigok ako, wahahaha, yong mauumid lang ang dila ko o kaya nauutal dahil sa nerbiyos, malamang sa pagtatawan ko ang sarili ko pagkatapos.

ayan! ayoko nang magkwento baka kung anu-ano na namang mai-salitype ko.. basta isa lang ang sigorado, madaldal ako..wahahahaha

bangkang papel

bangkang papel

naging bahagi ka ng bawat ngiti ng kabataan,
sa panahong ang langit ay nagbabadya ng galit.
sa nagpipinta ng dilim at nagdadala ng lamig,
ikaw ay binuo para pansamantalang maanod ang tinatagong damdamin.
walang kasigorohan na paglalakbay,
walang tibay para tumagal sa alon ng buhay,
pero ikaw ay pansamantalang nagpapawala ng lumbay.
sa paglangoy sa di mawaring tubig,
halakhak ang nagpapagalaw,
palakpak ang nagpapa-anod
at may dalang ngiti kahit lumubog.

ngayon lang

ngayon lang

sa tuwing nasa byahe ako galing sa probinsya mas madalas lutang ako, resulta ng walang kasama, buong gabi tinutulogan ko lang, minsan nakikipag-usap ng kunti sa katabi, pero mas madalas supladita, ewan ko, madaldal naman talaga ako pero pag nasa byahe, mas mabuting magmasid lang, mag-isip at mangarap.

minsan may advantage yong may mahaba kang oras na pag-iisip, wag lang masobrahan at hayaang ilipad ang isip sa mga bagay na impossible mo nang makuha, hmmmmm… mali sigoro ang salitang ginamit ko, hindi impossible, medyo hindi nga lang sigoro napapanahon, oras ang pinakamalaking kalaban, paano ito gagamitin na masaya ka at may diretsong tingin para sa gustong maabot, sa panahong akala mong naka-plano na ang lahat, bigla-biglang may sumusulpot na mga bagay na ayaw mong ipasok sa nai-drowing mo nang pangarap, pero kahit ayaw mong tanggapin, di nalang namamamalayang dahan-dahan na palang tinatanggap ng sistema mo, kailangang ihinto ang byahe o minsan lumihis sa kalsadang gustong puntahan, syempre parte ng pagbabago, hindi mo pwedeng i-dispatsa kasi pag nawala, hindi magkakaroon ng balanse ang kulay ng litratong dahan-dahang nabubuo, mismong larawan ng sarili mo.

kagabi, bago ako sumakay sa bus, andun na naman yong pakiramdam na sana tumigil muna ang oras, na sana andun lang ako sa bahay, pero nangangarap lang ako ng gising, hindi mangyayari yon, ayoko nang maghabol ng oras, gusto ko nalang sabayan eto. mas madali na wag nalang mag-isip, hayaan ang sariling lumutang, sa paraang yan, di mo namamalayang nakarating ka na sa lugar na pupuntahan.

madalas akong masabihan ng magulo, magulo kasi akong kausap, kung anu ang nasa isip minsan yon agad ang ginagawa, pero matagal ko nang napatunayang kahit gaano ako kagulo, kahit gaano kadami ang gusto kung gawin pagkatapos ng araw bumabalik ako sa pagiging simple, simpleng bagay lang ang kayang makapag-pangiti, isang malamig na hangin lang, madaming bituin sa langit, isang ngiti ng bata kuntento na ko.

ngayon lang, gusto ko lang mag-emo, pagkatapos na pagkatapos ko tong itipa, nakingiti na ko.

subok

subok

tinatamad akong magsulat ng bagong entry, kung sa palagay mo masipag na ang minsang pag-uupdate dalawang beses sa isang linggo, puwes sakin hindi, ang masipag sa bukabolaryo ko ay yong araw-araw may bagong sinusulat, at dahil tamad nga ako, pagpasensyahan nalang po ano man ang maitipa ko dito.

nakahiligan ko ngayon ang pagpipinta gamit ang kape, ilang beses nyo nang nakita yong mga subok kung gawa, at ilang beses ko naring nasabi na sinusubukan kong matutunan ang tamang pag-gamit nito.. para sa iba isang ordinaryong hobby lang ang ginagawa ko, pero sa mismong nagpipinta hindi, minsan lang ako nagkakaroon nang focus sa isang bagay, una sigoro yong hindi pumasok sa isang relasyon habang nag-aaral pa at nagawa ko nga..haha

pangalawa, ang pagpipinta, isang ordinaryong gawain pero dinadala ako sa kakaibang mundo, nasa kamay ko ang magiging resulta, hawak ko ang bawat guhit, timpla ng kulay at ang paglapat ng mundo sa isipan ko patungo sa isang larawan.. kaya kung magpinta ng limang oras na walang pakialam sa nangyayari sa paligid, pagkahawak ng brush, may sarili na akong mundo.

musika at libro, isa din yang sa bagay na di kayang mang-iwan sa panahon ng pag-iisa, pampakalma sa katahimikan, nagpapangiti sa kawalan at nakikisama sa kahit na anong pakiramdam.

may kanya-kanya naman sigoro tayong mga bagay na pinagkaka-abalahan, may kanya-kanyang gustong marating at matutunan, pero isang bagay ang nakita ko, hindi naman pala masama ang mag-isa, kung matututunan lang makuntento at i-enjoy ang mga bagay na nasa harap mo ngayon. hindi rin masama ang sumubok sa mga bagay na dati akala natin impossible, walang pwedeng magdikta kung saan ka pupunta, sa kung anong gagawin mo, tayo lang mismo.

ikaw

ikaw

may kulay ang bawat isa,
may hugis na iba-iba,
may katangiang kanya-kanya,
pero ang hamon ay kung kaya mo bang tumayo na nag-iisa?
kaya mo bang maipakita ang sariling ganda?
kung hindi pa, wag mag-alala,
may kanya-kanyang oras ang pagtingkad,
may tamang panahon ang pamumukadkad,
wag madaliin ang panahon,
mas masaya kung makisayaw nalang sa tugtog
dahil sa tamang dahilan, at sa iba’t-ibang pananaw ng karamihan,
ikaw ay hahangaan.

hindi ito movie review ng HP7.

hindi ito movie review ng HP7.

Nasabi ko na magpapa-alikabok ako ng blog, dahil una, tinatamad ako. Pangalawa, wala akong maisulat..maikwento pala, dahil nga resulta ng katamaran at pangatlo, pinangako kung di ako mag-uupdate hangga’t di ko natatapos ang butterfly collection na kasalukuyan kong pinipinta gamit ang kape.. pero sa kadahilanang may sakit ako at nagugutom, kakainin ko ang sinabi ko na di ako mag-uupdate.. walang makain dito kaya yong sinabi ko nalang ang kakainin ko.lols

isa itong update na basta lang may mai-salitype dahil nanood kami ng harry potter magkukwento ako, pero lilinawin ko lang po, hindi ito movie review, isa lang itong kalokohang napapansin ng isang aninipot dahil nga tamang adik lang ako… dahil nga pareho kaming potter adik ng housemate ko, pagpasok pa lang ng sinehan bawal na ang kwentohan, di pwedeng magtanong dahil pareho naming binasa ulit ang libro bago manood sa sinehan, ay! meron pala kaming magaling na idea na gusto naming gawin bago manood, dahil nga walang 3D dito, nagplano kaming magdala nalang ng stereoscope, sa hindi nakaka-alam kong ano eto, ang stereoscope ay ginagamit para maka-produce ng 3D photographs and maps, dahil nga ako ay forester at sya naman ay geologist pareho naming pinagdaanan na gumamit ng stereoscope.. pero ang problema, kelangan namin ng dalawang screen..wahahaha, asan kami maghahanap nun?..pamalit sana sa 3D eyeglasses, pero dios mio mas mahirap pa ang gagawin namin..

warning: spoiler alert! wahahahahaha, kung di mo pa napapanood stop na dito pa lang. wag mo nang basahin please baka magalit ka sakin..

ok, eto yong ilan sa mga side comments na nagagawa namin habang nanonood ng movie, una,

“asan na yong scene na nagpa-paalam si dudley?..wala sya sa movie…makabagbag damdamin pa naman yon.

“hala! diba may kasama si snape nung pumunta sya kina Voldemort?” dalawa silang late nun.

“awww! bakit hindi pink ang hair ni tonks?(a.k.a nymphadora) dun sa time na sinusundo nila si harry.

“wow! ang ganda ng wedding gown ni fleur”. bading ako, napapansin ko yon..hahaha

“ang sexy na ni hermione”.

“awww! asan yong story ni Lupin?”.

“diba may b-day party si harry before the wedding?”.

at maraming-marami pa.. yan ang hindi nag-uusap sa sinehan, side comments lang yan.lols

dahil nga hindi ito movie review, sasabihin ko parin to, kahit madaming scene na minadali, may mga naputol, maganda parin ang kinalabasan, kahit nabitin ako, love na love ko parin si dobby, at pati si snape love ko sya ng sobra..

at dahil nga pareho kaming bitin ng housemate ko, nag-pizza at pasta kami pagkatapos, nagliwaliw at nagpunta ng ukay-ukay, pinalipas ang pagkabitin sa movie, pero magkaganun paman yon parin ang topic namin kahit kumakain na, hindi naman halatang adik no?

o sya, dahil ako ay may sakit pampalipas oras lang to, ayaw kong mag-work, pero hindi tamad mag update.

wishlist daw?

wishlist daw?

makikiuso narin ako, dahil sa nagkalat ang mga pakontest, naisip kong sumali kahit isa mang lang sa kanila, matagal kong pinag-isipan kaninong contest ako sasali, mga 5 seconds lang naman, tapos go! umilaw ang pangalan ni salbe..hahaha

kaya eto gagawa ng wish list, at dahil di ako sanay na gumagawa ng wishlist,bahala na kayong intindihin, madalas kasing di nagkakatotoo, mas naniniwala akong kaya kong magpatupad ng wish kesa humiling para sa sarili ko..paano yon..secret!

ok cge go!

una, sana hindi lang silver anniversary ang aabutin ng parents ko, medyo habaan lang ng kunti, golden anniversary pwede na..haha

pangalawa, para sana sa sarili ko, magiging masaya, dati na akong masaya pero gusto ko paring maging masaya, kung nagugulahan ka, ok lang sinadya kong malito ka..haha (dahil hindi lahat ng sinasabi ko dito ay totoo, minsan kabaliktaran pa nito, magaling lang akong magtago..wushu!..haha)

at pangatlo, dahil sabi ko nga hindi ako madalas humihiling ng para sa sarili ko, bibigyan kita ng chance na sayo ang pangatlong wish, isa lang, para sa sarili mo, at hihilingin kong matutupad iyon.. go! wish na… tsing!

wish granted!!! paano? pag-isipan mo.

P.S. Para sa Make a Wish List Raffle ni Salbehe

silencio

silencio

Babalutin ko ang sarili sa kadiliman hindi upang magtago sa presensya ng ilan at lalong hindi upang maintindihan ang karamihan.

Nanamnamin ko ang dilim para sa sarili ko, yayakapin ng katawan ang katahimikan nito.

Walang magbabago, wala nga lang bago.

Sawa na ako sa pag-iisip, sawa narin ako sa madalas na pagtatanong, mas magaan ang hayaang magpadala sa anino ng gabi. Walang makakapansin, wala ang mga matang papansin sa iyong mga galaw at wala ang aninong susukat sa mga maling desisyon mo sa araw.

hindi ito pagtakas ngunit wala din sa kalingkingan ng katapangan.

Ito’y pansamantalang paglimot sa sasabihin ng iba, pagmamahal sa pag-iisa at pakikipaglaro saan man dalhin ng tadhana.Wala akong sasabihin, wala din akong dadalhin. Lahat na iniwan ko dahil alam ko hindi ko pag mamay-ari ang mundo.

Ito ba ay may dalang pagbabago? oo, kung makukumbinse ko ang sarili na tawirin ang liwanag sa kalagitnaan ng gabi. Madali lang naman, kasing dali kung paano tayo nagsimula upang matutong humakbang. Pero may ibang pang paraan, ang hintayin na maubos ang kadiliman, matatapos din ang serbisyo ng gabi. Dahil titigil man tayo, di ka papansinin ng mundo, tuloy lang ang ikot nito.

kaya habang may panahon akong itago muna ang sarili ko, gagawin ko. Alam ko pag natuto akong lumabas mula sa pagtatago, paalam na naman ito.

:)

tsokolit ni Santa

tsokolit ni Santa

Naniniwala akong nagsisimulang mamigay si Santa Klaus ng regalo pag nagsisimula na ang buwan ng disyembre o kaya may dekorasyon na sa bahay. Kaya pagpatak pa lang ng unang araw nito, oras-oras kong binabanggit kay nanay na kailangan na naming gumawa ng christmas tree. Baka di dumalaw si Santa Klaus sa bahay kasi di pa pasko samin. Napilit ko pa ang nanay na isabit ang parol sa bintana para sigoradong makikita ni santa na may pasko samin kung sakaling dumating na sya ng Pilipinas. Umiikot daw kasi si Santa sa buong mundo pero uunahin nya muna ang mga lugar na may mga snow bago ang Pilipinas.

Pero sabi ni nanay di pa daw pwedeng magsabit ng medyas kasi sa bente-singko pa ang pasko, di daw mapapansin ni santa ang isasabit ko. Pero bakit ang kapitbahay naming mga bata araw-araw ng kumakain ng tsokolit galing kay santa, puno daw ang mga medyas na sinabit nila.

Kahit di pa pwede, sinabit ko ang medyas doon sa may bintana, halos katabi na ng parol, sigorado ako makikita agad iyon ni santa kahit nasa langit pa sya at lumilipad.

Kinaumagahan, walang laman.

Nalungkot ako, pero tama sigoro si nanay di pa dumating si santa sa pilipinas. Pero bakit yong kapitbahay merong laman ang mga medyas? Tiningnan ko pa nga, mga tsokolit parin katulad nung mga tinda ng mama nila, sigoro di dumalaw si santa kasi wala kaming tindahan.

Pag-uwi ko sinabi ko kay nanay. Sabi mo wala pa si santa Klaus, bakit sila may-may may tsokolit na galling kay santa?
Bakit po sakin wala? Sinabit ko pa naman sa bintana na may parol para talagang makikita ni santa. Kailangan po bang malaki ang medyas at malinis? Sila may-may nasa kwarto lang kaya sinabit tapos hindi pa malinis ang medyas, bakit meron na?
Ngumiti lang si nanay tapos sabi, kasi si santa sa December 16 pa magsisimulang dumalaw satin. Sa susunod doon mo isabit sa Christmas tree para madaling mahanap ni santa ha.

Araw-araw kung tinitingnan ang kalendaryo, binibilang ko ilang araw nalang para December 16 na. Nung December 15 na, sabi ni nanay pwede ko na raw isabit ang medyas, tapos matulog nang maaga kasi magsisimba kami para sa Misa de Gallo.
Di ako makatulog kakaisip na lalagyan na ni santa ng tsokolit ang medyas na sinabit ko, yong mahabang may bulaklak na maliliiit na kulay pink pa para magandahan si santa.

Naisip ko pang baka pwede kong makita si santa, magkakasya kaya sya sa pintuan namin? Pero may magic sya, alam ko mapapaliit nya ang sarili nya.

11:30.

11:45.

11:50.

Pinipigilan ko talaga ang antok, hinihintay ko si santa, bawat may kakaibang tunog alerto ako, baka sakaling si santa na yon.

12.50.

Wala parin. Bumangon ako, umupo sa may hagdanan pero sa parteng alam ko di ako makikita ni santa pag dumating sya. Pero wala parin. Baka alam nya na hinihintay ko sya. Ayaw nyang magpakita.

Bumalik nalang ako sa higaan at natulog.

Nagising ako sa mahinang tawag ni nanay alas kwatro na daw, ako lang kasi ang gustong-gustong sumama magsimba, mga kapatid ko, mantikang natutulog. Bago lumabas ng bahay sinilip ko ulit ang medyas, wala parin.

Pagkauwi lakad-takbo na ang ginawa ko, iniwan ko na si nanay sa simbahan, sabi ko mauna nalang ako, madami pa kasi syang kausap.

Pagdating sa bahay, diretso sa Christmas tree, sinilip ang medyas wala parin.

Ang lungkot-lungkot ko, maiiyak na hindi. Pero di bale di pa naman talaga umaga, di pa sumisikat ang araw, hahabol si Santa Klaus. Alam ko.

Tinulog ko nalang ulit.

Ginising ako ng kapatid ko, kumakain na sya ng tsokolit. Balikwas ako, takbo agad, Yey! May laman na ang medyas. Limang tsokolit tapos may bente pesos…. Sabi na nga ba! Di ako makakalimutan ni Santa.

Ang saya ko, kahit nagtataka bakit may mga tsokolitddin ang mga kapatid ko. Di naman sila nagsabit ng medyas? Sigoro nakita ni santa na may mga kapatid ako, nilagay nya sigoro sa mga unan nila. Sigoro ganun nga.

Basta masaya ako na di ako nakalimutan ni santa at alam ko babalik sya, kilala na nya ako.

kumpleto bigla ang araw ko

kumpleto bigla ang araw ko

kahapon lang, pwede kung ituring na maganda ang kinalabasan ng araw ko, kahit tambak ang trabaho. at ang dahilan ng lahat ay dahil lang sa isang batang sumasayaw. bakit? kadalasan pag umuuwi ako nakasanayan kong puno ng mga bata ang street kung saan ang apartment namin, sa palagay ko hindi uso ang family planning sa kalyeng ito, ginagawang playground ng mga bata ang kalsada, imbes na dadaan ang mga jeep, ginagawa nalang parking space ng mga jeep, motorela at padyak, o ha!

pero balik sa kwento, akala ko normal lang ang pangyayari sa pag-uwi ko, sanay naman ako sa mga batang naglalaro o nag-uumpukan pero yong kagabi medyo lihis sa ordinaryo, hindi naman kakaiba, nagkakantahan lang yong mga batang nasa 8 yrs old hanggang 10 at hulaan mo kaninong mga kanta ang kinakanta nila?..wahahaha, Justin Bieber bow.

ang nakakuha ng pansin ko, ay yong batang lalaki, hmmm, 9 yrs old ang hula ko sa edad nya..sumasayaw sya sa saliw ng kanta na Love me ni justin pero ang kumakanta ay yong mga kasama nya.. di ko mapigilang ngumiti pero nung dumaan na ako sa kanila bigla nalang akong napatakbo papasok ng gate tapos nagmamadaling buksan ang pintuan namin.. at bakit?..sobrang nakakatawa ang itsura ng batang sumasayaw, gumigiling sya na parang macho dancer with facial expression pa..ang landeeeee!..hahahaha, dios mio pag nakita ng mga magulang nya sigoro yon, ewan ko lang… pagkapasok ko ng pintuan namin, humalakhak talaga ako ng bongga… wala na akong pakialam if magtataka ang kapitbahay namin..

kahit nasa kwarto na ako, di mawala sa isip ko ang itsura ng bata, may pakagat-kagat pa ng labi ang style nya..wahahahaha. bow! basta ang sigorado tinanggal nung bata ang sakit ng ulo ko.

para sayo (adik na naman at nagsusulat lang)

para sayo (adik na naman at nagsusulat lang)

aminado akong hindi ako magaling humawak ng isang pagkakaibigan, dahil sa totoo lang iba kasi ang konsepto ko pagdating sa relasyong ito, kung tahimik ka, tatahimik din ako, maghihintay lang ako ng panahon kung kelan ka lalapit at magkukwento, pero isang tawag o text lang kaya kung itigil ang ginagawa ko.

kung sa oras kinukulang ako sa panahon, di man nakakapangumusta, ang isang forwarded text, ibig sabihin nun naalala kita, di man direkta pero intindihin mo nalang. pag di ko kayang sumagot sa isang text busy-busyhan lang ang lola o di na talaga kayang hawakan ang aking selepono.

hindi ako naglalagay ng tali o kaya marka para makita ng iba na magkaibigan tayo, ok na sakin ang tiwala na ibibigay sakin.. sapat na ang kwento ng buhay mo.kung kelangan mo ng kausap kahit dies oras ng gabi..kaya kung makinig sa bawat kwento.

sa panahong kelangan ng lumayo ng isa, asahan mo di kita pipigilan, dahil yan din ang aasahan ko sayo, kanya-kanya man tayo ng kampay di ko kakalimutang magkaibigan parin tayo.

di ako sasalungat sa gusto mo, pero babatukan kita kong kinakailangan.

di ko pakikialaman ang desisyon mo pero hahambalusin ko ang konsensya mo..hahaha

at sa huli, lukring man minsan ako sa paningin mo, alalahanin mong hindi lang yan AKO. bow! mwuah!

may sikreto ako at ibubulong ko

may sikreto ako at ibubulong ko

madaling magpakalat ng kwento, tulad din ng titulo ng posteng ito, pag sinabing sikreto lahat gustong makinig, tinutubuan ng extra hearing aid.. masaya nga naman makarinig ng sa tingin mong eksklusibong impormasyon. pero nakakalimutan nating higit pa sa masayang pakiramdam ang pagsagap ng salita, may kaakibat na responsibilidad ang pakikinig, dahil kaya nitong baguhin ang ikot ng mundo ng bawat isa.

may kanya-kanya naman tayong karapatang itago ang anumang gusto nating itago, pero mas masarap paring ibahagi ang mga bagay na nagpapakilig satin, nagpapagaan sa dibdib pag naipasa ang mga malungkot na tinatago at mas masarap tumawa pag may kasamang nakakaalam bakit tayo tumatawa.

ang kapangyarihan nga naman ng pagpapalaya gamit ang salita.

may dalang saya pero kakambal na takot, paano kung ilalabas ng ibang bibig, may kasigorohan bang maitatago ito ng taong napagsabihan?.. pero madalas naiisip lang ito pagkatapos na ng lahat.. pagkatapos ng litanya ng bibig.. pagkatapos mapagaan ang dibdib..isip naman ang pinapabigat.. buhay nga naman.

ang maaring hawak lang ay ang tiwala, napakasimpleng salita, pero kayang magpabangon minsan ng isang patay na emosyon, kayang sumira ng mundo.

sa lahat-lahat ang salitang ito ang naiiwan para makapagbigay ng desisyong mabibigat, isang tulay sa isip patungo sa puso ng tao. Isang timbangan ng emosyong kaya nating dalhin.

masarap magtiwala pero mas mahirap pag nawala ito, para kang maghahanap ng isang mallit na isda sa napakalawak na karagatan.

kaya pag sinabi kung may tiwala ako sayo, panghahawakan ko. :)

sikretong malupet

sikretong malupet

sa daku pa roon, alam ko, makikita ko ang sarili ko.
sa daku pa roon, alam ko, andun ang tahanan ko.
tahanang hinahanap ng aking puso.
pagpapalaya sa isang diwang di ko halos maabot,
pagpapalipad sa isang panaginip na minsa’y di maarok,
pag tanggap sa isang katotohanang ako lang ang aabot.

sa mga mata unti-unting nakikita ang lawak ng mundo.
unti-unting tinataas ang mga pakpak.
lilipad kung kinakailangan,
ngunit ang paglingon ay di malilimutan.

_____________________________________________________________
sino yan?

adik lang. bow!

eleven for 2011 sana ang title ng post na to (kaso walang akong maisulat na labing isang kwento)

eleven for 2011 sana ang title ng post na to (kaso walang akong maisulat na labing isang kwento)

ayoko pa sanang bumalik, mas gusto ko pang matulog at kumain plus hinaluan pa ng malamig na hangin, bakasyon grande ang pakiramdam, ayokong magkwento sa handaan dahil lahat naman nagcelebrate sa kanya-kanyang paraan, doon sa nagsasabing hindi sila nagpasko, doon kayo sa presinto magpaliwanag dahil di ako naniniwalang hindi mo inabangan ang panahong ito, may lungkot man ang iba, pero basta may napasayang mahal sa buhay, ok na. Isa lang ang namimissed ko, gusto ko parin palang maging bata, hehe, yong hinihintay mo lang na darating ang panahon ng pasko, puno ng pananabik, ngayon, nakakapagod, sige na nga aaminin na tumatanda na yata ako, narealized ko na kasing dati inaabangan ko lang ang pasko ngayon tayo ang gagawa ng paraan para maramdaman ng iba ang pasko. di pa ako seryoso sa lagay na to ha.

pagkatapos ng halos dalawang linggong bakasyon, parang panaginip lang ang nangyari, parte nalang ng alaala ang lahat, baon ko sana ang isang napakahabang kwento, pasalubong sa mga gumagala sa kwadradong mundo, kaso iba ang nangyari, lahat inanod ng baha, inanod ng takot sa pagka-stranded sa kalsada pabalik.

wala namang bago sa panahon, inaasahan sa probinsya namin na tag-ulan ang buwan ng disyembre at enero, malalaki din ang alon, may galit ang mga hampas pero sa mga taong tulad ng mga kapatid ko, ikinakatuwa ang ganitong pangyayari, mas masaya ang surfing. Ang tag-ulan naman pag-asa ang dala para sa mga magsasaka, simula na ng pagtatanim ng palay.

pero pag nakita mo na ang national hi-way ay para nang ilog, ibang usapan na ito. kung sa ibang pagkakataon sigoro matutuwa pa ako sa nangyare, aba! akalain mo sa sobrang lakas ng rapids pang extreme water rafting na, extra adventure pa. Pero, naman ako po ay pabalik sa trabaho, inu-ubo pa at sinisipon, malamang sa pag ikaw ang nasa katayuan ko, di ka rin matutuwa, ang normal na 9 hours travel ay naging 16 hours. Lantang gulay ang nangyari sa lola mo, ang nakakapagod ay ang pag-iisip, pag-aalala kung makakarating ba at minsang paninisi sa sarili bakit pa bumiyahe. pero dahil nga naiblog ko na, ibig sabihin andito na ako.

nakakapangilabot ang tumawid sa dam kung saan nag-overflow ang tubig, nakakalungkot makita na maraming bahay ang naanod, mga kabuhayang nasira sa isang pag-agos lng ng tubig. Mas maswerte parin tayo na sinimulan ang taon na balik trabaho lang, sila bumalik nga, bumalik at kelangang magsimula ulit.

naitanong ko sa sarili ko, manggugubat ka! anong nangyari?..pero wala akong maisagot, kahit naman kasi kaya kung ipaliwanag sa teknikal na aspeto bakit nangyari yon, wala parin. Bumaba ang tubig mula sa bundok dahil di kayang agapan ang sobrang tubig, kalbo ang kagubatan, kayang magpatumba ng puno sa isang minuto pero sampu hanggang labing-limang taon ang kelangan para tawaging puno ang isang halaman na itinanim. See the difference? ayoko sanang simulan ang taon sa ganitong paraan pero kelangan.

alam ko namang alam ng lahat na kailangang magtanim ng puno, alam ko rin na halos lahat alam na disiplina ang kelangan para masugpo ang problema. Ang tanong may ginawa ka ba?..sisihan lang naman diba? ako bilang manggugubat, may magawa man pero ilan lang ba ang tulad ko, ang ilan pa ay nadidiktahan ng proseso ng pamumulitika. Mahirap mag-astang mareresolba namin ang problemang tulad nito dahil sa totoo lang isang malaking HINDI. Dadagdagan pa ng panghuhusga at sisi mula sa ilan. sigoro naman kahit simpleng pagkukwento sa iba sa kahalagayan ng tamang pagtapon ng basura, simpleng disiplina, isang malaking tulong na.

hindi pa naman ako seryoso diba?.haha!

HAPPY New Year Everyone! :D

pssssst..papansin lang.

pssssst..papansin lang.

The stats helper monkeys at WordPress.com mulled over how this blog did in 2010, and here’s a high level summary of its overall blog health:

Healthy blog!

The Blog-Health-o-Meter™ reads Wow.

Crunchy numbers

Featured image

A helper monkey made this abstract painting, inspired by your stats.

The average container ship can carry about 4,500 containers. This blog was viewed about 23,000 times in 2010. If each view were a shipping container, your blog would have filled about 5 fully loaded ships.

In 2010, there were 89 new posts, growing the total archive of this blog to 117 posts. There were 68 pictures uploaded, taking up a total of 106mb. That’s about a picture per week.

The busiest day of the year was September 7th with 297 views. The most popular post that day was hulaan mo...

Where did they come from?

The top referring sites in 2010 were jkulisap.com, themizpah.wordpress.com, vajarlmetdracula.com, WordPress Dashboard, and My Comments.

Some visitors came searching, mostly for wanted boyfriend 2010, alimatik, paru-paro, pantasya 2010, and aninipot.

Attractions in 2010

These are the posts and pages that got the most views in 2010.

1

hulaan mo.. September 2010
63 comments

2

prince leonard May 2010
109 comments

3

tadhanang walang laban August 2010
86 comments and 2 Likes on WordPress.com

4

Malay mo pantasya ang simula ng kalayaan mo June 2010
96 comments

5

yay! scary April 2010
115 comments

———————————————————————

hehe, aminado ako, naiinggit ako sa iba na nakaposte ang stat review kaya sige go, ako din.

sa mga napaligaw sa munti kong kagubatan, maraming-maraming salamat!.

sa mga naging kaibigan dito at pati narin sa labas ng blogosperyo, pantawid kayo sa araw-araw na buhay ni aninipot… hanggang sa susunod pang mga taon kaibigan! :D

dulo ng daliri

dulo ng daliri

Dulo ng daliri ang tahimik na saksi sa pagpapalayag ng isang kaisipan, na binuo ng isang damdaming naghahanap ng kasagutan. Walang pasumbali na ilalapat sa isang modernong papel ang mga sumasayaw na titik, na dahan-dahang inipon upang maisalarawan ang isang paglalakbay. Walang hanggang pananaw, walang hanggang paghahanap at di masisid na pagkakalinga sa mga salitang syang magkokonekta sa kaisipan ng bawat isa.

Ang pagtipa sa pahinang ito ay isang pagbabagi ng isang pagkakakilanlan, minsan di maintindihan ng ilan, minsan naman ay hahangaan. Kanya-kanyang paghahanap sa mga panlasang magdadala ng tamis na ngiti at meron naming pait na ala-ala. Walang magawa ang may-ari ng daliri na tumitipa, hindi nya kayang pigilan ang pagbaha sa kaisipan, kailangang palayain.

Ang mga daliri ay naghahangad ng pagdidikta ng isip, at ang isip ay okupado ng isang damdamin. Alin ang higit na makapangyarihan? Ayokong sagutin dahil alin man sa pipiliin may emosyong kukulay sa paligid ng taong mamimili.

Walang alam ang daliri na sya ang naging instrumento upang mailabas ang isang pananaw na pwedeng tawagin ng ilan na walang kwenta. Pwede ring gawing palaman, bitaminang walang pangalan pangmulat sa isang tulog na kaisipan.

Umabot ka na sa ikalimang talata, at wag mag-alala hindi na to mahaba, alam ko namang gusto mo nang magmura, nag-pakatalinghaga na naman ang lola. At napansin mo medyo palutang-lutang lang ang mga sinabi ko, hehehe, subok lang kung babasahin mo hanggang dulo. Ang aabot dito mahahalikan ko, hahaha! Biro lang, sige layas na…mwwuah!

:D

ang dagat at takipsilim

ang dagat at takipsilim

Hanggang ngayon hindi ko parin mahanapan ng paliwanag bakit mas gusto kong pagmasdan ang paglubog ng araw kesa sa pagsikat nito, kaya gusto kong himayin ang mga karanasan baka mahanapan ko ito ng magandang paliwanag. Mas gusto ko ang ideya na sa pagtatapos ng araw pahinga ang kasunod. Syempre magkaiba ang gusto mo at gusto ko, pero dahil ako ang tumitipa nito ako muna ang masusunod..hahaha!

Kasama sa pagiging aninipot ang pagmamahal sa dilim, pero pinakagusto ko ang takipsilim, naalala ko, dati na kahit nasa edad sampu pa lang madalas kung tinatapos ang araw sa paghihintay ng paglubog nito. Minsan sa pag-gawa ng mga kastilyong buhangin o kaya barko-barkuhan na gawa sa buhangin tapos hinahayaan itong sirain ng alon ng dagat. Nasisira lang ang mga ito pag madilim na kasi di ko na sinusubukang ayusin.

Hanggang ngayon pag-umuuwi ako samin, di pwedeng di ko masubukang hintayin na lumubog ang araw sa tabing-dagat. Madalas ginagawa ko ito ng nag-iisa, kaya nga nasasabi kong hindi ako takot sa pag-iisa. Mula pagkabata nakasanayan ko na, wala namang nakapagtataka sa ganun diba?

May natutunan ako sa tuwing ginagawa ko to, madali lang pala akong makuntento at napaka-simple lang ng kasiyahan ko pero madalas ilang tao lang ang kayang maintindihan na simple lang ang mga yon. Mahirap nga namang subukang tanggapin kong ano lang ang meron at sino ka. Dahil ang tao kahit anong pagdi-deny na wala tayong inggit at mga gustong makuha at maabot na minsan hindi na talaga kayang abutin kasi imbes na umakyat ng hagdan ng paisa-isa, diretso agad sa ikalimang baitang.. ilang hakbang ba ang malalampasan?

Isang pagsuko ang kailangan para masasabi nating natanggap mo ang pagiging ikaw, isang masakit na karanasan ang pagtanggap sa kabiguan, na hindi lahat kaya kang tanggapin ng buo, lalo na pag ang taong inaasahan mong tatanggap sa kahinaan mo ay sya pang unang lalakad palayo. Kay sarap magtago at ikulong ang sarili sa mundong kamay mo ang may control sa mga pangyayari.

Sa paglubog ng araw, kalakip nito ang pagtanggap na mahina ka at kelangan munang magpahinga, kung andyan ang dagat na nakakonekta malamang sa gusto lang ipakitang malawak pa ang mundong lalakbayin, marami pa ang panahong mararanasan, andyan ang panahon kung saan malalaki ang alon bago maranasan ulit ang isang dagat ng katahimikan, nasa atin paano imamaniubra ang sariling Bangka.

_____________________________________________________________________________________

P.S. ang totoo? Kaya ako nagsulat ulit para lang ibandira ang bago kung pininta gamit ang kape..hehehehe, at di pa tapos yan, luka-luka lang ako at masyadong excited medyo matagal narin kasi akong di nakakapagpinta, hmmm, mga 3 weeks lang naman.. akala mo kung ilang taon di nagpipinta..wahahahaha.

sa susunod na ang mga posteng hindi seryoso, tinatamad akong magpaka-adik..haha

tae lang si aninipot

tae lang si aninipot

Sometimes reality hit us without permission. Since we are unguarded, its outcome strikes us straight down to our frailty.

I admit that I am sensitive, I was a cry baby, and I could be easily affected by just a simple conversation. Yeah! I am just like that no need to elaborate. But don’t judge me, it is just how I cope up when I felt that everything are suddenly fallen out of my hand.

Now, I fully understand the value of putting yourself at the right place. Time is not enough to understand how each of us stands to what we believed. No one could understand our choice of principle because everyone had a different version of handling the situation equivalent on what we wanted to be the output of our action.

The choice of word is important in talking with a sensitive issue. We never know how it affects the person whom you are talking, but anyway just disregard this post since I’m just blabbing things which I know that can only be understood by a few.

Things I learned right now, expectations allowed us to be vulnerable, it vividly showed us the real color of a relationship, any kind of relationship. Once you start showing your true color to somebody, try to check if you are ready to accept the consequence of failed expectations. Once you step out of the line, everything will change, things is out of our control. Why? Because we are not the only person in this world, everyone has its own role. We are not always the lead cast of a movie. Once we will see the perspective of other individual we will realize how ordinary we are.

Ok, naag-iinarte lang ako.. hindi ako to. Ibang tao ang nagsulat nito..hahaha

Lasang Adventure

Lasang Adventure

alam ko masyado nang late ang kwentong to, pero dahil may pwede akong sisihin, makakalusot parin..hehehe, baka gusto mong itanong bakit ngayon lang ako nagkwento sa lakarang ito, una wala naman akong responsibilidad na magkwento ng lahat ng mga nangyayari sakin..lols. Pangalawa, dahil sa baha, pinahirapan nya akong bumalik sa kabihasnan, at pangatlo busy-busyhan ang beauty ko.

o ayan, tinatamad pala ako kaya dadaanin ko nalang sa mga pictures ang kwento..hehe, sya nga pala lahat ng to ay nangyari last december 22, sa Initao-Libertad Landscape and Seascape.. isang protected areas somewhere Misamis Oriental.. sinubukan daw namin ang kanilang Lasang Adventure.

maganda lang yang tingnan pero nakakatakot maligo.. limestone kadalasan

eto pa.

the adventure is on... sa boardwalk nila.

isa sa mga punong nakakuha ng pansin ko, sa totoo lang hindi yan puno.. woody lianas ang tawag sa mga balete kasi dependent sila sa mga punong kinakapitan nila, ay! hindi pala talaga puno yan, isa syang vine na nasa category ng woody liana..ang gulo kong mag-explain..hehe

the spiral stairs.. nakalimutan ko ilang steps yan at gaano kataas..hahaha

hindi ko paa yan... panget ang kuha ko sa ganito kaya kinupit ko ang kuha ng isang officemate.
hindi ko paa yan… panget ang kuha ko sa ganito kaya kinupit ko ang kuha ng isang officemate.

canopy walk, kung di ako nagkakamali around 300 meters to pero may different station.

at syempre bawal na daw bumalik kung saan kami dumaan
nung una, ang only way na makababa ay zipline..wahahaha, joke lang! pero kasama sa package yan for just 100 pesos, o ha!

sad to say di ko naexplore ng mabuti ang place, di ko nasubukan ang spelunking, kulang sa oras.. sa uulitin nalang, pero sa susunod na balik ko ayaw ko nang magdala ng camera, di ko naenjoy ng husto, hindi man lang ako nakatakbo sa canopy walk kase tanders mga kasama, masyado silang paranoid na mahuhulog…hahahaha

at nahirapan akong maghanap ng picture na wala ang mukha ko..haha. The end. Bow!.

UPDATE:

nakalimutan kung iba pala ang meaning ng Lasang sa tagalog, para pareho tayong di mahirapan, i-explain ko na.. Lasang is Forest sa bisaya. okidoki?..pasensya naman.

Thailand shower (Senna siamea)

Thailand shower (Senna siamea)

Mga isang taon narin akong nagsusulat dito sa munti kung kagubatan pero ni minsan di ko man lang nasubukang mag-introduce ng mga puno. Napansin kung di ko man lang nagamit ang pagiging mangugubat sa mga kaadikang pinapahid ko dito kaya ito na. susubok akong magpakilala ng paisa-isa, baka sakaling may matututunan kayo kahit kunti man lang.

Sisimulan ko sa punong pinagkunan ko ng pangalan ng blogsite na to Siamea, galing sa scientific name ng Thailand shower which is Senna siamea. Nagandahan lang talaga ako sa tunog ng pangalan, demure pakinggan..hahahaha, walang ibang dahilan pero if maghahanap ka pa ng mahabang paliwanag sa susunod nalang ha.

Ok, eto napo. Ang Thailand shower ay kadalasang napagkakamalan sa pangalang Golden shower (Cassia fistula) dahil sa bulaklak nitong dilaw, at alam nyo na sigoro bakit shower kasi nalalagas ang mga bulakalak nito at nakikipaglaro sa hangin na parang mga diwata at paru-paro, oo na exaggerated ang description ko pero ganun talaga..haha!

http://davesgarden.com/guides/pf/showimage/236453/

Hindi ito kalakihang puno, bukod sa pagiging panggatong at pambakod paminsan-minsan, wala na akong ibang alam na pwedeng sabihing nagagamit ito sa pamumuhay ng tao. (Of course, with the inclusion of their major role as oxygen producer and for the carbon sequestration in the atmosphere).

http://www.hear.org/starr/images/image/?q=061128-1630&o=plants

hindi ito kakaiba, hindi rin kasing-ganda ng iba, pero bakit isa ito sa mga paborito ko? Hmmm….naging parte ito ng kabataan ko. Sa probinsya, ang paaralan namin ay puro Thailand shower ang halos lahat ng nakatanim na puno, pinakagusto ko ang panahon kung kelan magsisimula ang pasukan o kaya galing ng bakasyon. Bakit? Panahon na kasi yon para putulin ang mga sanga nitong nakakasagabal na, at dahil isang pampublikong paaralan iyon, direktang mga bata ang magtatapon ng basura. Lahat kami may hila-hilang sanga, minsan sinsakyan pa, ang saya promise! At sa panahong yon di ko pa naiisip namagiging mangugubat ako..haha.

Dapat hindi ganito ang format ng entry ko pero syempre dahil blog ko to, hinahayaan ko ang mga daliri ko sa pagtipa ng kung anu-ano, dahil kung ang purpose mo ay matuto, mag-google ka hijo at hija wag dito mag-research. Hahaha! Pero kung may katanungan ka tungkol sa punong ito.. pwedeng-pwede mong ibato sakin.

kalandian na naman

kalandian na naman

LOVE

It’s not about
: Dates
: Monthsaries
: Anniversaries
: Expensive materials
: Elegant bf/gf

It’s not either about
: Holding hands
: Tight hugging
: Torrid kissing
: Body Touching
: Sexual Intercourse

It’s about
How you value and respect someone without expecting in return, about being unselfishly devoted and committed with that special person till the last beat of your heart.

Totoo pa ba ito? Wushu! Gusto ko sanang maniwala pero ano sya santo?..hahahaha

Pero sa totoo lang malapit ko nang ipakidnap palabas ng seminaryo ang taong nagsabi nito.. pano naman kase ikaw na nga ang binisita ikaw pa ang ipagluluto..waaaa!

Ayon! Hays!

Kung di ko lang naiisip na aagawan ko si lord ng taong tinawag nya para pagsilbihan sya, pinatulan ko na ang kalandian ng taong to. Lord, sorry naman po.

Tama sigoro sya, pareho naming kelangang magdasal, para naman malinawan ang utak naming dalawa.

Lord, ikaw na ang bahala. Amen. Pero kung darating ang panahong ibang landas ang pipiliin nya.. hays! Ikaw narin ang bahala.

Hay naku aninipot! Anong kalokohan na naman itong pinasok mo?

wanted penpal

wanted penpal

Malakas ang ulan kaya madalas ang mga flashbacks… mga kunting ka ek-ekan sa buhay kolehiyo. Itong buwan na to nauuso samin ang tradisyonal ng palitan ng sulat. Palitan ng sulat ng mga estudyante na di mo talaga kakilala, maswerte if kakilala sya ng kakilala mo pero kadalasan talaga hindi.

Pakulo ito ng mga officer ng bawat dorm, bale ang bawat girls dormitory ay may kapartner na boys dormitory. Ang mga officer ng kanya-kanyang dormitory ang bale mga bugaw..hahahaha, usually kase ginagawa talaga to isang buwan bago ang Valentines day. Hindi ko alam paano nagsimula ang ganitong kachurvahan pero malamng marami ang nagpapasalamat sa nagpasimuno nito na hanggang ngayon ginagawa parin yearly.

Kadalasang ini-encourage na sumali ang mga first year at second year students, malamang dahil madali pang utoin ang mga edad na to…hahaha,joke lang! kasama ako sa mga nauto dahil napasali ako sa ganito nung panahong nasa pangalawang taon ako sa kolehiyo. Katuwaan lang pero magandang pamapalipas oras.

Ang rules: dapat sulat kamay, bawal ibigay ang cellphone number, bawal din ibigay ang totoong pangalan, bawal ibigay ang friendster account (wala pang facebook nun) at lalo ang room number sa dorm. May kanya-kanya kayong pseudo name…. una, ililista nila ang mga pseudo name ng mga kasali tapos paagpipilian na yon ng mga lalaki.. after a day, may letter ka na… kanya-kanyang pakulo, anong papel ang susulatan, pero sakin isang sobreng mabango na may magandang penmanship ang unang natanggap..impressive syempre ang maganda ang sulat kamay.

Tatlo hanggang apat na sulat ang natatanggap ko sa isang linggo, every other day ang sulat. Anong pakiramdam sa ganun? Nakakatuwa..hahaha, hindi naman mahahaba ang letter minsan isang page lang pero yong thought na may nakilala ka sa tradisyonal na paraan.. Masaya! With matching ngiti..hahaha

Tuwing naaalala ko ang panahong yon, napapangiti ako, dahil ang totoo sa isang buwan kong kasulatan ang ka-manits ko, hmmmmm… nasabi ko bang “manits-manits” ang tawag naming dun? Kung wala, ayan naexplain ko na..wag nyo lang akong tanungin saan kinuha ang tawag dun dahil hanggang ngayon di ko parin alam… balik tayo dun sa sinabi ko, sa isang buwan na pakikipagpalitan ng sulat, absent ako sa revelation day..wahahaha, loser no? pero ang maganda wala din sya… pareho kaming may exam, ang natanggap ko lang, isang bouquet na roses, pinadala nya sa organizer.

Hep! Hep! Wag mag-isip ng masama, walang love story na nangyari..hahaha, naging isang mabaet na kaibigan lang sya, kaibigan nga ba? Kasi ang naaalala ko lang sa kanya ay ang pseudo name nya, promise! Nakalimutan ko ang real name nya… since graduating din ang mamang yon..busy-busyhan sya. Na-meet ko lang sya before his graduation… second year ako sya fifth year na.

At hanggang ngayon , nakatago sa isang box of memorabilia ang mga sulat nya.. wala lang, nakakatuwa kasing magtago ng mga sulat plus magaling ngang kasulatan yon, bawat sulat may topic. Hindi basta-bastang pakikipagkilala lang.

Memories…. If tatanungin ako kung babalikan yon, sasali pa ba ako?.. malaking OO ang sagot ko. Sinong aayaw na may aabangan kang sulat kahit sobrang pagod, napapangiti ka.

Priceless yong excitement pag sinabi sa inyong may mga sulat na naman..parang mga bata lang na nakatanggap ng chocolate. Plus yong idea na tumawid ka sa isang mundong di mo alam.. syempre hindi natin alam kung sino yong kasulatan mo.. who knows? Mga campus figure pala yon at dun nagsisimula ang istorya este ibang istorya di ako kasama…hahaha.

Natatawid mo ang isang linya na if ordinary circumstances di talaga pwedeng magkasalubong ang mga landas nyo.. instant kaibigan ang sa iba nga naging Ka-ibigan.

Imagine ang nagagawa ng simpleng palitan ng sulat.. hays! Ngayon ko naisip na gusto ko palang maranasan ulit na may matanggap na sulat.

Sinong gustong makipagpalitan ng sulat sakin?..hahahaha, pag pasensyahan lang minsan ang mga katarantaduhan at ka-adikan ko. Pero if game ka, game din ako. Yey! Mwuah! Adik na naman ako.

malakas ang tibok ng puso ko

malakas ang tibok ng puso ko

Medyo matagal narin pala nung huling tumipa ako.. parte na sigoro to ng buhay blogosperyo, minsan sisipagin, minsan aabutan ng katamaran. Totoo pala na trabaho ang istorbo sa pagbablog..hehehe

Madami akong kwento, kelan ba ako nawalan ng kwento yon nga lang hindi pumasok sa isip ko na magpahid ng kung anu-anong anik-anik dito.

Ngayon, malakas ang tibok ng puso ko iniisip ko pa ang mga dahilan nito:

1. Resulta ng ininom kung gamot, sa sobrang taas ng dosage nagpalpitate na ang puso ko. Dahil dun, isinumpa ko ang synthetic drugs.. parang nakakatakot na, mas gusgustuhin ko pang uminom ng mga dahon-dahon lang. Diba lahat naman halos ng gamot naggaling din sa mga halaman?

2. Inlove ako?!? Sa gulo ng lovelife ko baka na-stressed ang puso ko, lagot ka aninipot, bawal ka palang mainlove..hahaha

3. Dala ng stress sa trabaho, imagine for the whole month of January, pati weekends may trabaho kami.. inalila ako ng gobyerno na walang proper compensation, ok lang sana na dagdagan ang trabaho ko tapos dagdag sweldo din, pero wala.. nada.

4. Hmmm, kelangan ko ng magresign?.. pagod na ako promise, di na yata ako Masaya sa trabaho ko, dati ko pa namang sinasabi na ayaw kung makulong sa apat na sulok ng opisina, pero anong nangyari? Nasa opisina ako, hindi ako naging manggugubat para lang di makarating sa gubat.. haller! Ako ang klase ng tao na di dapat kinukulong sa mga trabahong papel at kompyuter ang madalas kaharap.

Pansin ko, pangalawang beses ko palang na ginawa na magreklamo tungkol sa trabaho ko dito. Last year din yon February. Nagsulat pa ako tapos puro reklamo lang, pero yon nga ang benipisyo nito, nailalabas ko yong mga reklamo ko, bahala na ang iba kong babasahin o hindi.

Haays! Magulo akong kausap minsan pero pagdating sa mga bagay tulad ng pamilya, lovelife at trabaho madalas mahabang pag-iisip ang ginagawa ko. Pero ngayon! Naramdaman ko na ang pagod, di na nga sigoro ako bagay dito, walang nang-away sakin, ang bait nga ng lahat, pero andito na yong pakiramdam na kelangan ko nang umalis. May plano na akong umalis pero hindi ako sigorado sa lilipatan dahil una pa lang medyo taliwas sa paninindigan ko.. murahin nyo na ako kase natempt akong lumipat sa mining industry. Pwede akong magpaliwanag pero naisip kong wag nalang, basta personal din ang isa sa mga reason ko.

Isa pa takot din ako baka may iba pang malalim na dahilan ang pagpalpitate ng heart ko. Magpapa-check up lang ako pagdating ng nanay ko next week. Takot ako sa doctor, takot akong malaman na may sakit ako… Hays!, seryoso malakas talaga ang tibok ng puso ko.
Hindi ako namamaalam, pero possible na pag hindi na ako nag-update nagresign na ako sa trabaho ko. May contact no. naman ang mga naging kaibigan ko dito.. txt ko nalang kayo. Nice meeting with you guys! Makakabalik din ako, di ko lang alam kelan. :D

nagtatanong lang po.

nagtatanong lang po.

Sa totoo lang sobrang natuwa ako sa nabasa kong tula ni Ms. N, tungkol sa mga katanungan ng mga bata. May naalala ako, isang batang ako.. totoo, sobrang kulit ko na minsan umaabot sa pag-iyak ng mga tita ko na nagbabantay sakin.

Sisimulan ko raw sa isang tanong tapos iikot na ang susunod na tanong sa nauna nyang sagot.. halimbawa :

“bakit ka naglalaba tita?” sagot- kase mauubusan ako ng damit.

“bakit po mauubusan ng damit?” sagot- kase ginamit ko.

“bakit nyo po ginamit?” sagot- kase kelangan ng tao ang magsuot ng damit.

“bakit po kelangan magdamit ang tao?” sagot- kase hindi magandang tingnan ang tao na walang damit.

“ahh! Bakit po hindi magandang tingnan ang tao pag walang damit?” sagot- ewan ko sayong bata ka.

“ha! Tita galit po ba kayo? Sagot-HINDI.

“ahhh! Bakit po hindi kayo nagagalit? Sagot-_______ (si tita tumahik na)

“tita, bakit po kayo tumahimik?” (si tita naluluha na, di alam pano ako sasagutin)..hahahaha

Totoong nangyare yan, kaya pag may naglalaba akong tita, di na ako pinapaupo sa tabi nya kase malamang di sya matatapos sa paglalaba, restricted ako pag may ginagawa sila.. maiksi lang ang naisulat sa taas, ang totoo kahit buong araw daw akong magtanong walang problema, ang may problema yong sumasagot sa tanong ko.

Kahit naman ngayon matanong parin ako, kaya nga wina-warningan ko ang mga taong pinapahintulutan akong magtanong sa buhay nila kase ang dami kung nauungkat, at napapakwento ko ang mga tahimik dahil sa kadaldalan ko.

Yon nga lang mas madaling magtanong kung bata ka pa, kase sa ngayon, minsan mas mahirap na pag ibinalik sayo ang tanong mo.. hindi naman talaga ako magulong kausap, sinasadya ko lang maging magulo kung ayaw kung sagutin ang tanong na binabato sakin…hehe.

update daw!

update daw!

umaabot din pala talaga tayo sa pagkalimot minsan sa mga madalas nating gawain, tulad ng pagbablog, aminado akong dumaan ako sa puntong isang totoong adiktus, na hindi pwedeng lumipas ang araw na hindi nakakadalaw sa blogsite o kaya makapagbloghop.. pero pag inabot din pala ng panahong mas gusto mong manahimik kesa itipa ang nararamdaman pwedeng-pwedeng kalimutan na parte ka minsan ng bertwal na mundo.

maraming dahilan, minsan masyadong personal at meron ding iba ang hinahanap, taong pwede mong sumbongan na nakikita at nahahawakan.. hindi naman sa minamaliit ko ang mga pagkakaibigang nabubuo sa mundong to, pero alam nating lahat na mas nagiging malapit lang kayo pag nahaluan na ito ng personal na pagkikita at pagkakakilanlan.

sa parte ko na mas piniling magpakilala bilang walang mukha mas maliit ang tyansang mapalapit sa iba.. pero tama lang din, walang kasigorohan din kase ang pananatili dito, kako nga matira ang matibay.

haha, ang seryoso ko.. emo, madrama, itawag mo na lahat ng gusto mong itawag ok lang. Basta tumitipa lang ako.

ang totoo, inaantok ako, hindi inlababo ang dahilan bakit madalas akong wala, kasalanan ng allergy ko, at syempre ang kapartner nyang anti-histamine.. nabubwesit na akong uminom nito pero dahil gusto kong gumaling ok go!.. lulunukin.

lately, ang daming nawala sa mga gawain ko, tulad ng pagbabasa ng libro.. namimiss ko na ang lumipad sa ibang mundo sa pamamagitan ng pagbabasa, dalawang pahina palang, pumipikit na ang mga mata ko… walang coffee painting dahil mas gusto kong matulog kesa mabangag sa kape (kaya pasensya naman sa napangakoan ko ng gravatar, wala po talagang oras).

o sya babush.. pag magaling na ako malamang ma-aasikaso ko na ulit maging adik :D

guhit sa palad

guhit sa palad

Sa bawat pagtitig mo sa mga kamay mo, anong naiisip mo? Anong nakikita mo?.. ako puro guhit..hehe, seryoso, ang tao daw may kanya-kanyang guhit sa palad literal mang intindihin o hindi. Pero mas gusto kung isipin na ang mga linya sa kamay ko ay mag nais ipakahulugan tulad ng letrang M.. tingnan mo ulit ang mga palad mo, diba may mga major lines dun na ang letrang makikita ay M.. naks! Isa lang ang nasa isip ko pag tinititigan ko sila MAYAMAN.. pwedeng sa pera, pwedeng sa pagmamahal, pwede ring mayaman sa kagandahan.. ay! Pwede rin palang MAGANDA..wahahaha, kapalmuks na.

Pero ang mga guhit sa palad ay pwedeng resulta ng mga kalyo sa pagtatrabaho, sa pagsisikap na matupad ang iginuhit sa mga kanya-kanyang palad.. babalikan ulit natin si tadhana, si tadhanang walang alam, si tadhanang inosente, si tadhanang nasa gilid lang at naghihintay ng resulta… syempre tagasunod lang naman sya ng mga desisyon natin, masarap lang isiping may malalabasan tayo ng sisi sa huli pag may pagkakamali.. isang pagkakamali katumbas din ng isang guhit na naman sa palad pero mas higit ang markang kudlit sa dibdib.

Walang tao ang di man lang umabot sa pag-iisip na sana maganda ang kahihinatnan ng sariling mga kamay, na kahit may mga bagay na di natin kayang hawakan, umaasa parin tayong lumapat sila sa dalawang bukas na palad. Pero dahil nga hindi lang straight lang ang nakaguhit mas madalas pa nga ang kurba o baliko. Anong aasahan natin?..syempre matutong makisakay sa balikong linya hanggang umabot eto sa tamang linya na aayon mismo sa sarili nating mga panlasa.

Pagbibigyan ng pagkakataong baguhin ang guhit sa sariling palad , mas pipiliin kung manatili ang guhit nung isinilang ang batang ako.. wala naman kase talagang nakaka-alam sa mangyayari, sa hulihan desisyon parin natin ang mangingibabaw, tayo parin ang may hawak para balansehin ang mga nangyayari satin.

Pero pag may pagkakataon ako..guguhitan ko ang mga palad ko.. guguhitan ko ng kulay pink para Masaya, at kakaiba pa..hahaha :)

sa bawat pag-uwi.

sa bawat pag-uwi.

may mga bagay talaga tayong hinahanap kahit pwede naman sabihing nakakapamuhay pa naman tayo ng mabuti, sa parte ko mas madalas kung inaabangan ang makauwi sa probinsya, kahit siyam na oras pang nakaupo sa bus andun parin yong excitement.. di nawawala, dala sigoro to nang dahilan na nag-aral ako sa malayo, tuwing sem-break, christmas break at summer lang nakakauwi dati.. sa ngayon sinusubukan kong makauwi isang beses sa isang buwan, sabihin man nilang nakakapagod ang ginagawa ko..wa pakels.. syempre andun pamilya ko.. masarap matulog sa bahay at higit sa lahat, masarap ang mga pagkain.

at eto pa ang ilan sa mga dahilan bakit di ko ipag-papalit ang pag-uwi kesa sa iba pang mga lakad.

dagat, dagat, dagat.. oo lumaki ako sa dagat pero di marunong lumangoy..hehehe, pero sabi ko dati di ko kayang mamuhay ng malayo sa dagat, sa pananaw ko kase mas madaling maglabas ng mga hinanakit, ng pagod kung may nakikita kang malawak na dagat.. biased ako syempre kase nga lumaki ako malapit sa dagat diba? plus may bangkang de motor din kami kaya madaling pumunta sa mga malapit na isla.

eto pa.. sunset.. alam ko sasabihin mong kahit saan may sunset, mas maganda pa nga yong sa iba.. pero di nabibigyan ng judgement ng picture ang bawat sunset na nakikita ko tuwing umuuwi.. bakit? una, dahil mas masarap ang pakiramdam na panoorin ang paglubog ng araw kung nasa sariling bayan ka, walang nakakatakot, walang agam-agam.. masarap sa pakiramdam na pag madilim na ang paligid, pag-uwi mo andyan ang pamilya mo.. samahan pa ng malamig na hangin, o diba ang saya.

at panghuli, eto yong nasirang hanging-bridge papunta sa bahay ng lolo ko.. dati tinatakbo ko lang ang pagtawid dyan kaso, more than ten years nang putol.. bukana ng ilog papuntang dagat at sa likod mga mangroves kung saan inaabangan ko ang takipsilim, ang dami kaseng alitaptap.. maraming-marami na para silang mga christmas lights lalo na pag fullmoon, ang sarap mamangka.

nang-iinggit ako? OO, nang-iingit ako..hahahaha, at next week uuwi na naman ako..mwuah!

chikahan

chikahan

ang pagtanaw sa malayo ay salamin daw ng pag-iisip ng malalim, maganda sana kung masusukat ang lalim nito tapos ikukumpara kung saan ang kayang abutin ng nag-iisip pero madalas hanggang sa pag-iisip lang, walang hakbang, ‘ika nga ang pag-iisip ng mahabang oras ay katumabas lang minsan ng isang linya ng salita. Tapos.

mahabang oras na pag-iisip pero ang laman ay pabalik-balik, ayaw tapusin kase yon naman ang gusto ng saloobin. Pag naiisip na ang negatibong bagay, madalas ayaw tanggapin, syempre! sino ba ang nangangarap na sa dulo palpak din.. mala-fairytale o kaya success story lahat, binuo sa isip na parang pelikula lang, nagsimula sa simpleng eksena hangang sa manganak ng libo-libong sunod-sunod, matamis, magaan at para kang dinuduyan… tapos biglang ngingiti, mapapailing saka malalaman na ikaw pala ay dinala na naman ng isip sa lugar ng pantasya. haays! ang sarap mangarap pero pag pumasok sa isip na sobrang layo nito sa reyalidad, titigil at kakalimutan ang lahat.

ang isa sa mga bagay na maganda sa mga nabibigyan ng tsansang tumipa ay ang magkwento, may katotohanan man, kunting patotoo o kaya produkto ng pangarap ng humahawak sa daliri. Masarap magkwento pero mas masarap ang may kakwentuhan. kung ayaw mong lumipad sa mundo ng pantasya, maghanap ka ng kausap, simpleng palitan lang ng kuro-kuro, tanggal na ang inip, minsan pagod at ang madalas lumilipas ang oras na di namamalayan.

saan nga ba patungo ang pagtipa ko?..hehe, di mo alam? ako din hindi alam, paki-batukan nga…hahahaha

ang totoo, masarap palipasin ang oras sa paraang nagkukwento ako, tapos di ko naman kilala kung sino ang kausap ko, bale chikahan lang sa may kalsada, o kaya sa nakatabi sa jeep, pag baba, bye bye na.. sa susunod na taong ka-chikahan ulit.. ganun kasimple, ginawa ko lang kumplikado, hindi pala, mas lalo ko lang pinagulo..hahahaha

balik aninipot

balik aninipot

Minsan may mga ordinaryong pagkakataon na nagpapabago kung paano natin nakikita ang mga simpleng bagay, mga ordinaryong eksena tumatatak ng aral na dadalhin natin habang buhay.

Kahapon lang, habang sakay ng jeep may tao akong nakilala, si andre isang ordinaryong mukha na hindi natin papansin pag nag-cocommute. Wala namang kakaiba, sumakay ako ng jeep paauwi kasabay ng mga nanay ko sa opisina, upo tapos wala ng pakialam sa paligid.. pero bigla akong hinila ng isang kaopisina para umupo sa tabi nya.. lipat ulit ng upuan, walang problema sakin kase baka gusto lang nila akong katabi.. pero iba pala ang rason.

Pagkalipat ko ng upuan, saka ko napansin na ang katabi ko nung una, pumapalakpak, tumatawa at nagsasalita mag-isa.. unang kong reaksyon, natakot. Sabi ng isang nanay-nanayan ko…”baliw ang nakatabi mo” kaya daw pinalipat ako nila.

Pero dahil dun, inobserbahan ko sya.. kinakausap sya nung asawa nung driver na nagsilbing konduktora.. “andre” ang tawag sa kanya, tapos nung nakita nung konduktora na tinitingnan ko yong si andre sabi nya “mabaet yan”.. alam mo yong pakiramdam na napahiya ka kahit di mo naman intension na gumawa ng kasalanan, yon ang naramdaman ko.

Tapos saka ko napansin na sumasagot sya ng matino sa mga tanong sa kanya nung konduktora, hindi sya baliw, may kunting kulang lang sa pag-iisip, isang taong espesyal pero namumuhay ng normal… pumapalakpak at tumatawa sya kase masaya sya.. ganun daw si andre pag sumasakay ng jeep sabi nung konduktora. Libre ang pagsakay nya sa jeep, kase bababa din naman daw sya sa pinakamalapit na chapel para magsimba.

Nung pagkababa ni andre, napatanong ako sa sarili ko, ang simple lang ng kaligayahan nya, saka ko biglang naisip na halos tatlong buwan kong naikulong ang sarili ko sa ibang bagay.. nakalimutan ko ang sarili ko, nakalimutan ko na simple lang pala ang nagpapasaya sakin. Nakakatawa ano? Umaabot tayo minsan sa lebel na ang dami nating dinadala pero kung tutuusin pwede naman itong bitawan o ilapag para di mabigatan.

Ang dami kung nakalimutan sa mga ordinaryong ginagawa ko dati, nakalimutan kong i-appreciate minsan ang pagkakaroon ng sandali na hawak ko ang oras ko, mahirap makipaghabulan sa ating sarili mismo, tapos wala naman palang nagbabago dahil paniwalaan man natin o hindi may mga bagay na di natin kontrolado.

Kahapon, imbes na sumakay pagkadaan mula sa pinakamalapit na mall, nilakad ko nalang, nakakamiss pala ang paglalakad kahit mag-isa lang, dumaan ako sa pinakamalapit na parke kahit isang klase lang ang mga puno dun, Masaya na ako na nakadaan ulit dun kasama ang mga artipisyal na kalahi kung alitaptap..

natuwa ako, dahil kay andre bumalik na sa dating sarili si aninipot.. :)

panahon

panahon

Kung panahon ang maghuhusga
Mabuti pang idaan nalang lahat sa tawa
Wala namang itong kaibahan sa pagluha
Iikot at iikot parin ang lahat.

Wag matakot sa pagbagsak
Ulan nga’y di nagreklamo na buong buhay
Sila’y bumabagsak at bumabagsak.

Dahil panahon naman ay lumilipas
Mabuting hayaang maibahagi sa lahat
Ngiting naibulas pagkatapos ng pag-iyak
Iikot at iikot parin ang lahat.

Sa pagbagsak na di alam ang babagsakan
Ulan ay kabahagi sa pakiramdam
Dahi ikaw ay bumabagsak, bumabagsak.

Panahon ay hayaan dahil ito’y may sariling bilang
Kelan ang pagtayo, kelan ang paglipad
Wala tayong alam
Pero may panahong magbabahagi ng karanasan.

—————————————————————————–

ang sipag kong magpost no?..haha
ang totoo, gusto ko lang i-post tong tula na matagal nang nagtatago, kung bakit di ko sya nakita, yon ang di ko masagot..hahahaha wala lang trip kung magpost ng bago.. last year ko yata to ginawa kung kelan, di ko maalala.

ok, kahit gusto ko ang tag-araw, gusto ko rin ang panahon ng tag-ulan, kaw ba naman ang lumaki sa probinsyang halos buong taon may ulan, syempre masasanay ka.. plus masarap matulog..hehe

walang eksaktong patutunguhan tong tinitipa ko, basta gusto ko lang magsipag na magpost ng entry..hehehe

Summer na ulit

Summer na ulit

mainit na naman ang panahon, ikinatuwa ko pa naman dati nung sabihing expected na hanggang july ang tag-ulan, hindi dahil sa katunog ng totoo kung pangalan ang terminong ginagamit kapag lumuluha na naman ang langit kundi dahil malamig ang paligid, walang alikabok at syempre masarap matulog..hahahaha

pagsapit ng ganitong panahon, masarap alalahanin ang buwan ng tag-araw ng mga kamusmusan, at isa na sigoro ako sa may makukulay na kwento ng kabataang sa panahong ito. Madalas ang summer kinokonekta sa dagat, summer class, paglalaro ng walang humpay o kaya bakasyon sa ibang kamag-anakan pero may isang alaala sa isip ko na hindi man kakaiba pero itinuring kung isa sa pinakamahalagang bahagi ng buhay namin ng pamilya ko.

maybe this could be considered as one of my earliest memories that I can vividly remember, nag-english na nahirapan akong magtagalog…hehe

limang taon lang ako, katatapos lang din ng pasukan, pero kakaresign lang din ng nanay sa trabaho nya, hindi ko alam hanggang ngayon bakit nagresign ang nanay sabi lang nya nagkaroon lang daw sya ng krisis sa trabaho at buhay pamilya, hindi narin namin tinatanong dahil ako lang din naman ang nakaalala, dahil kung kuya ko ang tatanungin, adventure lang ang naa-alala nya sa panahong yon.

dahil nga mga bata pa kami, anim si kuya, limang taon ako at 3 years old naman ang pangatlo, wala pa sa mundo ang dalawa ko pang kapatid, di pa kami pinapayagan makaligo sa dagat kasama ng mga bata samin, instead sinasama kami ni nanay dun sa kapirasong lupa nila tatay sa bukid, plano ni nanay na gumawa ng garden ng mga gulay, walang gustong magpaiwan kaya lahat kami sinama, maaga pa lang naglalakad na kami isang kilometro din yon, ang pangatlo kung kapatid kinakarga minsan ni nanay tapos kami ni kuya naglalakad na may maliliit na backpack, damit pamalit ang laman at may kunting biskwit at juice parang magpipiknik lang no? sa ngayon pag na-iisip ko yon, para pala akong si dora that time, naglalakad na patalon-talon..hehehe

hindi nakakapagod ang maglakad kase sa una mga 300 meters along the high-way tapos susunod papasok sa medyo mallit na kalsada, habang tumatagal. paliit ng paliit ang dinadaanan namin, pero ang masaya may parte na dumadaan sa tubigan, bale naglalakad kayo dun sa may malinis na dumadaloy na tubig.. minsan may maliliit pa na isda, sabi ni nanay “gorami” ang tawag dun.

habang nagtatanim si nanay, kami naman pinapayagan nyang magliwaliw basta wag lang kaming lalayo, ayon! si kuya pasimuno, nangongolekta kami ng mga itlog ng kuhol, yong kulay pink..kase palalakihin daw namin, nilalagay namin sa mallit na container tapos may tubig, sabi ni kuya after 3 days kuhol na daw ang mga yon pero lahat ng kinolekta namin ni isa di naging mallit na kuhol, namuti na yong mata ko sa kahihintay pero wala.. as in nada..

kaya ang next move, mangolekta ulit ng kuhol pero duon naman ilalagay sa loob ng kawayan na hagdan ng kubong ginagamit namin.. experiment no. 2, araw-araw ko silang sinisilip sa butas para bantayan pero ang resulta, wala parin..hahaha

buong bakasyon halos ganun lang ang ginagawa namin araw-araw except pag linggo..pero bago natapos ang bakasyon may isang pangyayaring di ko maintindihan sa tuwing nagkukwento kami naluluha si nanay.. may isang araw nuon habang andun kami sa bukid biglang bumuhos ang sobrang lakas ng ulan, tapos may kasamang malakas na hangin… as in malamig na malamig ang hangin, pero sa parte ko walang problema sisilong lang naman kami sa kubo yon nga lang kelangan naming maghanap ng tapal para sa isang parte kase wala syang dingding bale yong apat na parte ng kubo tatlo lang ang meron, eh natutulog pa naman sa duyan ang kapatid ko.. ginawan sya ng duyan ng nanay kase antuken pa ang 3 years old. isipin mo nalang ang nanyare, pinipilit naming tapalan yong isang parte para di kami mabasa ng ulan dahil sa pasaway na hangin pero ang nakakatuwa, di ko maalala na natakot ako o kaya mag-alala.. ang sakin lang ay wag palusotin yon ulan sa kubo, ganun lang, parang simpleng laro.

maghapon halos ang pag-ulan, di kami makagala, si nanay naman di makapagtanim, duon lang kami sa kubo, kumakain ng kamote na niluto ni nanay, tapos dahil wala ngang magawa, tinuturuan nalang nya kami ng kanta yong isang version ng bahay kubo, hindi ko na maalala ano yong lyrics pero kaya ko syang i-hum.. tapos kinahapunan natanong namin si nanay kung maliligo ba kami sa ulan pag-uwi, sagot nya lang hindi tapos tumanaw na sa malayo.. ayoko nang alalahanin yong expression ng mukha ni nanay, ang lungkot kase, ewan ko bakit.

buti nalang pagsapit ng alas singko tumila ang ulan, pina-ayos na kami ni nanay para umuwi kaso may boses akong narinig na tumatawag ng pangalan namin, pag lingon si tatay, sinusundo kami, nag-alala pala dahil sa lakas ng ulan.. baka daw di kami makauwi tapos may dala syang mga pagkain na kinukutkot namin habang pauwi.

pagsapit ng june.. nagtrabaho na ulit si nanay..

pero ako, syempre binida sa school ang bakasyon, kung paano mangolekta ng itlog ng kuhol, asan may maraming-maraming Camia na bulaklak, tapos yong mga bayabas na kung saan-saan lang..ang saya!

sa ngayon, naiisip ko na kung ano ang pakiramdam ni nanay sa panahong yon, masyadong magkalayo kung paano intindihin ng isang bata ang sitwasyon kesa sa may responsibilidad na sa balikat.. basta madalas lang na sinasabi ni nanay, ayaw na nyang masubukan ulit namin ang sitwasyong yon..

pero ako, gustong-gusto ulit balikan ang panahong yon. :)

waiting but not in vain

waiting but not in vain

pag hindi mo tanaw ang patutunguhan, minsan masasabi mo na ang buhay ay mahabang pila, mabagal na walang katuturan, na hindi kanais-nais pag-usapan. Gnaun ba dapat? wag mo nang sagutin, di naman tiyak ang tanong. maaring ikakalito lang ng walang magawang isipan.” —— txt ng isang officemate kanina habang nasa pila sya ng NSO.

tapos sinagot ko lang sya ng pabiro… “naks! ganito pala ang mangyayari, nagiging makata ang tao pag pumipila sa NSO..hahaha”

pero nag-paalam akong hihiramin ko ang txt nya. gusto kong magsulat ng tungkol sa paghihintay.

———————————————————————————–

naghihintay ako sa isang bukas na di pa kayang tanawin ng dalawang mga mata ko, mga mata’y bubuksan para abangan ang bawat galaw ng mga daliri mo.

naghihintay akong maabot ng mga daliri ko ang linyang di maiguhit ng sariling mga palad ko, sa ritmo na ibabahagi ng tadhana, umaasang matawid ko ang hangganan ng iyong mundo.

hihintayin kong kulayan mo ang isang mundong hindi maarok ng isipan ko, takipsilim ba ang kulay ng pagtatapos o pagsikat ng araw ang dudugtong sa mga pangakong naputol.

hihintayin ko ang pangyayaring magsasabay ang bawat pag galaw ng dalawang mundo, ikaw ba ay sasabay sa pagtakbo o ako ang babagal para sa paglakad mo.

maghihintay ako sa isang walang hanggang pag-ikot ng buhay.

maghihintay ako upang mabuksan ang mga mata ko sa totoong kumpas ng mundo.

:)

paru-parong mundo

paru-parong mundo

"paru-parong mundo"

pag hawak mo daw ang mundo, kasama na ang maliliit na nakakabit dito.

pero paano pag sinusukat mo ang kaligayahan na maliliit lang ang nakakapuno?

panghahawakan mo ba? ikukulong sa palad mo?

eh! kung ang paghawak mo ang dahilan ng paglaho?

ewan! kay gulong mundo.

tara! samahan mo kung patumblingin ang kanya-kanyang mundo, tingnan natin kung sino ang makakatagal sa balibaliktad na mundo..hehe :D

subok ulit!

subok ulit!

Sa tuwing nalulungkot ako ang madalas na nangyayari ay nagpipinta na lang ang abang lingkod, pampalipas oras. Pero madalas sa kadalasan nasisira ang pinipinta ko. Kung gaano kagulo ang utak ko nung magsimula akong magpinta ganun din ang resulta.

Tulad nito:

"layag"

Ibang-iba ang plano ko pero pag hawak ko na ang paint brush, wala na! di ko na hawak kung anong mangyayari. Ang mahirap kase sakin, wala akong tiyagang maghintay kung kelan matutuyo ang ginagawa ko, kaya nga nasabi ko rin dati na di ako pwede sa oil paintings, baka lahat ng ginawa ko sira. Bukod sa pulubi ako at di ko afford ang oil colors, kailangan ng mahabang oras, sa akin di puwede yon, minamadali ko na makita ang resulta, ang problema din kase pag may ginagawa ako ng paunti-unti, pag natigil kahit isang kudlit nalang ang kulang di ko na nababalikan, pag nasira ang momentum, wala na.

Pero dahil ang lawak ng sining ay walang sukatan. Artwork is still an artwork. Palusot! hahahaha

“Just because something doesn’t do what you planned it to do, doesn’t mean it’s useless” — Thomas Edison

bloomed

bloomed

The end of flower bloomed is a picture of a kissed from the light of darkness.

Update:

kaya mong isa-tagalog ang sinabi ko sa taas. Natuwa lang akong malaman na may iba-ibang interpretation ang sinabi ko, depende sa bumabasa nito.. excuse lang muna sa mga grammar nazi.. di ako sumusunod sa paraan ng tamang pagconstruct ng sentence pag gumagawa ako ng letra sa pinipinta. :D

sino nga ako?

sino nga ako?

Pag naubos na ang lahat ng plano, pag wala nang maisip na gagawin para sa sarili, pag wala nang makitang maganda para magpatuloy, ano ang gagawin ng tao?

Hihinto? Magbibilang ng tupa? O magbibilang ng bituin?

Aba’y may gagawin parin, effort ang pagbibilang, lalo na pag tupa ang binibilang, saan ka hahanap ng tupa para bilangin? May tupa ba sa Pilipinas? Kung meron pakituro naman para may magawa ang walang magawa.

Kung bituin naman, madaling maghanap ,tingin ka lang sa langit pag gabi, at simulan mo na ang pagbibilang, tingnan natin kung ilang gabi ang aabutin para mabilang mo ang lahat, markahan kung saan huminto para maipagpatuloy sa susunod na gabi.

Ano ba talaga ang patutunguhan ng pagbabasa mo?

Simple lang po, walang magawa at ayaw mong huminto. :)

Dumarating tayo sa puntong parang wala kang patutunguhan, maraming tanong kung tama nga ba ang ginagawa? Tama nga ba ang desisiyon ? saan na ba ako pupunta? Ano na ba ang ginagawa ko sa buhay ko?

Sa dami ng tanong, higit sa madalas di natin nahahanap ang sagot. Bakit? Dahil mali ang tanong na pilit nating hinahanap ng sagot.

Sino ba ang gusto mong sumagot sa lahat ng tanong mo?

Si kaibigan? Si kapatid? Si nanay o tatay? O kaya si San Pedro? mga anghel na hulog ng langit? O si pag-ibig?

Wala di ba?

Dahil aminin man natin o hindi, sa hulihan ang tanong lang naman na hahara sa daraanan natin ay “Masaya ka ba?”

Importante ba na masaya ang tao? Isang malaking OO ang isasagot ko. Andito ka pa kung di mo naman hahanapin ang kaligayahan mo, Napakasimple no? simpleng paglangoy sa karagatan, simpleng pagtawid sa kabundukan, simpleng pakiki-angkas sa pakpak ng bakal na ibon. Simple lang bow!

Ano ba ang simple kung kaligayahan na ang nakataya? Kung sekyuridad sa sarili ang pinupunan? Kung pwede lang sana tubig nalang ito ano? Kung gayon, lahat ay masikap sa pag-iigib kahit pa kilometro ang lalakarin, pitong bundok ang aakyatin at sandaang ilog ang lalanguyin.

Minsan ang mga simpleng bagay pa ang mahirap makuha, mahirap nga ba? O baka tayo-tayo lang din ang nagpapahirap sating mga sarili.

Baka simpleng ngiti lang ang kelangan, simpleng pagbati lang ang bayad , o kaya simpleng pagtanggap sa sarili lang ang sagot ng lahat.

Pag isipan mo. Subok lang. Walang mawawala sayo. :)

OO, kinakausap ko sarili ko..hehe! bow!

ilaw ko

ilaw ko

http://www.eventides.org.uk/

Sinusubukan kong mag-isip ng tamang salita para ilarawan ka, pero ako’y bigo. Walang salita na dumapo sa mga kamay ko para ipahid sa pahinang ito. Sinubukang kong magpinta para makita kung kaya bang ibigay ng dalawang kamay ko ang tamang timpla ng kulay mo pero bigo ulit ako.

Wala pala, walang salita ang pwedeng sumukat sa iyo, walang tamang kulay para mabigyan ng hustisya ang pagsasalarawan sa iyo.

Dahil ang pagiging ina ay ‘di nasusukat nang mga malalim na salita, ‘di rin pwedeng ihambing sa kahit anong bagay, dahil ito’y itinanim, tumutubo, lumalago ng di nalalaman.

Para sa Nanay Esting ko at sa lahat ng nanay, maligawang araw ng mga Ina! :D

Alam mo na! mwuah!

little things matter

little things matter

dahil di ko alam ang sasabihin ko.. magkukuwento ako ng kahit na ano.. game?

una, feeling busy-busyhan ako, at sa tingin ko di ko na kailangan magpaliwanag kung bakit, pero dahil makwento akong tao, susubukan kong mag-explain..
may inorganized kaming event, regionwide kaya medyo mahaba ang preparation, katatapos lang ngayon at masakit ang batok ko. bow!

pangalawa, hati ang oras ko, kailangan ko nang magluto every morning, mahirap pala pag may kasama nang kapatid, obligado akong maging ate..hahaha, hati din ang isip ko pag nasa trabaho, dahil nag-enroll na ang kapatid ko, at wala syang kasama, di ako pwedeng umabsent, kawawa nga, sariling sikap, tawag lang ako every so often. at sinumbong ako sa nanay ko na pinabayaan ko daw sya, ngayon sinong kawawa sa aming dalawa?

pangatlo, masaya palang umattend ng party ng mga tanders, dahil wala kang pagpapacute-tan walang pakialaman kahit magpanggap ka pang lasing habang sumasayaw..wahahaha

pang-apat, masaya na malungkot pag nakalimutan mong ang mga kasama mo pala sa trabaho ay mga tanders, dahil may kasamang socials ang event na inorganized namin at may hawaian/summer look na theme pa silang nalalaman, nag mini-skirt pa ang lola tapos pagpasok ko, diyos mio mga nineten kupong-kupong pala sila.. toinks lang nagmukha tuloy akong grade 2 section 5..ahahaha

at panghuli, dapat daw may sasabihin akong natutunan ko sa conferenece pero naman alangan ipag-compare ko ang mga side comments ng mga speaker sa RH bill, wag na po… magkaka-wrinkles lang tayo. kaya eto na lang ha, sometimes little things hurt, and sometimes little things matter….

yan pala ang sinabi ng kuya-kuyahan ko habang nag-evesdropped kami sa usapan ng boss ko at asawa nya habang nakikisakay kami pauwi kanina. Sinabi nya habang may kasamang hila sa buhok ko, at sinamahan pa ng, “when you say I do to someone make sure that even on little things both of you will agree”.. di ko na sasabihin anong narinig namin..

:)

malungkot ka?

malungkot ka?

Minsan mahirap maintindihan ang mga nararamdaman natin, subukan man nating mag-explain pero hindi sapat ang mga salita para maisalarawan kung ano man ang namumuo sa utak mo, lalo na pag balot ka ng isang emosyong hindi maintindihan.

Nakakatawa minsang maghanap ng sagot sa mga bagay na alam naman nating di talaga mangyayari. Minsan lulunurin tayo ng mga panaginip, mga masasayang eksenang ginuhit natin sa mga isip natin kase yon ang pinapangarap nating mangyari pero pag ginising ka ng reyalidad parang ang sarap ipikit nalang ang mga mata, masarap manatili nalang sa lugar na yon pero sino ka para diktahan ang nangyayari sa buhay mo?

Parang napakagandang isa-titik ang lungkot na nararamdaman, masarap maghanap ng makikinig, makikiramay sa mga tinatagong kalituhan, minsan masarap nalang magpakalunod sa kahinaan, ang ilugmok ang sarili at amining mahina ka. Bahala na ang iisipin ng iba.

Pero lahat ng yan hanggang pangarap lang din, gusto mang sumuko pero tadhana nalang din ang babatok sayo, may kasama pang sermon na “Ano ba! ang swerte mo, di mo ba alam yon?”… maswerte nga saan ka makakakita ng tadhana na nambabatok?

sa tuwing susubok akong tumipa ng lungkot-lungkotan, kalahati pa lang ubos na ang lungkot ko, kaya sala-salabit na ang mga naititipa ko.

ang totoo, marami lang akong namimiss kaya ganito. kasama ka sa namimiss ko :)

libre lang

libre lang

Pagkatapos kung lakarin ang dalawampu’t tatlong taong pamumuhay, kung saan hinayaan kung mangarap, maglakad, tumakbo at tumigil upang mamahinga, marami paring pangyayari na hindi kayang arukin ng isip ko.

Isa ako sa mga libo-libong naglalakad sa kalsada, naghahabol ng oras para maisabay ang mga paa sa galaw ng buhay sa syudad. Nakasapatos na minsan may takong, minsan sandalyas naman, namimili kung saan pwedeng gumalaw paiwas sa mga kalyong nagpapatigas ng balat.

Paminsan-minsan nakikitawa, nakikiiyak at nakikisimpatya sa mga estranghero na nakakasabay sa kalsada. Gumagalaw ayon sa takbo ng oras na nakasanayan na. Ganito tayo diba?

Aakalain mong tinutupad natin ang mga pangarap sa pamamagitan ng pagtatrabaho. Minsan malayo pa sa pamilya. Pero ano nga ba talaga ang gusto natin? Mahalaga nga ba na makuha natin ang mga bagay na dinidikta ng sosyedad?

Minsan habang naglalakad pauwi, bigla akong napatingala sa langit, ‘may bituin pa pala sa langit’ sabi ko sa sarili ko.

Ikaw kelan ang huling beses na tumingala ka sa langit? Andun pa ba yong bituin na tinatanaw mo nung bata ka pa?

Minsan ang mga ganitong simpleng pagkakataon ang nagpapangiti satin. Isang kuntentong ngiti mula sa mga ala-ala ng kamusmusan, mga ala-ala kung saan simple lang ang kailangan para tayo tumawa.

Walang bayad ang mga pagkakataong ito, hindi kailangang gumastos para masabing naging masaya ka. Simple lang naman ang kailangan ng tao diba? At sobra pa sa madalas ang mga bagay na nagpapasaya satin ay nakukuha ng libre.

Ikaw,kelan ka naging libre para sa sarili mo?

may alam kang laro?

may alam kang laro?

may sportfest daw kami..

kaya tingin agad ako sa listahin.. kinakabahan ako, baka ilista ako nila sa kung saan-saang laro.

ang nasa listahan:

1. Basketball – hindi! agawang buko pwede pa…hahaha
2. Volleyball – isang malaking HINDI! kung gusto kong magkulay byolet ang kamay ko, pwede narin.
3. Badminton – kulelat po ako.

mahaba pa ang listahan at pagdating sa dulo, yehaaa! alam ko na ang sasalihan ko.

tsaraaaan! patintero.. sasali ako, at sasali talaga ako. bow!

KM2: Ngiti mula sa mga bituin

KM2: Ngiti mula sa mga bituin

Nakaupo ka ngayon sinusubukang sukatin ang pananaw ng iba tungkol sa iyong pagkatao, ako ba ay marikit? ako ba ay mahalaga sa gitna ng milyong Eba na namumuhay sa mundo?

ang alingawngaw ng pag-alala ay sumasayaw ngayon sa isip mo.

May akma nga bang terminong pwedeng isukat sa kabuoan ng pagkatao, ang kulay ba na nagpapatingkad sa piniling buhay ay may ningas pa? Nakakatakot ang reyalidad, minsa’y mapupuno muna ng peklat ang puso para matanggap ang hangganan ng kakayahan.

Animo’y manananggal ang tadhanang humahara sa iyong daanan, pinipilit higupin ang dugong palaban na nanalantay sa buong pagkatao, nakakabingi ang halinghing, ang halinghing ng katahimikan na sumusunod sa tuwing nag-iisa.

Ang mga alagad na dikya ang dahan-dahang sumisipsip sa pag-asang itinanim para sa maluwalhati paglalakbay, mahirap iwasan at hindi pwedeng takbuhan dahil kasama ang maputik na daan para makompleto ang ikot ng masukal na kapalaran.

Tinitigan mo ngayon ang dalawang kamay, may katuturan pa ba ang guhit sa iyong mga palad? O isa lang ito sa mga elementong nagtutulak para sumakay sa bangka, makisabay sa agos na di mo naman alam saan patungo.

Naghahanap ng luwalhati, umaasang pagkatapos makipagtuos sa sarili ay papandayin naman ang butas na nagdudulot ng panibugho, aayusin ang nakaraan na sumisigaw ng sakit na hinugot mula sa yungib ng pasakit.

Nagtatanong ka ngayon mula pagtanaw sa langit, nangangalumata sa paisa-isang pagtitig sa libo-libong bituin. Humihiling at tumatawag sa banal na pangalan mula sa natirang katiting na pananampalataya.

Sisilip pa ba ang pulut-pukyutang pag-ibig o mananatili nalang itong kuyukot ng panaginip.

Buntung-hininga. Sa dako pa roon may masasayang maharlika, kelan ako magiging kagaya nila?

Habang ang mga adhikain ng mundo ay sumasayaw sayaw, naghihintay kung sino ang makakasunod sa tempo, ngunit sonata mo ngayon ay kinuha mula sa lugami ng buhay.

Wasak na naman ang puso, humihinga, naghihintay ng mag-aabot ng kamay.

Pero habang wala pa, ang mga bituin ay sapat na. Makikisilong sa kislap ng tala para i-akyat ang sarili. Mithiin ay malagyan ng ngiti ang sariling mga labi.

Tatay’s Day na naman

Tatay’s Day na naman

Malapit na naman pala ang father’s day. Swak sana na holiday sa Monday tapos may isang araw for offset.. .pero nagkakamali ka na uuwi ako.. kung ibang pagkakataon baka pagdating ng Thursday night lipad na ako pauwi samin.. kaso di na tulad nuon ang sitwasyon ko. Alangan naming basta ko nalang iwan dito si brother dear. .. malamang sa malalagot ako kay nanay pag ginawa ko yon. At selfish din na ako lang ang uuwi tapos sya hindi.

At dahil father’s day na naman, magkukuwento sana ulit ako tungkol kay tatay kaso di ko alam paano pag-isahin ang mga salitang palipad-lipad ngayon sa utak ng yours truly. Kaya random kong ititipa depende sa unang maaalala ko.

Paboritong tambayan ni tatay ang tabing dagat lalo na pag papalubog na ang araw kasama ang gitara nya.. kakanta lang yon doon hanggang sa gusto nya, tapos ako lang ang inuutusan ni nanay na pauwiin na si tatay kase sya ang magluluto ng hapunan..hehehe, pag naglalakd na pauwi may laro kami ni tatay, paunahan makarating ng bahay, sya naglalakad ako tumatakbo, at may prize ako pag nanalo, at ni minsan di sya nanalo.. alam na!..

May panahong pinagseselosan din ni tatay kaming limang mga anak nya, lalo na tuwing kakauwi lang naming mula sa ilang milyang layong paaralan, si nanay kase di na sya pinapansin, lahat ng gusto namin ang inaasikaso..hahaha, ganun pala talaga no? kahit tatay na minsan nag-aastang bata. Paano namin nalalaman na nagseselos na sya? nililinis nya ang buong bahay na hindi umiimik.. at ang ginagawa namin, pinapabayaan sya pag malinis na malinis na ang bahay saka naming sya kakausapin.. dinadaan naming sa maBOTEng usapan na may kasamang kantahan, concert ang resulta, walang paki sa kapitbahay..

Hindi si tatay nakapagtapos ng pag-aaral, gustohin man nya wala syang choice, walang suporta mula sa mga magulang nya.. kaya nga binibiro namin sya ng mga kapatid ko na pag tapos na kaming lahat sya naman ang pag-aaralin namin.

Pero ang isa sa pinakagusto ko sa ugali ni tatay, sya ang unang-unang pumapalpak pag kumakanta na ako kahit umulan, Kumulog at kumidlat pa.

Wala naman sigorong perpektong tatay kung standard ng mundo ang sukatan, pero ang bawat anak ay may espesyal na sukatan sa puso.

Kung may isang ugali sigoro na gusting-gusto kung makuha kay tatay, yong sobrang haba ng pasensya.. pag sobrang galit na sya, iniluluha lang..haays! namissed ko bigla si tatay.

ang daming pumapasok sa isip ko at hindi pwedeng ikahon sa isang poste lang ang kuwento ni tatay.. basta tatay ko sya. Bow!

ants lesson

ants lesson

pag sinubukan mo palang obserbahan ang mga langgam kahit kunti may matututunan ka, halata bang wala akong magawa dahil pati mga langgam pinapakialaman ko na? hehe!

dati pag nakakakita ako ng parada ng mga langgam lalo na pag pulang langgam pinapatuluan ko sila ng kandila.. oo na ako na ang walang awa, ako na ang salbahe, minsan nilalagay ko sila sa dahon tapos ilalagay sa balde na puno ng tubig, ayon! nasubukan nila kung paano maglakbay na may malalaking alon at ipu-ipo.

pero matagal ko nang tinigil ang gawaing yon, nung medyo tumanda na ako ng kunti, tinitingnan ko na lang sila, ay! di pala, ine-erase ko lang yong trace na iniiwan nila, o ha! experiment ko yon nung may entomology class ako.. gusto kung subukan if nawawala ba sila if susubukan kung i-erase ang iniiwan nilang bakas.. pheromone ang tawag sa hormone na iniiwan nila kaya kayang-kaya silang sundan ng mga kasamang langgam.. ang tanong nawawala ba sila?.. OO nagkakagulo sila pero panandalian lamang, wais parin sila nakakagawa ulit sila ng paraan na makauwi kung saan mang lupalop nila tinago ang kuta nila.

dahil ang pag-aaral ko kuno ay di pa tapos,tuwing may pagkakataon ulit mag obserba kinukuha ko na as opportunity na malaman ang ibang behaviour nila mismo mula sa aking mga mata. kaya last weekend, balik ako sa dati, nag-oobserba na naman ako ng mga langgam na pumaparada, at ano ang nakita ko? tsaraaaan! naghahakot din sila ng tubig, promise! parang kung anong nadiscover na pipigil sa pag gunaw ng mundo ang level ng excitement ko..hahaha

diba usually ang alam natin naghahakot sila ng pagkain gamit yong mandibles nila, eh saan nila nilalagay ang tubig?..hulaan mo..

tsaraan! sa dulo ng abdomen nila.. pinupuno nila ng tubig yon. kagaya lang din ng pagkain, salitan sila sa paghahakot o baka pag-iigib ang tamang term , kung di ko pa nakitang napupuno ng tubig yong abdomen nila malamang sa nilunod ko ulit sila sa tubig para malaman ko kung paano sila lumangoy..hehehehe

ayan kids! tapos na ang lesson ng titser-titserang mode ko.. susunod naman kung paano manligaw ang mga aso sa lumalanding babaeng aso.. o ha! na-obserbahan ko yan, way back college days. :)

publikong manggagawa

publikong manggagawa

Eksaktong isang taon at sampung buwan narin pala ako na nagtatrabaho bilang isang empleyado ng gobyerno, hindi ako nagbibilang para i-selebra na nakayanan ko kung paano maging isang empleyado ng gobyerno pero nagbibilang ako para kumbinsihin ang sarili ko kung sapat na ba ang nakita ko para magsalita, pero kulang pa, yon nga lang may kalayaan tayong sabihin ang gusto nating sabihin kaya yon muna ang pinakamalapit sa katotohang pader na gagamitin ko para sandalan.

Aminado ako na ni sa hinagap hindi ko pinangarap na makapagtrabaho sa isang sangay ng gobyerno, hindi rin naman ako ipokrita para sabihing hindi ko alam ang mga kamalian na lumalabas sa medya,pero saan ako binagsak ng tadhana dito, para sigoro makita ang ibang bagay na hindi nakikita ng mga mata lalo na pag ordinaryo lang tulad ng mga simpleng proyekto na minsan inaakala nating simple lang pero kadalasan buhay na pala ang binubuwis. Ano nga ba ang punto ko? Simple lang nanghihingi ako ng tenga para maintindihan at makita din ang kalahating panig na madalas hindi pinapansin.

Masakit tanggapin ang mga salitang sinasampal ng mga tao para sa mga taong nasa gobyerno, masakit lunukin lalo na alam mong may pagbabago pero hindi man lang binibigyan ng halaga ng iba. Sinasabi ko to HINDI para sa mga politikong madalas nagpapapogi sa harap ng kamera at mikropono ng radyo pero para sa mismong simpleng manggawa ng gobyerno.

Naiintindihan ko na lahat ng tao naghahanap ng pagbabago, karuwagan sa buhay, at kapalit sa mga binabayad ng buwis, at totoo naman na kelangan nating makita ang resulta at mapakinabangan ang parte na binibigay mula sa pawis ng pagtatrabaho, ako rin naman nangangarap tulad mo.

Pero minsan gusto ko namang makita nang iba na sa kabila ng mga katarantaduhan ng mga lider na nasa puwesto may otsenta porsyento pang naiiwan na tahimik na nagtatrabaho. Tahimik na ginagawa ang tungkulin na minsan hindi pa nangalahati ang benipesyo na nakukuha kumpara kung nagtatrabaho sa pribadong kawani.

Pwede mog sabihing na pwede naman kayong umalis dyan, pero ang gusto kong ipakita ay larawan ng mga taong ginustong magsilbi. Kelan ba papansinin ang ganitong senaryo? Madalas tayong naka-abang ng mga maling balita, kibit-balikat pag maganda tapos pag may pagkakamali, ratsada na ang reklamo. Ganun talaga sigoro.

Marami ang nagtatrabaho sa sabado na libre, walang bayad ang overtime pero dahil tanggap na parte ito ng pagiging mangagawa ng gobyerno walang nagrereklamo, magtatanong ako, sino ang papayag na magtrabaho ng walang bayad?

Naniniwala parin akong hindi pa bulok ang sistema ng gobyerno, umuusad parin ito, katulad lang din ito ng pila sa NSO kung lahat ng taong nasa pila ay may disiplina may aarangkada. Wag lang humiling ng magic hijo at hija, walang mahika ang nasa likod ng lamesa.

Aminin man o hindi isa sa gusto natin ay ang agarang may makitang pagbabago pero tanong lang, saan nagsisimula ang pagbabago? Kung tayo mismo hindi nagbibigay ng espasyo para sa pagbabago bakit pa maghahanap diba?ang punto dito, hindi lang ang nasa puwesto ang may responsibilidad, ako, ikaw at lahat ng Pilipino.

Hawak natin ano ang mangyayari, kung titingnan ilan lang ba ang president? Ang bise-presidente? Kumpara sa ilang milyong populasyon ng mamamayan. Tuldok lang sila sa pangkalahatan, kung tatayo ba ang presidente sa kumpol ng milyong-milyong tao makikita pa? hindi diba? Pero ang karamihan ang nagpataas sa kanya para maiupo sa pwesto, ganun ang kapangyarihan ng karamihan.

Bago pa lumihis ang mga sinasabi ko, ibabalik ko ulit sa totoong direksyon ang pagtipa ko. Ang sa akin lang naman ay wag husgahan ang pangkalahatan, responsibilidad ng bawat isa ang anumang salita na lalabas sa kaanya-kanyang bibig, hangga’t hindi pa alam kung ano ang istorya sa likod ng nakikita wag munang magsalita. Bow!

sa mga kamay ng papel

sa mga kamay ng papel

May sugat ang kamay ko. Hindi malaking sugat, kunting hiwa lang kaso mahapdi dahil binuhusan ko ng alcohol yon kase ang sabi ng ka-opisina ko.

Ang hindi ko lang talaga matanggap ay ang nakasugat ng kamay ko, hindi tao, hindi kutsilyo at lalong hindi gawa sa metal kundi papel, oo PAPEL..sa lahat-lahat ba naman simpleng bond paper lang kaya na akong sugatan.. walastik!

Nakatanggap pa ako ng kantiyaw sa mga kasama ko, halatang-halata daw na wala man lang mabigat na trabaho akong ginagawa. Kahit anong sabi ko na di totoo ang sabi-sabi na kapag manipis ang mga kamay wala nang trabaho ayaw nilang maniwala, lokohin pa daw sila eh lahat sila matanda na.. kay ok ok! Back-out di na ako makikipag-argumento.

Pero dito, gusto kong sabihin na hindi totoo yon, oo manipis ang mga kamay ko, at umiiwas akong hawakan ng ibang tao ito dahil mabubuntis ako.. joke lang! hehe, iniiwasan kung hawakan ng iba kase alam na alam ko agad ang sasabihin. Isa lang ang masasabi ko, kaya kong patunayang mali ang alamat na pag manipis ang kamay walang ginagawang gawaing bahay.

ikaw, manipis din ba mga kamay mo? BOW!

balik sa dati

balik sa dati

Kapag lungkot-lungkotan ang tao madaling magbasura ng kung anu-anong shit dito sa kwadradong mundo.

Ano nga ba naman ang laban ng keyboard sa mga daliring may isip. Syempre wala. Umaayon lang ayon sa dinidikta ng taong pipindot sa kanya.

At masarap umastang marunong kang magsulat na para bang ang naitipa mo ay malaking tulong para pigilan ang pagbabago ng mundo. Wari ba’y ikaw ang nakakaalam ng lahat at ang mga babasa ay susunod sa mga sinasabi mo. Syempre likhang isip ko lang yan. Sino ba ako para paniwalaan mo, isang malaking kalokohan minsan na maniniwala tayo sa kung anong nababasa lang. Mas lalo pag iniisip mong kilala mo na agad ang taong nasa likod ng mga salita kase ang totoo, maaring totoo ang sinasabi nya dito o kaya piniling nyang magtago sa mga masasayang salita.

Masarap maging anonymous, at ngayon ko lang naisip yon.

Walang taong dapat i-please kase di ka naman nila kilala.

Pero masaya parin ang makahanap ng ilang taong nagiging kaibigan, mas madaling i-share ang isang parte na di mo naipapakita sa totoong buhay. Mas madaling magpakita ng kahinaan dahil di naman nila alam ano ang role na ginagampanan mo sa istorya ng totoong buhay.

Kaya nga pag nagbukas ang isang tao ng pintuan para masilip mo ang mundong ginagalawan nya, pag-ingatan yon, kase ilang beses na pinag-isipan at sinusubukang pandayin ang hagdanan ng respeto para makabuo ng tiwala.

Namiss kong tumipa ng ganito, promise! :)